Chereads / Mga Tula ni Stella / Chapter 16 - HABANG MAY PAGKAKATAON

Chapter 16 - HABANG MAY PAGKAKATAON

Tama na sa kakaisip kung pwede pang maitama ang kamalian

Kung pwede pang magbago ang kapalaran

Kasi tao ka lang naman

Nadadapa, bumabangon at natatauhan.

Tama na din sa kakaisip kung bakit hindi ka pa nagtatagumpay

May kanya-kanya tayong oras sa buhay

Matutong makontento at maghintay

Balang araw ang blangko mong buhay ay magkakaroon ng kulay.

Huwag kang magpapatalo sa emosyon

Aliwin ang sarili nang hindi ka makaranas ng depresyon

Bilangin ang mga mabubuting bagay na nangyayari ngayon

At maging matatag kahit pa mahirap ang sitwasyon.

Kaakibat ng ligaya ay ang lungkot na madarama

Mas lalo na kapag hindi ka na abala

Darating at darating ang panahon na mawawalan ka ng gana

Kaya habang may pagkakataon, maging masaya ka.