Mabilis na dinala ni Dhom si Billie sa Ospital, nagkakagulo ang lahat dahil pumasok si Dhom na buhat buhat ang asawa nito ni hindi nito kayang ipaubaya sa mga nurses na nakasunod sa kanya. Kaya walang ibang magawa ang mga ito kundi ang ituro ang daan kay Dhom patungo sa emergency room kung saan gagawin ang operasyon kung saan tatahiin ng mga doktor ang sugat na iniwan ni Callisto sa kanya. Nang maihiga ni Dhom si Billie sa operation bed ay agad siyang sinabihan ng isang doktor na Kailangan niyang lumabas dahil bawal na siyang manatili sa loob. Pero matigas ang ulo ni Dhom at hindi sumunod sa utos ng doktor, pilit siyang pinapaalis ng mga ilang nurses pero sadyang malakas si Dhom kaya hindi nila ito mapigilan. Agad siyang naglakad at kahit itinutulak siya palabas ay hindi siya nagpatinag. Hanggang sa makalapit na siya sa operation bed kung saan walang malay na nakahiga si Billie.
Habang nakatingin si Dhom kay Billie ay agad pumasok sa isip niya ang larawan kung saan tuluyan nang mawawala ang asawa niya sa kanya. Dahil sa larawang nakita niya sa isip nito ay hindi na napigilan ni Dhom na mapaluha. Linapitan siya ng doktor at hinawakan ang balikat nito. Napatingin si Dhom sa kamay na nakapatong sa balikat niya.
"Mr. MacCoughlan...this is a very urgent operation kung gusto mong mailigtas ang mag ina mo sa kritikal na kondisyon... trust me we will save them both. I will do everything in my power to save your wife and your unborn child at ang tanging magagawa mo lang ay ang ipagkatiwala sila sa akin."
Mahabang paliwanag ng doktor kay Dhom, napaisip si Dhom dahil sa sinabi ng doktor sa kanya. Tama ang doktor hindi niya maililigtas ang mag ina niya kung hindi niya ipagkakatiwala ang kondisyon nila sa propesyonal na taong nasa likuran niya lang.
Muling napatingin si Dhom sa asawa nito at hinawakan ang kamay nito at mabilis na humuling ng himala sa panginoong may kapal.
Please save my wife and my child.
Magsasalita pa sana ang isang nurse para paalisin siya sa operating room nang pinigilan ito ng doktor gamit ang kamay nito, itinaas niya ito para senyasanan ang nurse na huwag ituloy ang sasabihin nito.
Agad na napatigil ang nurse sa pagsasalita nang makitang kusang loob na lumabas si Dhom ng OR. Naglakad ito palabas at nang nakalabas na siya sa OR ay agad siyang napahinto sa mismong harapan ng OR. Mabilis namang pinindot ng doktor ang close button para tuluyang maisara ang sliding door.
Nanatiling nakatayo si Dhom sa mismong harapan ng Pintuan ng OR. Humarap siya sa nakasarang pinto at sinandal ang ulo nito, muli na namang napaluha si Dhom nang maalala ang sitwasyon ng asawa nito sa loob ng OR.
PLEASE FOR HEAVEN'S SAKE PLEASE BE SAFE.
Nang mapagod si Dhom ay naglakad ito at umupo sa waiting area, ihinilamos niya ang palad niya sa mukha nito para pakalmahin ang sarili nito. Ilang sandali pa ang lumipas nang makarinig si Dhom ng mga yabag ng mga sapatos sa hindi kalayuan. Nag angat lang siya ng tingin nang makita nito ang pamilyar na sapatos.
"Hey, Elliot." Walang ganang pagbati ni Dhom kay Elliot ba ngayon ay nakatayo sa harapan niya habang ang tatlo nitong mga kasamahan ay nasa likuran ni Elliot hinihintay ang susunod na sasabihin ni Dhom sa kanila.
Pero hindi na nakapagpigil si Beatrix at siya na ang naunang nagsalita para basagin ang katahimikan pumapalibot sa kanila.
"I heard from your employees," paninimula nito kay Dhom.
"That the f*cking b*tch serpent ex of yours did this to my sister!"
Tumango lang si Dhom kay Beatrix. "That she stab Billie with a d*mn scissor! F*ck all the d*mn saints in the whole universe I'll kill that b*tch pronto!"
Walang masabi si Dhom kaya sa bawat salitang binitawan ni Beatrix ay tango nalang ang ginagawa nito kahit na wala siyang naintindihan sa bawat linya ni Beatrix.
PAK!!!! PAK!!!!
Nakabalik lang sa realidad si Dhom nang isang mag asawang sampal ang natamo niya mula kay Wyatt namumula ang magkabilang pisngi ni Dhom habang nakatingin kay Wyatt.
F*ck, he cussed.
"Ang sakit pala manampal paano nagagawang tiisin ng mga babae iyon." Sabi ni Wyatt kay Dhom.
"Back to earth Dhom, you need to stay strong for Billie and that little angel inside her womb to be safe." Sabi naman ni Hellion sinang ayunan naman iyon ni Elliot.
"I agree," sabi ni Elliot.
"Lahat naman ata ng sinasabi ni Hellion sinasang-ayunan mo eh?! Palibhasa kasi Brother's boy ka parang sa mamas boy ganun." Pambabara ni Wyatt kay Elliot na ikinainis ng lalaki sa kanya.
Pekeng ngitian ni Elliot si Wyatt, at tinugunan naman ng isang ngiti iyon ni Wyatt. Pero agad naglaho ang ngiti ni Wyatt nang malakas na sinipa ni Elliot ang nasa gitna ng dalawang binti ni Wyatt.
Rosas ka ba kasi sa spaceship isasakay kita~~~🎶🎶 Oh...sheettt!!!! ang sakit ng spaceship ni Wyatt kaya para siyang dinadala sa kabilang planeta.
"Light up Dhom. Billie is a strong woman." Panigurado ni Elliot bago siya muling harapin.
"Yeah she is," sang ayon ni Dhom.
Mabilis na lumipas ang isang oras nang sa wakas ay bumukas na ang pinto at lumabas doon ang doktor na kumimbinsi kay Dhom, agad itong sinalubong ni Dhom. Bago pa magsalita ang doktor ay tinanggal niya ang suot nitong mask.
"How is she?" Tanong ni Dhom.
"She's doing great together with your child, I should say the kid is a fighter and I shouldn't be surprised because the father is a fighter as well. Malakas ang kapit ng bata." Sabi ng doktor kay Dhom at isang ngiti ang kumawala sa labi nito.
"Linilipat na siya sa kwarto nito, you should check on her." Pagpapatuloy ng doktor bago tuluyang umalis. Agad na napatakbo si Dhom nang malaman ang room number ni Billie. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nakita ang asawa nito na payapang nakahiga sa kama nito habang hinahalikan ng mainit na sinag ng araw ang pisngi ni Billie.
Agad na naglakad si Dhom at nakarating sa gilid ng kama. Dahil sa sobrang saya ay napaluhod si Dhom habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa nito. Naiiyak siyang nakatingin sa asawa nito at ilang ulit na hinahalik-halikan ang kamay ni Billie, siguro kung may nakakita sa sitwasyon niya ngayon ay siguro manlalambot ang mga puso nito dahil, bibihira lang nilang makikita si Dhom na lumuluha.
"Heto punasan mo yung sipon mo para kang gusgusing bata niyan." Sabi ni Wyatt kay Dhom habang inaabot ang isang pack ng tissue.
"Gag* wala akong sipon!" Sabi naman ni Dhom kay Wyatt at kinuha ang tissue na hindi pa natatanggal ang plastic rapper nito.
Samantalang si Beatrix ay agad na umalis nang masiguradong maganda na ang kalagayan ni Billie, agad siyang sumakay sa kotse ni Hellion dahil hindi niya dinala ang kotse nito. Mabilis na pinaharurot ni Beatrix ang kotse ni Hellion at tinungo ang kompanya kung saan nagmomodelo si Callisto. Mahigpit ang pagkakahawak ni Beatrix sa manibela habang kagat-kagat ang pang ibabang labi niya dahil sa panggigigil.
Dahil sa kagustuhan niyang ilampaso sa sahig ang pagmumukha ni Callisto, iniisip niya palang ang pagmumukha ng bruhang yan ay nagliliyab na siya sa galit ano pa kaya pag nakaharap na niya ito, baka bigla niyang pasabugin ang bungo nito.
Pagdating ni Beatrix sa Kompanyang kinaroroonan ni Callisto ay dali dali siyang pumasok at hindi nagpapigil sa guard na pumipigil sa kanya dahil hindi pwedeng makapasok ang mga hindi empleyado ng Kompanyang iyon. Malakas na ginamit ni Beatrix ang sling bag panghampas sa pagmumukha ng guard na kanina pang sumusunod sa kanya.
"Leave me alone... I need to talk to that B*tch! If your not going to let me pass I will kick your balls!" Pagbabanta ni Beatrix sa gwardiya, sasagot pa sana ang gwardiya nang hindi ito pinatapos ni Beatrix at mabilis na linisan ang kinatatayuan niya kasama ang gwardiya. Mabilis siyang pumasok sa elevator, sasara na sana ang elevator nang may nagmamadaling empleyadong gustong sumabay. Malapit nang mahawakan ng empleyadong iyon ang papasarang pinto ng elevator ng sinenyasan ni Beatrix ang taong iyon ng gun shot gesture habang linalabi nito ang salitang, STOP IF YOU WANT TO SEE THE SUNRISE TOMORROW!
Agad napahinto ang taong iyon sa mismong papasarang elevator, napangiti si Beatrix dahil hindi nakaabot ang taong iyon.
At ngayon hinihintay niya lang ang elevator na tumigil sa floor kung saan matatagpuan ang opisina ng may ari ng kumpanya kung saan naroroon si Callisto ngayon, malakas ang kutob ni Beatrix na dito pupunta si Callisto para baliktarin ang kwento dahil baka lalabas ang isyung ito sa media at masisira ang inaalagaang imahe ni Callisto dahil kilala siya bilang isa sa pinakamagaling na modelo sa bansa kaya nga siya kinuha ng isang kilalang industriya para magmodelo para sa kanila.
Pagpasok ni Beatrix sa mismong pinto ng opisina ng maya ari ng kompanya ay agad niyang nakita si callisto na nakatayo sa mismong harapan ng Ceo.
Kumulo agad ang dugo ni Beatrix nang humarap sa kanya si Callisto na umiiyak na parang ito pa ang biktima samantalang ang kapatid nito ay nasa Ospital na nakahiga at wala pang malay.
"You b*tch!" Sigaw ni Beatrix habang sinusugod si Callisto kinuha ni Beatrix ang bag nito at pinaghahampas kay Callisto samantalang si Callisto ay hindi makalaban laban kay Beatrix.
"Stop! Are you crazy I didn't do anything to you b*tch!" Sigaw naman pabalik ni Callisto bago gumanti kay Beatrix malakas niyang pinaghihila ang buhok ni Beatrix dahilan para mapa aray ng sobra si Beatrix dahil yung ilang hibla ng buhok ni Beatrix ay sumabit sa hikaw nito.
Hindi na nakapagpigil si Beatrix at pinakawalan ang bag na hawak niya at gumanti rin ng sampal kay Callisto. Nabitawan ni Callisto ang buhok ni Beatrix dahil sampal ni Beatrix. Bawat sampal na matatanggap ni Callisto mula kay Beatrix ay nag iiwan ng mga mapupulang marka.
"Because of you my sister is in Hospital thanks to you b*tch!"
"And so she deserve it, for snatching Dhominic away from me. That should be me, Dhominic's wife not her. That should be me carrying Dhominic's child not her and she should die so that I can have Dhominic again."
"Aba't ul*l ka palang babae ka! Matapos mong iwan si Dhom noon ngayon babalik ka na parang may puwang ka pa sa buhay ni Dhom. Listen b*tch Dhom don't need you because he's perfectly good with my sister at ang lugar kung saan ka dapat naroroon ay sa basura dahil kasing dungis ng pag uugali mo ang mga basura, dahil salot ka!"
"Take that back Dhominic wanted me back! He even begged me!"
"Well sorry to say this b*tch but that is all in the past and past stays in the past. Because you're just a memory of yesterday while my sister is Dhom's gift that is why he's her present. So stop being so delusional, wake up from your fantasies because Dhominic Demetrius MacCoughlan belong to someone who truly cherish him and accepted him from all his ups and downs."
"No!!!! He begged me to stay!!!"
"B*tch please BEGGED is in past tense."
"Shut up! You don't know anything Dhominic love me."
"Let me correct you, Loved because that love is all in the past! Callisto stop! Dhominic doesn't love you anymore because he love BILLIE! D*MN IT!"
"YOUR WRONG!!!!! WHY DON'T YOU JUST ALL DIE!!!! ALL OF YOU!!!"
Tumalikod si Callisto at kinuha ang mga dokyumentong nakapatong sa table ng Ceo at pinagbabato iyon kay Beatrix, hindi umilag si Beatrix sa mga binabato ni Callisto sa kanya. Lahat tinanggap niya hanggang sa nakalapit na siya kay Callisto, harap-harapan silang nakatingin sa isa't isa.
Nang muling sinampal si Beatrix si Callisto ng pagkalakaslakas dahilan para napalingon si Callisto sa kabilang direksyon, dahil sa lakas ng sampal ni Beatrix kay Callisto ay nalalasahan na nito ang sarili niyang dugo.
PAK!!!!
"That is for hurting my sister..."
At muli na namang nakatanggap ng sampal si Callisto sa kabilang pisngi nito
Pak!!!!
"And that is for my unborn niece."
Pak! Isa na namang sampal ang natanggap ni Callisto.
"And this is for you to wake up from your fantasies that you can never have Dhominic ever again!"
Natulala nalang si Callisto sa ginawa Beatrix, hindi na ito nakaganti nang may narinig siyang boses ng lalaki mula sa likuran niya.
"My dear sister I think you need to stop, Dhominic is now a married man."
"Jake shut up.... I don't want to hear that from you." Sabi ni Callisto sa kapatid nito na siyang Ceo ng Kompanyang kinaroroonan nilang tatlo, siya si Jakelo Mackenzie, pero Jake ang tawag ni Callisto sa kapatid nito.
"Come on Calli.... don't act like your the victim here you almost killed someone with an innocent child with her, so to be frank you should be standing behind the bars but because your my one and only dear sister I will help you but this will be the last. The last thing I can do for you is to prevent you from going to jail because what you did is a serious crime,that you might spend your half of your life in jail." Mahabang paliwanag ni Jake sa kapatid niyang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Jake pero ipinagkibit balikat nalang ni Jake ang masamang titig ni Callisto sa kanya.
"You know I might totally help you pero si Dhominic ang kinalabn mo at kung tutulungan man kita I bet I will just bid farewell to La Mackenzie's Chain of Hotel and Restaurant na nanatiling buhay dahil sa shares at tulong na natatanggap natin sa MacCoughlan Empire of Companies." Pagpapatuloy ni Jake dahil kasapi ito sa org. ni Dhom at siya ang kumakatawan trainor sa mga baguhan siya ang nagsasanay sa mga ito at kasama rin siya sa mga mata ni Dhom sa Mundo ng politiko at Media dahil tumatakbo rin siya bilang isang senador kung saan alam niya ang bawat galaw at pasikot sikot ng mga taong kasapi rin sa ibang mafia organization.
"I can't believe this! now your turning you back to your own sister?!"
"If that's what you call it. Yes I am."
"I will remember this betrayal Jake!!!" Sigaw ni Callisto bago lisanin ang opisina nang makaalis ito ay naiwan nalang sila Jake at Beatrix sa loob.
"I don't want to say this but nice seeing you again Beatrix and nice to see you doing great." Sabi ni Jake at malungkot na napangiti.
"Me too nice seeing you Jake." Sagot ni Beatrix bago naglakad paalis ng opisina ni Jake.
"Say my regards to Hellion. I'm happy that he's back." Mula sa tono ng pananalita ni Jake ay mararamdaman mo ang pinaghalong lungkot at saya. Napahinto si Beatrix at humarap kay Jake at nginitian ito. "I will."
Nang tuluyan nang makaalis si Beatrix ay nanghihinang napaupo si Jake sa upuan nito at ginamit ang palad nito para takpan ang mata nito hindi dahil sa nasisilaw siya sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw. Kundi tinatakpan ng palad niya ang pagluha ang mga mata niya.
"Beatrix I'm still waiting for a chance...for us. I'm happy for you and Hellion but I'm also hurting at the same time, because that should be me on your side...but I had to accept that Hellion is the one you choose and not me but I'm still waiting for a miracle to happen that one day I'll see you running your way back to me."