Dito ko nabibigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay
Ang mga tinta na nagbibigay sigla sa aking buhay
Ang isandaang pahina na nilalagyan ko ng kulay
At ang bawat letrang inaalis ang aking lumbay.
Dito ko mas nakikilala ang aking sarili
Sa mga panahong naghahanap ako ng kakampi
Ang papel ay nasasandalan ko sa aking mga hikbi.
Ito ang solusyon sa aking pagkainip
Na habang may hinihintay, inilalarawan ko ang mga nangyari sa aking panaginip
At nagkakaroon ng kapahingaan ang aking isip.
Na parang kape na hinahanap sa agahan
Kapag nasimulan mo na, ayaw mo nang tigilan
Kaya salamat sa pagsusulat, nabuhay ako nang may dahilan.