Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 14 - Chapter XII

Chapter 14 - Chapter XII

12//

With other girls

Sa mga sumunod na araw, napapadalas ang punta ko kila isaiah, madalas din kasing nagaaway sila mom and dad kaya mas mabuting umalis na lang ako do'n.

Humupa ang tampo ko kay dad dahil, kinausap niya 'ko nakaraan at sinabing pagod lang siya. Gumaan ang loob ko, yes, he is my dad. Kahit ano pang dahilan niya ay tatanggapin ko.

Ngunit hindi ko maiwasang hindi mangamba tuwing naiisip ang lawsuit na 'yon. Ayoko namang tanungin si dad tungkol doon dahil baka magalit ulit siya.

"Glis, let's go.." Aya ko kay glissy nang dumating ang oras ng lunch. Nakagat niya ang labi niya.

"H-huh? Sasama kasi ako kaila serina, e. may gagawin kasi kami, next time na lang, ha?" ngumiti siya.

"A-ah o-okay, sige.." Bigong sabi ko. Tumango siya at sumama na sa grupo nila serina.

Okay, I will eat alone again. Hindi naman sa nagrereklamo pero, napapadalas na ang pagsama niya kila serina, nakakaselos dahil imbis na sumasama siya sa 'kin ay unti unti na siyang napapalayo.

Isaiah:

You okay? Kumain ka na ba?

Nagtext siya habang kumakain ako, napapangiti na lang ako. Sa mga nagdaang araw, e siya lagi ang kasama ko, tinutulungan niya din ako sa mga assignments ko at nirereview pag may exam, naalala ko na susunod na bwan na pala ang final exam namin, pagkatapos ay bakasyon na.

Ako:

I'm okay, and yes, kumakain na 'ko. You?

Isaiah:

Sinong kasama mo?

Napanguso ako at napatingin sa harap ko kung saan may lalaking nakaupo, actually hindi ko naman siya kasama, 'di ko din siya kilala, sinabi niya lang sa 'kin kanina kung pwede bang maki umupo dahil wala ng vacant seat, pumayag na lang ako, besides he looks nerd.

Ako:

I'm alone.

Isaiah:

Why are you alone?

Ako:

May ginagawa kasi si glissy, kaya ako na lang magisa, okay lang naman.

Isaiah:

Okay, saan ka pupunta mamaya?

Ako:

Uhm, uuwi.

Isaiah:

Okay, kumain ka na, tapos na ang break ko. Take care ellie.

Ako:

Okay, bye.

I turned off my phone. Naabutan kong nakatitig sa 'kin ang lalaking nasa harap ko.

"Why?" I asked him. Bahagya siyang nataranta.

"N-napansin ko lang kasi na hindi mo ginagalaw ang pagkain mo.." Napatingin ako sa pagkain ko na wala pang bawas.

"U-uh, may kausap kasi ako." He nodded. Kinda weird or ako lang ang nakakapansin na..ang pakialamero niya? Okay stop being so judgemental karylle!

Binilisan ko na lang ang pagkain ko at agad nang umalis sa cafeteria. Lately wala naman akong natatanggap na aya na magparty, pag naman ako ang nagaaya ay umaayaw silang lahat.

Hindi na rin ako nagtatanong kung may plano o nagplano sila ngunit hindi lang ako sinama. Kinda rude pero okay lang.

Hindi na rin ako masyadong gumagala, nagshoshopping, o kung ano pa ang mga kabulastugan ang mga ginagawa ko noon. I don't know what's with me but, i've changed, a lot.

Nang matapos ang klase ay agad akong umuwi. May plano akong bilhin ngayon na kailangan ko sa mga projects ko, pero ayoko pa ding gamitin ang savings ko, kaya manghihingi na lang ako kay dad, onti lang naman 'yon.

"Dad.." Nandon siya sa kanilang kwarto at busy sa paglalaptop. Si mommy naman ay wala dito, mukhang lumabas.

"Why?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa 'kin.

"I-I have to buy something for my projects..and I need money so.." Napatingin niya sa 'kin at napa buntong hininga. Kinuha niya ang card niya at inabot iyon sa 'kin. Lumiwanag ang aking mukha.

"I don't have cash.."

"It's okay dad, thanks!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago lumabas. Mabilisan na akong nagbihis at nagpahatid. Kita ko pa ang text ni isaiah bago ako pumasok ng mall.

Isaiah:

Nakauwi ka na ba?

Ako:

Kanina pa, pero nandito ako ngayon sa mall, may kailangang bilhin, e. ikaw? Tapos ka na sa trabaho?

Isaiah:

Yes i'm done, what mall?

Tinype ko kung saang mall ako, syempre this is my favorite mall! Mukhang kabisado ko na nga lahat ng mga tinda at mga saleslady dito e!

He replied 'okay'. I turned off my phone. Alam kong susunod iyon dito kaya bumalik ako sa parking lot upang abangan siya. Hindi naman ako nagkakamali, ilang minuto lang ang lumipas nandito na agad siya. Kumaway ako.

"Dapat ay nagpahinga ka na lang, kaya ko namang magisa.." Ngumiti ako ng tipid.

"Hindi naman ako masyadong pagod, you okay?" Tanong niya at sinabayan na 'ko sa paglalakad.

"Oo naman.." Lagi niyang tinatanong kung okay lang ba ako. I'm really okay! Siguro may mga pangamba pero okay lang naman ako.

Pumasok na kami sa mall, sinabi kong pumunta muna kami sa isang bookstore dahil may bibilhin ako. Nakasunod lang siya sa 'kin, siya ang may dala ng cart at ako naman ay hinahanap ang mga kailangan ko sa projects.

"Hey isaiah–" Napatigil ako sa pagtawag sakanya nang makitang may kausap siyang babae. Humalukipkip ako habang pinagmamasdan silang naguusap. Oh wow! I think i'm going to be a bitch again!

Nanliliit ang mata ko habang pinagmamasdan ang babae. Maputi, makinis, maikli ang buhok at sexy. Ha! Me too! Maputi din ako! Makinis at sexy! Mas maganda pa ako sakanya!

Napatingin si isaiah sa banda ko at nakagat ang labi. May sinabi siya sa babae bago talikuran. Nanatili ang titig ko do'n sa babae, malungkot siyang naglakad paalis.

"Hey, I'm sorry, nakasalu–Ellie!"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang tinalikuran, lumiko ako sa book area. Ramdam ko ang pagsunod niya sa 'kin.

"Ellie, come on..she's just my friend.." Nasa likod ko siya habang ako naman ay nagtitingin ng mga libro.

"Hindi ako nagtatanong." Malamig na ani ko. Nababadtrip ako, sana ay hindi na lang siya sumama sa 'kin kung makikipaglandian lang siya sa kung sino sino!

"Ellie, hey.." hinawakan niya ang siko ko. Napatigil ako dahil nakaharang siya sa dapat ay titignan ko.

"Get out of my way, may titignan ako.." hindi siya gumalaw.

"Don't be jealous.." Hinimas niya ang aking siko. Napalunok ako.

"I'm not jealous.." sino ba naman ako para magselos?! We're friends! Stop being stupid karylle! Bumuntong hininga siya at tumabi. Hindi ako gumalaw. "But please…don't let me see you..with other girls.." oh god, I think i'm really jealous!