Kasi totoo naman kilala ko tong kakambal ko may pag ka maysa miss Universe kung tumakbo tas lalampa lampa pa.
"Kilala mo siya...oh..bakit ko pa tinanong eh kasapi ka nga pala niya diba?!" note the sarcasm.
Tiningnan ko siya at pareho kaming nagtaasan ng kilay, nagsusukatan kami kung sino ang mananalo.
"Haysssttt....okay you win....tanong mo sagot ko? Dali na habang may mood pa akong magpaliwanag sayo."
"Paano ka nasangkot sa ganitong sitwasyon....paano mo nakilala yang Dhom na walang hiyang kupal na yan....bakit bigla ka nalang nawala tapos ngayon nandito ka na pero you changed.... maraming nagbago sayo ang bastos mo na manalita samantalang noon daig mo pa ang madre sa sobrang hinhin." Saad ng kakambal ko.
"Isa isa mahina ang kalaban..isa lang bunganga ko..o baka naman gusto mong pagsalitaan ko ang nasa ibaba?"
Note the sarcasm.
"First question please and the following please." My twin.
"Okay... remember naglayas ako 4 years ago kasi nga bata pa ako nun binulag ako ng maling pag-ibig then sumama ako dun sa lalaki pero di kami nagtagal. I spend 2 months sa kalye umaasa sa mga basura. Then I met this sindikato...he trained me to death then later on ginawa niya akong personal bodyguard niya at binabayaran ako pag may ipapapatay silang tao, and yes I killed tons of bad guys. Pero di nagtagal nalulong ako sa mga sugal sa kadahilanang lumaki ang ulo ko masyado akong nagpakampante at lahat ng naipon ko sa trabaho ko...ay naubos ko lang sa dalawang linggo..you know bar thinggy, wild and free because I all have the money, fame and adoration. Pero lahat ng iyon ay maagang natapos.
Ang kaligayahan ko...
Pagkatapos nagkautang ako sa sindikatong kumupkop sakin. Ilista mo o irecord mo. Nagkautang ako ng dalawa't kalahating bilyon. At alam mo ba kung san napunta yun sa droga...at oo nagbebenta ako ng droga noon syempre para mabuhay.
Nang hindi na ako makabayad ay tumakas ako sa kuta namin at ngayon ay tinutugis parin ako hanggang ngayon. Mabuti nalang at kinuha ako ni Dhom para sa Org. na meron siya. Dahil sa kakayahan kong mag ispiya.
At syempre sa pagbabago ko... natural lang yan para mabuhay dahil di ka bubuhayin ng pagka Maria Clara mo sa madugong mundo na tulad ng ginagalawan namin.
Oh may mga tanong ka pa ba?"
Alam kong nabigla ang kakambal ko sa lahat ng nakaraan ko, totoo ang lahat ng yun.
Ramdam ko ang lungkot at awa ng kakambal ko para sa akin pero hindi ko kailangan ng awa dahil sa totoo lang maskomportable ako sa sitwasyon ko kesa sa buhay ko noon nung buo pa kaming magkakapamilya. Siguro nga sa mundong ito ako nababagay.
"Second to the last question, bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng iyon sa kamay ng boss mo Beatrix?"
Pumiyok ang boses niya nang tanungin niya sa akin iyon, lumapit ako sa kakambal ko at niyakap ito at masuyong hinahaplos ang likod nito para patahanin sa pag iyak.
Nang mahimasmasan ay pinaliwanag ko ang lahat sa kanya ang pagkakamali ni Dhom,ang pagkakamali ng boss ko.
"The last question, bakit may bounty na nakapatong sa ulo ko?" Yun ang kinatatakutan ko sa lahat ng katanungan niya di na sana ako sasagot pero wala akong magagawa pa after all the moment na nagsalubong ang landas nila ni Dhom nadamay na siya sa mundo ng Mafia.
Dahil nung nalaman kong hindi si Dhom ang may pakana sa kalahating bilyon na nakapatong sa ulo ng kapatid ko ay agad ko itong pinaalam kay Dhom kaya siya na mismo ang pumunta sa Apartment ng kapatid ko dahil alam niyang nanganganib ang buhay ng kapatid ko. Kaya agad nalang niyang nasundan ang kakambal ko and note nagpanggap pa akong parang natatakot para takutin ang kakambal ko para narin makaganti. Ang sakit kaya ang mga sinabi niya..ikaw ba ang nagbabayad ng upa?! Remember ang sakit sa ego. Ang galing ko talagang umarte sana nag-artista nalang ako.
It was the White Crest Org. Ang mga puting diyablo.
Gusto ko sanang sabihin yun pero naisipan ko wala na akong karapatang sabihin yun dahil tungkulin na iyon ni Boss.
About the White Crest si Dhom na ang bahalang magpaliwanag.
Kung sa tingin niya masmalala ako kesa sa kakambal ko.
Oh, dude your wrong. If I'm the witch then my twin is the mastermind.
(Beatrix's p.o.v)
Pagkatapos kong ipaliwanag sa kakambal ko ang lahat ng pangyayari ay natanong niya sakin kung nasaan na si Dhom. Alam kong hindi pa siya komportableng pag usapan si boss, pero bilib rin ako sa rupok ng babaeng toh.
"Lumabas bumili ng saging panigurado sa mall ang punta nun," maikli kong sagot.
"Saging?" Tanong niya.
"Oo, diba paborito mo yung saging. Kaya nga ginahasa ka ng may saging diba?!"
"Beatrix!" suway niya sakin. Naninibago na nga talaga ang kapatid ko sakin.
"Sa tingin mo nakarating na siya dun?"
"Di pa ata, bakit may ipapabili ka?"
"Wala naman may naisip lang ako, pahiram ng cellphone mo." Sabi niya agad ko namang kinuha ang selpon ko sa bulsa ko at inabot sa kanya.
Kinuha niya ito at mabilis ang mga daliri niya sa pag-type, siguro may tinetext lang siyang kaibigan.
Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya halos di nga makasabay ang mata ko dahil sa bilis nito. Napabuntong hininga nalang ako at hinintay kung kailan siya matatapos.
Humiga narin ako sa kama, katabi niya at pinaglaruan ang dila ko. Kung ano anong klaseng ingay ang ginagawa ng dila ko.
Pagkatapos ay binalik na ng kapatid ko sakin ang selpon ko na may nakakalokong ngiti. I know that smile, may ginawa ba siyang hindi ko ikakatuwa.
Agad akong napabangon at tinignan ang selpon ko. Tinignan ko ang sentbox, ito ba ang binabalak niya.
Pakiramdam ko tuloy gusto kong maawa kay boss.
Message sent to: DHOMINIC
"Ayaw ng kapatid ko sa mga mamahalin na nabibili sa mall gusto niya yung nasa palengke yung 35 per kilo, allergy ang kapatid ko sa mga mahal na produkto!"
Agad akong napanganga sa nabasa ko. Gaganti na ba siya sa paraang alam niyang mahihirap si Dhom may balak ba siyang iparanas dito ang lahat ng naranasan niya hirap dahil samin ni Dhom.
Nagkamali ako natutuwa ako sa binabalak ng kapatid ko. Ha ha ha!
Dapat nga maawa ako kay Dhom, pero heto ako nakangiti na parang gusto ko pa nga ang nangyayari.
"I need your help twinnie, kailangan kong makaganti kahit konti lang." She pleased and as her twin sister I helped her with a few help from my comrades.
Kaya sa huli nalaman nalang namin na nagtungong palengke si Dhom,nang ipaalam ko iyon sa kakambal ko ay kita ko sa mukha niya ang saya, ang babaw talaga. Gaganti na nga sa ganun paraan pa.
Di nagtagal natanaw ko mula sa bintana ang kotse ni Boss, nakabalik na pala siya.
Tinignan ko ang kapatid ko at mukhang may binabalak ito dahil sa kakaibang ngisi niya.
"So what's your plan?" Tanong ko.
"Let's switch, just for this day."
Agad naman akong pumayag dahil gusto kong makita kung paano maghirap si Boss sa kamay ng kapatid ko.
Nagpalitan kami ng damit at pagkatapos agad na bumaba ang kakambal ko.
Samantalang ako nandito sa loob ng kwarto ni boss nakahiga at ineenjoy ang kama. Ngayon lang nakahiga sa kama ni Boss grabi ang lambot.
Nanatili ako sa loob ng kwarto, gusto ko sanang lumabas para makita kung anong pinaggagawa ni kambal kay boss.
Pero pag lumbas ako ng kwarto mabibisto ang kapatid ko. Kaya kahit na inip na inip ako ay nanatili ako sa loob ng silid kahit arat na arat na kong lumabas.
Pagkalipas ng ilang sandali ay, nakarinig ako ng ingay mula sa kusina, napangiti ako para sa kapatid ko.
Kawawang Dhom. \^∆^/
(Beatrix twin sister's P.O.V)
"Pinalengke mo buhat mo."
Sigaw ko sa kakalabas na si Dhom kung tawagin nila.
Hindi ko alam pero kumukulo yung dugo ko sa pagmumukha ng lalaking toh. Pinaliwanag ni Beatrix ang lahat sakin, pero di parin nawawala ang galit na nararamdaman ko sa lalaking toh. Mukha niya palang naiirita na ko.
Parang gusto ko siyang sugurin at pagtatadyakin sa mukha, naiinis ako. Nung kinuwento ni Beatrix sakin ang lahat ng pangyayari ay nakakaintindi naman ako. I looked at the bigger picture pero iba talaga pag kaharap mo na ang tao no.
Kulang nalang sambahin mo si satanas.
Pagpasok ko sa loob ay agad kong tinahak ang daan patungong kusina buti nalang at may sense of direction ako kung wala baka nabisto na ako. Ito siguro ang sinasabi nilang ummaayon sakin ang swerte.
Pabagsak na nilagay ni Dhom ang mga pinamili niya sa lamesa kaya agad akong napalingon at tinignan siya ng masama.
"Magluto ka na, dahil gising na ang kakambal ko." Utos ko.
Tinignan niya ako ng masama dahil sa utos ko, salubong ang kilay nito at naka kunot noo. Aba ah siya pa tong galit dapat ako lang ang may karapatang magalit dito .