Hindi masamang mangarap
Hindi masamang lumisan para hanapin ang iyong sarili at takasan lahat ng paghihirap
Dalhin mo ang pagmamahal na natanggap
Baunin na din ang katatagan at pagsusumikap.
Sa una, hindi madaling baguhin ang nakasanayan
Maninibago ka sa mga tradisyon, kasanayan at samo't saring kaugalian
Iba ang amoy ng simoy ng hangin sa iyong nakagisnan
Tila ba napakalayo mo sa nakasanayan.
Darating ang panahon na iisipin mo lahat ng sakripisyo
Ngunit gaya ng nararanasang trapik ng publiko
Unti-unti ka ding makakarating sa paroroonang iyong gusto
Kaya ipangako mo sa sarili mo na hindi ka uuwing bigo.