Napakainam maging may akda ng isang libro
Ang makitang nakasulat ang pangalan mo sa kwentong pinaghirapan mong binuo
Hindi masusuklian ang kaligayan pag ang ginawa mo ay naitanghal
Lalo na kung nagustuhan ng mambabasa at mag-aaral.
Ang pagkakakilanlan ng isang may akda ay MALAYA
Malayang tahakin ang ganitong uri ng karera
Dahil hindi matutumbasan ng salapi kung saan ka sasaya
Ang pagpapahayag ng damdamin at ideya sa bawat pahina
Ay lubhang nakapagdudulot ng kumpiyansa.
Ang memorya ay nawawala sa isang iglap
Kaya maigi na magsulat, dahil bang araw malilimutan ang libangan at sa pagtanda'y kuko ay matutuklap
Sarili man ay hindi mo mahanap-hanap
Ang mahalaga, nabuhay kang may pangarap.