Chereads / Mga Tula ni Stella / Chapter 14 - BAKIT MO SINIMULAN?

Chapter 14 - BAKIT MO SINIMULAN?

Magpatuloy ka kahit na sa tingin mo'y nauuna na sila

Dahil marami din silang iniyak, tiniis at pinagpuyatan bago makamit ang gusto nila

Kaya sa pagtagumpay nila'y dapat matuwa ka

Sa ngayon, sila muna.

Balang araw ikaw naman ang makakatikim ng pagpapala

Gawin mo lang ang layunin mo sa buhay

Hindi pabilisan yan, basta't umuusad kang tunay

Ang mahalaga'y tumatayo ka sa sarili mong paa.

Malapit ka na sa katotohanan

Magtiwala ka lang dahil mapapawi mo rin lahat ng pinagpaguran

Kung nagsasawa ka na isipin mo kung bakit mo sinimulan

Sabi nga nila'y sa umpisa ka lang mahihirapan, sa bandang huli masasanay ka din naman.