CHAPTER 40: The Naked Truth
BROOKE ESGUERRA
Napagpasyahan kong umakyat sa ikalimang palapag. I wanted to get some air. It's suffocating to be just inside that small room. Narating ko ang ikalimang palapag at bumungad sa akin ang panaka-nakang hampas ng hangin. I suddenly wished I brought the blanket with me. Sobrang lamig dito sa itaas.
Naglakad ako papunta sa bandang dulo ng palapag para dumungaw sa kagubatan. I was also waiting for Blair and others' return. 2 hours had already passed since their departure. Naihiling ko na sana ay maging ligtas ang paghahanap nila ng mga makakain namin. Naroon si Maru, Liam at Simon kaya sigurado akong mapo-protektahan nila si Blair.
I wondered as I looked over the forest beyond me, what happened to Celaena? Nasaan na kaya siya ngayon? I believe Blair when she said they both got separated. Kaya naman umaaso akong one of these days, magpapakita si Celaena at mahahanap niya itong gusali namin. Our temporary shelter.
How many days had passed every since the accident happened? Three? Four? Hindi ako sigurado. I wasn't able to track the time. Ni wala akong ideya kung gaano na kami katagal nananatili rito sa gusaling ito. I realized I didn't care anymore. Hindi iyon ang importante ngayon.
When I looked down, I saw a familiar figure. Si Auntie Carmen iyon. I wasn't shocked to see her anymore. Parati ko na silang nakikita ni Uncle Gerry sa silid ko, mataman lang akong pinagmamasdan. Hindi ko alam kung ano na ang tunay at peke simula nang magpakita sila sa akin. I could see their shadows kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maniwalang baka totoo sila. Na naroon talaga sila sa loob ng silid ko. Katulad ngayon. Auntie Carmen seemed real. Nakikita ko nang malinaw ang anino niya. She was beckoning for me to come with her. I felt drawn to her. Humakbang ako palapit sa precipice ng palapag. Pero tila wala akong makitang iba, tanging ang maamong mukha lang ni Auntie Carmen habang pilit niya akong pinalalapit sa kanya.
Dahan-dahan ay naglakad na siya pabalik sa kagubatan. And I felt the need to follow her. Kaya umisang hakbang pa ako pero nanlaki ang mga mata ko nang wala na akong matapakan. Nahigit ko ang hininga ko nang makita kung gaano kalalim ang pagbabagsakan ko. I lost my balance and almost thrown myself off the building when someone grabbed my arm. Unfamiliar hands pulled me into a tight hug.
"Brooke, what were you doing there?" boses iyon ni Kaleon. "You almost killed yourself!"
Naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Hinayaan ko iyong bumagsak pababa sa aking pisngi. "I-I'm sorry…" ang tanging nasabi ko.
"Please don't do that again," anas niya at hinagksan ako sa aking noo.
"I won't, I promise," sabi ko.
*****
Hinatid ako ni Kaleon sa silid ko kahit na nagpupumilit akong hindi ko kailangang magpahinga. But he insisted that I should go get some rest. Makakatulong daw iyon. Sinabi niya ring mananatili raw siya sa labas ng silid ko para kung sakaling may gusto raw akong gawin, sasamahan niya ako. And I let him stay. I wanted him to be in the room with me but I didn't ask him to. I feel like Kaleon was scared of me kaya mas ginusto niyang manatili na lang sa labas kaysa rito sa loob ng silid ko.
Naiiling na humiga ako sa kama. Dust floated in the air as I pulled the blanket onto my body. Maybe Kaleon thinks I'm suicidal kaya gusto niya akong ikulong dito sa silid—so that I won't be able to harm myself or anyone else.
Hindi ko mapigilan ang isip ko na pilit at paulit-ulit na bumabalik sa gabing inilibing namin ni Kaleon ang dalawang katawan. Na tila ba isa iyong video na walang-tigil na nagpe-play sa utak ko. Natatakot akong pumikit dahil sa sandaling ipikit ko ang mga mata ko, muli iyong babalik sa isip ko. There are times that I dream of being in that coffin. Trapped and unable to move. Alam kong nasa pinakailalim ako ng lupa. Hopelessness courses through my body whenever I dream that kind of scene. Iyong klase ng kawalan ng pag-asa na parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema mo. Until there's nothing left in you—nothingness. Iyon ang tamang explanation sa nararamdaman ko tuwing sinusubukan kong matulog.
I wonder if what Kaleon is currently feeling. Nasisiraan din ba siya ng bait kagaya ng nararamdaman ko? Hindi rin ba siya makatulog kahit pinipilit niya ang kanyang sarili kagaya ko? Siguro ay hindi. He didn't know Auntie Carmen and Uncle Gerry like I did. Nakasama ko silang dalawa hindi kagaya niya. Estranghero lang para kay Kaleon ang dalawang katawang nilibing namin sa likod ng bahay.
I'm forcing myself to believe that they both deserved it—their deaths. Uncle Gerry had started raping me the minute I stepped into their lives. And I knew that Auntie Carmen had probably already knew about it. She just didn't let herself believe it. Masyado niyang mahal si Uncle kaya nabubulag siya sa mga ginagawa nito. Should I still call Uncle even after after everything he had done to me? No, I shouldn't call him by his name. Hindi niya deserve iyon. He's a monster. A fucking sexual predator. Napaisip ako kung ilan na ang mga babaeng nagalaw ng lalaking 'yon. I felt sorry for them.
Somehow, may parte sa pagkatao ko ang masaya dahil natuldukan ko na panggagahasa ng lalaking 'yon. I ended it by killing him. And in the process of doing so, I also killed my Auntie Carmen. Did she really deserve it? O baka pinaniniwala ko lang ang sarili ko para mabawasan ang konsensya ko?
I thought that if that man was gone in my life, I would be happy. Ngayong wala na talaga siya, bakit ko nararamdaman itong konsensya at pagsisisi? Bakit hindi ko magawang maging masaya? Because you killed two people and buried their bodies. Hinayaan mong madamay si Kaleon sa krimeng ikaw mismo ang gumawa, sagot ng isang bahagi sa isip ko. Poor guy.
Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal nakahiga lang sa kama ko, lost in my own thoughts. I decided to stand up to stare out the window. At may narinig akong boses na nakapagpatayo sa balahibo ko.
"Save me, Brooke… save me…"
Noon ko nakita ang isang kamay na pilit tumataas mula sa ilalim ng lupa na para bang inilibing ang katawan niya roon.
"Brooke… help me…"
Boses iyon ni Auntie Carmen. Napalingon ako sa pinto ng silid ko at dumako roon. Pinihit ko pabukas ang seradura at dahan-dahang lumabas. Nakita kong tulog si Kaleon sa gilid ng pinto. Dumeretso ako pababa ng hagdan. Kailangan kong isalba si Auntie Carmen, sabi ko sa sarili ko. Maybe I can undo the things I did to her. Maybe then I'll be able to forgive myself.
"Brooke, nagmamakaawa ako…"
Mas binilisan ko pa ang pagbaba sa hagdan. Nang marating ko ang unang palapag, humahangos na lumabas ako ng gusali. I quickly headed for the back of the building, kung saan ko nakita ang kamay. Sigurado akong kamay iyon ni Auntie Carmen. She wants me to pull her off the ground. Buhay pa siya! Narating ko ang likod na bahagi ng gusali at muling nakita ang kamay. Patakbo akong lumapit doon at tama nga ako. Kamay nga iyon ni Auntie.
Gamit ang dalawa kong kamay, sinimulan kong hukayin ang lupa na nakapalibot sa kamay.
"Bilisan mo, Brooke. Nauubusan na ako ng hininga…"
Naramdaman kong lalo pang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Mas lalong kong binilisan ang paghukay. Pero tila ba walang nangyayari dahil parang hindi nababawasan ang lupa. But I kept on digging the earth, hoping this time, I could save her.
"Brooke," someone called out from behind me. Boses iyon ng lalaki. "Brooke, what are you doing?"
Hindi ko siya nilingon. Wala nang oras. Naramdaman kong nanuot na ang basang lupa sa ilalim ng mga kuko ko. But I didn't care. I need to save Auntie Carmen. I need to say sorry to her. Baka sakaling mapatawad niya pa ako.
"Brooke!" halos pasigaw na sabi ng boses sa likod ko.
"I-It's…" hindi ko namalayang nanginginig na rin pala ang bibig ko. "It's Auntie Carmen. I-I… I need t-to save her."
Naramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na humawak sa braso ko. Marahas ko iyong pinalis. Tears started streaming down my cheeks. Using the back of my hand, I quickly wiped it away. Hindi ako puwedeng magsayang ng oras.
Muli ulit akong hinawakan ng taong nasa likod ko. "Brooke, ano ba? Tangina naman, oh!" buong lakas niya akong hinila patayo. Mahigpit niya akong niyakap pero pilit akong kumakawala. "Brooke, please!"
Nang magtaas ako ng tingin, si Kaleon iyon. Was he crying? I could see tears rolling down his cheeks. Pero hindi siya ang importante ngayon. Si Auntie Carmen ang kailangan kong isalba.
I touched his cheeks, wiping his tears away. He had this pained expression that made me want to kiss him. "I need to save Auntie Carmen, Kaleon," halos pabulong na sabi ko sa kanya. "Let me save her."
Umiling siya at muli akong niyakap. "You're just having a bad dream, Brooke. P-patay na ang Auntie Carmen mo. I-I killed her…"
Ako naman ang umiling. "I know that, Kal! Pero binigyan niya ako ng second chance para maitama ang pagkakamaling nagawa ko. Dinamay lang kita," sabi ko.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya. "Brooke, hindi mo alam ang sinasabi mo," aniya.
Kumawala ako sa yakap niya at pinilit siyang tingnan ako sa mga mata. "This is real. I think she's ready to forgive me, Kal," hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinila siya palapit sa hinuhukay kong lupa. "Tingnan mo. Kamay 'yan ni Auntie—"
Napipilan ako nang muli ko iyong tingnan. Wala na ang kamay roon na kanina lang ay naroon. Where did it go? Dagli akong napaupo sa lupa at muling hinukay ang puwesto kung saan ko nakita ang kamay ilang segundo lang ang nakalilipas. Sigurado akong totoo iyon. Hindi ako namamalikmata lang. What I saw was real, I was sure of it.
"Auntie Carmen!" I shouted. "Auntie, nasaan ka?"
Hinigit ni Kaleon ang braso ko pero pilit ko iyong iwinawaksi. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko at pinulupot ang kanyang braso sa aking katawan. I realized I was sobbing and screaming my Auntie's name. Hinayaan kong pumaloob sa yakap ni Kaleon.
"It's n-not real, Brooke," aniya at hinimas ang buhok ko. "She's not real. She's dead. Inilibing na natin ang katawan niya," dagdag niya. Kinuha niya ang isa kong kamay at inilapat iyon sa pisngi niya. "I'm real, Brooke."
I stared into his eyes, believing each word he had said.
"I-I believe you," ang tanging nasabi ko.