"Alam mo Dhom ang mga babae parang sa pizza yan. Bakit ang pizza round pero bakit sa box linalagay. Tapos patriangle kung hatiin bakit hindi pabox. Diba kahit pagbalik-baliktaran natin ang mundo hinding-hindi natin sila maiintindihan." Sabi ni Elliot sabay hawak sa isang hotdog at itinapat sa mukha niya. "Siguro kulang lang sa exercise si Billie, baka kasi hindi mo na linalambing." Pagpapatuloy ni Elliot bago kagatin ang hotdog.
Dun naman napatayo si Dhom at napahawak sa noo nito.
"Yes that's it!" Sabi nito at walang sabi-sabing iniwan ang dalawa at sinundan ang asawa nito sa kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang pumasok at naabutan ang asawa nito na galit na nakatingin sa kanya. Lumunok si Dhom bago lapitan ito. Hinawakan niya si Billie sa kamay pero nanatiling maasim parin ang mukha ni Billie na nakatingin kay Dhom.
"Bakit ka nandito, umalis ka na may pasok ka pa diba sa trabaho. Pumunta ka na tapos lunukin mo lahat ng mga papeles na nasa lamesa mo at pagkatapos huwag ka nang umuwe dun ka na tumira sa opisina mo!" Sigaw ni Billie kay Dhom at inagaw ang kamay nito kay Dhom bago tumayo at tumungo sa kama at nahiga. Nagtaklob pa ito ng kumot.
Napabuntong hininga nalang si Dhom na napasunod kay Billie at umupo sa gilid ng kama.
"Wife....." Mahimasmasan tawag ni Dhom.
"Chehhhhh...dun ka sa opisina mo!" Sabi naman ni Billie habang nakataklob ng kumot. Huminga naman ng malalim si Dhom bago muling magsalita.
"Baby.... pangalawang tawag niya kay Billie pero katulad kanina.
"Babyin mo mukha mo manigas ka diyan. Umalis ka nga dun ka sa trabaho mo at huwag ka nang uuwi simula ngayon don kana sa opisina mo manirahan. Antayin mo nalang mga gamit mo doon!" Sabi naman ni Billie. "At huwag mo kong kausapin dahil matutulog na ko," pagpapatuloy ni Billie.
"Wife pasensya na this few weeks naging busy ako sa trabaho at nawawalan na ko ng oras para sayo," paliwanag ni Dhom habang hawak-hawak ang kumot ni Billie.
"Gusto ko date tayo nang makabawi ako sayo."
Nang marinig iyon ni Billie ay dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakataklob ng kumot at napatingin kay Dhom.
"Talaga magdadate tayo ngayon na mismo walang joke hindi biruan totoo yan?" Paniniguro ni Billie baka kasi pinaglolokp siya ni Dhom para lang makausap siya.
Napatango naman si Dhom kay Billie at nginitian ito bago halikan sa noo.
"Yes so get ready aalis tayo pagkatapos mong maghanda may isang oras ka lang para ayusin ang sarili mo." Sabi naman ni Dhom. Agad naman niyang tinulungan ang asawa nito sa pagbangon ng kama at pagkatapos ay inutusan ni Billie si Dhom na mamili ng maisususot niya habang naliligo siya.
Pagkatapos maligo si Billie ay agad siyang lumabas ng banyo at sinuot ang piniling damit ni Dhom. Habang naglalagay si Billie ng konting make-up sa mukha ay nakatayo naman si Dhom sa likod nito habang pinapatuyo ang buhok ni Billie gamit ang hairdryer.
Pagkatapos ni Billie mag-ayos at sumunod siya kay Dhom palabas. Habang nasa hagdan sila naglalakad pababa ay malaki ang ngiti Billie habang nakasunod kay Dhom. Samantalang natigilan sila Elliot at Wyatt sa kinauupuan nila.
"San ang lakad niyo?" Tanong ni Wyatt.
"Magdadate kami," sagot naman ni Billie habang nakangiting nakahawak sa braso ni Dhom.
"Mukhang masaya ulit yung buntis," bulong naman ni Elliot kay Wyatt nang marinig iyon ni Wyatt ay agad niyang siniko si Elliot.
"Baka marinig ka niyan....alam mo naman kung paano magalit yan...masmatalas pa sa kutsilyo ang mga salita niyan. Minsan na tayong pinagbungangaan ni Billie ang sakit niya magsalita kaya tumahimik ka baka marinig tayo niyan wala pa naman si Beatrix para pigilan siya at alam nating hindi siya mapipigilan ni Dhom pagnagkataon." Bulong naman ni Wyatt pabalik kay Elliot na ikinatigil Ng dalawa.
Papaalis na sana sina Dhom nang tinawag siya nila Wyatt at Elliot na naka thumps up pa.
"Good luck," sabi nila.
Tango nalang ang naging sagot ni Dhom bago sila tuluyang makalabas ng masion.
ββπΈβππΌβ 59
"Aaahhhhh!!!"
"Sige lang misis...push...push..."sabi ng doktor kay Billie habang sinasabay ang bawat paghinga na pinapakawalan ni Billie.
Mahigpit na ikinuyom ni Billie ang kamay nito bago muling umire.
At sa bawar ire at sigaw ni Billie ay napapahigpit ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa kamay ni Dhom.
"Dhominic!!!" Sigaw nito habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya kay Dhom.
"Ang arte ng anak mo!" Sigaw ni Billie habang hinihingal at tumutulo na rin ang mga pawis niya.
"Sige lang nakikita ko na ang ulo niya," Sabi ng doktor doon naman nagkaroon ng lakas si Billie para umire pa samantalang si Dhom ay nahihirapang nakatingin lang sa asawa nito habang nanganganak sa anak nila. Maging siya ay napapa-ire at sinasabayan ang bawat paglanghap at pagbuga ng hingin ni Billie.
"Baby...push..push..." Sabi naman ni Dhom kay Billie agad naman siyang tinignan ni Billie at pinanlakihan ng mga mata.
"Hinding-hindi na ako magpapabustis sayo!" Sigaw nito sa huling pagkakataon nang napangiti ang doktor nang tuluyan na niyang lumabas ang ulo ng bata.
"Magaling Misis ako na ang bahala," sabi ng doktor at maingat na hinila palabas ang sanggol.
Pinagpapawisan na napapikit si Billie dahil sa pagod, at ilang segundo pa ang lumipas nang may humalik sa kanya sa noo. Napangiti nalang si Billie bago muling mapadilat at sinakup siya ng mukha ni Dhom na malapad na nakangiti sa kanya.
"Congratulation wife," sabi ni Dhom sa kanya at pinunasan ang pawis ni Billie sa noo.
Hindi nagtagal ay muling sumakit ang tiyan ni Billie.
"Aaaahhhhh!!! Dhom ang sakit!!!" Sigaw ni Billie natataranta namang napatingin si Dhom sa doktor. Agad na maingat na pinahiga ng doktor ang unang sanggol dahil may kasunod pa ito.
Agad na suot bagong ng surgical gloves ang doktor at binalik si Billie.
"Misis kambal ang anak niyo," masayang saad ng doktor bago muling ibalik ang atensyon sa papalabas na ulo ng pangalawang sanggol.
"Sige lang Misis ire pa," sabi ng doktor kay Billie. Pagod na pagod na napatingin si Billie sa asawa na kinakabahang nakatingin sa kanya.
"Wife you can do this," sabi ni Dhom habang hawak-hawak ang kamat ni Billie. Dahil sa sakit ay minsan nang naisipan ni Billie na sumuko pero nang marinig niya ang iyak ng unang sanggol niya ay muling nanumbalik ang ang kanyang lakas.
Muli siyang lumanghap ng hangin bago umire sa pinakahuling pagkakataon.
"Aaahhh!!!"
Nang tuluyan nang lumabas ang pangalawang sanggol ay agad na napaluha si Billie sa sobrang pagod at sa sakit pero lahat nanf iyon ay napawi nang marinig nito ang iyak ng mga anak niya. Naiiyak siyang napatingin kay Dhom na ngayon ay naluluhang nakatingin sa anak nila na malalakas ang bawat iyak.
"Wife thank you so much," saad ni Dhom habang pinupunasan ang mga luha nito habang hindi mawalawala sa mga sanggol ang kanyang mga titig.
Pagkatapos ay napatingin siya kay Billie na umiiyak na nakatingin sa kanyang mga anak nang unti-unting siyang sinakop ng dilim pero habang napapapikit siya ay may ngiti na nakaukit sa kanyang mga labi.
Pag-gising ni Billie ay nasa isang silid na siya habang si Dhom ay nakatayo sa harapan ng bintana habang hawak ang isang sanggol na mahina na natutulog. Samantala napansin naman ni Billie si manang Ellen na hawak ang kanyang isang anak habang hinehele dahil iyak ito ng iyak.
Nang napansin manang Ellen na gising na si Billie ay agad siya nitong linapitan at kinumusta, maayos namang napangiti nalang si Billie at napatingin sa anak niyang iyak ng iyak.
"Ang anak ko," mahinang saad ni Billie habang mangiyak-ngiyak na napahawak sa anak niya.
Maingat namang pinahiga ni manang Ellen ang sanggol sa tabi ni Billie.
"Gutom na ata siya," sabi nito kay Billie.
Naluluhang namang napatanong si Billie sa anak nito.
"Gutom na ba ang anak ko?" Tanong ni Billie sabay hawak sa maliliit na kamay ng anak niya nang biglang tumigil sa pag-iyak ang sanggol.
Linapitan naman siya ni Dhom at hinalikan sa pisngi bago ihiga ang sanggol na hawak niya.
Habang pinapanood ni Dhom ang mga mag-iina niya ay muli na namang napatulo ang luha niya na agad niya ring pinunasan.
"Two boys" sabi ni Dhom kay Billie.
Napatingin naman si Billie kay Dhom bago magsalita.
"Anong ipapangalan natin sa kanila?" Tanong ni Billie, umupo naman sa isang upuan si Dhom bago sagutin ang tanong ng asawa.
"What do you think, gusto ko silang pangalanan pero naisip kita. You should be the one to name our two angels." Malambing na saad ni Dhom bago ilipat ang tingin sa dalawang sanggol na nasa tabi ni Billie.
"Itong iyakin ikaw si Dhamion Save Malachi-MacCoughlan," saad ni Billie sa anak nito.
"And that's our first born," pagpapaalam ni Dhom sa kanya.
"Dhamion ikaw pala ang kuya," natatawang saad ni Billie sabag halik sa maliit na pisngi ni Dhamion.
Napatingin naman si Billie sa anak niyang tahimik na nakatinginsa kanya na para bang hinihintay nito ang pangalan na ipapangalan ni Billie sa kanya.
"At ikaw naman. Ikaw si Boston Baille Malachi-MacCoughlan." Nang marinig nito ang pangalan niya ay saglit itong napangiti pero agad na naglaho rin.
"Dhamion and Boston, i like it." Sabi naman ni Dhom sabay hawak sa kamay ni Boston.
Panandaliang nagtitigan sila Dhom at Billie hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Wyatt at Elliot na nag-uunahang makapasok habang may dalang mga pagkain at prutas. Pero nang makita nila ang dalawa't sanggol sa tabi ni Billie ay agad silang napahinto sa kanilang kinatatayuan.