Bukas ka nalang mangarap
Bukas ka na kumilos sapagkat minsan ang sarap
Na kasiyahan lang ang iyong hinahanap
At maging malaya tulad ng ibon sa alapaap.
Kay sarap mabuhay na wala kang iniintindi
Na ang tanging aalagaan mo lang ay ang iyong sarili
Sa panahon ngayon, hindi uso ang magmadali
At huwag isipin ang mga opinyon ng iba at sabi-sabi.
Pero paano kapag sa kapahingaan mo'y marami ka ng nasayang
Na mga oportunidad na mahal mo sa buhay ang makikinabang
Lagi ka nalang bang mag-aabang
Hanggang sa wala ka ng pakinabang?
Hindi masamang sumubok
Kaysa magmukmok ka sa isang sulok
Dahil sa oras na marami ka ng nasayang
Maiisip mong "sana ang bukas ay ngayon na lang."