Tinignan niya ako ng masama dahil sa utos ko, salubong ang kilay nito at naka kunot noo. Aba siya pa tong galit dapat ako lang ang may karapatang magalit dito.
"F*ck Beatrix I don't know how to cook a f*cking bananaque!" Sigaw niya sakin habang padabog na umupo sa isang silya malapit sa lamesa.
"Minumura mo ba ako DHOMONIC!" Sigaw ko sa lalaki magprito lang ng saging hindi alam tas caramelize mo pagkatapos iprito. Parang sa pag priprito lang ng hotdog at itlog ang saging ah.
Pero natigilan ako ng napatayo si Dhom, nabigla ba siya sa paninigaw ko kanina kala ko ba takot to kay Beatrix.
"What's with you alam mong ayokong tinatawag akong Dhominic," sabi nito sa malamig na tono ako tuloy tong nasindak sa kanya dapat siya tong nasindak kasi ang lakas ng pagkakasigaw ko sa kanya.
Halah.....pano pag nakakapansin na siya... I'm Doom!
"Wala lang gusto lang kitang tawaging Dhominic, nadulas ang dila ko. Magluto ka na baka kanina pa naiinip ang kakambal ko. Tagal mong magluto," dahilan ko at naglakad papunta sa lababo.
Habang naglalakad ako ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sakin. Tumatayo tuloy ang mga balbon ko sa katawan.
"Masyado ba akong maganda sa paningin mo at grabe ka kung makatingin..."
"Nevermind maybe I'm just imagining things," sabi niya at kinuha ang saging at binalatan ito.
Omo.....nahalata na niya ba ako.
Pinainit niya ang frying pan at linagyan ng mantika.
Laking gulat ko nang hindi pa tuluyang uminit ang mantika ng isunod na niya ang mga saging. Sa gulat ko at pagmamadaling pigilan siya ay aksidente kong nabitawan ang hawak ko dahilan para lumikha iyon ng pagkalakas lakas na ingay.
"Sh*t Beatrix, ano bang nangyayari sayo!" sigaw niya sakin.
Agad naman akong lumapit sa kanya at sinamaan ng tingin. Ito ba ang ipapakin niya sakin.
"Ang tanga mo naman masyado di pa umiinit yung mantika tapos linagay mo na agad ang mga saging, ito ba ang balak mong ipakain sa aki--! Sa kapatid ko!" Muntikan na.
"Di na naman niya nakikita eh... trust don't tell her. Ganun lang kadali."
Anong hindi ko nakikita, putang*na ako toh!
"Ah basta ulitin mo!"
"What's wrong with you inuutusan mo ko, minumura at parang hindi na ako ang boss mo sa ginagawa mo!
Look Beatrix I understand your anger pero kung umastaka parang ikaw pa itong mas apektado. Tell me Beatrix what are you plotting? Because I don't understand you...kanina ok lang tayo nag-usap na tayo tungkol sa kapatid mo at Oo aakunin ko ang responsibilidad!
Pero ano toh! I'm trying my very best para makabawi kahit papaano pero ano toh...mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon... I thought your going to help me pero hindi dahil maspinapahirapan mo ko."
Gusto kong sagutin o sigawan siya pero wala akong mabuong sagot. Parang lahat ng galit at inis ko sa katawan bigla nalang nawala na parang bula.
Umiwas ako ng tingin dahil nakikita ko sa mga mata niya na seryoso at nagsasabi siya ng totoo. Ako tuloy itong nagmumukhang masama...pero ako naman ang biktima ah?!
Pero ako pa itong nakokonsenya dahil sa pinaggagawa ko sa lalaking toh.
"Hmmp...bala ka diyan siguraduhin mo lang na masarap yan.....kung hindi ipapaulit ko yan sayo!"
Sabi ko talagang sinadya kong ipatapang ang tono ng pananalita ko para hindi halatang napahiya ako sa mga sagot niya kanina.
"Kung icacameralize mo lagyan mo ng langka..." Sabi ko bago umalis ng kusina. Lalapit na sana ang isang katulong para tulangan siya pero pinigilan ko.
Kinuha ko pa nga ang isang papel at isang pen na nakapatong malapit sa isang mini table at magsulat doon.
NO ONE'S ALLOWED TO HELP! YOU THEN YOUR FIRED!
-BEATRIX!
Babalik na sana ako sa kwarto nang may dalawang naggwagwapuhang nilalang na pumasok.
Ang ingay nila..nagtatawanan.
"Beatrix where's Dhom?" Tanong ng isang lalaking may tattoo sa leeg. Ang astig ang gwapo.
"Sa kusina nagluluto." Sagot ko.
"F*ck, did I heard it right." Sabi naman ng isa ang gwapo rin di papatalo may maipagmamayabang din ito. Mas matangkad siya kesa sa isang may tattoo.
"Oh that's weird ang daming katulong pero siya itong nagluluto?" Sabi ng may tatoo.
"Let's on check him," suggestion ng isa.
Kaya naman agad ko silang pinigilan.
"Huwag bawal daw....sabi..niya...pag may dumistorbo sa kanya....papasabugin niya daw ang mga bungo ng sinong magtatangkang pumunta o pumasok sa kusina."
Pagsisinungaling ko please buy my lies!
Nautal pa ko paksh*t baka makahalata sila.
"Ok then will wait for him then," sabi ng lalaking mas matangkad.
"Where's your twin, Beatrix?" Tanong ng may tattoo.
"Nasa taas nagpapahinga," sagot ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita ulit ang may tatoo.
"Don't lie to us we both know that your not Beatrix."
Natigilan ako sa paghakbang at muling lumingon. Napalunok ako nang may nakita akong nakatutok na baril sa direksyon ko.
Nanginginig ang tuhod na parang di na kayang suportahan ang bigat ng katawan ko.
"How did I know...kung ikaw si Beatrix kanina mo pa san ako tinutukan ng baril," pagpapatuloy ng lalaking may tattoo.
"Drop the f*cking gun Elliot I'm warning you!" Sagot ng isang boses mula sa likuran ko paglingon ko nakita ko ang kapatid kong may hawak naring baril na nakatutok sa lalaking nag ngangalang Elliot.
"Beatr---!"
( Beatrix twin sister's p.o.v)
"Beatr---!"
Hindi ako pinatapos ng kapatid ko nang ihagis niya sa pagmumukha ni Elliot ang baril. Mabilis naman itong nasalo ni Elliot na may ngisi sa labi.
"Akala ko talaga babarilin mo ko?" Sabi ni Elliot bago itago ang baril nito at ihagis pabalik sa kapatid ko ang baril.
Natutuyo ang lalamunan ko sa nakita ko, gusto kong magtanong sa kapatid ko kung bakit ba sila nag tututukan ng baril. Dahil ako itong natatakot para sa kanila. Hindi ba sila natatakot na baka magbarilan silang dalawa at may malagutan ng hininga ng isa sa kanila.
"Wow magkamukha nga talaga kayo...pero mas pango ang ilong mo Beatrix kaya nakilala kita agad." Sabi ni Elliot habang may ngisi sa labi halatang iniinis niya si Beatrix.
Umupo ito sa tabi ng kasama niya, samantalang bumaba sa Beatrix para harapin ang nakaupong si Elliot.
Kung ako ang tatanungin masasabi kong hindi magkasundo sila Beatrix at Elliot dahil sa inaasta nila para sa isa't isa.
"Para san yun Elliot?!" Galit na galit na tanong ni Beatrix, pero hindi siya nito sinagot at umasta nalang na parang walang narinig.
Kilala ko ang kapatid ko ayaw na ayaw nito ang binabalewala lalo na't kinakausap ka ng harap harapan.
"Ano ba sumagot ka!" Ni Beatrix.
Lumipas ang ilang minuto at sinakop kami ng katahimikan pero binasag ito ni Elliot dahil sa wakas sasagot na rin ito.
Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa sagot ni Elliot. Mas tumindi ang kabang nararamdaman ko dahil nagsalubong ang mga paningin namin dahilan para lumamig ang kamay ko dahil sa kaba.
Pinagpapawisan ako pero nilalamig narin, bakit ba ganito ang epekto ng lalaking toh sakin parang kakainin ako ng buhay.
Wala naman akong maisip na naging kasalanan ko sa lalaking toh pero kung makatingin parang may nagawa akong masama sa kanya.
"Simple lang naman ang sagot ko diyan Beatrix...at alam kong alam mo and dahilan ko. Naalala mo nung hindi ka pa kasali sa Org. Inutusan ka ng amo mo dati na patayin ang kapatid ko, pero hindi mo siya tuluyang napaslang...dahil nakaligtas siya pero hanggang ngayon nasa Ospital parin siya...halos mag Iisang taon na siyang walang malay and who's the one to blame...YOU BEATRIX."
Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon kay Beatrix ay tumingin siya sakin, na parang pinaparating niya na gagawin niya rin iyon sa akin para makaganti ito sa kapatid ko.
Nanginginig ang mga palad ko at bumibigat ang bawat hininga ko. Gusto kong bumalik sa kwarto ni Dhom dahil alam kong sa loob ng silid na iyon ay ligtas ako at walang makakapanakit sa akin.
"Chill out Elliot your scaring her....uhmmm.. what's your name sweety?" Tanong ng kasama ni Elliot pero sa halip na ako ang sumagot ay pinangunahan ako ni Beatrix.
"Wyatt....don't waste your time asking her name," sagot ng kapatid ko bago tumingin sa akin.
Alam niya na hindi ko gustong sabihin sa ang pangalan ko sa mga taong hindi ko kilala kaya kung may nagtatanong man sakin ng pangalan ko ay ibang pangalan ang binibigay ko. You can call me anti-social but I'm just protecting myself.
Hindi naman sa hindi ako nakikipag kilala pero sa mga taong tulad nila na hindi kati-katiwala I would rather keep my name and lie.
"Oh....a mysterious type..... unlike you Beatrix an open book." Biro naman ni Wyatt.
"Nga pala bakit kayo naparito?" Tanong ni Beatrix to change the topic dahil alam niyang hindi ako komportable sa kanila at sa paraang ginagawa nila.
"Nandito ako para gumanti sayo Beatrix....and si Wyatt di ko alam baka makikikain lang yan...para makalibre ng pang umagahan." Sagot ni Elliot.