Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 38 - CHAPTER 37

Chapter 38 - CHAPTER 37

CHAPTER 56 CONTINUATION.

Nagwawalang napasigaw si Hellion at mabilis na inagaw ang baril ni Callisto at itinutok ito sa pagmumukha ni Callisto.

"I Will kill you!" Sigaw ni Hellion habang hawak ang baril ni Callisto. Napahalakhak ng malakas si Callisto bago salubongin ang nagliliyab sa galit na si Hellion. Lumapit pa nga ito at itinapat ang bungo nito sa baril na hawak ni Hellion.

"Do it the kill me Hellion!" Nakangising saad ni Callisto, nanatiling nakatayo si Callisto sa harapan ni Hellion at hinihintay itong iputok ang baril pero hini magawa-gawang paputokin ni Hellion ang baril.

Natatawa namang naglakad si Callisto sa kinaroroonan ni Beatrix, habang nakatulog sa kanya ang baril pero wala siyang pakialam dahil alam niya hinding-hindi siya babarilin ni Hellion.

Nang nakalapit na si Callisto kay tapat ni Beatrix ay agad niyang tinapakan ang bandang tagiliran ni Beatrix kung saan niya iyo nabaril.

AAhhhh!!!!

Napasigaw si Beatrix sa sakit dulot ng pagkakaapak ni Callisto sa sugat nito.

"Stop!" Sigaw ni Hellion pero mas idiniin pa ni Callisto ang pagkakaapak sa tagiliran ni Beatrix.

"Then make me," sabi naman ni Callisto pero ang hindi niya alam ay nasa likuran na niya si Dhom at malakas niyang hinampas sa likuran si Callisto gamit ang kahoy na nakita nito. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ni Dhom ay napadapa si Callisto sa buhangin.

Mabilis na binitawan ni Hellion ang baril at napatakbo patungo kay Beatrix na nanghihina dahil sa dalawang tama ng baril sa kanya sa paa at sa tagiliran nito.

Ilang sandali ang lumipas nang dumating na ang ambulansiya at mga pulis, agad nilanh sinakay sa ambilansya si Beatrix kasama ang nanay nito habang si Callisto ay nasa kamay ng mga pulis.

Nang masiguro ni Callisto na naisakay na sa ambulance sila Beatrix at ang ina nito nang mabilis na napatakbo si Callisto habang may ngiti sa labi, mabilid siyang nagtago sa likod ng mga puno ng niyong nang biglang sumabog ang ambulansiyang kinaroroonan ni Beatrix.

Dahil sa pagsabog na iyon ay tumilapon sila Dhom at Hellion mabuti nalang at nakapagtago sila Luka at Billie sa mga puno mga niyog.

Pagtingin ni Hellion sa ambulance ay naluluha siyang napasigaw dahil ang ambulansya ay lumiliyap sa apoy. Agad na napatayo si Hellion at napatakbo pabalik sa ambulansiya pero hindi pa siya nakakalapitnang pinigilan siya ng mga pulis.

"Bitiwan niyo ko....ililigtas ko lang sila... ililigtas ko Lang amg taong mahal ko.... parang awa niyo na... ililigtas ko lang si Beatrix!" Sigaw nito habang nagpupumilagas pero sadyang maraming pumipigil sa kanya kung kayat hindi siya nakalapit sa lumiliyab na ambulansiya.

Tuluyan nang napaluhod si Hellion sa buhangin at nagmamaakawa sa mga pulis.

Samantala si Billie ay nalulunod sa sarili nitong mga luha dahil ang nanay at kaptid nito sabay na kinuha sa kanya.

Naiiyak na napayakap si Billie kay Luka at dahil hindi niya nakayanan ay nawalan siya ng malay agad namang humingi ng tulong si Luka kay Dhom.

Hindi alam ni Dhom ang gagawin, nawawala siya sa sarili niya natauhan lang siya nang malakas siyang sinampal ni Luka sa mukha.

"Ang asawa mo nawalan ng malay!" Sigaw ni Luka agad na napatingin si Dhom sa asawa nitong walang malay na nakasandal sa puno ng niyog.

Habang nakaluhod si Hellion sa harapan ng mga pulis ay siya namang unti-unting pagguho ng lahat ng pangarap niya kay Beatrix, at nang maalala nito ang pinangako niya na aalagaan niya si Beatrix ay siyang muling pagtulo ng mga luha niya. Hindi niya inaakala na darating ang araw na ito. Nang namatay na ang apoy ay agad na napatayo si Hellion at napatingin sa dalawang katawan na buhat-buhat ng mga bombero at nang makita ni Hellion ang isang katawan na na may suot na sing-sing ay nagwawala siyang napalunok at ilang beses na isinigaw ang pangalan ng babaeng mahal nito.

BEATRIX!!!

"Huwag mo kong iwan....nagmamakaawa ako....huwag mo kong iwan..... Beatrix huwag mo kong iwan....hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.... Beatrix...."

"Beatrix huwag mo namang patunayan sa akin ang sinabi ko sayo noon... huwag mo namang totohanin ang sinabi ko.... Beatrix nagmamakaawa ako huwag mo kong iwan....nagsisisi ako sa sinabi ko noon sayo...huwag mo namang patunayan sakin ang sinabi kong pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.... Beatrix....huwag mo naman akong iwan sa gamit paraan.... Beatrix!"

Kahit durog na furog ang puso ni Hellion ay pinilit niya ang sarili nitong mapatayo at nahlakad ng mabagal patungo sa katawan ni BEATRIX na hindi na makilala dahil sa labis na pagkakasunog nito, sa bawat hakbang niya ay siyang pagkawasak niya nang tuluyan na siyang nakalapit ay napahagulhol si Hellion dahil sobrang sakit ng loob nito.

Napatingin siya sa singsing nanakasuot sa daliri ng bangkay ni Beatrix, napahawak siya roon kasabay ng muling pagbalik ng mga masasayang alaala nila. Kung sana sinulit niya ang lahat ng araw na magkasama sila. Kung sana may kakayahan siyang ibalik ang oras ay gagawin niya.

Kung sana.....kung sana....kung sana...kung sana....kung sana.... kung sana binaril niya si Callisto ay baka buhay pa si Beatrix.

Kung sana hindi niya pinairal ang konsensya niya ay buhay pa si Beatrix hanggang ngayon pero hindi niya nagawa at ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Beatrix.

"Patawad Bea....patawarin mo ko kung hindi kita nagawang protektahan....patawarin mo ko....patawad....patawad....patawad."

Habang nagluluksa siya sa pagkawala ni Beatrix ay siyang pagdating nila Wyatt at Elliot na may mga luhang dumadaloy sa mga pisngi nila, napaluhod sila sa harapan ng bangkay ni Beatrix habang walang tigil ang mga luha nila sa pagpatak.

"Beatrix....."

"Bakit ba nagkakaganito parang kailan lang nang iniwan namin kayo kanina....masasaya pa kayong nakangiti nun...pero bakit ganito ang sumalubong samin pagbalik namin," naiiyak na saad ni Elliot habang nakatitig sa katawan ni BEATRIX na wala nang buhay.

"Bakit ganito," walang tigil sa pag-iyak na saad naman ni Wyatt.

"Alam mo ba Beatrix may nakuha kami ni Elliot sa pag scuscuba mga kabibi regalo sana namin para sa inyo ni Billie pero bakit iniwan mo na kami," pagpapatuloy ni Wyatt habang pinapakita sa walang bubay na katawan ni BEATRIX ang dalawang kabibi na parehong-pareho.

"Sinisid pa ni Elliot ito para sa inyo bilang regalo at paghingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya sayo at sa kapatid mo noon, bakit iniwan mo na agad kami....hindi pa nga ako nagiging ninong ng magiging anak niyo ni Hellion.

"Patawarin mo kami kung sana hindi kami umalis baka may nagawa pa kami," saad ni Elliot habang mahigpit ang hawak sa kabibing ibibigay niya sana kay Beatrix.

"Patawarin mo kami,"sabi ulit ni Elliot at napahagulgol nalang dahil hindi na nito napigilan ang sariling ilabas ang lahat ng emosyong nararamdaman niya, maging si Wyatt at labis-labis rin ang pagluha nito. Samantalang si Hellion ay naluluhang nakatingin sa kalangitan na unti-unting nawawalan ng kulay dahil sa itim na ulap.

Sa pagpanaw ni Beatrix ay siyang pagluha naman ng kalangitan para sa kanya.

"Patawad mahal ko," bulong ni Hellion bago bumuhos ng malakas ang ulan.

"Mahal na mahal kita."

Habang nakahiga sa kama ng Ospital si Billie ay pinagpapawisan ito at pabaling-baling ang ulo nito na para bang nahihirapan ito.

"Mama..... Beatrix...." bulong nito at hindi nagtagal ay napapaiyak na ito kung saan agad na nagising si Dhom na nakatulog sa sofa. Agad niyang linapitan ang asawa nito sa kama at mahinang tinapik-tapikan ang pisngi ni Billie para gisingin ito dahil sa binabangungot ito.

Pero kahit anong tapik ni Dhom ay hindi nagigising si Billie na para bang nakulong ito sa hawla ng mga panaginip at bangungot.

"Billie...." Mahina tawag ni Dhom sa pangalan nito pero katulad ng kanina hindi ito nagising.

Habang patuloy na nananaginip si Billie ay siyang paglakas ng bawat hikbi nito hanggang sa tuluyan na siyang napasigaw at mabilis na napabangon habang hinahabol nito ang hininga, nang masilayan ang mukha ni Dhom ay agad siyang napayakap dito at umiiyak sa balikat ni Dhom.

"Dhom.....wala na sila...iniwan na niya tayo...." Sigaw ni Billie habang umiiyak. Daman si Dhom naman ay pinapatahan ang asawa nito sa pag iyak.

"Shhhhh...." Walang masabi si Dhom kung kaya't pinili nitong manahimik habang patuloy parin si Billie sa pag-iyak.

"Dhom....." Tawag ni Billie.

Nasa ganung posisyon sila nang pumasok sa silid sila Wyatt at Elliot na may dalang isang basket ng mga iba't ibang klase ng prutas habang si Elliot ay may hawak na bulaklak.

Nang napatingin si Billie sa hawak ni Elliot na bulaklak ay maslalo siyang napaluha lalo na't nakikita ni Billie sa mga mata ni Elliot na nalukungkot ito. Andun ang lungkot at sakit.

Tahimik na pumasok sila Wyatt at Elliot sa loob. Tahimik ang lahat tanging ang pag-iyak na lang ni Billie ang nagsisilbing ingay sa kanila sa loob ng silid na iyon.

Nang mailagay na nila Wyatt at Elliot ang mga dala nila ay tahimik silang naupo sa sofa.

Wala nang nagtangkang magsalita pa hanggang sa si Billie na mismo ang bumasak sa katahimikan.

"Totoo ba na wala na sila?" Naiiyak na tanong ni Billie kila Elliot at Wyatt. Malungkot na napatango si Elliot sabay ngiti ng pilit. Siguro pinipilit niya lang na ngumiti sa harapan ni Billie pero kahit anong ngiti at pagpapanggap nito ay hindi na niya maitatago ang sakit at lungkot.