Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 35 - CHAPTER 33: The Next Time I Kill Somebody, It Will Be You

Chapter 35 - CHAPTER 33: The Next Time I Kill Somebody, It Will Be You

CHAPTER 33: The Next Time I Kill Somebody, It Will Be You

BLAIR WADSON

This could be a trap, I told myself. Pero mabilis din iyong nawala nang banggitin ni Jem ang pangalan ni Maru. That was a possibility—that some of our classmates were still alive. A hope had started to spread inside me. Katulad din ng sinabi ni Celaena sa akin, may ilang nakalabas bago pa man sumabog ang bus.

I silently hoped we weren't wrong about this.

Bumaling ako kay Jem na nakatingin nang maigi sa dingding. "Yeah," he nodded like he'd just thought of something. "I'm positive that this is Maru's hand writing. I'm definitely sure of it."

Humakbang siya palayo sa puwesto at tumingin sa kanyang kanan.

"Paano kung isang trap lang pala 'to?" ani Kaleon, voicing out the question that was swirling in my head at that moment. "At pa'no kung sinundan natin 'tong arrow na 'to, then what? Madaming posibilidad. We can't just say that this is Maru's handwriting. Some person can copy someone's writing, right?" bumaling siya sa akin, hinihintay ang pagsang-ayon ko.

May punto siya. Maaaring isa nga lang itong patibong para linlangin kami.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa dingding. Medyo burado na ang sulat pero mababasa pa rin nang malinaw. But one thing was for sure; kung sino man ang nagsulat nito, masasabi kong kahapon siguro ito naiukit dito sa pader. Sa paraan ng pagkakaukit ng ginamit na bagay—na malamang ay isang bato—makikita mo na may mangilan-ngilan pang pulbos ng bato roon.

"You're right, Kaleon. Kailangan nating pag-isipan ito nang maigi," umupo ako sa malaking bato at tinitigan ang lupa. Wala akong maisip na ideya. Every choice we would make from now on, we ought to know that there would be no assurance of our safety. And it could be our death that was waiting for us at the end of this wall.

Bumaling si Jem sa amin. "Kilalang-kilala ko ang sulat ni Maru. I knew him better than both of you…" halos ibulong niya ang huling pangungusap.

Tumingin ako sa kanya. "May punto ka, Jem. Hindi namin kilala si Maru kagaya ng pagkakakilala mo sa kanya. Maraming bagay ang puwedeng mangyari. Maybe those creatures are just tricking us—playing with our minds,' suhestiyon ko.

Bumuntong hininga siya. Muli niyang pinakatitigan ang pader. "I just—" Nagbaba siya ng tingin."I'm sorry," aniya.

"What do we do now?" tanong ni Kaleon na naghahagis ng mga maliliit na bato sa kung saan, nagpapalipas ng oras.

Kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot. Was I right about those creatures? I hadn't literally seen them kill my best friend, but I'd heard them—enough to know what they were capable of. At isa pa ang katawan ni Stacey—those familiar purple veins.

Maaari na nila kaming patayin ngayon, pero bakit hindi nila iyon ginagawa? Baka hinihintay nila ang tamang oras kung kailan kami walang laban—kung kailan mahihina kami. But we could fight them. Puwede naming depensahan ang aming sarili.

Natawa ako sa sarili ko dahil sa nasabi. Depensahan? Sa paanong paraan? Wala kaming kahit na anong armas. How would we be able to defend ourselves then?

An idea suddenly popped inside my head. "Puwede natin silang labanan, 'di ba? Lalo na't alam na natin kung nasaan sila Maru at ang iba pa nating kaklase. If we're together, we can be strong enough with our number," sabay silang nagtaas ng tingin. Nang walang nagsalita ni isa sa kanila, nagpatuloy ako. "Kung siguradong-sigurado ka, Jem, na si Maru nga ang nagsulat niyan, we should go there right now. We don't have enough time to think about this. Maybe those men are already catching up with us…" alam kong alam nila kung sino—mali—ano ang tinutukoy ko. I gave the place a quick scan, looking for some odd movements.

Dahan-dahang tumango si Kaleon. "Are you really sure, Jem?"

"Y-yeah…" nauutal na sabi niya at tumayo.

I stood up and said, "Then we'll trust you. Ano pa ang hinihintay natin?"

I saw him smile at me, grateful that I trusted him with his decision.

"Tara na," aniya at nagpatiuna na sa paglalakad.

Tama, the only thing we could do at this moment was to trust each other.

I quietly prayed that this will not be our last day…

*****

Naging malubak na ang daang tinatahak namin. There were rocks all over the forest floor. I noticed that the path we were taking was not exactly a road. Isa iyong manipis at makitid na daan na may ilang bakas ng mga yabag ng sapatos, indikasyon na may dumaan na rito. May kasikipan ang daan dahil minsan ay nababangga ko ang mga sanga ng puno sa kabilang gilid ko.

Ilang minuto na ba kaming naglalakad? Iyon ang hindi ko sigurado. Parang halos isang oras na rin.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkagutom. Halos dalawang araw na kaming walang kinakain. Mariin akong pumikit at nagpatuloy sa paglalakad. Pinilit ko ang sarili kong kalimutan ng sandali ang gutom. Makapaghihintay iyon.

Nasa harap ko sa Jem at nasa huli naman si Kaleon. Pader ang nasa kaliwa ko at ang malawak at liblib na kagubatan naman ang sa kanan. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Tanging ang katahimikan lang ang umokupa sa paligid at ang mangilan-ngilang huni ng ibon at tunog ng mga tuyong dahoon na naaapakan namin.

Unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Siguro ay malapit nang sumapit ang hapon o masyado lang talagang nagiging maliblib itong daang tinatahak namin. Napatingin ako sa itaas. Hinaharangan ng kapal ng dahon ng mga puno ang langit kaya hindi nakakapasok ang sinag ng araw. O baka wala na talagang araw at hindi lang namin iyon napansin?

Narinig kong marahas na bumuntong hininga si Kaleon sa likuran ko, indikasyon na pati siya ay nakakaramdam na rin ng pagod. "Malapit na ba tayo?" tanong niya.

"Walang nakakaalam. Maybe yes, maybe no," ani Jem na nagkibit-balikat.

Sa bawat paglakad namin, mas lalong nagiging liblib ang lugar at dumidilim. Mas lalong nawawalan ng liwanag. Hanggang sa halos wala na kaming makita. Nakailang hakbang pa kami nang magsalita si Jem. "Sino ang may cellphone sa inyo?" he whispered.

Walang sumagot. Ano bang klase ng tao ang uunahin ang pagdala ng kanyang cellphone kaysa sa buhay niya? I wanted to say aloud.

Ako ang sumagot. "Wala. Walang may dala."

"Nakita kong basag ang lahat ng phone bago ako lumabas ng bus no'ng nangyari ang aksidente," ani Kaleon sa likod ko.

I heard Jem curse under his breath. "It's getting dark here. We should hold each other's shoulder para walang mawala," suhestiyon niya.

Tumango ako pero hindi ko sigurado kung nakita niya ba iyon. Muli akong nagtaas ng tingin. There was no light. Tuluyan ng binalot ng dilim ang paligid namin. I couldn't help but think that this was really a trap and those hooded figures were waiting for us at the end of this narrow path. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa isiping iyon.

It's as if the air in my lungs were slowly escaping. But I fought it. Huminga ako nang malalim at inilagay ang kamay ko sa braso niya. I felt Kaleon's hand do the same on my shoulder.

"O-okay," I heard Kaleon mutter and sighed nervously.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Wala na 'kong makita…" I felt Jem's warm hands gently touched mine.

"I'm right here. At nasa likod mo lang si Kal. Wala kang dapat na ikatakot," aniya, gently squeezing my hand.

Hindi ako sumagot. In fact, I didn't know what else to say. How could he be so sure about that? Ginamit ko na lang ang mga paa ko para maramdaman kung ligtas ba ang aapakan ko.

Lumipas ang oras. Then I saw a pale light coming from the end of the path a few feet away from our spot. "We're here," narinig kong bulong ni Jem.

Binilisan namin ang paglakad hanggang sa marating namin iyon. Nanggagaling ang liwanag sa likod ng nakatakip na mga malalaking dahon na halatang pinagpatong-patong. Dahan-dahan iyong tinanggal ni Jem at bumungad sa amin ang nakakasinag na liwanag.

Lumingon si Jem sa aming dalawa. "Kung hindi n'yo ako maririnig na magsalita, tumakbo na kayo."

Before we could even speak, he stepped out into the other side.

I felt Kaleon's hand tensed as we waited for Jem's signal. Pareho kaming handang tumakbo kung may mangyari mang masama gaya ng sabi niya. We waited for a few seconds before we heard him say, "It's safe," from the other side.

Ako ang sumunod. It took me a minute for my vision to adjust. When it finally did, pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Hapon na pala. And there was a building looming in front of me. Sa puwesto ko, nakikita ko ang ilang bitak mula roon. At parang nasunog iyon. But there were blankets plastered on every window of it—na para bang may mga tao sa loob niyon. Mula sa nakikita ko, lima ang palapag ng gusali at hindi iyon malapad. Sa hula ko ay isa itong abandonadong hotel.

I could hear my own heartbeat.

This is it…

Bumaba ang tingin ko sa ground ng building. Siya ang una kong nakita and I wouldn't forget her face—Evangelyn. May hawak siyang timba at nag-iigib ng tubig sa poso na patak lang ng tubig ang inilalabas. Hindi na niya suot ang blouse pero suot pa rin niya ang kanyang palda. She was wearing a white shirt that has some dirt on it. Her hair was messily pulled back in a bun. The bitch looked like she had been living comfortably.

Sumiklab ang galit sa loob ko. We could've saved Celaena if she just didn't turn into a selfish, traitor bitch. Naikuyom ko ang mga kamay ko. I wanted to run toward her spot and slap the life out of her. Pero alam kong hindi iyon sapat.

Scratch that, I want to kill her.