Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 36 - CHAPTER 34: The Ties That Bind

Chapter 36 - CHAPTER 34: The Ties That Bind

CHAPTER 34: The Ties That Bind

BLAIR WADSON

I stared at her face—never forgetting her features. Traydor, naibulong ko sa sarili ko. Tila ba naramdaman niya ang tingin ko at lumingon siya sa gawi namin. Sinigurado kong ako ang una niyang nakita.

Bumangga si Kaleon sa braso ko. "I-Is this the place?" he asked as he fixed his eyeglasses.

Hindi ko sinubukang alisin ang tingin ko kay Evangelyn. I made sure that disgust and hatred was clearly plastered on my face. I saw something in her eyes—a recognition? O konsensya? But it's just for a second. Bahagya kong iniling ang aking ulo. Malawak siyang ngumiti at patakbong lumapit sa akin.

"Oh my, Gosh, Blair! You're alive!" impit na tumili siya at mahigpit akong niyakap. "I'm so glad that you're here. I don't see Celaena with you. I'm guessing, you chose to live," she whispered. Iba ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon. Her voice became dangerous.

Pinilit kong ngumiti. "I'm happy you're alive," I whispered back to her. "You fucking traitor."

Marahas ko siyang itinulak palayo sa katawan ko. Her smile didn't waver. Hindi niya magawang tumingin pabalik sa mga mata ko. Alam niyang alam ko kung ano ang ginawa niya, kung paano niya kami iwan. That memory was still fresh inside my head. Those what ifs—if she hadn't left us there, we would've saved Celaena. If she hadn't left us, we could've carried Celaena with us. Pero iba ang sinasabi ng boses sa isip ko—but you did the same.

"Jem!" muli siyang tumili at niyakap si Jem na halatang nagulat din. "I missed you!"

I wanted to scream at her. I wanted to tell them what she did. But part of me couldn't seem to voice it out. Why? Kasi malalaman ni Jem na wala na si Celaena at nagsinungaling ka sa kanya, sagot ng isang bahagi ng utak ko.

Bumitiw siya sa pagkakayap at bumaling kay Kaleon. "Kal!" pero hindi niya ito niyakap. Tumango lang si Kaleon sa kanya at binigyan siya ng ngiti.

She returns her eyes on Jem—obviously avoiding my gaze. "I'm happy to see you again, guys. Maru's been worried about you," ang tinutukoy niya ay si Jem. "Nakita n'yo ba ang isinulat niya roon? Sa malaking pader?"

"Yeah," ani Jem. "Where is he?"

Itinuro niya ang isang maliit na bahay na katabi ng ala-hotel building.

"Tara," aya ni Evangelyn at nagpatiuna sa paglalakad.

Sumunod kami sa kanya. Habang naglalakad kami, napansin ko na hindi na lupa ang inaapakan namin. Sementadong daan na ito. Saglit akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa magkabilang bahagi ng gusali. Sa kaliwa ay kapatagan at may mangilan-ngilan ding mga puno. At sa kanan naman, dito itinuloy ang sementadong daan. There were pieces of debris scattered on the road.

May narinig akong ilang tawanan at boses mula sa loob ng nasabing warehouse. "Blair?" bumaling ako kay Kaleon. "Let's go. Nasa loob na sila."

I nodded at him. Sumunod na ako sa kanya at pumasok sa loob ng maliit na bahay. When I entered, the first thing I noticed were the walls surrounding it. May mangilan-ngilan ding bitak iyon at kulay puti na halos hindi na naging puti dahil may kadumihan na iyon. Mainit ang temperatura sa loob. Walang electric fan o bintana man lang. May short staircase na nakadikit sa pintuan pababa sa mismong floor ng bahay. Malalim pala ito.

"Jem, pare!" napataas ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses niyon—it was Maru's voice. "Kal!" niyakap niya ang dalawa.

He was wearing the same thing Evangelyn was wearing—dirty white shirt. Walang nagbago sa mukha niya except na lang sa visible facial hairs na nagsisimula nang tumubo. I'm guessing, he hadn't had the tools to shave it.

May dalawang mahabang table sa magkabilang gilid. Mayroong napansin akong mga kahoy na inukit sa porma ng isang patalim na nakasabit sa dingding. May mangilan-ngilan ding martilyo. Was this a carpenter's house once?

"Blair," mahinahon ang boses niya ng banggitin niya ang pangalan ko. Nagulat na lang ako nang lumakad siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I'm glad you're okay. Someone would be so ecstatic to see you."

"Sino?" tanong ko na nagtaas ng tingin.

"You'll see in a bit," aniya at kinindatan ako.

Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko. Sino ang tinutukoy niya? Napakunod ang noo ko. Bahagya kong naaamoy ang pawis niya. Mabilis din siyang bumitaw.

"I-I'm glad that… you're okay, too," halos pabulong na sabi ko.

Kumamot siya sa likod ng ulo niya at ngumiti sa akin. Like he always does. Napangiti na rin ako.

"Ang baho ko na, ano?" aniya.

Bahagya akong umiling. "Sakto lang," natatawang sagot ko.

He chuckled at my reply.

"Well, you should meet our other classmates," Evangelyn chirped in and clapped both of her hands. Ipinulupot niya ang dalawa niyang kamay sa katawan ni Maru. "Right, babe?"

Evangelyn looked at me for a moment, gently pushing Maru up the short staircase.

"Let's go, then," singit ni Jem. "Ladies first."

Inilahad niya ang dalawa niyang kamay sa harap ko. Bahagya akong tumango sa kanya at lumabas na rin.

Nang makapasok na kami, pinasadahan ko ng tingin ang loob ng gusali. It almost looked like it was empty maliban na lang sa dalawang sofa na nasa gitna ng malawak na espasyo ng unang palapag, isama na ang tila reception desk sa bandang gilid. Mga pamilyar na mukha ang lumingon sa gawi namin. They were all our classmates.

Nakita ko si Vanessa na minsan kong nakausap nang magpatulong siya sa homework namin sa Literature. Maliit siya at mapayat. Her curly dark hair was cut short because of its uneven ends. She smiled at me.

At napabaling ako ng marinig ko ang pababang yabag mula sa hagdan sa kanan namin.

Natutop ko ang bibig ko nang makita ang pamilyar niyang mukha—it was Brooke. Halos patakbo niyang tinawid ang distansya namin sa isa't-isa at mahigpit akong niyakap. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa aking maya. And I realized we were both sobbing. Wala akong pakialam sa mga kaklase namin na siguro ay nakatutok sa aming dalawa.

Finally, Brooke let go and cupped my cheeks. "Y-you're alive…" humihikbing sabi niya. "I-I… I thought… M-Maru said maybe you didn't make it out alive… but h-here you are…" malungkot siyang ngumiti.

Tumango lang ako sa kanya. "Sinubukan ka naming hanapin ni Celaena. But we couldn't find your body. And we thought that maybe you were safe somewhere. How are you?"

I studied her face for a moment. Her blonde hair was tied up into a ponytail. Unti-unti na ring nawawala ang dark circles sa ilalim ng kanyang mga mata. She looked better than the last time I saw her.

"I-I'm sorry…" anas ni Brooke at muli akong niyakap. "I'm sorry I-I didn't save you, guys…"

"Shh, it's okay. Ang mahala, we found each other, 'di ba?"

Muli siyang kumawala sa yakap at nagpalinga-linga sa paligid. "W-where's Celaena?"

Iyon ang tanong na kinatatakutan kong sagutin. Lalo na't nasa harap ko ang isa sa mga matatalik kong kaibigan. I couldn't look at her directly in her eyes kaya nagbaba ako ng tingin. "I-I…" I began, trying to fumble for the right words. For the right lies.

Nang magtaas ako ng tingin, nagtama ang mga mata namin ni Evangelyn. Her lips curled into a smile. Her voice echoed in my head. "I'm guessing, you chose to live…" At napagtanto kong tama si Evangelyn. I did the same thing she did. I betrayed Celaena.

"I-I lost her when we were chased by the hooded men," ang tanging nasabi ko. "I'm sorry, Brooke."

Bakas sa mukha niya ang sakit ng mga sinabi ko. Would she hate me if she learned about the truth? Na patay na si Celaena.?

Pinilit niya ang kanyang sarili na ngumiti. "I-It's okay, Blair. Sigurado akong mahahanap din natin siya o baka mahanap niya itong hotel na 'to. I'm just glad na nandito ka na at ligtas."

"I miss you," sabi ko at maliit na ngumiti.

Biglang nagsaliata si Evangelyn. "Girls, enough with the drama," baling niya sa aming dalawa ni Brooke. She turned her head to the others. "Guys, three of our classmates has finally found our haven—this building," panimula niya. "We're sixteen now in total, including me. Ahm, right, I have a question nga pala," she turned to me. "Blair, since you are the class president, ilan ba tayong lahat?"

I cringed at her question. I was still the class president. I thought those things were long gone now. Bumaling ako sa kanya. "Forty," I replied. "Pero thirty-nine lang ang sumama."

"So, almost half of our classmates are still not here. Anyway, thank you," she smiled sweetly at me. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa—ang ngumiti na parang walang nangyari. My mouth twitched, forming a disgusted smile across my face. Hindi niya iyon pinansin. "Vanessa!" she called out.

Lumapit si Vanessa sa amin.

"Can you take them to the third floor? Ipakita mo sa kanila ang mga magiging kuwarto nila," ani Evangelyn.

Vanessa nodded and beckoned for us to follow her.

We ascended the stairs, Jem at the rear. Ako ang nasa likod ni Vanessa na mukhang kabisadong-kabisado na ang gusali. Magkahawak-kamay na sabay kaming tumaas ni Brooke. Sa ikalawang palapag, may makitid na pasilyo at sa bawat gilid ay ang mga kuwarto. I could hear voices from inside the rooms.

Umakyat pa kami hanggang sa ihatid kami paakyat sa sumunod na palapag at bumungad sa amin ang isang tahimik na pasilyo. Sinundan namin siya. She stopped at the first empty room.

"You can just pick which room you would like. At nandoon—" she pointed at the end of the hallway, "ang mga gamit na panglinis. Maalikabok iyang mga kuwartong 'yan."

"Salamat," nakangiting ani Kaleon.

He went inside the first room.

"I'll take the last one," Jem tilted his head towards the third room and turned to me. "Take the second one."

I nodded at him, thankful. Pumasok na ako at sinubukang hanapin ang switch nang maalala kong wala nga palang kuryente sa gusaling ito.

"And one more thing!" Vanessa said. "There's a candle in each of your bedside table. Wala kasing kuryente rito. Okay, bababa na ako!"

I heard her retreating footsteps. Pumunta ako sa bedside table at nakita ang kandilang sinasabi ni Vanessa. Sa tabi niyon ay posporo. Sinindihan ko iyon at bumungad sa akin ang isang single bed, closet at restroom. Hotel siguro itong gusaling ito dati. But this room seemed unused for years. Nalalanghap ko ang alikabok sa bawat gilid ng silid.

"Nasa ibabang palapag lang ako, Blair. If you want, we can share the room," ani Brooke sa likod ko. "I would like that very much."

Lumingon ako sa kanya. "That would be great."

"Okay, if you need anything, I'll just be in my room, okay?"

Tumango lang ako sa gawi niya. "We'll talk later, Brooke," sabi ko.

Narinig ko na lang ang marahang pagsara ng pinto. Dumako ako sa bintana at binuksan iyon. Light from the setting sun filled the entirety of the room.

Umupo ako sa kama. There was a single pillow underneath the old covers.

"Finally," narinig kong sabi ni Kaleon mula sa pasilyo.

"It's nice to see our classmates again," ani Jem.

Lumabas ako ng kuwarto at nakitang nakadungaw sila sa windowsill. Tumabi ako kay Kaleon. From here, nakikita ko kung gaano talaga kalawak ang gubat. It doesn't seem to have an end, I noticed. Balot na balot ang buong lugar ng mga puno na hindi ko na magawang makita kung ano ang nasa ibaba.

The sun was about to set. Nagiging kulay kahel na ang langit.

"Yeah, it's nice to see familiar faces here," bumuntong-hininga ako.

"You know what? We should check this place out. Kailangan natin maging familiar kasi sa tingin ko, we'll be staying here until the rescuers will find us," suhestiyon ni Jem.

Rescuers… isipin pa lang ang salitang iyon, hindi ko mapigilang umasa. But there was this part of me who had already given up at that thought.

"I think, I'll just stay here. Masyado nang masakit ang paa ko," I smiled apologetically at them. "You two should go."

Lumingon siya sa 'kin. "Sigurado ka?"

Tumango ako. Before Kaleon spoke, nag-aalalang tiningnan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. I'm okay, I mouthed.

At naglakad na sila pababa ng hagdan. Huminga ako nang malalim. I closed my eyes. Nilanghap ko ang hangin sa paligid. This place almost felt like home—almost.

Bumaling ako sa mga puno. Tama si Kaleon. Itong lugar na ito ay hindi na parte ng Ellis. At isipin lang iyon, nawawalan na ako ng pag-asa na mahanap kami ng mga rescuer—kung meron man.

All I want right now was to sleep. Pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Gusto kong pumunta sa kuwarto ni Brooke at makipag-usap sa kanya. I wanted to know what happened to her after the accident.

Also, I wanted to ready myself for what was about to come for us all. No one's coming here, Blair. You are safe here…

I wanted to believe it. Pero alam kong wala nang ligtas na lugar. Ayokong paniwalain ang sarili ko na ligtas ako—kami, dito.

*****

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil nang magising ako, wala nang liwanag sa labas. Dilim na ang pumalit. Mula sa kama, naaaninag ko ang ilaw na nanggagaling sa full moon.

A memory suddenly flashed in my vision…

Nasa labas kami ng bahay namin noong gabing iyon. Pinagitnaan kami ni Mama at Papa. We were sitting on our lawn, staring at the vast night sky. The silver moon casts enough light for the stars to illuminate. It was a warm night in April and the night sky was perfect. Bahagyang umaalon ang buhok ni Mama dahil sa banayad na ihip ng hangin. I used to wish I could be her one day, beautiful though imperfect in some ways. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay mas lalong tumingkad dahil sa ilaw na nanggagaling sa moon.

Bumaling ako kay Papa. She was her prince, she said to us. Napaka-gentleman niya raw noong nililigawan pa niya si Mama and he still was. Maliit pa si Noah, wala pa sa tamang edad para malaman kung gaano ka-espesyal sa 'kin ang gabing iyon. Malawak lang siyang nakangiti habang nakatingin sa itaas.

"Ate," pukaw niya. "Ang ganda ng langit ngayong gabi, ano?"

Tumango ako. "For me, palaging maganda ang langit—umulan man, gumabi o umaraw."

"I want to be you someday, ate," nakangiting saad niya.

Mahina akong natawa. "At bakit naman?"

"Kasi su—per tangkad mo," tugon niya, nakangiti pa rin.

I cupped his cheeks. "You'll be tall too someday. Baka nga mas matangkad ka pa sa akin, eh."

Lumabi siya. "Sigurado ka ba d'yan, ate? Parang hindi naman." Itinuro niya ang freckles sa ilong niya.

"Su—per sigurado," pangagaya ko sa boses niya.

He giggled. Naramdaman ko ang pagpulupot ni Papa sa braso ko at ganoon din ang ginawa ni Mama kay Noah.

"Alam niyo kayong dalawa, ang bata-bata n'yo pa, kung ano-ano iniisip ninyo. Just enjoy your youth. It will only happen once," sabi ni Papa.

Ngumiti si Mama. "Tama, ang intindihin ninyo muna ay kung paano niya i-e-enjoy ang childhood n'yo."

"Honey, naaalala mo pa ba 'yong first date natin?"

She rolled her eyes. "Bakit mo naman 'yon biglang naalala?" nakita kong biglang namula ang magkabila niyang pisngi. I couldn't help but giggle. Something embarrassing must have happened that night.

"Wala lang," mapanuksong ngumiti si Papa sa kanya. "Sobrang hinhin mo pa kumain noon—"

Mabilis ni hinampas ni Mama si Papa sa braso. Malakas na tumawa naman si Papa. "Ikaw talaga, Nestor! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo—"

He quickly gave her a kiss. Hindi na naituloy pa ni Mama ang gusto niyang sabihin dahil sa ginawa ni Papa. Kinikilig na lumayo kami ni Noah sa kanilang dalawa.

"Eew!" sabi ni Noah. "Gross!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ang sweet naman ng parents ko," I said, giggling.

"Nestor, nasa harap tayo ng mga bata!" niyakap ni Papa si Mama. Pilit na kumawala ang huli pero hindi na niya nagawa, masyadong malakas si Papa. Sa huli ay tumigil na rin si Mama at tumatawang niyakap pabalik si Papa. Noah and I were just standing there, staring at them. Hindi ko mapigilang ngumiti. They were so sweet to each other—just like how a king should be to her queen.

We were complete back then… I wished we are still now…

Pinilit ko ang sarili kong tumayo. Nang ilapat ko ang mga paa ko sa sahig, malamig iyon. Nasa tabing kama si Brooke, mahimbing na natutulog. Napagdesisyunan ko kanina na makipag-usap sa kanya. But we ended up not talking. Wala kaming mapagusapan. Maybe we couldn't bear the thought na hindi namin kasama si Celaena ngayon. At baka ang kailangan lang muna namin ngayon ay ang presensya ng isa't-isa. That's enough for both of us for now.

I don't want to wake her up so I tiptoed my way outside the room. Maingat kong isinara ang pinto ng silid. Nagtungo ako sa railing at ipinatong ang dalawa kong siko roon. Nakadungaw na pinagmasdan ko ang ibaba. They're all asleep, of course. Ako na lang siguro ang tanging gising pa ngayong gabi. Even if I try going back to sleep, I'm sure I wouldn't be able to do that anymore, now that all my senses are widely awake.

Lumipas ang ilang minuto na nakatayo lang ako roon, kuntentong pinagmamasdan ang mga bintana nang may marinig akong ingay mula sa itaas. Sigurado ako hindi iyon galing sa fourth floor dahil bakante iyon. The sound came from the floor above it. May watcher pa rin ba sa ganitong oras ng gabi?

Walang ingay na umakyat ako ng hagdan, maiging pinapakinggan kung may tao ba roon. When I reached the hallway of the fourth floor, there's no one there except the darkness that took over the whole hallway. Lumipad ang tingin ko sa itaas. I'm right, nanggaling nga ang ingay sa fifth floor. Mabilis akong umakyat at nang marating ko iyon, may pigura ng lalaki, matangkad. Nakatayo siya at nakatingin sa langit. The light coming from the pale moon gave him a perfect silhouette.

I didn't bother making a noise to tell him that I was behind him. Tumabi lang ako sa kanya at nakita kong si Maru pala iyon. Bumaba ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko masabi kung ngumiti ba siya sa 'kin o ano. He merely glanced at me and back to the night sky.

"Next time, make a noise," he said. "Baka bigla na lang kitang sapakin kung sakali."

I laughed. "Oh, you wouldn't want to do that."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Yeah?"

"I can do martial arts," mayabang na saad ko.

Totoo iyon. Noong maliit pa lang si Noah, tinuruan na ako ni Papa ng mga natutuhan niya mula sa instructor niya mula pa sa kapanahunan niya. He was good at it, kaya mabilis akong natuto. Just the basics, though.

"That's good for you," said Maru.

"Yeah?" panggagaya ko sa sinabi niya. "Ang akala mo, lahat ng babae ay mahina, walang laban. News flash, mali ka, Maru Raul."

This time, tumingin na siya sa 'kin. "You keep on calling me by my first name."

"At bakit, may problema ba?"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata bago ibinalik sa langit ang tingin. "No, it's just that… strange lang kasi that's what my Mom used to call me before she…"

Bago pa niya iyon matapos, mabilis kong sinabi, "I'm sorry…" nagbaba ako ng tingin. "…for your loss."

He chuckled. "No, she's not dead. Nakahanap lang uli siya ng panibagong pamilya. Funny, right? She wasn't contented with just us."

I smiled at him, sadly. "Ahm… I'm sorry?" hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat kong sabihin sa mga ganitong bagay.

Muli siyang tumawa. "You don't have to say anything."

Napakamot ako sa ulo ko at tumawa—'yong tawang napahiya. "Sorry."

Bumuntong-hininga lang siya. Nabalot ng katahimikan ang paligid. There's no sound—which was strange. Usually sa mga ganitong oras ng gabi, may mga insektong mag-iigay, pero wala. This forest was indeed strange.

Binaling ko ang atensyon ko sa langit. It was beautiful—like an artwork painted with glowing circles.

Tumikhim siya. "Bukas tayo gagawa ng mga weapon," he said. "Nakakolekta na kami ng sapat na kahoy para gawing patalim. Hindi sapat ang mga patalim na nakita namin sa baba kaya gagawa pa tayo."

"Thank you…" halos bulong na sabi ko. "…for doing that."

He waved his hand. "Please, don't say that. Ginagawa ko rin ito para kay Jem."

"But still, gusto ko lang mag-thank you."

Maru shrugged. "No problemo."

Katahimikan uli. Why does this feel comfortable—this silence between us? I'm being weird. I cleared my throat.

"Your little brother," he began. "I'm sure he's safe back at Ellis. Alam kong nag-aalala ka."

Nagulat na bumaling ako sa kanya. "Pa'no mo nalaman ang pangalan niya?"

It's not something Zach would be interested in. May girlfriend na siya para maging busy siya at isa pa, he never met Noah. And we rarely talk to each other so it's impossible for him to know that. So, how the hell did he?

"I just do," tanging sagot niya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Okay, Maru. Iibahin ko na lang ang tanong, kanino mo nalaman?"

Bumuga siya ng hangin. "Actually, si Celaena ang nagsabi sa 'kin one time. Nasa school ground daw ang Mama mo with Noah. Hinatid siguro sa room niya."

"Was he crying?"

He shook his head. "Hindi ko alam. Iyon lang ang sinabi niya sa 'kin."

Bumagsak ang braso ko nang maalala ang pamilyang naiwan ko sa Ellis.

"I'm sorry," he whispered to me.

Napataas ang tingin ko. "That's the first time you said sorry to me."

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Well, be thankful. Kasi minsan lang ako magsabi niyan sa mga tao."

"Really? Gano'n kataas ang pride mo?"

"It's not pride. It's surf."

Lumipas ang ilang segundo bago rumehistro sa isip ko na nag-joke siya.

Awkward na nagpakawala ako ng tawa. "Haha, nakakatawa naman."

"Come on, it's funnier than you think!" natatawang sabi niya.

Iniling-iling ko ang ulo ko. "Ang corny mo, Alegria," I said, calling him by his last name.

"Stop saying my last name. I hate it."

May naalala ako bigla sa sinabi niya. That's what Noah said to me on our first day. Natigilan ako at nagbaba na lang ng tingin.

Mukhang napansin ni Maru dahil tumigil siya sa pagtawa. "What's wrong?"

Bahagya kong iniling ang ulo ko. "W-wala…"

He touched my shoulder. Parang awtomatikong bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ito kaba o takot. This was different. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtaas ng tingin. He's freaking tall. At ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay kulay ng kanyang mata—it resembled the shade of a fresh leaf.

Unti-unti, nahihirapan akong huminga. Ano itong nararamdaman ko?

"Okay ka lang?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.

Wala sa loob na tumango ako. "O-oo… okay lang ako."

When he smiled and I think my heart skipped a beat. What the hell was happening to me? Pinilig ko ang ulo ko. Kulang ka lang sa tulog, Blair, I said to myself.

"I-I should… go," halos bulong na sabi ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti. "Sure, I'll just stay here for the rest of the night. Kailangan na rin kasi ni Samuel na magpahinga. You should try to sleep."

I returned the smile. "Yeah," nagbaba ako ng tingin at inalis niya ang kamay niya sa braso ko. Pumihit na ako patalikod at akmang maglalakad na pabalik sa silid ko.

Muli akong humarap sa kanya. "Uh, Maru?"

Nagtaas siya ng tingin. "Yeah?"

"Bukas maghahanap kayo ng pagkain, 'di ba?"

He nodded. "Oo pero si Liam lang at Simon ang isasama ko."

Lumunok muna ako bago nagsalita. "Can I come?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. He blinked several times before answering. "It's dangerous out there—"

"I don't mind," hinaluan ko ng diin ang boses ko. "Gusto ko lang sumama sa inyo."

I also want to clear my head. Going with them tomorrow should be fine. Ayokong manatili na lang dito sa building. I want to help. Kailangan din na may iambag ako rito.

Dahan-dahan siyang tumango. "Sigurado ka?"

"I'm sure."

He shrugged. "Okay then. Maaga tayong aalis bukas. Get some sleep, Blair."

I smiled at him before walking down the stairs. Ito yata ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Not by my last name or the nickname he gave me.