"I agree," si Wyatt.
"For now bumalik muna tayo sa hideout, a6 Wyatt any news about the woman?" Tanong ko.
"Kung gusto mo daw siyang pakasalan ikaw ang magsabi niyan sa kanya wag mo daw iutos sa iba. Dahil handa na daw siyang harapan at kausapin ka kaya. Ayusin mo ang pananalita mo sa kanya dahil kung hindi itatanan ko siya."
"Don't you dare," banta ko sa kanya.
Sh*t bigla akong kinabahan.
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ni Wyatt dahil hindi na ako makikisabay sa dalawa dahil naririndi ang tenga ko sa walang katapusang away nila.
"Galit parin ba siya sa tingin mo?" Tanong ko kay Wyatt umaasang may matino akong sagot na makukuha sa kanya. Sana hindi nalang akong ako nagtanong.
"Kung sayo Oo pero sa akin hindi naman...alam mo kung bakit masgwapo kasi ako kesa sayo."
The most dumb answer that I've ever heard.
Dhom's P.O.V
"Kung sayo Oo pero sa akin hindi naman...alam mo kung bakit masgwapo kasi ako kesa sayo."
"Pwede ba kung tinatanong ka ng matino sumagot ka ng matino. Kung ayaw mong pati dila mo lumayo sayo."
"Matino naman ang sagot ko ah?"
"Yeah right...matino nga..." Note the sarcasm.
Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko dahil papalit nang papalapit na kami sa masyon.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.
"Nervous.....dapat lang."si Wyatt.
"Salamat sa motivation ha nakakatulong ka," ako.
"Wala yun ano kaba...kung hindi parin siya papayag sa alok mo...ibigay mo na siya sakin....total mas gwapo naman talaga ako kesa sayo." Ilang beses niya bang binanggit na masgwapo siya sakin. Kung haharap naman kami sa salamin di hamak na mas-angat ako. Kung pisikal na kaanyuan ang pag uusapan pero pagdating sa pakikisama ay wala akong masasabi sa kakayahan ni Wyatt, madali siyang pakisamahan at lapitan.
Sa wakas nakabalik na kami sa masyon pero laking gulat ko kung bakit lahat ng mga katulong nasa labas, nagtataka akong lumingon sa gawi ni Wyatt baka may alam siya.
"What's going on?" Tanong ko kay Wyatt.
"Pinalabas di mo ba nakikita. Alam mo bukod sa masgwapo ako masmalinaw pa ang mata ko. Kita mo ngang nasa labas sila eh nagtatanong ka pa."
Sh*t sumasakit ang ulo ko kay Wyatt, bakit ko ba naisipang sumabay sa kanya mas daig pa nga niya sila Elliot at Beatrix.
"I know but for what reason."
Lumapit ako sa namumuno sa mga katulong, at siya ay walang iba kundi si Manang Ellen.
"Manang ano pong nangyayari dito?" Alam kong bastos ako kung magsalita pag ibang tao ang kaharap ko pero ibang usapan kung si manang Ellen. Dahil turing ko sa kanya ay isang malapit na kapamilya. Siya kasi ang tumayong nanay ko dahil sa maagang pumanaw ang aking ina nung 8 years old palang ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil madaming akong natutunan mula sa kanya.
"Hijo kasi yung dalaga pinalabas niya kami dahil pinagbabawalan namin siyang magluto ng sarili nitong pagkain. Sinususod ko lang hijo ang utos mo pero hindi niya kami pinakinggan at pinalabas nalang niya kami para hindi siya pigilan sa kagustuhan nito." Paliwanag ni manang Ellen sa akin.
Pagkatapos ay agad akong pumasok ng masyon at sa hindi inaasahan ay nakita ko siyang nakaupo sa may hagdanan na nakaidlip.
"Hey anong ginaga--!"
"My Cinderella is that you!!!"
Kahit kailan talaga itong si Wyatt sarap niyang ipalapa sa buwaya.
Mabilis akong linampasan ni Wyatt dahil sa kakadaling lapitan ang dalaga. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng dalaga at maingat na kinuha ang ulo ng dalaga para isandal sa balikat nito. Ang lawak pa ng ngiti nito sabay kindat sakin na parang pinapahiwatig niyang "kaya mo ba toh look."
Wyatt f*ck!
"Wyatt gusto mong mamatay?!"
"No," sagot nito habang hindi mawalawala ang ngiti nito sa labi at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa saya.
"Lumayo ka sa kanya, kung ayaw mong barilin kita sa bungo...." and this time I'm not joking how dare him. Kahit alam kong makapal na talaga dati pa ang pagmumukha ni Wyatt pero hindi ko inaasahan toh!
"Kung ako sayo Dhom maliligo na ko... kasi hindi ako haharap at makikipag-usas sa dalagang toh na may dugo sa damit ko," sabi ni Wyatt sabay turo sa bandang tagiliran ko ang mantya ng dugo. Malamang ay dahil sa pagtalsik ng dugo ng lalaki kanina nung binaril siya ng babaeng yun.
"Wow! Wyatt sa unang pagkakataon nakapag-isip ka ng matino!" Parang amaze na amaze pa si Elliot habang pinalakpakan ang kaibigan. Samantalang si Beatrix ay linapitan si Wyatt at binigyan ng isang tadyak sa gitnang bahagi ng mga binti niya dahilan para tumirik ang mata niya sa sobrang sakit.
Aaawwww....
Agad na napatayo si Wyatt dahilan para magising ang kapatid ni Beatrix.
Hawak-hawak nito ang gitnang bahagi ng pantalon niya habang nagtatalon, serves him right.
Pero bago niya ako matapunan ng tingin ay agad akong naglakad patungo sa taas para makapagligo at makapagpalit ng damit. Tama si Wyatt kailangan kong magpalit ng damit.
"Hintayin mo ko....then we'll talk just like you said."
"Sige."
Habang umaagos ang tubig sa katawan ko ay hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibo. Paano kung ayaw parin nito kahit na ako pa ang umalok sa kanya. Paano nalang pag ganun, siguro mapipilitan akong idaan nalang sa paraang hindi niya magugustuhan. Pero kung gagawin ko naman iyon ay maslalo lang siyang magagalit sa akin.
Think positive Dhom.
Mabilis akong natapos sa pagligo, tinuyo ko ang katawan ko gamit ang tuwalya at nagsuot na ng damit pambahay.
Pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto ko at mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko sila sa ibaba na nag-uusap maliban lang kay Elliot na nasa isang sulok malapit sa bintana.
Kinakabahan man ay kailangan ko siyang harapin dahil hindi ko habang buhay na tatakbuhin ang responsibilidad ko sa kanya lalo na't may malalim akong sugat na iniwan sa kanya. Siguro panahon na para tulungan ko siyang maghilom.
Mukhang malabo at mahihirap man akong mapalapit sa kanya ay pipilitin ko. Pero hindi ko lang basta pipilitin kundi gagawin ko dahil iyon ang sa tingin ko ay tama.
Nakalapit na ako sa kanila at umupo sa kaharap nilang sofa kung saan kitang kita ko na ang kapatid ni Beatrix.
"Ngayon mo sabihin ang sinabi sa akin ni Wyatt....gusto kong marinig ang mga salitang iyon na manggagaling mismo sayo...."
Umhhh...Bakit ako nauutal. Simple lang naman yun.
Hindi dapat ako nagkakaganito kailangan kong mag seryoso at umayos hindi tama na magpakita ako ng kahit anong klaseng kahinaan sa kanya.
"But before that... I want to sincerely apologize to you about that nig---!"
"I don't want to hear anything about that night...I want to forget about it Dhom." Nang sinabi niya ang mga salitang iyon ay nawalan ako ng pag-asa. Pag-asa na mapasakin siya.
When she said she want to forget ay nasaktan ako hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan pero parang kasing talim kasi ng mga kutsilyo ang salita niya.
"Ok...well then." Saad ko.
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na tinuloy,dahil sa pagdating ng attorney na si mr. Alvarez. Ang nagsisilbing judge sa kasalang magaganap.
I composed myself then I look straight to the woman's eyes.
"Marry me and I don't take no for an answer. Marry me or I'll marry you? Your choice."
Kita ko ang pag-aanlinlangan sa mukha nito, tumingin siya sa kapatid niyang si Beatrix at isang tango naman ang sinagot naman isinagot ni BEATRIX sa kakambal nito.
"Give me time to think." Mahinang sagot nito.
"1 minute then, you have one minute to think."
"Huwag mong ipressure," sabi ni Wyatt. "Ganito nalang palitan natin ang pagpipilian mo. Pakasalan mo ko at magtatanan tayo sa mismong harapan ni Dhom o marry me then we'll elope infront of Dhom's face." Pagpapatuloy ni Wyatt.
"Gag* ka ba Wyatt pareho lang iyon!" Sigaw ni Beatrix. "Manahimik ka nga Wyatt! Kung wala kang matinong sasabihin." Ani ni Beatrix.
"Times up, your answer."
"Teka parang sobrang bilis naman ng isang minuto!"
"In 3...2...1! That's it tapos na ang oras mo," ako.
"Yes, but in 5 conditions!" Sagot niya. Tagumpay she said yes. Well done Dhom.
"Ok deal, well then mr. Alvarez let's proceed."
Mabilis na natapos ang kasal, pagkatapos niyang pumirma ay galit na halos mangiyak-ngiyak ang mga mata niya. Bakit did I do something wrong. May nagawa na naman ba akong nakakasakit sa kanya.
Tumayo ito at hinagis sa mukha ko ang ballpen na hawak niya.
"I want a divorce!!! Ayoko nito!"
Divorce what! Tama ba ang narinig ko... devorce wala pa nga kaming isang minuto divorce na agad.
Lalapitan ko na sana siya nang mabilis siyang lumayo sa akin at tinakpan ang ilong nito na parang naduduwal. Bakit mabaho parin ba ako, naligo naman ako.
"Ang baho mo!!!"
"Sign up?" Sabi ni mr. Alvarez sa dalawa.
Hindi makapaniwalang napatingin ang kambal ni Beatrix kay Dhom.
She was expecting a wedding in church hindi tulad nito.
No gowns, no makeup, no bride, no groom, no priest