Natatandaan mo pa ba ang mga panahong nahihirapan ka
Na tiisin ang mahabang pila
Na sugurin ang kainitan ng araw
Para makahanap ng trabahong bubuhayin ka?
Naaalala mo pa ba ang ilang taon na iyong hinintay
Para may magandang mangyari sa iyong buhay
Ngunit ngayon mas gusto mo ng umalis dahil paulit-ulit nalang ang nangyayari
Ang sahod mo ay ganoon pa din kakonti.
Bago sumagi sa iyong isipan na magbitiw sa tungkulin
Isipin mo muna sa iyong kinikita ay napapasayo ang mga ninanais mong bilhin
Ang mga luho, damit at masasarap na pagkain
Kaya ang hanapbuhay ay dapat mahalin.