"Congratulations Beatrix and Hellion," sabi ni Luka.
Agad manang napatingin si Beatrix dito at sinamaan ng tingin. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Luka na parang sumusuko Ito.
"Chill out... I'm not here to snatch Hellion away from you. To be exact Hellion planned all this, because he want to know kung sakaling mang maghahanap siya ng iba Will you let him go pero hindi sinundan mo siya. Well alam rin ni Dhominic yan....we planned all this para magkabalikan na kayo... Because I don't want to be Hellion's love adviser, because Everytime he knock on my door asking what will he do because he can't live without you....and that is so funny...daig niya pa ko kung mag inarte." Mahabang paliwanag ni Luka habang ilang ulit na pinlakihan ng mata si Hellion na hindi makatingin tingin sa kanya, well he own her an apology lalo na at kinareer niyang mag ala-kontrabida, to tell you the truth kinakabahan si Luka nang si Billie na ang nakaharap nito. Pero ginawa niya parin dahil asawa siya ng taong hinahangaan niya sa business world and its a privilege for her to meet a man of a kind like Dhominic Demetrius MacCoughlan. Kung hindi lang ito kasal sa ibang babae ay baka linandi na ni Luka ito, pero dahil hindi niya ugaling mang agaw ay ipinagsawalang bahala nalang niya ang lahat. Total may isang lalaki naman na humahabol sa kanya.
"Its a prank!" Sabi ni Luka sa maarteng tinig bago magpaalam dahil dumating na ang lalaking gusto niyang maging date para sa gabing ito. "I should say bye for now because my prince has arrived. Toodles crazy lovers! At pag magbre-break ulit kayo huwag na kayong mandamay ng ibang tao...kaloka kayo...nastress ako sa pakikipag bangayan sa isang buntis na walang balak magpatalo."
Nakataas ang isang kilay ni Beatrix na napatingin kay Hellion na alanganing napangiti at nagkibit balikat na parang wala siyang alam sa nangyari. Gusto mang mainis ni Beatrix ay hindi niya magawa dahil alam niya ang rason ni Hellion.
Humarap si Beatrix kay Hellion at malakas niyang sinampal sa pisngi si Hellion, pagkatapos ay nakatulalang napatingin si Hellion sa kanya. Pero agad rin namang hinalikan ni Beatrix ang pisngi ni Hellion bilang pambawi.
"Sampal para sa pagpapanggap niyo ni Luka, dahil napaniwala niyo ako. At halik para sayo dahil ginawa mo iyon kundi hindi tayo magbabalikan. Thank you Hell." Sabi ni Beatrix bago nito halikan si Hellion sa labi na ikinangisi naman ng lalaki.
"Uwu! Naol may jowa-slash-fiance!" Sigaw naman nu Wyatt sabay taas ng baso niya. Natatawang napayakap nalang sila Beatrix at Hellion sa isa't isa.
Samantalang sa kabilang dako naman kung nasaan sila Dhom at Billie, ay napapangiti naman ang mga taong nakatingin sa kanila dahil sa halip ang lalaki mag propose ay ang babae, ang kaibahan ng proposal nila sa lahat ay parang reyna si Billie kung ituring ni Dhom kung saan lumuhod siya sa harapan nito at hinalikan ang kamay nito na katulad nalang sa mahaharlika.
"Akala niyo kayo lang...aba di rin kami papatalo....kakaiba pa ang amin." Sabi ni Billie sa kapatid nito na si Beatrix na yakap yakap ni Hellion.
"Congrats satin kung ganon," masayang sagot ni Beatrix sabay high-five bago sila magyakapan.
"Elliot galaw galaw rin, napag iiwanan na ata tayo eh...tagal pa kasi ng darling ko nasa kolehyo pa." Bulong ni Wyatt kay Elliot na seryosong nakikinig sa binubulong ni Wyatt.
"Oo nga no," sang-ayon ni Elliot.
Nang biglang naring ang selpon ni Elliot, napatingin naman si Wyatt agad sa selpon na hawak ni Elliot.
"Tridor ka...kala ko may kasama ako...yun pala isa karin sa nag iiwan sakin...." Pabulong naman na sigaw ni Wyatt kay Elliot.
"Hindi naman... liniligawan ko pa lang," sabi ni Elliot bago sagutin ang tawag.
"Isa kang tridor, di pwede toh kailangan ko nang pormahan ang darling ko, child abuse na kung child abuse tsaka di naman bata yung darling ko 19 na niya pwede nang magdalang-tao." Bulong ni Wyatt sa sarili niya sabay tango na para bang kinakausap niya ang sarili niya. "Kailan ko nang simulang akitin yung darling ko baka unahan pa ako ng mga ibang college students." Sagot naman niya sa sariling tanong.
"Wyatt nagsisimula na akong matakot sayo?" Natatawang tanong ni Billie na nakatayo sa harapan niya habang nakahawak sa bewang niya si Dhom at maging sila Hellion at Beatrix ay natatawang nakatingin sa kanya. Agad niya namang sinimangutan silang lahat.
"Lubayan niyo ko nasusunog ang mata ko dahil sa inyo." Sabi ni Wyatt sabay talikod sa kanila.
"Don't talk to me I'm talking to myself."
"Kala ko nagtatampo, kanakausap lang pala ang sarili eh," sabi ni Billie. "Dhom may space parin ba si Wyatt sa mental hospital?" Natatawang tanong ni Billie kay Dhom dahil may pagmamay-ari itong mental hospital.
"Meron naman," nakangiting saad sagot ni Dhom.
"Heh...selos lang kayo di kasi kayo kinalausap ng sarili niyo. Di tulad ko di snob.... atleast sumasagot pa." Sabi ni Wyatt. "I love myself," saad nito sabay yakap sa sarili.
Pagkatapos ng party ay agad na umuwi sila Dhom at Billie kasama ang mga kasamahan nila na sila Elliot, Wyatt, Hellion at Beatrix na nasa likod ng van na naglalampungan. Naisipan kasi nilang sumabay sa van na pagmamay-ari ni Wyatt total kasya naman silang lahat doon.
"Wow...van ko to pero ako ang ginawang driver? Ibang klase naman ang kakapal ng mukha ninyo." Reklamo ni Wyatt habang nagmamaneho sa van. Hindi niya maiwasang mapailing nang tumingin siya sa salamin at nakita niya roon sila Hellion at Beatrix na kulang nalang kainin ang isa't isa, samantalang si Dhom naman ginawang higaan ni Billie. Sa likot pa naman ni Billie ay si Dhom na ang nag aadjust. Maslalo nangunot naman ang noo ni Wyatt nang makita niya sa salamin si Elliot na ang laki ng ngiti habang nakatingin sa selpon nito.
"Traitor," bulong ni Wyatt bago ibalik sa kalsada ang atensyon, ilang minuto na ang lumipas nang nakarating sila sa mansion ni Dhom naisipan kasi nilang dito mag palipas ng gabi dahil may pupuntahan sila bukas, maliban lang kay Billie na walang kaalam alam sa plano nila bukas.
Pagdating nila sa mansion ni Dhom ay agad silang nagsilabasan, naunang lumabas si Wyatt at dirediretchong pumasok at hindi pinansin ang mga katulong na bumati sa kanya dahil napagod siya sa party, napagod uminom at kausapin ang sarili niya. Hahaha. Tinapon nalang ni Wyatt ang sarili sa sofa at hinubad ang tuxedo na suot nito dahil naiinitan siya.
"Sa sobrang hot ko pinagpapawisan na ako," sabi nito sa sarili habang nakapikit at ginamit ang kamay nito bilang pamaypay.
"Wyatt spell mahangin," sabi naman ni Elliot sabay upo sa tyan ni Wyatt. Agad namang napadilat si Wyatt at napatingin kay Elliot na nakangising nakatingin sa kanya. Kinindatan niya pa ito nang napatingin si Wyatt sa pwetan ni Elliot.
"Matambok no," sabi naman ni Elliot na ikina-roll eyes ng mata ni Wyatt, 360 degrees talo na niya si Billie kung mag roll eyes.
"Spell payatot, E.L.L.I.O.T."
"Spell mahangin W.Y.A.T.T." ganti naman ni Elliot at maslalo idiniin ang pagkakaupo nito sa tiyan ni Wyatt dahilan para mapasigaw si Wyatt pero hindi nagtagal ay nautot si Wyatt. Sunod sunod pa!
Pooot! Pooooot! Poooo....oooo..oot!
Agad natigilan si Elliot at napatingin kay Wyatt na namumula na sa kahihiyan.
Bigla naman nilang narinig ang malakas na tawanan nila Dhom, Hellion at Beatrix dahil rinig na iyon maging ang mga katulong na nasa paligid nila ay pinipigilan ang sariling huwag matawa.
"Ewwww...Wyatt.... sabihin mo lang kung natatae ka," natatawang saad ni Elliot pero di nagtagal ay napaubo siya dahil linanghap niya ang hangin na galing sa pwet ni Wyatt.
*Ubo* *ubo* *ubo*
"Karma is a bitch, wala akong kasalan diyan. Now inhale the fresh air." Sabi ni Wyatt at dinala niya ang isang palad nito sa bandang pwetan niya at pagkatapos ay dinala niya ang kamay niyang may dalang uto at pinaamoy kay Elliot. Boom!
Tawang-tawa naman silang lahat kila Elliot at Wyatt na Parang mga bata na naglalaro.
Aalis na sana si Elliot sa kinaroroonan niya nang hinila siya ni Wyatt at pinahiga sa sofa. "My turn to sit," sabi ni Wyatt sabay upo sa pagmumukha ni Elliot nagpupumigalas ito pero masmalakas si Wyatt kaya hindi na nakawala si Elliot.
"Time for the nuclear bomb to explode," hindi maiwasang mapangiti si Wyatt sa naisip niya, nang umutot siya mismo sa mukha ni Elliot at walang ibang magawa si Elliot kundi langhapin ito dahilan para manghina ito at parang mahilohilo kung tignan.
*Booom!*
"D*mn you Wyatt," sabi ni Elliot bago ito mawalan ng malay.
Tumayo naman si Wyatt sa pagkakaupo at humarap kay Elliot, at sumaludo pa ito.
"You shall be remembered brave warrior," sabi ni Wyatt kay Elliot at kinuha pa niya ang tuxedo niya at ginamit iyon para ipangtakip sa mukha ni Elliot na nawalan ng malay dahil sa nuclear bomb na ipinaranas ni Wyatt sa kanya. Ngayon alam na niya na hindi basta-basta ang secret weapon ni wyatt, nakakamatay at nakakadilubyo ng buhay. Pray for Elliot's lost. Hahaha.
Kinaumagahan ay handa na ang lahat maliban lang kay Billie na hindi pa nagigising, lahat ng mga gamit na dapat ihanda ay nakaready na. Sakto namang kararating lang ni Luka kasama ang Butler niya. Sasama kasi ito sa kanila sa Boracay dahil inimbitahan ito ni Beatrix bilang pasasalamat, agad namang pumayag si Luka at wala pa ngang tatlong oras ay nandito na siya.