CHAPTER 36: Coming Back Was a Mistake
BLAIR WADSON
Nang magising ako kinaumagahan, nabungaran ko si Brooke sa kabilang kama na nakatitig lang sa kisame. She looked like she didn't get any sleep last night. Bahagya akong nakaramdam ng pag-aalala para sa kanya. I heard her muttering the words "I'm sorry" many times. But I thought she was just having some nightmares kaya binalewala ko iyon. Pero may kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa kisame. She was staring at it as if she was looking at something I was not seeing.
"Brooke?" untag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakadikit ang kanyang tingin sa kisame. Tumayo ako at umupo sa kama niya. "Brooke?" muli ay tawag ko sa pansin niya.
Kumurap siya ng ilang beses na parang nagising siya sa isang panaginip. "H-ha?" she asked.
"Okay ka lang?"
Tumango siya at pilit akong nginitian. "I'm fine," she said, taking my one hand and gently squeezing it. And just like that, she seemed like her old self again. Umupo siya habang hawak pa rin ang isa kong kamay. "I heard from Kal na sasama ka kila Maru ngayong araw?"
"Uh, yeah," sagot ko. "Do you want to come with us? I think it will be fun. Na-miss kaya kita."
Hindi ako sigurado pero may emosyong dumaan ng saglit sa kanyang mga mata—lungkot at takot. Pero mabilis ding nawala iyon. "No, I think I'll just stay here. Maghihintay na lang ako ng pagkaing dadalhin n'yo. I'm too tired," natatawang sabi niya. "Anyways, I want to tell you something."
"Go, spill," udyok ko.
Kinikilig siyang ngumiti sa 'kin. "So, last night, Kal and I…" she bit her lower lip. "…did it."
Natutop ko ang bibig ko at impit na napatili. I know what she means. Mabuti na lang at hindi agada ko pumasok sa kuwarto niya kagabi. That would have been really awkward. "Oh, God, Brooke," sabi ko.
"I know!" nakangiti pa ring sabi niya. "I mean, I just lost my freaking virginity last night and it was the most…" napabuga siya ng hangin. "…satisfying thing?"
Napanganga ako sa salitang ginamit niya. "Brooke! You didn't just say that word!" hindi ko na rin mapigilang matawa. "Gaga ka!"
"What would Celaena say if she was here?" malungkot ang boses na tugon niya. "I think she'll just tell me how much slut of a person I am."
Natatawang tumango-tango ako. "Yeah, she would definitely say that," sabi ko. "I'm happy for you? Ugh, hindi ko alam ang dapat kong sasabihin sa 'yo."
She only laughed and shook her head. "You don't need to say anything. I'm so freaking happy you're here, Blair," aniya.
Nagbaba ako ng tingin nang bigla kong maalala ang nangyari kay Celaena. What I did to her. Ipinilig ko lang ang ulo ko, sinusubukang alisin ang isiping iyon. Nang magtaas ako ng tingin, nagbago na ang ekspresyon sa mukha ni Brooke. She was looking at something behind me. Nakapinta ang takot sa kanyang mukha.
"Brooke?" untag ko sa kanya.
Sa nanginginig niyang mga labi, pinilit niyang ngumiti. "B-be safe out there, Blair. I'll see you later."
Nagtataka man, tumango ako sa kanya at naglakad na papunta sa pinto. Lumingon ako sa paanan ng kama kung saan siya nakatingin pa rin. There was nothing unusual there. But she was acting like she was seeing something there. Napakunot ang noo ko. "Brooke, I'll see you later, okay?" nagaalalang sabi ko.
Isang maliit na tango lang ang isinagot niya sa 'kin. Pinihit ko na pabukas ang seradura at lumabas na ng kuwarto. Nag-aalala ako para sa kanya. Why was she acting strange? Dala ng gutom? We haven't eaten anything since the accident happened. Baka iyon ang dahilan.
If this was one of those normal days, I would have been going downstairs to have breakfast but it's not. Bumaba ako ng hagdan para sumama kay Maru na kumuha ng makakain namin. At hindi ito isa sa mga tipikal na araw ko. This was different. Hindi ako lalabas ng building na ito para pumasok sa Ellis High. Lalabas ako dahil kailangan naming maghanap ng pagkain para maka-survive.
Nang makababa ako, nasa pinto na si Maru kasama sina Liam at Simon na nasa likuran niya. May hawak silang mga kahoy na inukit sa disenyo ng isang patalim. I think it's sharp enough. Kahit na hindi maayos ang pagkaka-ukit doon, alam kong sapat na iyon para makasugat. Inilahad ni Zach ang isa sa 'kin. Tinanggap ko iyon.
"Salamat," I mumbled.
He merely smiled and walked outside with the other two. Sumunod lang ako sa kanilang tatlo. Nakita kong busy sila Evangelyn sa pag-uukit ng mga kahoy sa bandang gilid ng abandonadong hotel. Nang magtama ang tingin namin, mabilis akong nag-iwas.
Nilakad namin ang mahabang sementadong daan hanggang sa magtapos iyon at nagpatuloy na ang tuyo na lupa. Wala akong bitbit na kahit ano tanging ang patalim na kahoy lang—my only weapon. But somehow, I felt safe with these guys. Hindi dahil malalaking tao sila, they just made me feel safe enough that it made me think that I wouldn't be needing this weapon I have with me. Strange, right?
Pumagitna ako kay Liam at Simon. While Maru is leading the way. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung may destinasyon ba kami.
Bumaling ako kay Liam. Medyo matangkad siya at may kapayatan samantalang si Simon naman ay kabaligtaran. Kaunti lang ang itinaas niya sa akin at malaki ang kanyang katawan. "Saan tayo pupunta?"
Nagkibit-balikat si Liam. "Wala kaming exact destination kahapon kaya sigurado akong gano'n din ngayon."
Sumingit si Simon. "Maru suggested that we should go back to the bus."
"Mas madami raw kasi roong tsansa na makakuha kami ng makakain," Liam added.
Tumango-tango ako. "Pero hindi ba't delikado roon?"
"Yeah, if you're referring to those alien guys," nakangising tugon ni Simon.
Napakunot ang noo ako. Bakit nila tinatawag na "alien" ang mga hooded men na humahabol sa amin? Mukhang nabasa ni Liam ang ekspresyon sa mukha ko.
He grinned. "Hindi mo ba napansin, President?" bahagya akong nagulat sa tinawag niya sa 'kin. "Iyong katawan nila pang-outer space."
I still didn't get it. Bahagya kong iniling ang ulo ko. "I don't understand."
Simon sighed. "Napaka-perfect ng katawan nila at alam mo naman siguro na walang perfect dito sa mundo, unless you're referring to those people who had plastic surgeries."
"Uh dahil sa shape ng kanilang katawan, alien na sila?" sabi ko.
Si Liam naman ang napabuntong-hininga. "Let's just put it this way, President. Those guys are not human. They're not like us. Para silang…" he struggled to find the right word. "…robot, you get me?" when I nodded my head again, he continued. "Remember that time na bumagsak ang bus natin sa bangin? Hindi ako nag-atubiling tumakbo agad nang makita ko pa lang mga pigura nila, their body structure, everything about them just seemed so inhuman to me, kaya tumakbo ako nang tumakbo since alam kong wala naman talaga akong laban sa kanila."
Si Simon. "I did the same. And you know what? I remember that protest outside our school. It's about the New World Order."
Hindi lang pala ako ang nakapansin niyon.
"Yeah, I saw it, too," I simply said.
Naintindihan agad ni Liam ang ibig kong sabihin. "Right? And the way they moved, parang nasa trance sila, walang tamang pag-iisip. Like they're being controlled or something."
"Or maybe they are made that way."
Sabay silang napatingin sa 'kin. Amazed ang tamang word para i-describe ang expression sa kanilang mga mukha. "…sa tingin ko." I quickly added.
I awkwardly smiled at them.
"I strongly believe that the government has something to do with this," ani Liam.
Mas lalong kumakapal ang bilang ng mga puno sa banda rito. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad. I could feel sweat trickling down my face but I didn't feel tired. Nakakagaan ng loob habang pinagmamasdan ko ang mga matatayog na puno na nadadaanan namin. Bahagya niyong tinatakpan ang sikat ng araw. It was a beautiful sight. I wish I could live in this place forever but without this fear and hopelessness. Walang kasiguraduhan sa lugar na ito. All we could do was risk our own lives not thinking about where it might lead us—to safety or into danger.
It was strange not to see any life here—no visible living creatures. O baka nagtatago lang? I wasn't sure.
Sabay-sabay kaming napatda sa kinatatayuan namin nang makarinig kami ng ingay mula sa kung saan. It's not far from us. Gumalaw ang mga dahon sa kung saan. Hindi ko alam kung saan iyon eksaktong banda pero malapit iyon sa puwesto namin.
"Hindi lang ako ang nakarinig niyon, 'di ba?" ani Liam.
"Yeah I heard it, too," whispered Simon.
Dahan-dahang humarap si Maru sa amin. He glanced at me. "Don't make any noise. Let's move as quietly as possible," he said. Itinuro niya ang malapad na puno sa likod ko. "There."
I nodded at him.
Una akong pumunta sa likod niyon at sumunod sila. We waited for that same sound again. It didn't come, though.
Bumuga ng hangin si Liam. "Baka hangin lang."
"Well that's one hell of a wind, Liam." Simon answered.
Inilapat ni Maru ang hintuturo niya sa labi niya. "Quiet. It's still here."
Just after he said that, the leaves from our right ruffled again. Hindi iyon nilikha ng isang maliit lang na nilalang, sigurado akong malaki iyon. It made a wide space of movement. Malaki ang espasyong sinakop ng paggalaw niyon. My heart started to beat fast. Maybe I was wrong to say that there were no living things here.
"Ilabas n'yo ang mga patalim n'yo," Maru commanded.
Ginawa ko iyon. Inilabas ko iyon mula sa bulsa ng damit ko at mahigpit iyong hinawakan. I stared at it. I wished its sharpness would be enough to defend me from that creature. Naramdaman kong tumabi sa 'kin si Maru. "Hey, don't be scared," he whispered.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya. "H-hindi ako natatakot," pagsisinungaling ko.
He grinned at me. "Well, you're not a good liar," sabi niya.
"I'm not lying," I mumbled.
"Okay then," tanging sabi niya bago pinasadahan ng tingin muli ang paligid namin.
Lumipas ang lang minuto at wala na ulit kaming narinig na ingay. We started to walk again when we felt that it's safe to do so.
"Did you sleep well last night?" Maru asked.
Nagkibit-balikat ako. "Not really," I answered. Totoo iyon—well partly. Hindi na ako nakatulog kagabi dahil hindi na ako dinalaw pa ng antok kaya I spent a few hours of my night, lying there in my bed, staring at the sky, thinking of all my happy memories with my family and with Celaena. I don't think I will ever stop thinking about those things. Iyon na lang kasi ang mga bagay na nakakapagpagaan ng loob ko.
Umubo siya. "And why is that?"
Bahagya akong umiling. "Just… you know, things."
Tumango-tango siya, naiintindihan na wala akong balak na sabihin ang dahilan sa kanya. I don't want him to think of me as weak. Hindi ko alam kung pride ba ang tawag doon o ano, pero ayokong makita niya ang weak side ko. Tama. In this world we are in, you should only show your strong side, if you have one. And if you don't, you'll be referred to as a weakling—a prey in a world full of predators. Who would want that?
"So, uh nagugustuhan mo ba itong paglalakad natin?" I glanced at him amusingly. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso. He cocked one eyebrow. "What? Do I have something in my face?"
I rolled my eyes at him. "Ahm, nagugustuhan ko, Mr Alegria. Why, are you worried I would go back just because I'm tired or something?" when he doesn't answer I add, "News flash, hindi lahat ng babae ay katulad ng mga naging girlfriend mo."
"You mean, katulad ni Evangelyn?"
I shrugged. "Hindi ako ang nagsabi niyan."
I didn't expect him to chuckle. "No, Ms Wadson. I don't think of girls as weak."
Liar, gusto kong sabihin. But I find this conversation entertaining so I said, "Really, Maru?"
Narinig kong tumawa si Simon sa likuran namin. "Nanggaling ba talaga iyan sa King of Ellis High?"
Maru turned to his back. "Why does everyone call me that?"
"Because you are," sabad ni Liam.
They kept up with our pace so that they're closely behind us. Nabalot muli ng katahimikan ang kapaligiran. No one speaks, contented with the silence. Habang tumatagal napapansin ko na baka nga tama ako—na walang katapusan itong kagubatan.
Maru is the one to break the silence. "Wala akong nakikitang mga prutas sa mga puno sa banda rito. Where should we go?"
"Sa bus?"
Lahat kami ay napatingin kay Liam sa sinabi niya. "That will be dangerous, Liam. At alam mo iyon."
Nagkibit-balikat lang siya. "Pero alam n'yo rin naman na marami tayo roong makukuha, 'di ba?"
"Remains," sabi ko. "Sumabog na ang bus, 'di ba?"
Saglit na tumingin sa akin si Maru, probably weighing things. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Oo, delikado. Maaari tayong mapahamak but I'm willing to risk it," he turned to me. "Blair, maiwan ka rito kasama ni Simon. Liam and I will go there. Gumawa kayo ng ingay in case something happens, okay?"
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "No, Maru. Sasama ako sa inyo at hindi ko kailangan ng permisyon mo."
I walked past him. Mabilis siyang nakahabol sa 'kin. "Blair, you know it's dangerous. Just stay here—"
Pumihit ako paharap sa kanya. "Maru, I will go," madiin kong sabi.
Bahagya siyang umiling. "Okay then, if you insist."
*****
Ilang hakbang lang ang layo namin mula sa bus. All I can see are either black or ashes. But I know there must still be supplies inside. Sigurado akong may mga natirang bag sa loob ng bus. There has to be. Hindi puwedeng nasira lang ang lahat. Kaya umaasa akong hindi pa iyon nasunog kasama ng bus.
"Alright, here we are," said Maru. "Ihanda ninyo ang mga patalim n'yo."
Tumango kaming tatlo at sumunod sa kanya. Dahan-dahan naming hinakbang ang natitrang distansya hanggang sa tuluyan na namin iyong nalapitan. Bahagya akong yumukod para tingnan ang loob ng bus. And then my eyes spot it. Dalawang bag sa pinakadulong bahagi. There are no bodies. Abo na ang umokupa sa loob ng bus.
Unang pumasok si Liam na sinundan naman ni Simon, Maru at ako. Gumapang kami, maiging sinusuri ang bawat bag. May ilang nakuhang bagay si Simon at Liam. Wala akong nakitang bagay na may pakinabang at puwedeng dalhin sa building.
Umiiling na kinuha ko ang pinakamalapit na bag sa akin at maingat iyong binuksan. Bumungad sa akin ang abo. Napaubo ako.
"Nothing?" narinig kong sigaw ni Maru.
I shook my head. "Nothing."
Naramdaman ko ang pag-ugong ng bus at sumunod ang pagbagsak sa itaas ng isang mabigat na bagay. Parang tumigil saglit ang oras at hindi ako makagalaw. Using my eyes, I automatically searched for a nearest way out. Sa kaliwa at kanan ko ay natatabunan ng mga bato. Sumunod na narinig namin ay ang mga mabibigat na yabag. It had claws… Narinig ko ang talim niyon habang naglalakad sa itaas ng bus.
I had never been so scared in my life. Nang magtaas ako ng tingin, ang mga mata ni Liam ang una kong nakita. He's staring back at me and pointing at something beside me. Sinundan ko ang direksyon ng tinuturo niya. It was an open window. May mangilan-ngilang bubog doon pero sapat na ang espasyo para magkasya ang isang katawan.
Dahan-dahan ay gumapang siya papunta roon. Umiling ako sa kanya.
No, please, no, gusto kong isigaw.
Pero huli na dahil narinig ko na lang ang tunog ng basag na salamin at nakita ko ang pigura ni Liam na lumabas na ng tuluyan sa bintana. Natutop ko ang bibig ko.
"No," I whispered.