Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

Hindi ko na hihintayin ang sagot ng kapatid mo. Sa ayaw at gusto niya dadalhin niya ang pangalan ko sa pangalan niya!"

Hindi na nakasagot si BEATRIX sakin dahil dali-dali itong umalis. Samantalang si Elliot ay initusan ko para sunduin ang judge na mag wiwitness sa pagpapakasal namin.

At si Wyatt ay agad kong pinabalik sa mansion para ipaalam ito sa dalagang magdadala ng pangalan at tagapagmana ko.

Hindi ko na hihintayin ang sagot niya!

Dahil doon ay nawala sa isip ko ang importanteng pag pupulong namin nila Elliot, Wyatt at Beatrix.

Mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa upuan ko. Naupo ako roon at nagbasa ng mga dokyumento.

Habang nagbabasa ako ay hindi nakawala sa paningin ko ang White Crest ang mga puting diyablo kung tatawagin namin sa Org.

At nalaman ko sa dokyumentong binabasa ko na ang pinuno nito ay tatakbo sa senado sa susunod na eleksyon, dalawang taon mula sa taong ito.

Balak nila atang sakupin at pasunorin sa kagustuhan nila ang buong bansa, hindi ko masasabing ang Org. na pinamumunuan ko ay hustisya sa tamang pamamaraan kundi kami ang hustisya sa maling pamamaraan.

Lumipas ang limang oras ay nakabalik sa si BEATRIX sa opisina na ko at pinaalam nito na handa na ang lahat utos ko lang ang hinihintay.

"Pasensya na kung sa pagkakataong ito ay maspipiliin kong maging makasarili, pero wag kang mag alala. I will protect your sister kahit buhay ko pa ang kapalit."

Hindi ako sinagot ni BEATRIX pero hinihintay ko parin ang sagot niya.

"Alagaan mo ang kapatid ko."

Kahit mahina ang pagkakasabi niya ay narinig ko.

" I promise."

(Wyatt's p.o.v)

Bakit ako pa tong inutusan ni boss para ipalaam sa kapatid ni Beatrix ang pagpapakasal nila. Baka pag kaharap ko na siya iba ang sasabihin ko.

Tulad nalang ng tara aking sinta sumama sakin at ako'y iyong pakasalin. Kung ika'y hindi naniniwala ay handa kong abutin ang mga bitwin at iyon ay gagawin kong singsing na babagay sa iyong daliri. Para ipadama sayo na tunay ang aking pag-ibig.

Pero pag yun ang sasabihin ko baka pagbabali-baliin na ni Dhom ang mga buto ko sa katawan, hayyysssstttt.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit si Dhom pa ang naging karibal ko. Ang babaeng katulad niya ay nababagay sakin, masbagay kami ng dalaga. Kasi pag sila ni Dhom ang magkakatulay niya....hindi sila bagay mga hayop sila!

Pero hindi siya kasama si Dhom lang ang hayop.

Pagbalik ko sa mansion ay napansin kong wala ang mga katulong. Kasi kadalasan ay nagkalat sila sa iba't ibang bahagi at parte ng masion. Kanya kanyang trabaho pero ngayon parang linayasan ang mansion ni Dhom, ni walang katao-tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa living room.

Limingon lingon ako at tulad ng inaasahan ko wala akong nakitang kahit isang katulong na pagtatanungan. Dumiretcho ako papunta sa pool area umaasang doon ako makakakita ng pwede kong pagtanungan kung nasasn ang kapatid ni Beatrix. Sa laki pa naman ng mansion ni Dhom baka abutin ako ng ilang oras sa paghahanap kung sana hindi parang maze tong mansion baka nahanap ko na siya.

Nag isip isip ako kung saan ko siya huling nakita at naalala ko ang pangyayari kanina at naalala ko pumunta silang dalawa ni Dhom sa pangalawang palapag dahil may importante silang pag uusapan pero wala pang sampung minuto ang lumipas ay bumalik si Dhom sa living room. Tapos nung tatanungin ko sana kung bakit siya lang ang lumabas nang sagutin niya ako ng...

"Gusto mong maputulan ng dila."

Ang sama pa ng tingin niya wala nga akong ginawang masama.

Diba ang bait ni Dhom, kung kay Elliot at Beatrix hindi naman siya ganun pero bakit sa akin ganun siya.

Baka palihim siyang naiingit sa akin dahil sa masgwapo at masmalakas ang dating ko sa mga babae.

Nang naisipan kong puntahan ang dalaga sa pangalawang palapag ng mansion ay inuna kong puntahan ang kwarto ni Dhom. Pero pagpasok ko sa loob ay wala akong nakita sa dalaga. Iniisa-isa ko ang bawat silid sa second floor, tumagal ako ng kalahating oras sa paghahanap at di kalaunan ay nakaramdam ako ng uhaw. Kaya naisipan kong pumunta sa kusina para makainom ng tubig.

Nasa hagdan palang ako ng makarinig ako ingay na nagmumula sa kusina. Agad na pumasok sa isip ko ang salitang MAGNANAKAW.

Pero imposible napakahigpit ng seguridan sa mansyong toh. Kaya ang baril na hawak ko ay tinago ko sa likod ko bago ako dahan-dahang naglalakad papasok ng kusina at sinugurado kong walang maririnig na ingay na nagmumula sa bawat pagtapak ko.

Pero ganun nalang ang pagkabigla ko nang madatnan ang dalaga sa kusina na naka-Indian sit habang kumakain, hindi niya ako napansin dahil nakatuon ang atensyon niya pagkain.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya pero nabigo ako. Kaya linapitan ko nalang ito, pero hindi niya manlang ako sinulyapan o tinapunan ng tingin kahit manlang isang segundo.

Isang segundo lang naman ang hinihingi ko at makakamove on na ko. Dahil pag nagpakasal na siya Kay Dhom ay hindi ko na siya mapopormahan.

Dahil sa hindi niya pagpansin sakin ay maslalo akong nauhaw kaya uminom muna ako ng tubig. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya habang pinapanood siyang kumain.

Teka, ito yung niluto ni Dhom ah?

Grabi sa itim ng saging nagagawa niya pang kainin. Hindi ba siya napapaitan kasi sigurado ako mapait yung saging dahil sunog ito. Pero bilib ako sa sikmura ng babaeng toh kahit siguro hindi luto kaya niyang lamunin.

"Hindi mo ba ako papansinin wag kang mag alala wala na si Dhom... kasi tayong dalawa lang ang nandito...."

Pwede na tayong maglandian kasi wala nang pipigil sa atin. Pero hindi ko yun sinabi.

"Alam ko...pinalabas ko ang mga katulong....ang ingay kasi nila kanina." Sagot niya.

"Ganun ba, sige mamaya muna tayo mag usap. Kumain ka muna diyan. Papanoorin nalang kitang kumain habang naghihintay ako."

Nagpatuloy sa pagkain ang dalaga at hindi ko maitatanggi na nag-eenjoy ako sa bawat subo niya. Pakiramdam ko tuloy nabubusog rin ako.

Kung itanan ko nalang kaya siya....may pera naman ako may sarili akong kompanya...may maipagmamayabang naman ako..kung itsura ang basehan. Kaya saan pa siya sakin na, wag na kay Dhom.

Mas-complete package pa ko.

Ang dami niyang nakain ah?

"Tapos na kong kumain ano yung pag-uusapan natin?" Tanong nito sakin habang hinuhugasan ang pinagkainan niyang plato. Samantalang ako pinapanood ko nalang siya. Bw*sit na Dhom ang swerte niya sa mapapangasawa niya. Kung sana ganito rin si Beatrix pwede ko rin siyang landiin pero sa ugali ng amazonang yung malabong mangyari ang iniisip ko.

"Siguro hindi mo pa ito alam pero sasabihin ko na at wala kang ibang pagpipilian kundi ang sumang ayon sa kagustuhan ni Dhom." Seryoso kong saad.

"Dahil magpapakasal kayo ni Dhom sa lalong madaling panahon." Pagpapatuloy ko, nakita ko sa mukha nito ang pagkabigla pero hindi tulad ng inaasahan ko.

"Yun lang ba?"

"Oo...kaya ihanda-handa mo na ang sarili mo. Dahil hindi ordinariyong mundo ang papasukan mo...pero kung gusto mong tumakbo matutulungan kita."

Akala ko sasang-ayon siya sa suhesyon ko pero hindi. Matapang niya akong hinarap at tinitigan sa mata.

Ngumiti siya bago umiling ng dahan-dahan.

"Hindi ako tatakbo....at sabihin mo sa Dhom na yan....kung gusto niya akong pakasalan siya ang magsabi sakin ng personal hindi yang inuutos niya sa iba. Bumalika kung saan ka nanggaling kanina at sabihin yun. Paki sabi narin na handa na kong harapin at kausapin siya."

Tumango ako sa hiling nito at ngumiti. Sayang akala ko talaga tatangi siya at tatakas,sayang ang pagkakataon.

Matapos kaming mag-usap ay nagpasya na akong bumalik sa hideout pero ayokong dumaan sa underground basement amoy bakal. Kaya nagpasyahan kong gamitin ang kotse ko sa pagpunta sa hideout para makalanghap ng sariwang hangin. Pero dahil nasa syudad tayo polluted air ang nilalanghap ko.

Paglabas ko ng mansyon ay nadatnan ko ang mga katulong na nasa labas para silang tinakasan ng mga kaluluwa dahil sa mga itsura nila.

"What's up people... what's with your faces people?"masigla kong tanong.

"Kasi po sir yang babae kanina pinalabas kami."

"Sinabi lang naman namin na bawal siyang magluto kasi trabaho namin yun pero nagalit siya."

"Inutos kasi ni Sir Dhom na pagsilbihan namin siya pero nagalit nalang siya bigla."

"Bruha siya...siya nga tong pinagsisilbihan ayaw pa!"

"Para siyang buntis kung umasta!"

"Kanina pinalabas niya kaming lahat kasi nasusuka daw siya sa amoy namin."

Ilan lang yun sa mga reklamo nila kaya napapangiti nalang ako dahil hindi ko inaasahan na may pagka Beatrix din pala yun di lang halata dahil masmaamo ang mukha niya kesa kay Beatrix, siguro pinaglihi sa unggoy si Beatrix kaya kung umasta kala mo ungoy talaga.

kailangan ko nang umalis para sabihin kay Dhom ang sagot ng dalaga. Pero habang nasa daan ako ay napahinto ako bigla sa pagmamaneho.

Teka nakalimutan kong tanungin ano ang pangalan niya.

Magpapatuloy na sana ako sa pagmamaneho nang may mapansin ako. Pagtingin ko sa review mirror ay nakita ko roon ang isang itim na van.