Padyak, padyak, padyak
Dali-daling tatakas sabay halakhak
Para sulitin ang araw at damhin ang halimuyak ng bulaklak.
Wala na tayong ginawa noon kundi libutin ang baryo
Pasyal doon, pasyal dito
Para lang makita ang likas na kagandahan ng gubat
Patuloy na naglalakbay kahit masunog ang balat.
Salamat matalik na kaibigan
Sa pagsama mo sa akin hanggang sa paglubog ng araw
At sa pananatili sa aking tabi sa tuwing ako'y nagugulumihanan
Ngunit hindi ko mawari kung bakit tayo ay nagkahiyaan.
Sa sobrang daming nakasalamuha
Hindi ka na dumadalaw, pero ako patuloy nag-aabang sa huni ng iyong bisekleta
Sa batingaw o ingay na iyong dala
Sapagkat kabisado na kita
Kaya sana bumalik ka.