Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 31 - CHAPTER 30

Chapter 31 - CHAPTER 30

"You are Dhominic Demetrius MacCoughlan the CEO of MacCoughlan Empire of Companies." Hindi makapaniwalang saad ng babae nang makita ang kabuoan ng mukha ni Dhom. "Hi I'm Luka Patricia Lopez, heiress of Argentine Corp." Pagpapakilala nito sabay bitiw kay Hellion para makipag kamay kay Dhom. Pero hindi ito tinanggap ni Dhom dahil may binulong si Billie sa kanya.

"Sige makipag kamay ka sa kanya kung gusto mong sa sala matulog." Kaya naman hindi tinanggap ni Dhom ang pakikipag kamay ni Luka sa halip ay si Billie ang nakipagkamay.

"Hi, I'm Billie Malachi-MacCoughlan. Dhominic's wife nice to meet you Luka." Sabi ni Billie kay Luka, kapwa silang nagplastikan ng ngiti pero pahigpitan ng hawak sa kamay nila. Kung sinong unang bibitaw ay siya ang talo. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak ni Billie at ganon narin kay Luka na walang balak magpatalo. Kaya nagtinginan sila Dhom at Hellion na para bang alam na nila ang susunod na mangyayari kaya kapwa nila pinaghiwalay ang dalawa kaya napabitaw sila sa isa't isa. Namumula ang parehong kamay nila nang maghiwalay ang mga ito, saglit namang nagsalubong ang mga tingin ni Hellion at Beatrix pero agad umiwas si Hellion ng tingin nang makita niya sa mga mata ni BEATRIX na nasasaktan ito sa nakikita niya.

"Total nandito ka rin lang Dhom....may party mamaya sa Kompanya nila Luka at imbitado ka dahil isa ka sa mga share Holders ng Argentine Corporation." Sabi ni Hellion dahil alam niyang hindi sinabi ni Billie iyon sa asawa nito.

"Oh yeah I forgot...what do you think wife...you wanna come as my date in that party?" Tanong ni Dhom. Agad na napangiti si Billie dahil sa pag imbita ni Dhom sa kanya at sinadya niya pang ipinamukha kay Luka, heh! Maglaway ka diyan.

"Syempre naman pero wala akong maisusuot," sagot ni Billie.

"Oh....no worries I know an exact place where we can buy dresses for pregnant woman and...." Sandaling napatingin si Luka Kay Beatrix. "For not." Sabi nito bago alisin ang paningin Kay Beatrix. Napamura naman si Beatrix sa isip nito.

"I forgot you don't have a date for tonight right?" Tanong ni Luka na may pagka sarkastik na nagpapakulo sa dugo niya. Sasagot na sana siya ng may pumagitan sa kanila ni Beatrix at Luka. Walang iba kundi ang nag iisang si Hellion.

"She's with me Luka, nakalimutan ko lang sabihin kaninang umaga nang pumunta ako kila Dhom. Kasi tinawagan mo ko at sinabing nandito ka na." Sagot ni Hellion sa tanong ni Luka na dapat ay si Beatrix ang sumagot.

Hindi makapaniwala napatingin si Beatrix kay Hellion na nakatayo sa harapan niya sabay abot ng isang invitation card kung saan nakasulat ang pangalan nilang dalawa.

"How about me I thought ako ang date mo for tonight?" Naguguluhang tanong ni Luka dahil ang buong akala niya ay si Hellion ang date niya mamayang gabi.

"No sorry Luka but I'm not your date for tonight. it's Elliot try to read the invitation card again." Sabi ni Hellion.

Mapapangiti sana si Beatrix dahil sa saya ng biglang nabitin siya sa ere dahil sa sinabi ni Hellion, para siyang nabingi dahil dito ay napapikit nalang si Beatrix. Oo nasasaktan siya at nakikita iyon ni Billie na nag aalalang nakatingin sa kanya.

"We can exchange I'll talk to Elliot," sabi ni Hellion kay Luka na labis ikinatuwa ng dalaga samantalang kabaliktaran ang nararamdaman ni Beatrix. She felt alone and betrayed. Muli niyang idinilat ang mga mata niya at naabutan niyang nakatingin sa kanya si Billie na malungkot na nakatingin sa kanya, pilit siyang ngumiti para iparating kay Billie na okay lang siya kahit hindi dahil ang totoo niyan ay nasasaktan siya at nalulungkot dahil harap-harapan siyang tinalikuran ni Hellion, umasa pa naman siya kanina pero panandalian lang pala yun.

"Are you sure, okay." Masayang panigurado ni Luka at dahil sa sobrang saya ay napayakap siya kay Hellion, habang mabilis namang umiwas ng tingin si Beatrix at mabilis na pinahid ang papatulo niyang luha. Nasasaktan namang napatingin si Billie kay Dhom para humingi ng tulog.

"Dhom please do something," mahinang saad ni Billie kay Dhom. Gusto niya mang pagbigyan ang hiling ng asawa niya ay wala siyang magagawa dahil problema na nila iyon at wala silang karapatang manghimasok sa problema ng iba. Napailing nalang si Dhom at malungkot namang napayuko si Billie. Pero agad rin siyang nag angat ng ulo, kung hindi si Dhom siya nalang. Agad niyang nilapitan si Luka at hinila ang isang kamay nito dahilan para pakawalan niya si Hellion.

"Luka dalhin mo na kami kung saan makakabili ng mga dress na pang buntis excited na ko." Nagkunwaring excited si Billie at ngumiti kahit na pinepeke niya lang. Ginawa niya iyon para paghiwalayin si Luka at Hellion na akala mo may glue na nagdidikit sa kanila kasi naman itong si Luka dikit ng dikit.

Naiirita namang napa roll eyes si Luka at tinuro ang shop na iyon. Pagdating nila sa lugar na iyon ay agad na naunang pumasok sila Hellion kasama si Luka, samantalang pinauna ni Billie si Dhom sa loob.

"Beatrix I know you're not okay, its okay to say no na ayaw mong makipagpalitan ng date. Sabihin mo lang ako na ang magsasabi kay Hellion." Sabi ni Billie.

"I don't want to...and your right ayokong makipagpalitan pero siya gusto niya eh....anong magagawa ko." Nalulungkot na saad ni Beatrix.

"Gusto mo pilayin ko sa paa si Luka para wala nang dahilan para samahan siya ni Hellion?"

"Hahaha...wag na baka makulong ka pa."

"Hindi ako hahayaan ni Dhom na makulong no."

"Its okay even if its not okay, tara sa loob nang makapili na tayo ng dress natin para mamayah Gabi."

Pagpasok nila sa loob ay naabutan nila si luka na kasama si Hellion na namimili ng dress niya, habang si Dhom namna ay nakaupo sa isang mahabang sofa habang nakaharap sa isang dress nag iisip kung bagay ba ito kay Billie o hindi. Pero sa huli ay pinakuha niya iyon sa sales lady, bahala na.

"Wife try this," sabi ni Dhom sabay abot ng tatlong dress.

Kinuha naman agad iyon ni Billie at pumasok sa dressing room habang nasa loob siya ay narinig niya ang boses ni luka mula sa kabilang dressing room.

"I can't wait to see a piggy in dress," sabi nito bago lumabas sa kabilang dressing room. Sumunod naman si Billie at aaminin niya panalo si Luka sa unang palit. Pero hindi nagpatalo si Billie at bumalik at sinuot ang pangalawang choice niya at masasabi niyang maganda ito kahit na kita ang tiyan niyang malaki na dahil mag limang buwan na ay kita parin ang kaseksihan niya, napangiti naman si Dhom dahil bagay nga sa kanya iyong napili niya pero Parang di bagay sa Balat ni Billie ang kulay ng dress pero maganda parin naman,mas maganda sa napili ni Luka na kulay yellow. And Dhom hate yellow color maliban lang ang mga pinamili ni Billie na mga terno nilang damit at yung toothbrush nila.

"I like it, try ko yung isa baka masbagay." Sabi ni Billie bago muling bumalik sa loob ng dressing room. Nang nasukat na ni Billie ang panghuli ay masaya siyang lumabas ng dressing room at humarap kay Dhom na nakatulalang nakatingin sa kanya. Umikot ikot pa si Billie sa harap ni Dhom para ipakita kung gaano kaganda ang napili niya para sa kanya.

"Wife your beautiful," tulalang saad ni Dhom.

"I know right, kaya nga nainlove ka sakin eh." Natatawang saad ni Billie. Napangiti Naman ulit si Dhom at kahit tinatawag siya ni Luka para sabihan kung bagay niya rin ba ang suot niya ay hindi siya nagtangkang tumingin. His wife is more than enough, hindi niya kailangang tumingin sa iba na parang poste sa sobrang payat.

Pagdating nila Dhom at Billie sa party ay agad silang sinalubong ng mga kapwa businessman na katulad ni Dhom. Maraming nagtatanong kung si Billie ba ang asawa nito, ipinagmamalaki namang ipinakilala ni Dhom si Billie sa mga ito.

Pero mukhang marami pa ang hindi na kakaalam na may asawa na si Dhom kaya naman may naisip siyang paraan para masabi niya na ng minsanan. Naglakad silang dalawa patungo sa pinaka sentro ng party kung saan kitang kita si Billie pag pinakilala na siya ni Dhom.

"Anong ginagawa natin dito sa gitna?" Pabulong na tanong ni Billie kay Dhom habang si Dhom naman ay inaasistahan si Billie sa paglalakad dahil may kataasan rin ang sandal na suot niya.

"Ipapakilala kita sa lahat," proud na proud na sagot ni Dhom habang hindi mapigilan ang sariling mapangiti.

"Stay here for a minute," sabi ni Dhom bago iwan si Billie at tumungo sa harapan kung nasaan ang host ng party na iyon. Nakiusap si Dhom dito at pumayag naman ang host, nakangiti pa nga itong naparango kay Dhom.

"Everybody we have a very important announcement to all of you.....Mr. MacCoughlan." Tawag ng host sa kanya agad agad namang pumunta sa stage si Dhom at kinuha ang maykropono sa host.

"Good evening everyone. Some of you might don't know the lady that I am with tonight. Well everyone I'm proud to let you know my wife Billie Malachi-MacCoughlan, my love of my life." Anunsyo ni Dhom sa lahat ng mga tao na nasa party na iyon.