Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 30 - CHAPTER 29

Chapter 30 - CHAPTER 29

"Ganyan pa ako kasexy kahit malaki na ang tiyan ko," *sexy post at ginaya pa si Miss Universe Catriona.*

"Wife stop messing around, I'm serious. Go upstairs and Change."

"Yoko nga," sabi nito sabay hila sa kamay ni Beatrix. " Parang crop top, maternity leggings at puting sapatos lang eh....hummmpppp....ayoko....kung ayaw mo pumikit ka!" Sigaw niya kay Dhom habang naglalakad sila palabas ng masyon hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan ni Beatrix.

"So long asawa ko!!!" Sigaw nito sabay kaway pa kay Dhom na nasa tapat ng pinto, susunod na sana ito pero mabuti nalang at agad na sinabihan ni Billie ang mga gwardiya na pigilan siya.

"Manong pigilan niyo yan," sabi ni Billie sa guard na nagbabantay sa gate.

"Billie! Come back here!"

"Alam kong miss mo ko agad pero may pupuntahan lang kami ni Beatrix...Bye Dhominic..." Sabi ni Billie sabay flying kiss pa kay Dhom na pinipigilan ng mga gwardiya, natatawa pa ngang bumalik sa loob ng sasakyan si Billie dahil nakadungal lang siya sa bintana ng sasakyan.

"Billie! Bilisan mo namang maglakad." Sabi ni Beatrix sa kapatid nito na may gana pang bumili ng hilaw na mangga.

"Teka hindi naman lalayo si Hellion eh...nasa loob lang siya ng restaurant na yun....ano ka ba kung susunod tayo sa kanya sa loob tiyak mahahalata niya agad tayo...." Sabi naman ni Billie habang nginunguya ang mangga sabay sisiw ng isa pa.

"Rason mo lang yun kasi natatakam ka diyan sa hawak mo."

Napatawa naman ng mahina si Billie bago isubo ang isang piraso ng mangga.

"Halata ba?.... teka lang ubusin ko lang toh Sayang naman kung itatapon ko...." Pagpapatuloy ni Billie. "Sige bilisan mo diyan," sabi ni Beatrix sabay abot ng bayad sa tindera kasi walang dalang pera si Billie.

"Buti nalang may dala kang pera diyan." hihihi

Pagpasok nila sa loob ay agad silang pumesto sa pinakagilid ng restaurant kung saan hindi sila mapapansin ni Hellion at ng kasama nitong babae. Mula sa kinaroroonan nila ay kitang kita nila si Hellion mabuti nalang at sa pinakalikod sila pumesto.

Habang ninanamnam ni Beatrix si Hellion ay sa menu naman nakatingin si Billie. Natatakam siya sa spicy chicken wings, sa steak at sa lasagna.

Busy si Beatrix kay Hellion kaya hindi niya namalayan na umorder na pala si Billie ng mga pagkain, nabigla nalang siya nang may dalawang waitress na dumating sa table nila habang may dalang mga pagkain. Okay lang sana kaso para namang fiesta ng barangay ang kakain niyan. Agad na napatingin si Beatrix kay Billie na may hawak na kutsilyo at fork handang-handang sumabak sa malakasang kainan.

"Are you going to eat all this?" Hindi makapaniwalang tanong ni Beatrix sa dami ba naman ng pagkain inorder ni Billie talagang mapapatanong ka.

"Oo naman hindi kaya ako nag umagahan...ikaw rin diba.... Sayang naman kung di ako oorder habang nandito pa tayo 10 na kasi magtatanghali na at alam mo bawal magutom ang mga buntis na katulad ko." Sagot ni Billie sabay hiwa ng steak na nasa harapan niya. Isang malaking slice ng karne ang sinubo niya, at may papikit-pikit pa siyang nalalaman hamang ngumunguya. Pagkatapos niyang ubusin ang steak ay sinunod naman niya ang spicy chicken wings with lot's of gravy na halos gawin niyang sabaw ang souce. Habang si Beatrix ay patikim tikim lang dahil ayaw niyang makawala sa paningin niya si Hellion.

Habang nagkwekwentuhan sila Hellion at ng kadate niya ay naninikip ang dibdib ni Beatrix habang nakikitang napapangiti siya ng babaeng kasama niya.

Nasasaktan siya dahil sa kadahilanang napapangiti siya ng iba na dapat siya ang nagpapangiti kay Hellion.

"Cheer up kapatid gusto mo sugurin ko?" Sabi ni Billie habang kagat kagat ang isang pakpak ng manok.

"No I'm good....." Malungkot na sagot ni Beatrix at inabot ang isang pakpak at kumagat roon. Hanggang sa ginanahan na itong sabayin si Billie at nawala sa isip niya ang tungkol kay Hellion.

Hakbang kumakain ang dalawa ay hindi nila napansin na tumayo ang babaeng kadate ni Hellion at naglakad patungo sa kinaroroonan nila dahil malapit sa kinaroroonan nila ang restroom.

Patuloy lang silang kumakain hanggang sa hindi sinasadyang natabig ni Beatrix ang baso nito na may lamang mango juice dahilan para mahulog ito sa mismong harapan ng babae at nabasa ang palda nito.

"Oh my God!"

Sigaw ng babae agad namang humingi ng pasensya si Beatrix pero galit na napatingin ito sa kaya. Hindi rin namang nagpatalo sa titigan si Beatrix. She said she's sorry pero ayaw tanggapin ng babae ang sorry niya bagkus gumanti ito. Inagaw niya ang basong hawak ni Billie na may lamang tubig at binuhos iyon sa ulo ni Beatrix.

"Serves you rigt, hindi mo alam kung gaano kamahal ang paldang ito. Siguradong kulang pa ang buhay mo." Sabi ng babae kay Beatrix. Nagtaas ng isang kilay si Beatrix bago tumayo ganun rin si Billie na lumakali ang butas ng ilong niya.

"Anong masmahal pa sa buhay ni Beatrix, for your information barya lang namin yang pinambili mo diyan sa palda mo...at kahit mahal pa yan nagmumukhang mumurahin dahil sayo!" Mataray na sabat ni Billie sa babae. Nabigla naman si Beatrix sa biglang pagsagot ni Billie. Sa totoo lang yun rin sana ang sasabihin niya pero naunahan siya ng kapatid nito na mataray at nakikipagsukatan pa ng tingin sa babae.

"How dare you... hindi mo ba ako kilala.... I can make you life miserable in just a single snap of my finger!" Sigaw ng babae kay Billie na ikinatawa ni Billie dahil hindi siya natatakot sa babaeng toh!

"Hindi! I don't know you...at yang pamiserable mo lamunim mo dahil isang tawag ko lang sa asawa ko....maghihirap ka, masmaghihirap kakesa sa daga!" Humppp....I guess dapat ako ang magsabi sayo ng HINDI MO BA AKO KILALA?!" Sagot ni Billie sabay upo ng magara, sabay hawak sa kutsilyo niya at ginamit iyon sa steak....pagalit niya itong pinagtutusok habang nagsasalita.

"Kaya kong gawing miserable ang bubay mo!" Then she stab the steak. "Don't you dare to threaten me na kaya mong gawing miserable ang buhay ko kasi hindi mo yun kaya....at hindi mo yun magagawa." Then she stab the meat again bago tumingin sa babaeng namumula na ang mukha sa sobrang galit nito.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan habang si Beatrix ay nanahimik sa tabi ni Billie. Samantalang si Hellion naman ay napalingon sa kinaroroonan nilang tatlo at hindi na ito nagdalawang isip na lapitan sila.

"What's going on?" Tanong ni Hellion, pero walang sumagot sa kanila. Hanggang sa napatingin siya sa sahig na may basag na baso.

"Oh," sabi naman ni Hellion.

"That bitch, sinadya niyang tabigin ang baso niya para tumapon sakin ang laman!" Sumbong ng babae kay Hellion sabay kapit sa braso nito. Nakita iyon ni Beatrix pero pinigilan niya ang sarili niyang huwag magreact, kaya nagpanggap nalang siya na parang hindi naapektuhan pero sa loob niya gusto niyang pagbubugbugin ang babaeng kasama ni Hellion at ang kapal ng mukha nitong kumapit.

"It was an accident, I didn't mean to do that." Sabi naman ni Beatrix dahil hindi niya hahayaan na ang kasinungalingan ng babaeng yan ang maririnig ni Hellion. " I did say sorry pero look at what she did ginantihan niya ako...binuhusan niya ako ng tubig sa ulo. Pero siya itong nagpapabiktima."

"Is that true?" Tanong ni Hellion sa kasama niya. Agad namang umiling ang babae habang humuhikbi.

"Ofcourse not, why would I do that. I did accept her sorry. Hellion she's lying." Sabi ng babae.

Samantalang hindi na nakapagpigil si Billie at galit na napatayo at galit na binagsak niya ang kamay niya sa lamesa dahilan para lumikha iyon ng ingay na nakakuha sa atensyon ng ibang mga customer.

"That's it! I'm done with your petty lies. Ikaw na babae ka lumayo ka kay Hellion kung gusto mo pang makauwi ng hindi dumadapo ang kamay ko sa pagmumukha mo. Pero swerte ka kung masampal man kita dahil sabi nila swerte ang mga sampal ng mga buntis," sigaw ni Billie sa babae. "Ayaw mong bumitaw?!" Banta ni Billie sabat pakita ng kutsilyong hawak niya sa babae sabay ngiti ng pilit.

"You don't scare me!" Sabi ng babae at maslalo pa niyang pinahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Hellion.

"Yes I don't scare you but he does," sabi ni Billie sabay turo sa likod nila gamit ang kutsilyong hawak niya.

"Hi baby," sabi ni Billie sabay ngiti kay Dhom na nakatayo sa likod nila Hellion at ng babae. Magulo pa ang buhok ni Dhom pero ang gwapo niya parin. "Hey baby," sagot naman ni Dhom kay Billie. Napalingon naman sila Hellion.

Linapitan ni Dhom ang asawa at pinasuot ang jacket na hawak nito.

"Dhom binubully niya ako...." Pagsusumbong ni Billie kay Dhom sabay yakap sa kakarating niyang asawa.

Napatingin naman si Dhom sa babae at pinaninkitan niya ito ng mata.

"Dhominic Demetrius MacCoughlan," bulong ng babae.

Ano ka ngayon, sabi ni Billie sa isip.akala mo ah,ako pa binubully niyo sarap nyong sapakin.nako kung hindi lang ako buntis tss.