Chereads / Mga Tula ni Stella / Chapter 15 - SORPRESA NG BUHAY

Chapter 15 - SORPRESA NG BUHAY

Mamuhay ka nang may ambisyon

Ang hirap mapunta sa isang sitwasyon

Na umaasa ka sa koneksyon

Sa puro hingi, tulong at paghihintay ng pagkakataon.

Oo mahirap, puro paasa lang ang buhay

Masaya ka ngayon, bukas dadalawin ka ng lumbay

Sagana ka ngayon tapos bigla kang mawawalan ng mahal sa buhay.

Kaya habang maaga pa matuto kang magplano

"Ano ba ang mga gusto kong gawin sa buhay ko?"

"Ano ba ang mga kailangan kong gawin para lumago?"

Kaya nararapat lang na mamuhay ka ng may magandang motibo.

Ang taong sunod-sunuran sa napakaraming tinig ang siyang laging naliligaw

Kaya dapat wala kang ibang sundin kundi ikaw

Hangga't ikaw ay nananatiling masaya at walang tinatapakang iba

Hindi ka na maiirita sa kung anong meron ka at maghahangad ng mas higit pa.