CHAPTER 37: Kill or Be Killed
BLAIR WADSON
Anak, if you find yourself in a bad situation, ako ang una mong tatawagan, ha? I remember my mother said to me while we were washing dishes one time. Ako ang naghuhugas ng mga plato at siya naman ang nagpapatuyo niyon gamit ang towel. I was a ninth grader that time. Halos lahat kasi ng anak ng mga kakilala ni Mama are either nagsisigarilyo, nagda-drugs o nasa rehabilitation center. I usually get that kind of discussion with her whenever she just came back from a reunion party with her best friends.
I wish she's here right now to say that to me. Pero wala siya rito.
Mabilis kong hinanap ang mga mata ni Maru but he's just as clueless as we are. His face is glistening with sweat and so is Simon's. Wala kaming narinig na sigaw mula sa labas. Nakalabas kaya ng ligtas si Liam? I can feel my heart constricting. Nahihirapan akong huminga. It's as if the oxygen in the atmosphere are suddenly gone. Naramdaman ko na lang ang braso na pumulupot sa 'kin.
Nang tingnan ko kung sino iyon, it's Maru. Hindi ko mahanap ang tamang salita na magde-describe sa ekspresyon ng mukha niya. Scared? Worried? May bahagyang kunot ang noo niya habang alertong tumitingin sa bawat bintana.
"I'm sorry, Blair. Dapat hindi na kita hinayaan pang sumama sa 'min."
I shake my head. "No, ako ang may gusto nito. You shouldn't blame yourself."
"Makakaalis tayo rito ng ligtas, I promise."
Promise… hindi ko alam kung panghahawakan ko ba ang salitang iyon o hindi. But I have no other choice. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay umasa kay Maru na makakaalis kami rito nang ligtas. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Hindi ako iiyak ngayon.
Huminga ako nang malalim at tumango sa kanya.
Minutes passed by… I can still hear the creature's footsteps outside. We are like preys trapped inside a cage and a predator is waiting for us out there. It's either run for it or stay and be killed.
Lumipas ang ilan pang minuto nagsalita si Simon. "Wala na akong marinig sa labas. We should grab this chance to run."
Saglit iyong pinag-isipan ni Maru bago siya bumaling sa 'kin. "Makakatakbo ka ba nang mabilis?"
I quickly nodded my head at him. Hindi ako mabilis tumakbo pero sa tingin ko ay makakasabay ako sa kanilang dalawa. Mahigpit kong hinawakan ang patalim sa kamay ko, the only useful thing I have with me.
Naghanap si Maru ng malalabasang bintana. Ang sabi niya ay hindi kami puwedeng lumabas ng bintana na pinaglabasan ni Liam kani-kanina lang dahil sigurado raw siya na doon mag-aabang ang kung ano mang hayop ang nasa labas ng bus. I get his point and he's right. Itinuro ni Maru ang bintana sa pinakadulong parte. We crawled our way towards the said window.
"Kapag lumabas na kayo, don't wait for each other. Run as fast as you can, okay?" halos bulong na sabi niya. "Don't look back."
I find myself nodding.
"Okay, go," aniya.
Unang lumabas si Simon. Hindi na ako pinaghintay ni Maru at pinalabas niya rin ako agad. When I stepped outside, coldness crept up my skin. Mabilis kong hinanap ang tinahak ni Simon na direksyon pero hindi ko na siya makita.
Narinig ko ang pagkulog ng langit. Just as I tilted my head to look up, thick icy sheets of rain obscured my vision. Nagsimula nang bumuhos ang ulan kasabay ng pagkulog at malamig na hangin. Wala akong makitang pigura sa ulan. Then I remembered what Maru said to us, Don't wait for each other. Run as fast as you can.
Mabilis akong tumakbo, hindi alam kung saan ako patungo. Don't look back.
Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa makapasok na ako sa kagubatan. The trees offered no shelter. Hindi ko na alam kung umiiyak ba ako o dahil lang sa ulan. Bumalot ang matinding takot sa sistema ko at nanatili lang doon. Wala akong makita, tanging ang mga katawan lang ng puno. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.
"Simon!" sigaw ko, kahit na alam kong imposibleng may makarinig sa akin.
Dapat hinintay ko si Maru.
Nagpaikot-ikot ako sa puwesto ko, trying my best to find someone. Pero wala talaga akong makita. Nagsimula nang manginig ang katawan ko. Hindi kinakaya ng katawan ko ang lamig. Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa patalim.
"Maru!" muli kong sigaw. "Simon!"
Naglakad-takbo ako at patuloy sa pagsigaw ng kanilang mga pangalan kahit na alam kong useless iyon. Then I heard a growl from somewhere. Awtomatikong umikot ang paningin ko sa paligid. Malapit iyon sa akin.
Nagmamadaling humanap ako ng mapagtataguan. With the heavy downpour, it's impossible to find one. Pero sinubukan ko pa rin. Hinanda ko ang patalim sa kamay ko. Hindi ko alam kung kailan susugod ang kung ano mang nilalang na iyon sa 'kin.
He can eat me right now. Mahina ang katawan ko dahil sa malamig na temperatura.
Hanggang sa may nakita akong grupo ng mga maninipis na puno na nakapaikot. I can get myself in there. Without hesitation, I ran towards it. Pinasok ko ang sarili ko sa loob niyon. I can still see through the space between the trees around me.
Nasaan si Maru? Si Simon? Si Liam?
I glanced sideways. "Maru!" mas nilakasan ko pa ang boses ko, hoping he would hear it. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Simon! Maru! Please…"
Napaupo ako. I buried my face in my hands.
"I'm scared…" bulong ko.
The rain doesn't falter. I was not sure anymore how many hours had gone by. Nakaupo lang ako roon habang patuloy sa pag-iyak. Nasaan na sila Maru? Should I have kept running? No, it's not safe anymore. Pero baka umalis at nagtago na ang nilalang na iyon. But still, I'm not sure.
"Blair!"
Napatayo ako nang marinig ko ang boses niyon. The voice sounded like Liam. Pero bakit hindi pa siya nakakalayo nang tuluyan? Siya ang unang nakalabas kanina. I waited for the same voice again but it didn't come. I was thinking of shouting back, to let him know that I was here, trapped.
I was about to get out of my hiding spot when I heard the same growl again and heavy, slow footsteps against wet earth. I listened closely to the sound. Pinaiikutan ako niyon. I covered my mouth using my hands and stifled a cry. Why the fuck are you crying right now, Blair?
Hindi ko na mapigilan ang pag-alpas ng luha ko, na para bang sumasabay iyon sa mabibigat na patak ng ulan. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa patalim na gawa sa kahoy ni ibinigay ni Maru. This was the only thing that could save me right now.
Then I heard the same voice again. "Blair, Maru! Simon!" Sa tantiya ko, hindi iyon gaano kalayo sa puwesto ko. Now I was sure it was Liam's voice. I had to let him know…
"Liam! It's Blair, I'm here!" umasa na lang ako na narinig niya iyon sa kabila ng mabibigat na buhos ng ulan.
Unti-unti nang lumalapit ang yabag ng nilalang sa puwesto ko. Fuck it, I have to run, I told myself. Huminga ako nang malalim.
Lumipas ang ilang minuto at nanatili pa rin akong nakaupo sa puwesto ko. Like a prey, waiting for it to be teared apart by the predator. Then there was a growl again. And I knew at that moment I had to run for my life. Wala na akong ibang choice. Tumayo ako at isiniksik palabas ang sarili ko sa mga maninipis na punong nakapalibot sa 'kin. Minanmanan ko ang paligid ko pero wala akong maaninag na kahit anong pigura.
"Liam?" I called out again.
Pero wala nang sumagot. Nagpasya na akong tumakbo. And so I did. I ran as fast as I could, to the opposite direction. Nararamdaman ko ang pagtalsik ng mga putik sa katawan ko but I didn't care. I had to get as much distance as I could. For all I know, triple ang bilis ng nilalang na iyon sa 'kin. At noon ko narinig ang mga mabibigat at mabibilis na mga yabag sa kanan ko. Then I saw its figure. It looked like a jaguar at first. A black silhouette was running a few feet away to my right.
Hindi ko napansin ang isang pigurang nasa harap ko dahil nasa gilid ang tingin ko. Bumangga ako sa matigas na bagay at bumagsak ako sa maputik na lupa.
"Blair, it's me," anang boses at tinulungan akong tumayo.
When I looked up it was Liam. Mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot na bumalot sa sistema ko. I quickly let go of him. "Where's Maru and Simon?" tanong ko sa kanya. Nagpalinga-linga ako sa paligid namin pero wala na ang pigura ng nilalang na tumutugis sa 'kin kani-kanina lang.
Nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko. Liam shook his head. "I-I don't know. Hindi ko sila nakita."
As if on cue, two bodies emerged from behind him. Si Maru at Simon iyon. Humahangos silang naglakad palapit sa 'kin. Hinila ako ni Maru payakap. I felt the warmth of his body. "You're safe," hinihingal na sambit niya. "You're safe."
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago niya ako pinakawalan. "I-I'm sorry," tila nahihiyang sabi niya at humakbang paatras sa 'kin.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Liam at Simon. Nagtatakang nakatingin lang sila sa 'min.
"We should go," ani Liam.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad ulit. Bahagya nang humina ang ulan.
The familiar sound came from somewhere. It was the same growl. Natulos kami sa kinatatayuan namin at napatigil sa paglalakad. Awtomatikong tiningnan ko ang paligid namin. At mula sa palumpon ng mga halaman, may lumabas na isang pigura. The monster was an expert on all fours—it was a black jaguar. I was right. Two golden eyes were staring right back at us.
Narinig kong napamura ng malakas si Liam. Isa-isa naming inilabas ang aming mga patalim. I knew at that moment, it was nothing compared to the predator in front of us. Mataman lang itong nakatitig sa amin, minamanmanan ang bawat galaw namin. Umangil ito at dahan-dahang naglakad palapit sa amin. We stepped back as the creature slowly walked towards us.
"Should we run?" narinig kong bulong ni Simon.
Sigurado akong hindi kami makakalayo agad. We would be dead before we even turn to run.
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa handle ng kahoy na patalim. Kahit na apat kami at mag-isa lang ang nilalang, hindi namin iyon magagawang patumbahin. This creature was trained to be in the wild. Sa isang iglap lang, babagsak na ang mga katawan namin dito bago pa namin magawang sugatan ang nilalang. Hindi ko alam kung ano dapat ang una naming dapat gawin. Running is not option. But fighting is. Iyon na lang ang natitirang puwede naming gawin.
Mabilis na nangyari ang lahat. Before I could turn my head to glance at Liam, he was already sprawled on the ground. An ear-splitting scream came out from his mouth as the creature bit his neck to pieces. Wala nang nagawa si Liam kundi ang hayaan ang nilalang na lapain ang kanyang katawan ng buhay. Maru was the first one to move. Ibinaon niya ang patalim na hawak niya sa nakatalikod na nilalang. The creature howled in pain but it didn't stop it. Dagli itong humarap sa direksyon namin.
Maingat na tinahak ni Simon ang gilid at si Maru naman ay naglakad sa kabilang bahagi. We were encircling the creature, I realized. Inisa-isa kaming tiningnan ng nilalang, maiging sinusuri ang susunod naming gagawin. The creature seemed to have its own mind. Na parang nakakaintindi iyon. I held my wooden knife in front of me.
"Simon," tumango si Maru sa direksyon ni Simon at tumango lang din pabalik si Simon na tila naiintindihan ang ibig sa bihin ni Maru. Bumaling siya sa 'kin. "Blair."
Sa nanginginig na katawan, nagawa kong tumango sa kanya. We all screamed as we ran towards the creature. Walang kalaban-laban na tumalsik ang katawan ni Simon sa kabilang puno nang sipain siya ng nilalang. I was able to thrust the knife on one of its legs. Si Maru naman ay sinipa ang isang paa ng nilalang na nagpatumba rito. I didn't wait for another second. Mabilis na tinanggal ko ang nakabaong patalim sa isang hita ng nilalang at muli iyong ibinaon sa bandang dibdib niyon. But I didn't stop there. Muli kong hinugot ang patalim at muli iyong ibinaon sa dibdib niya nang walang habas.
Maru was on top of the creature, doing the same. He was screaming as he thrust the knife with all his force deep into the creature's body. Malakas na umungol ang nilalang. With all its remaining strength, the creature pushed us away from it. Marahas akong bumagsak sa maputik na lupa. I quickly sat up and stared as the creature tried to stand up. Iika-ika itong tumayo at matalim na tumingin sa direksyon ko.
Noong una ang akala ko ay tatalon ito palapit sa katawan ko pero naunang kumilos si Maru at patalong itinapon ang sarili niya sa katawan ng nilalang. They both fell hard on the ground. And with one last thrust, Maru buried his wooden knife into the creature's eyes. Nanginig ang nilalang bago iyon tuluyan nang namatay. Sumirit ang sariwang dugo sa damit ni Maru. Nanghihinang ibinagsak niya ang sarili sa lupa.
Marahas akong napabuga ng hangin. Nagawa naming patumbahin ang nilalang. Bumaling ako kay Liam at natagpuan ang kanyang katawan na nakahiga sa sarili niyang dugo. I knew from the look on his eyes that he was already dead. Gumapang ako palapit sa katawan niya. The creature's bite was so fatal. Halos makita ko na ang laman-loob ng kanyang leeg. Patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo mula sa leeg niya. Napapikit na lang ako at sinubukang takpan ang naka-awang na sugat niya. But I know it was useless. Alam kong patay na siya.
"M-Maru…" halos pabulong na sabi ko. "S-si… Liam…"
Naramdaman ko na lang na may humila sa akin patayo. Masyado akong nanghihina para kumalas sa higpit ng pagkakahawak ng mga kamay niya. I realized it was Maru. Hinayaan ko siyang hilahin ako patayo.
"H-he's dead…" sambit ko at nagtaas ng tingin sa kanya. "Maru, L-Liam's dead!"
Nagbaba siya ng tingin at inalalayan akong maglakad. "I know," ang tanging sinabi niya.
Tumigil ako sa paglalakad at inapuhap si Simon. Mabilis na hinawakan ni Maru ang magkabilang pisngi ko. "Don't look," aniya na nakatingin sa mga mata ko.
"Where's Simon?" sa halip ay tanong ko.
"Umalis na tayo rito, Blair," sabi niya.
"Where's Simon, Maru? Where is he?" nagmamakaawa ang boses ko.
Umiling lang siya. His answer was enough for me to understand that Simon was also dead. Marahas kong pinalis ang kanyang mga kamay sa pisngi ko at pumihit patalikod. And there Simon was. Nakasabit ang kanyang katawan sa sanga. Tumagos ang sanga sa bandang dibdib niya. I could see blood trickling from his body. Nakatungo ang ulo niya.
Naramdaman ko na lang ang panlalambot ng mga tuhod ko at bumagsak ako sa putik. I stared numbly at Simon's body from a tree branch.
And all I could say was, "I'm sorry."