Chereads / BABY YOU'RE MINE / Chapter 24 - CHAPTER 23

Chapter 24 - CHAPTER 23

"Sh*t I want to cry..."bulong ni Dhom sa sarili nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang nawalan ng kuryente ang buong mansyon kaya agad niyang binunot ang baril na laging nakatago sa likuran niya, agad niya iyong tinutok sa dilim at dahan-dahan naglakad, maingat ang bawat galaw niya hanggang sa natagpuan niya ang daan palabas ng mansyon.

Paglabas niya agad na nanlaki ang mga mata niya sa nakikita niya, bigla nagkaroon ng Christmas lights sa labas, then he found a rose with a small note na nasa tabi ng rosas.

Binasa niya iyon.

"Follow the blue Light."

Sinunod ni Dhom ang kulay asul na ilaw hanggang sa dalhin siya sa likod kung nasaan ang isang napakagandang treehouse kung saan siya madalas maglaro noon nung bata pa siya. Doon may nakita siyang naggagandahang mga lanters. Pero napahinto siya sa paglalakad nang makita nito na may harang iyon, tali na may nakadikit na pulang papel at nakasulat roon ang salitang.

Say the magic words.

"Open semane." Sabi niya pero nabigla nalang ito nang may narinig siyang busina ng sasakyan at mabilis na nag off n on ang mga ilaw.

"Open." Pero tulad ng nagyari kanina muli niya na namang narinig ang busina ng isang sasakyan.

"What the f*ck is this." Still wrong.

"F*ck."

"D*mn."

"Sh*t"

"Mother f*cker"

"Son of a b*tch"

"Assh*le."

"F*ck what is this!"

Pero hindi parin natatanggal ang tali.

Natigilan lang si Dhom sa pagmumura nang makita nito si Billie na nakaupo sa loob ng treehouse, mula sa kinatatayuan niya ay nakita niyang may dalawang upuan at table sa loob. Napatigil siya nang makita ang asawa nito na nakasuot ng isang simpleng white dress.

Kaya wala sa sariling nasabi ni Dhom ang salitang.

I LOVE YOU

Habang nakatitig kay Billie na nakaupo sa isang upuan habang nakatingin siya kay Dhom, bigla NALANG lumuwag ang tali kaya agad naglakad si Dhom at mabilis na nakarating sa treehouse.

Pagpasok niya ay agad siyang napayakap ng mahigpit kay Billie at hindi niya naramdaman ang pagtulo ng mga luha niya.

"Wife thank God."

Niyakap siya ni Billie pabalik.

Doon lumuwag ang pakiramdam ni Dhom dahil nasa bisig na niya si Billie.

"Ano nga ulit yung sabi mo kanina?" Nakangiting tanong ni Billie kay Dhom.

"Nah.... Just bad words."

"Hindi yun yung huli."

Napakunot noo si Dhom dahil pilit niyang inaalala ang sinabi niya kanina, at nang maalala nito ay agad siyang napangiti ng alanganin.

"Ano na."

"I said I....I..L-love...you."

"Ano di ko narinig."

"I Love You."

"Ha?..."

"I LOVE YOU!

"ano..."

"I LOVE YOU!"

"teka may dumi ata ako sa tenga."

"F*CK I LOVE YOU BILLIE MALACHI MACCOUGHLAN!"

Napangiti si Billie sa sinabi ni Dhom kaya mabilis siyang napatalon ng yakap kay Dhom. Mabilis naman siyang sinalo ni Dhom.

"And your answer mrs. MacCoughlan."

Kumawala sa pagkakayakap si Billie at kinuha ang bag niya, pero bago iyon humarap siya kay Dhom at malakas siyang sinampal sa pisngi bago niya iniwan ni Dhom.

Napahinto sa paglalakad si Billie sa mismong harapan ng treehouse, at di nagtagal may natanggap na message si Dhom. Agad niyang kinuha ang selpon niya sa bulsa at nang mabasa ang message ay agad siyang napatalon sa mismong harapan ni Billie, malaki ang ngiti nito at namumula ang tenga niya.

Message sent to: Dhom

Message sent by: Billie

I love you too.😘

Nag tip toe si Billie para mahalikan ang pisngi ni Dhom na sinampal niya.

"Sorry...tagal mo Kasing dumating...huwag kang mag alala hinalikan ko na para di sumakit."

"Dito namn...nasaktan din." Turo ni Dhom sa labi niya.

Wala pang isang segundo nang halikan siya ni Billie, hihiwalay na sana ito nang hinawakan ni Dhom ang bewang ni Billie para pigilan ito, maslalong pinalalim ni Dhom ang halikan nila hanggang sa tumagal ng ilang minuto.

"Happy birthday, Dhom."

"Best birthday ever, isang kiss pa nga."

"Tama na baka malunok mo na si Billie!" Sigaw ni Wyatt.

Na sana likod ng mga halaman habang may hawak na camera, vinevideohan niya sila Dhom at Billie.

Napatingin si Dhom kung saan nagmumula ang boses ni Wyatt at nakita niya ito nakatayo malapit sa mga halaman.

Hindi nagtagal ay nagsilabasan na sila Hellion, Elliot, Beatrix, Granny Amelia, manang Ellen at si Wyatt na naglalakad palapit sa kanila habang hawak hawak ang camera na nakatutok sa kanila.

"Mag hi ka naman Dhom sa Camera birthday mo pa naman."

Sabi ni Wyatt kay Dhom pero isang middle finger ang natanggap ni Wyatt kay Dhom.

"Aw..so sweet thanks man."

"Tama na yan!" Sigaw ni Granny Amelia na nakaupo sa wheelchair nito na tinutulak ni Elliot. Napatingin silang tatlo sa matanda at napatingin rin sila sa isang napahabang lamesa na punong puno ng pagkain at sa gitna nito ay ang cake na binake ni Billie para kay Dhom.

Lumapit silang tatlo kay Granny bago sila maupo sa kanya-kanyang upuan syempre sa tabi ni Dhom naupo si Billie, ni ayaw nga nitong bitiwan ang kamay ng asawa niya eh....

Pagkatapos nilang magdasal ay muli na namang nagsalita si Wyatt habang nakatutok ang camera kay Dhom at Billie.

"Dhom hindi ka ba iiyak... mostly kasi naiiyak sila pag sinurpresa tapos may nag I love you too rin sayo...grabi yung sa say the magic words, lahat ata ng mura na alam ko nabanggit mo! Grabe siguro di na ako magugulat pa kung yung first word ng anak mo f*ck at hindi mama o papa...baka kasi paglabas na ng anak mo tas pinalo sa pwet imbes na maiyak baka murahin niya pa ang doktor...sabi niya f*ck."

Natawa naman silang lahat sa biro ni Wyatt, at hindi nakaligtas si Dhom sa biro nito. Napatawa siya sa sinabi ni Wyatt.

"Anyway thanks man." Sagot ni Dhom kay Wyatt, linipat naman si Wyatt ang camera kila Hellion at Beatrix nagsusubuan na, sunod naman kila Elliot at Granny Amelia na pinapagalitan si Elliot dahil ayaw nitong kainin ang broccoli na nasa gilid ng plato niya. Ayaw kasi ni Elliot sa mga gulay, at paligi niyang sinasabi kay Granny Amelia na allergy daw siya sa mga gulay pero kilala ni Granny si Elliot dahil apo niya rin ito. Hanggang sa navideohan na ni Wyatt ang lahat, si manang Ellen, mga katulong, mga gwardiya at driver lahat lahat na ng tao sa mansyon lahat sila imbitado sa kaarawan ni Dhom.

"So ilang taon ka na pala, Dhom?!" Tanong ni Wyatt.

"Ayokong sabihin, para namang hindi mo alam."

"Hindi ko nga alam."

"30." Maikling sagot ni Dhom.

"Ikaw naman, Billie?" Tanong ni Wyatt.

"24 na ko," nakangiting saad ni Billie kay Wyatt.

"Too Young for Dhom di kaya child abuse ka na niyan."

Napatigil si Dhom sa pagnguya at binigayan ng masamang tingin si Wyatt. "Gusto mong basagin ko yang mukha mo." Sabi ni Dhom.

Nagpatuloy lang si Wyatt sa pang-aasar kay Dhom hanggang si Hellion naman ang sunod niyang pinuntirya.

"Hellion ilan taon ka na?" Tanong ni Wyatt.

"32, and I'm not old for Beatrix because in love age doesn't matter. Kaya ipagdarasal ko na sa high school ang para sayo para lunukin mo yang too old na yan." Sagot ni Hellion kay Wyatt.

"Ay bad,kay Elliot mo yun sabihin total siya yung laging nagtatanong sa mga kaone night stand niya kung ilan taon na sila. No.1 rule niya kasi edad muna bago ikama."

"Palibhasa kasi mahilig ka sa bata, buti nalang 1st year college pa yun para di mo napormahan...." Saad naman ni Elliot ay linaglag na, napahiya tuloy si Wyatt.

"Aishhhh...tae mo Elliot," naiinis na saad ni Wyatt.

"1st year college siguro nasa 18-19 pa yata yun, at ikaw na chismoso ka 27 kana! Child abuse ka." Sabi ni Beatrix.

"Hindi ah...sabi nga ni Hellion age doesn't matter, but boobs it matter." Sagot ni Wyatt kay Beatrix na agad na napatingin sa dibdib nito at kinumpara kay Billie bago ibalik ang tingin kay Wyatt.

"Pero may boyfriend ako." Sabi ni Beatrix kay Wyatt dahilan para ipaikot ni Wyatt ang mata niya.

Napuno ang gabing iyon ng asaran, laglagan at tawanan. Sa buong buhay ni Dhom ngayon lang siya nakaramdam ng ordinariyong karaawan noon kasi lagi nagaganap ang kaarawan niya sa mga malalaking okasyon na kahit kailan hindi niya naramdamang maging masaya, minsan pinipilit niyang ngumiti at makipag usap sa mga kapwa niya mayayaman na puro topic ay tungkol sa negosyo o sa mga kayamanan nila. Sa nagdaang mga kaarawan niya ay imbes na i-enjoy niya ay hindi niya magawagawa dahil nag aala business meeting ang espesyal na araw niya.

Magkaharap silang nakahiga ni Dhom at Billie, magkahawa kamay parin sila hanggang sa paghiga nila.

"Ako lang ata ang walang regalo sayo?"

"No, ikaw lang sapat na.Your my gift that is why your my present."

"Kung ganon..." Napabangon si Billie ganon rin si Dhom. Nagtataka si Dhom na napatingin kay Billie.

"Bakit may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Dhom kay Billie. "Baby huwag malikot nasasaktan si mommy." Sabi ni Dhom tiyan ni Billie bago hawakan ito.

Napangiti naman si Billie dahil kay Dhom.

Humarap si Billie kay Dhom, pero bago iyon hinubad muna niya ang suot niyang damit.

"Tonight, I want to give myself to you whole heartly. Dhominic Demetrius MacCoughlan, my husband Happy Birthday."

Natulala si Dhom at nanatiling nakatingin sa maganda mata ni Billie, she was smiling and so with her eyes.

"Are you sure?"

"Yes, take me baby."

Hindi na nakapagpigil si Dhom nang sunggaban niya ng halik si Billie.

"Tell me if you want to stop. I will stop."

"No I don't want you to stop, I want you to take me."

Then that night they become one.

Everything was just too perfect, every flow and movement it feels undeniably good. Ecstasy fits perfectly in that moment and everything is in high of pure bliss, pleasure and love.