Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 37 - CHAPTER 35: Dead to Me

Chapter 37 - CHAPTER 35: Dead to Me

CHAPTER 35: Dead to Me

BROOKE ESGUERRA

It was an overhwelming feeling to finally see someone whom you'd been looking for. Hindi ko pa naramdaman ang ganitong klaseng saya nang makita ko si Blair kanina sa unang palapag. Her face was the same. And her warmth as she hugged me back tightly was a familiar feeling. Sobrang nagpapasalamat ako nang makita ko siyang buhay. I missed her so much at ganoon din si Celaena. I was expecting to see her enter the building next but it didn't happen. Ayon na rin kay Blair, they were parted. Sigurado akong nagawang makatakbo palayo ni Celaena. I know her enough. Ligtas siya sa kung nasaan man siya ngayon, sigurado ako roon.

Nagising ako nang marinig ko ang marahang paglangitngit ng wooden floor ng silid. Bahagya akong bumaling sa likuran ko at nakita ang pigura ni Blair na lumabas at isinara ang pinto. She went here without saying anything. Pero hindi ako nagpumilit na tanungin siya kahit pa na napakarami kong gusto itanong sa kanya. Pero napagtanto ko na kailangan niya pa ng oras para makapag-adjust. May tamang oras para sa mga tanong ko. Kaya hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa paligid namin kanina. The silence was comforting enough for the both of us. We remained just sitting, our presence was enough to bring comfort.

Umupo ako sa kama ko at napabaling sa labas ng bintana. Maliwanag ang buwan ngayong gabi ngunit wala akong maaninag na kahit isang bituin. It was a strange yet exquisite view. Something about the night sky always bring joy to my system.

Lumipas ang ilang minuto na nanatili lang ako sa ganoong puwesto nang biglang narinig kong bumukas ang pinto ng silid. When I turned my head, it was Kaleon. He looked normal now. Sinadya kong hindi siya pansinin kanina nang dumating sila nila John. I didn't want to arouse any suspicion between us. Malungkot akong ngumiti nang magtama ang tingin namin sa isa't-isa. I stood up from the bed. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kanyang leeg.

"Hey, how are you?" narinig kong tanong niya.

"I'm good," halos pabulong na sabi ko. I let him go so that I could look at his face clearly. He looked handsome under the pale moonlight. I had never seen his face this near. Kulay tsokolate ang kanyang mga mata. Mahulma ang kanyang pisngi at matulis ang kanyang jawline. "How about you?" balik-tanong ko.

He chuckled. "I'm very happy to know that you're safe, Brooke," aniya at marahang hinaplos ang isa kong pisngi. Napapikit ako sa sensasyong hatid niyon. Bakit napakalambot sa pakiramdam ng kanyang palad? And his smell, his familiar smell remained in his body.

Naramdaman ko na lang ang paglandas ng luha pababa sa malamig kong pisngi. I didn't want to cry in front of him again. Pero itong lalaking nasa harap ko ang sumagip ng buhay ko. Siya rin ang tumulong para takpan ang krimeng ginawa ko. Alam kong hindi iyon isang magandang bagay. But after that night, Kaleon had become someone special to me. Alam kong mukha akong baliw pero wala akong pakialam. May espesyal kaming koneksyon na hindi ko magawang ipaliwanag.

Sunod kong naramdaman ay ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Isa iyong matagal na halik. And it gave me a reassuring feeling that everything will be alright. Na wala akong dapat na ipagalala. Nang magtaas ako ng tingin, nakatitig pabalik ang kanyang mga mata sa 'kin.

"Kiss me," I whispered to him.

Sandaling bumakas ang pagkagulat sa kanyang mukha pero mabilis din iyong nawala. Dahan-dahan niyang tinawid ang natitirang distansya ng mga mukha namin. I felt his lips touched mine. Marahan ang paghalik niya noong una pero mabilis din iyong dumiin. His kiss quickly became a hard one. Mas lalong dumiin ang halik at naramdaman ko ang sarili kong nagpapatianod sa sensyasyong hatid niyon. I closed my eyes firmly as I felt one of his hands slowly crawled down to my leg. Pinigilan ko ang sarili kong mapaungol. Pinadaan ko ang mga daliri ko pataas sa kanyang batok at napakapit sa mahaba niyang buhok. Ang isa kong kamay ay tila may sariling buhay. Mabilis niyong tinanggal ang antipara sa mukha ni Kaleon. I heard him groan in between kissing me.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napasabunot ako sa buhok niya. He trailed kisses down to my chest.

And I heard myself whispering his name a couple of times. Napamulat ako ng tumigil siya sa paghalik sa bandang tiyan ko. Umayos siya ng tayo at mataman akong tinitigan. Matinding pangangailangan ang nakapinta sa kanyang mukha.

"Are you sure that you want to do this, Brooke?" he whispered, his voice deep. Tinabing niya ang ilang hibla ng buhok ko at maingat iyong inilagay sa likod ng tainga ko.

I put my finger on his lips. "I'm sure," paanas na sambit ko.

Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa kanyang mga halik. It was a strange and unfamiliar feeling to my system. But I let myself drown to its sensation.

*****

Hinihingal na ibinagsak ko ang katawan ko sa katawan ni Kaleon. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya habang malalim na humihinga. I had never felt this kind of happiness before with anyone. Inilapat ko ang isa kong kamay sa dibdib niya. It felt so good to be against the warmth of his body. Hinayaan ko ang sarili kong maging pamilyar sa init ng katawan niya.

"I love you," he blurted out.

Hindi ko napigilan ang sarili kong magulat sa sinabi niya. Mahal niya ako? That's impossible. Sinasabi niya lang ito ngayon dahil alam niyang iyon ang gusto kong marinig. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. I touched his cheeks as I whispered, "You don't love me, Kaleon."

Napakunot ang noo niya. "Mahal kita, Brooke. Mahal na kita," anas niya.

Muli akong umiling sa kanya. "Don't ruin this moment, Kal, please."

Gusto kong manatili muna sa moment na ito kahit ilan pang sandali. Gusto ko lang munang humiga sa kanyang dibdib habang pinakikinggan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. And I found myself wishing that I could take his smell with me always.

Naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa batok ko at hinila ako pabalik sa kanyang dibdib. I found myself smiling at the gesture.

"Okay," he simply said.

Nang ibaling ko ang tingin ko sa sulok ng silid, dalawang pigura ang nakaharap sa direksyon namin. And slowly, their figures became clearer—it was my Auntie Carmen and Uncle Gerry. Sinaklob ng matinding takot ang dibdib ko. But I couldn't move. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan sila pabalik. Nakita ko ang bumabagsak na mga bloke ng lupa sa kanilang balat. They looked like they just rose from the dead. Nakakatakot ang kanilang hitsura. Nagsimulang manginig ang katawan ko nang humakbang sila palapit sa amin ni Kaleon.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kaleon sa braso ko. "Hey, ayos ka lang?"

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Tila ba naparalisa ako. Pinanood ko si Auntie Carmen at Uncle Gerry na unti-unti nang lumalapit sa puwesto namin. They were saying something but I couldn't make out the words they were saying.

Hindi ba sila nakikita ni Kaleon? Naramdaman kong umupo si Kaleon at inalalayan akong umayos din ng upo. But his expression was the same. As if he wasn't seeing the dead bodies of my Auntie and Uncle. Naramdaman ko na lang ang paglubog ng paanan ng kama na hinihigaan namin, indikasyon na nakasampa na sila sa kama. Naamoy ko ang samyo ng lupa na may kahalong dugo at nabubulok na laman.

"Stop..." halos pabulong na sabi ko. Wala akong lakas para gumalaw at ilayo ang sarili ko sa kanila. "Stop... please..."

"Brooke, what's happening?" Kaleon asked. "Tell me."

Sunod kong naramdaman ay ang paglapat ng malamig at magaspang na palad sa balikat ko. Tila ba noon bumalik ang pakiramdam sa katawan ko at nagawa kong ibagsak ang katawan ko pababa sa kama. I need to get away from them. But when I turned behind me, mag-isa na lang si Kaleon sa kama. Wala ang mga katawan nila Auntie Carmen at Uncle Gerry na kani-kanina lang ay naroon. Mabilis na bumaba si Kaleon sa kama at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Brooke, ano'ng nangyayari sa 'yo?" halos pasigaw na tanong niya.

Umiling lang ako at pumalahaw ng iyak. Hindi ko magawang makapagsalita. Siguro nga ay panghabang-buhay ko nang mararamdaman ang pamilyar na takot na ito. They will forever haunt me, sigurado ako roon.