Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 16 - CHAPTER 15

Chapter 16 - CHAPTER 15

Mabuti nalang at mabilis ang galaw niya at kumuha ng supporta sa ding-ding. Ang kilig na nararamdaman niya kanina lang ay agad na napalitan ng takot. Agad siyang napahawak sa tiyan nito at humingi ng tawad sa anak.

"Sorry baby..sa susunod mag-iingat na si mama."

Agad na natapos si Billie at lumabas ng banyo, at nawala sa isip niya na tuwalya lang ang nagsisilbing takip ng katawan niya at nawala sa isip niya na hinihintay siya ni Dhom.

Paglabas ni Billie mula sa banyo ay nanlaki ang mata niya nang makitang nakatayo si Dhom sa harapan niya hawak ang damit niya, hindi ito makatingin sa mata ni Billie dahil umiwas siya ng tingin.

"Your clothes, nakalimutan kong dalhin kanina."

Namumula si Billie na kinuha ang damit na hawak ni Dhom. Pagkakuha niya ay nahulog sa sahig ang panty ni Billie. Pero bago pa man makuha ito ni Billie ay naunahan siya ni Dhom. Tila nag iba ang ihip ng hangin ng kunin ni Dhom ang panty ni Billie sa sahig.

"You drop this,"

"Ah, salamat."

Agad na kinuha ni Billie ang panty nito at bumalik sa banyo agad niyang linock ang pinto at mahigpit na napahawak sa dibdib niya, mabilis ang tibok nito maging ang paghinga nito.

Napatingin si Billie sa panty niya at naalala nito ang pag pulot ng asawa niya. Pinilit niyang wag isipin ang pangyayaring iyon dahil wala namang malisya dun.

Matapos isuot ni Billie ang bra at t-shirt nito ay muli siyang napatingin sa panty niya at namumulang sinuot ito. Naisip niya kasi ang pagpulot ni Dhom kanina, natural lang naman iyon dahil mag asawa na sila pero hindi parin maiwasan ni Billie na mamula dahil hinawakan ni Dhom ang panty niya, hindi lang hinawakan pinulot pa.

Paglabas ni Billie ay naabutan niya si Dhom na nakaupo sa long sofa habang kaharap ang mini table nakapatong doon ng isang tray ng pagkain na naglalaman ng pancakes, milk and her Vitamins.

"Ang tagal mo ah." Sabi ni Dhom.

"Come...." Pagpapatuloy ni Dhom. Lumapit si Billie kay Dhom at umupo sa tabi nito. Hiningi ni Dhom ang dalawang kamay ni Billie at pinosas ito. Nanlaki ang mga mata ni Billie sa ginawa ni Dhom sa kanya.

"What's this?" Kinakabahang tanong ni Billie.

"Shhhhh....."

"D...Dho..ommm" kinakabahang tanong ni Billie pero nginitian lang siya nj Dhom ba parang walang narinig. Naluluha na si Billie sa ginawa ni Dhom sa kanya, bago pa man tumulo ang luha ni Billie ay agad namang pinunasan iyon ni Dhom.

"Shhhhh..... it's okay.... don't cry.... papakainin lang naman kita." Malambing na paliwanag ni Dhom,agad na natigilan si Billie sa sinasabi ng asawa.

"May kamay naman ako kaya kong kumain ng mag isa."

"That's the point kaya nga pinosas ko ang kamay mo para my dahilan ako para subuan ka....now say aaahhhh baby."

Mabilis na sumubo si Billie at pagkatapos niyang kumain ay agad na pinainom ni Dhom ang mga Vitamins niya. Kahit nakaposas siya ay masasabi niyang ito ang pinaka magandang breakfast na natamo niya sa buong buhay niya. Nakaposas nga ang dalawang kamay niya pero pinag sisilbihan naman siya ng asawa niya, kaya hindi maiwasan ni Billie na mapangiti sa mga kalokohan ni Dhom.

Kala mo delikado, totoo delikado nga pero masaya at nakakamatay ang ka-cheese-han ni Dhom.

Message from: unknown

YOUR NEXT

Muli na namang natanggap ni Elliot ang text message na iyon, at sa pagkakataong ito ay nireplayan niya ang message.

Message sent to: unknown

What do you want.

Message from: unknown

I want you.

Message from: unknown

If you want to know more about your brother, come to this place LAMÉSÉTÉ HOTEL.

Agad na kinakain ng kuryosidad ang utak ni Elliot kaya hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang hotel na iyon. Gusto niyang malaman ang katotohan kung bakit siya nalagay sa sitwasyong iyon.

Gusto niyang malaman ang dahilan ng kapatid niya kung bakit pumayag siya sa sikretong misyon na binigay ni Dhom sa kapatid niya. At kung bakit sa mismong araw na iyon nung binaril ni Beatrix ang kapatid ni Elliot ay siya namang pagsapi niya sa HETHEROMOS.

Gusto niyang malaman ang lahat ng iyon.

At kung sino man ang taong nasa likod ng numerong ito ay kailangan niyang makausap ito at baka masagot nito ang mga katanungan niya na hindi masagot sagot.

Kung hihintayin ni Elliot ang paggising ng kapatid niya ay baka huli na lalo na't nabigay babala na ang mga ibang org. at ang babalang iyon ay ang nangyari kay Wyatt.

Hindi alam ni Elliot kung pagkakatiwalaan niya ba ang taong naghihintay sa kanya sa LAMÉSÉTÉ HOTEL.

Pero may nagtutulak sa kanyang gawin iyon, agad namang minaneho ni Elliot ang kotse nito at tumungo sa LAMÉSÉTÉ HOTEL isang oras ang layo mula sa kinaroroonan niya.

Habang tinatahak ng kotse nito ang daan patungo sa hotel ay muli na namang tumunog ang selpon nito. Hindi na siya nabigla nang makita sa screen ng selpon niya ang numerong hindi ni nakikilala.

Message from: unknown

10 th floor, room 669.

Hindi na tinangka ni Elliot na replayan ito dahil masbinilisan niya ang pagmamaneho.

Pagdating niya sa LAMÉSÉTÉ HOTEL ay agad siyang pumasok at binigay sa bellboy ang susi nito para ipark sa parking lot ng hotel ang sasakyan niya. Dali daling sumakay sa elevator si Elliot at pinindot ang numerong 10.

Sasara na sana ang elevator nang may sumabay sa kanya isang lalaki na hindi niya nakikilala. Hindi ito pumindot kaya naisipan ni Elliot na sa 10th floor din baba ang nakasabay niya.

Ilang minuto ang lumipas nang makarating na si Elliot sa 10th floor, hinugot ni Elliot ang selpon nito at ini-on ang location nito incase na hindi siya makabalik ay mahahanap siya kahit na alam niyang si Beatrix ang mag tratrack sa kanya.

Pero sinugurado niyang hindi napansin ng kasama niya sa loob ng elevator ang ginawa niya. Pagkatapos ay agad niyang tinago sa bulsa niya ang selpon nito.

Naglakad palabas ng elevator si Elliot at naglakad sa malaking hallway ng 10th floor. Habang naglalakad si Elliot ay tinitignan niya ang bawat numero na nakaukit sa pinto. Hanggang sa napadpad siya sa pinaka huling pinto.

Room 669

Huminga ng malalim si Elliot bago buksan ang pinto, pagbukas niya ay agad siyang sinalubong ng isang dosenang baril na nakatutok sa ulo niya. Dahan dahan siyang nag-taas ng kamay at linagay iyon sa batok niya nang mabilis siyang nilapitan ng isa sa mga lalaki at sinipa ang tuhod niya dahilan para lumuhod ito sa sahig.

Hindi pa nakontento ang lalaking sumipa kay Elliot nang malakas siyang inuntog sa pader ang ulo ni Elliot.

Tumigil lang ito nang may pumasok, nanlaki ang mata ni Elliot dahil ito ang lalaking nakasabay niya sa elevator. Siya ba ang taong nagtext sa kanya.

"Hello Hellion's little brother!"

"Who are you...."

"I'm Rem Maximilliano. The one who truly shot your brother!"

"You f*cker! You son of a b*tch!"

"Save your curse for later... cause your going to need it soon. Now tell me where is the chip. The Chip that contains most of the top secret organizations in the world."

"I don't know what your talking about!"

"Playing hard eyyy...tie him up.....torture him!" Utos ni Rem sa mga tauhan nito.

"And oh....I almost forgot..." Agad na lumapit si Rem kay Elliot at kinuha ang selpon nito sa bulsa niya at sinira sa mismong harapan ni Elliot.

"There no more problems."

"F*ck you!" Sigaw ni Elliot sabay dura sa pagmumukha ni Rem na nakangiti. Biglang naglaho ang ngiti ni Rem at isang malakas na suntok ang natanggap ni Elliot sa sikmura at sa mukha nito.

"I'll meet you in hell! Bring him to the torture room! Let's see how taught your brother is Hellion!"

"Beatrix where are you going?" Tanong ni Wyatt bago pa man makasakay ng kotse si Beatrix. Agad na napahinto ang dalaga at hinarap si Wyatt na naghihitay ng sagot. Napabuntong hininga si Beatrix bago sumagot.

"I'll visit Hellion."

"Ha?! Hindi mo ba naisip na baka nandun sa Ospital si Elliot baka kung anong gawin niya sayo."

"Kaya ko ang sarili," sagot ni Beatrix bago pumasok sa kotse nito.

Pero nagulat nalang si Beatrix nang sumakay din si Wyatt.

"What are you doing?" Tila naiiritang tanong ni Beatrix.

"Sasama ako, bibisitahin ko rin si Hellion." Sagot ni Wyatt.

"Ok suit yourself." Sabi ni Beatrix bago paandarin ang kotse nito.

Pagdating nila sa Ospital ay agad na nagtungo sa kwarto ni Hellion si Beatrix samantalang si Wyatt ay may kausap sa selpon. Pinauna niya lang si Beatrix dahil matatagalan ata siya sa pakikipag-usap.

Pagpasok ni Beatrix sa silid ni Hellion ay agad niyang sinara ang pinto at sinugurado na naka-lock ito. Naglakad siya papalapit kay Hellion at umupo sa upuan na malapit sa kanya.

"Hey! Hell how are you? Matagl-tagal na rin hindi ako nakakadalawa pasensya na." Panimula ni Beatix bago hawakan ang kaliwang kamay ni Hellion.

"Alam mo bang hindi kami magkasundo ng kapatid mo...he..he..he..sinisisi niya ko pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil ako naman ang talaga dahilan kung bakit ka nabaril. Kung sana hindi mo ko tinulak ay baka wala ka na dito sa Ospital." Napahinto si Beatrix sa pagkwekwento dahil pinahid nito ang luhang nagmumula sa mga mata niya.

"Alam mo bang dahil sa tindi ng galit ng kapatid mo sa akin ay dinadamay niya ang kapatid ko....tinatakot niya ako sa pagtatangkang gagawin niya rin sa kapatid ko ang nangyari sayo. Hellion pagod na pagod na kong itago ang totoo...lalo na't ang buhay ng kapatid ko ang nalalagay sa panganib at tungkol naman sa chip huwag kang mag alala naibigay ko na iyon kay Dhom sa mismong araw na iyon." Pagpapatuloy ni Beatrix.

Samantalang si Wyatt ay nakatayo lang sa pinto, nang marinig niya si Beatrix ay agad siyang napatigil sa pagpihit ng pinto dahil may nagtutulak sa kanya na makinig sa sinasabi ni Beatrix kaya iyon ang ginawa niya.

Alam niya ang tungkol sa Chip pero ang hindi niya alam ay ang tungkol kay Elliot sa balak nito kay Billie. Inaamin niyang nakakaramdam siya ng inis kay Elliot pero naisip niya rin na walang kaalam-alam si Elliot kaya siya nagkakaganun. Dahil hiniling ng kapatid nito na si Hellion na huwag sabihin sa kanya ang totoo dahil pag nalaman niya ang totoo ay baka maisipan nitong umalis sa Org. Dahil ang pinakaayaw ni Elliot ay ang nalalagay sa panganib ang nuhat ng kapatid nito dahil ito lang ang natitirang kapamilya niya.

Hiniling rin ni Hellion kay Beatrix na pangatawanan ang kasinungalingan nito na siya ang bumaril kay Hellion, agad namang pumayag si Beatrix dahil sa pagliligtas ni Hellion sa kanya sa bingit ng kamatayan, kaya ngayon ay nakaratay siya sa kama ng Ospital.

"Hellion pinapangako ko na hindi ko sasabihin Kay Elliot ang totoo. Pero hindi ko pinapangako na hindi ko babarilin sa ulo ang kapatid mo pag ginalaw niya ang kapatid ko." Sabi ni Beatix bago tumayo, agad niyang ini-open ang pinto at nabigla ito nang makitang nakatayo roon si Wyatt at mukhang kanina pa siya roon.

"Narinig mo?" Tumango si Wyatt.

"Ah....ganun ba..." ni Beatrix.

"Is it true, na may balak si Elliot na...."

"Yun ang palagi niyang sinasabi pero wala pa naman siyang ginagawa, pero tulad ng narinig mo hindi ako magdadalawang isip na barilin sa ulo si Elliot pag may masama siyang ginawa sa kapatid ko." Seryoso saad ni Beatix kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt sa sinabi ni Beatrix.

Pagkatapos ay agad silang bumalik ng mansyon at naabutan nila si Dhom na naka upo sa mahabang sofa.

Kaya hula ng dalawa ay hinihintay sila, at mukhang may hindi magandang balita. Dahil sa seryosong mukha ni Dhom, agad niyang sinenyasan ang dalawa na sumunod sa kanya sa library room dahil doon sila mag uusap.

Habang tinatahak nila ang daan patungo sa library room ay agad na napansin ni Wyatt na hindi nila kasama si Elliot kaya agad siyang napatingin kay Beatrix pero umiling ito. Nakahinga naman ng maluwag si Wyatt, pagpasok nila sa loob ng silid ay agad silang naupo.

"Elliot is missing." Sabi ni Dhom na agad na ikinagulat ng dalawa dahil hindi nila inaasahan ang impormasyong iyon.

"And we are going to rescue him."

"Remember the White Crest, may bago na silang pinuno si Rem Maximilliano ang tinutukoy ng lalaking nakaharap natin sa abandonadong gusali," ni Dhom.

"Yes" ni Wyatt.

"Good...naalala niyo...so here is the plan mamayang hating gabi we'll rescue Elliot so we have all the remaining 14 hours para maghanda," ni Dhom.

"And leave the tracking to me, I promise hahanapin ko kung saang lupalop pa ng mundo si Elliot," ni Beatix.

"Just the three of us?" tanong ni Wyatt agad namang tumango si Dhom.

"Yes, and the org. they don't need to know this. At kung tama ang hinala ko may traydor sa HETHEROMOS pero tsaka nalang natin problemahin iyon. Elliot comes first."