Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 16 - Chapter XIV

Chapter 16 - Chapter XIV

14//

Perfect score

Kinagat ko ang labi ko. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya 'ko? O baka imahinasyon lang 'to?Hindi ko alam kung anong irereact ko pero, nagpaparty ang puso ko at sobrang bilis ng tibok nito.

He blinked twice. "W-well, y-you don't need to like me back.." Pumula ang kanyang pisngi at nagiwas ng tingin.

I pouted, trying to stop my mouth from smiling. "I like you too.." Sabi ko at ibinaling ulit ang atensyon sa mga fireworks na nagliliwanag sa langit. Ngumiti ako. Ramdam ko ang paglingon niya sa 'kin. "But..i'm scared of confessing.."

"Why?"

"What if hindi naman tayo parehas ng nararamdaman? What if iwasan mo 'ko dahil alam mong gusto kita? What if this is just an infatuation? What if masaktan ako?" Ngumuso ako at humarap sakanya na ngayon ay gulat ang mukha. "What if mahulog ako? What if hindi mo naman ako kayang saluhin?"

"I can't catch you when I'm falling too." Suminghap siya. Mas lalo lang kamalabog ang aking puso.

"So we're falling at the same time, huh?" humalakhak ako kahit sobrang bigat ng aking dibdib.

"At least I'm with you, you're with me, you're not gonna leave right?" He asked. Umikot ang mata ko.

"I should ask that! What if ikaw ang mang-iwan? Ha?" Umiling siya.

"Stop making what ifs ellie," Ngumiti ako at tumango. "Iuuwi na kita."

Buong gabi kong inisip 'yon, hindi ako makatulog sa saya'ng nararamdaman ko, inabot ako ng ala una ng madaling araw ngunit dilat pa din ang mata ko.

Pinilit kong matulog at nagtagumpay naman ako, kinabukasan ay naghanda na 'ko papuntang school. Umangat ang gilid ng aking bibig nang makita ang text ni isaiah.

Isaiah:

Good morning!

Ako:

Good morning, I'm going to school.

Umupo ako sa harap ni mom at nagsimula nang kumain, nasa gitna naman namin si dad na tahimik lang ding kumakain.

Si mom ay mukhang stress, dad too. Gusto ko tuloy magtanong kung ano na ang nagyayari sa kanilang dalawa, okay lang ba sila? Nagaway nanaman kaya sila? Ngunit ayokong makialam dahil ayokong magalit ulit sila sa 'kin.

"Papasok na po ako.." Ani ko nang matapos nang kumain. Humalik ako sa pisngi nila at lumabas na. Sumakay na ako sa kotse at agad namang pinaandar iyon ni manong leo.

Isaiah:

Take care, ellie.

Ako:

Anong ginagawa mo?

Isaiah:

Eating, you? Nasa school ka na? Kumain ka na ba?

Ako:

On the way to school, kumain na din ako.

Pinatay ko na ang phone ko nang makarating na kami ng school. Pagkapasok ko ng room ay pansin ko ang mga excited nilang mukha.

"Anong meron?" Tanong ko sa kay glissy at umupo na sa tabi niya. Sumulyap siya sa 'kin at ngumiti.

"Mamaya na kasi ang result ng test." Excited din na aniya, tumango na lang ako. Noong nagtest ay hindi naman ako nahirapan lalo na sa math na gets ko na dahil kay isaiah. Yoong mga nakaraang araw ay lagi niya akong nirereview kaya namemorized ko lahat. Pero hindi ko din naman ineexpect na tataas ako, siguro kahit makapasa lang, I don't want to disappoint my parents again, especially isaiah.

"I'm pretty sure perfect 'yon ni glissy! Ikaw pa!" humagikgik si serina. Ngumiti ako at naging proud sa kaibigan ko. "At saka, hula ko din na ikaw na ang number one sa dean's lister!"

"Ano ka ba.." Ngumisi si glissy sa kaharap na si serina. Bumaling siya sa 'kin. "Gusto mo bang sumama sa party mamaya? 7pm." Nakangiting sabi niya.

"O-oo naman!" Ngumiti ako. Tumango na lang siya.

Nang dumating na ang math teacher namin ay nag-greet kami at umupo pagkatapos.

"Class..i can't believe the result of your tests! Just wow," Manghang aniya sa 'min, bumaling siya sa 'kin. "You're improving.."

Hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya o ang buong klase. Mas lalo tuloy naexcite ang mga kaklase ko, lalo na si glissy.

"May nakaperfect ng exam!" Maligayang ani ma'am. Kamangha mangha ang nakaperfect, its 60/60! It's just an short exam, pero malaking ambag iyon sa grade.

"Glissy! Glissy! Glissy!" Sigaw ng mga barkada nila serina.

"Ano ba serina..." humagikgik si glissy.

"Luh asa kayo! Aiza lang!" Sigaw ng kaibigan ni aiza.

"Shh..class, quiet." Tumahimik ang lahat. Kinuha ni ma'am ang mga exam paper sa folder na dala niya. "I'll annouce it, are you ready?" Sabay sabay nagsi-'yes' ang mga kaklase ko.

"Congrats to...Karylle ellie refuerzo for getting a perfect score on math exam!"

Nanlaki ang mata ko. Nagsipalakpakan ang mga kaklase ko. Ako naman ay hindi makapaniwala na na..perfect ko ang exam?!

Napatingin ako kay glissy na nakaawang ang bibig na nakatingin sa 'kin.

Nabibiglang naglakad ako papunta sa harap para kunin ang exam paper ko. At halos mapatalon ang aking puso nang makita ang 60/60 sa papel.

"Congrats karylle, keep it up!" Ngumiti si ma'am. Ngumiti din ako at tumango. Panay pa din ang palakpakan ng mga kaklase ko habang ako ay nauupo na sa upuan.

"Congrats, karylle." Malamig na ani glissy nang hindi sumsulyap sa 'kin. "Hindi na pala tuloy ang party mamaya," Kinagat niya ang labi niya. "T-tuloy pala, pero..pwede bang wag ka nang sumama?" Umirap siya at mabilis na umalis sa room.

Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi niya.