Pagbalik nila Billie sa loob ng restaurant kung saan sila kumain ng pang-umagahan ay agad siyang sinalubong ng asawa nito ng yakap, nalilitong napayakap si Billie kay Dhom dahil habang yakap siya nito ay ramdam niya pagtulo ng luha ni Dhom sa kanya. Pag-angat niya ng tingin para salubongin ang mata ni Dhom nang nabigla si Billie nang makita roon ang kalungkutan, sakit at awa.
"Dhom may problema ba tayo?"
Hindi sumagot si Dhom dahil umiling ito ng biglang pagsagot kay Billie.
"Wala eh bakit ka umiiyak....na bankrupt ba yung kompanya mo?" Tanong na naman ni Billie pero katulad kanina hindi sumagot si Dhom at umuling nalang. Tumagal ang yakapan nila hanggang sa nakapasok na si BEATRIX na may hawak na buko, dahil sa pagpasok ni Beatrix ay dahan-dahang napabutiw si Dhom.
Agad namang nagtungo si Beatrix sa nanay nito at hinalikan sa pisngi bago dumiretcho kay Hellion at umupo sa tabi nito.
"Ma' tara sa labas pasyar ka namin dito." Sabi ni Beatrix sa ina nito habang umiinom ng buko. Napatingin ang ina nito kay Beatrix ay kay Hellion na nakangiting nakatingin sa kanya.
Napatango naman ang ina nito na labis ikinangiti nila Billie at Beatrix.
Habang nasa labas sila ay tulak-tulak ni Hellion ang wheelchair ng nanay nila Billie at Beatrix.
Habang naglalakad silang lahat sa gilid ng dalampasigan ay hindi maiwasang mapangiti ng ina nila habang nakatingin sa magkahawak kamay na sila Billie at Dhom samantalang si Beatrix naman ay nasa gilid nito kasama ni Hellion na nagtutulak sa wheelchair.
"Ma ilang oras nalang ang natitira bago ka muling ibalik sa Ospital. May gusto ka bang puntahan o gawin?"tanong ni Beatrix sa nanay nito.
"Sa katunayan oo," sagot nito.
Lumingo siya para makita ang mukha ng anak nito.
"Gusto ko sanang tumayo kayong dalawa sa harapan ko," ginawa naman nila Hellion at Beatrix ang hinihiling ng matanda. Pareho silang tumayo sa harapan ng nanay ni Beatrix at naunang dumapo ang tingin nito kay Beatrix bago kay Hellion. Ngumiti ang matanda at napahawak sa parehong kamay nila.
"Sapat na ito," bulong nito sa hangin.
"Anak kumusta ka na?" Tanong nito kay Beatrix na alanganing ngumiti. Agad na napaluhod si Beatrix sa buhangin para pantayan ang nanay nito.
"Ma sorry pasensya na hindi ko po sinasadya layasan kayo....nagmahal lang po ako nung panahong iyon at nabulag ako sa mga matatamis niyang mga salita at pangako, mama sorry po kung saan hindi ko ginawa iyon ay sabay kaming nakapagtapos ni Billie." Tuluyan nang napaluha si Beatrix habang nakaluhod sa mismong harapan ng nanay nito. Hinawakan siya sa mukha at pinunasan ang mga luha niyang tumutulo mula sa kanyang mga mata.
"Alam ko.....alam ko...anak..."
Sabi nito habang hinahaplos ang mukha ng anak niya.
"Anak kung maaari lang iwan mo muna ako kakausapin ko lang itong gwapong binatang bumihag sa isa sa mga prinsesa ko," sabi nito kay Beatrix. Napatango si Beatrix sa sinabi ng ina nito at pinunasan ang mga luha niya bago tumayo. Tumingin siya kay Hellion at napatango bago iwan silang dalawa.
Nang makaalis si Beatrix ay hiniling nito kay Hellion na ipaharap siya sa dagat kung saan niya makikita kung gaano kaganda ang paraisong ito.
Sinunod naman ni Hellion ito at pinaharap at pagkatapos ay naupo siya sa buhangin katabi ng nanay ng taong mahal niya.
"Ano po ang gusto niyong sabihin?" Tanong ni Hellion habang pinupulot ang mga mumunting seashells sa buhangin at isa-isang binabato pabalik sa tubig.
"Tulad lang rin lang ng nasabi ko kay Dhominic, binibigay ko rin sayo inyo ang aking basbas," sandaling napatigil ang nanay ni Beatrix sa pagsasalita dahil sa biglang pag-ihip ng hangin. Napayakap ang matanda sa sarili at kahit tirik na tirik ang araw ay nakaramdam ito ng panlalamig agad namang napansin ni Hellion ito at mabilis na napatayo at umalis. Ilang sandali ang lumipas nang bumalik ito na may hawak nang kaygandang tela at binigay iyon. Pagkatapos ay muling pinagpatuloy ng nanay ni Beatrix ang pagsasalita.
"Ilan lang ang nais kong sabihin sayo," napatingin ito sa malakristal na dagat bago muling magsalita.
"Alam mo bang may balak si Beatrix na pumasok sa kombento sinabi niya iyon sa akin at papasok ito kapag nakapagtapos na siya sa kolehyo. Bata palang siya ay malapit na ito sa diyos palagi niyang inaanyaya si Billie na makisimba tuwing linggo. Kilala si Beatrix sa amin na bilang Maria Clara dahil sa hinhin nito. Pero nagbago ang lahat nang may makilala siyang lalaki na bumihag sa inosenteng anak ko. Hindi naglaon ay niyaya niya si BEATRIX na magtanan. Bata pa noon si Beatrix 19 palang siya noon, at dahil labis labis ang pagmamahal niya sa lalaking iyon ay pumayag siya. Isang taon nalang at makakapagtapos na sila ni Billie pero tulad ng narinig mo kanina, umalis siya kasama ng binatang iyon. Simula ng araw na iyon wala na kong narinig tungkol sa anak kong si Beatrix. Hinanap siya ng ama nito pero sa bawat pagluwas niya sa syudad ay umuuwi itong bigo." Napatawa ng mahina ang matanda dahil iilan lang ang naalala niya kay Beatrix, siguro dahil ito sa sakit niya kung saan isa isang nabubura sa kanyang isipan ang mga alalang gusto niyang pagkaingatan.
"Pasensya na hijo pagkat iilan lang ang natatandaan ko kay Beatrix," napangiti ito ng alangan habang pilit na inaalala ang nakaraan ng anak nito.
"Pero sigurado akong napakabait at napakabuti ng anak ko. Hindi ko man nakikita sa kanya ngayon ang dati kong prinsesa sa kanya alam ko sa loob-loob niya naroroon parin ang aking Maria Clara." Inayos ng ina ni Beatrix ang wheelchair nito para makaharap si Hellion.
"Alagaan mong mabuti ang anak ko di man siya katulad ni Billie na may kaartehan sa mga pagkain at pihikan. Gusto kong alagaan mong mabuti ang anak ko, mabait yan gaya ng kabaitan ng ama nito."
Napaluha ang ina nito nang may naalala siya tungkol kay Beatrix.
"Ang anak kong yan isa siya sa pinakamabuti sa lahat, nung bata pa siya lagi siyang pinapaiyak ni Billie," natawa ng mahina ang ina nito nang maalala nito ang dahilan.
"Lagi siyang pinapaiyak ni Billie kung bakit daw ang pangalan ni Beatrix ay pambabae samantalang siya parang panlalaki. Hindi lumalaban si Beatrix kay Billie kasi tulad ng lola ni Billie matalas ang dila nito kung saan masmasakit pa ang mga salita niya kesa sa pisikal. Minsan nga nung binisita ko sila sa paaralan narinig ko sa mga kaklase nila na ang tawag sa kanila ay ang kambal nang kabutihan at kasamaan," napatawa naman si Hellion nang marinig iyon.
"Hindi ko po inaakala na ganun si Beatrix noon kasi parang ngayon nagkabaliktaran sila ni Billie," sabi nito napatawa rin naman ang ina ni Beatrix.
"Yun rin ang nakikita ko," sang-ayon nito.
Nang pareho silang natahimik at wala nang sumunod na nagsalita. Napabuntong hininga nalang ang matanda nang kunin nito ang isang kwintas sa kanyang leeg at binigay iyon kay Hellion napatingin naman ang lalaki rito.
"Hindi ko naibigay yan kay Beatrix dahil maaga niya kaming linisan noon, yun ang regalo sana ng ama niya sa kanya pero hindi na namin naibigay."
Napatingin si Hellion sa kwintas na may maliit na krus.
"Noon umaasa kaming magmamadre si Beatrix pero hindi natuloy. Pero kahit ganun masaya naman ako sa anak ko dahil nasa mabuting kamay na siya at nasa tamang tao kung saan hindi siya nito bubulagin sa matatamis na salita at mga pangako na napako," nang sabihin iyon ng ina ni Beatrix ay agad na napatayo si Hellion sa harapan nito.
"Mahal ko po si Beatrix at gagawin ko ang lahat para pasayahin siya sa abot ng makakaya ko, mahal na mahal ko po ang anak ninyo at handa akong ialay ang buhay ko para lang masigurong akin lang si Beatrix. Hinding-hindi ko po siya hahayaang malungkot sa pagsasama namin." Sabi ni Hellion bago muling napatingin sa palad niya kung nasaan ang kwintas na hawak niya. "Pinapangako ko po, mamahalin at aalagaan ko po si Beatrix." Pagpapatuloy nito.
Napangiti naman ang matanda sa sagot nito bago muling napatingin sa tubig kung saan maraming mga tao na may ngiti sa labi.
"Mabuti kung ganon," matapos silang mag usap ay nagtungo sila kung nasaan ang iba.
Masaya silang nagtipon-tipon sa harapan ng isang souvenir shop, masaya silang namimili sa mga paninda. Hanggang sa may natipuhan si Billie isa itong magandang bracelet na may tatak ng Boracay, agad na kinuha iyon ni Billie at saktong dadalawa lang ang natira. Agad niyang kinuha iyon at humarap kay Dhom sabay kuha ng kamay nito.
"Yan ganda," komento nito sabay ngiti kay Dhom. "Pareho tayo," sabi nito sabay pakita rin ng suot niyang bracelet, napangiti naman si Dhom hanggang sa napatingin siya sa isang damit na nakahanger agad namang naalala ni Dhom ang nanay ni Billie. Kaya lumapit siya sa tindera at binili iyon. Isang simpleng damit lang iyon na may tatak na Boracay, ito ang napili niya para sa nanay ni Billie. Bumili rin siya ng summer hat para sa matanda dahil sa init ng araw. Pagkatapos bayaran ni Dhom ang pinamili niya ay lumapit siya sa nanay ni Billie at pinasuot ang sumbrerong nabili niya, at iniabot ang damit.
"Salamat," yun ang tanging nasabi ng ina ni Billie kay Dhom, ngumiti si Dhom bago tumalikod.