Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 18 - Chapter XVI

Chapter 18 - Chapter XVI

16//

Alone

Hindi ko alam kung anong ipapakita kong emosyon sa kanya, magalit? O ang magkunwaring walang alam?

Glissy, you making me a bitch again.

Kinabukasan, pagkababa na pagkababa ko pa lang ay nadatnan ko agad si mom na matalim ang titig sa 'kin. Napalunok ako at umupo na sa harap nila, si daddy naman ay tahimik lang na kumakain sa gitna namin.

"You cheated?" Mariin at galit na tanong ni mom. Kumalabog ang aking dibdib. So, nakarating pala sakanya ang pekeng balita ni glissy.

"I didn't." Mariin din na sagot ko. Padarag niyang binaba ang mga kubyertos.

"Karen, let her eat first." Awat sakanya ni daddy. Nangilid ang aking luha. Buong buhay ko ay hindi ko naisip mandaya! Mas mabuti nang madisappoint sila sa 'kin dahil mababa ang grades ko kaysa ang madisappoint sila sa 'kin dahil nandaya ako.

"Hindi nathaniel!" Sigaw ni mom at bumaling sa 'kin. "Hindi kita pinalaking ganyan karylle! If you want us to be proud of you then you should study hard! Don't make us proud if you cheated!" Mabilis ang hininga niya.

My tears started to fell. Bakit hindi nila ako kayang paniwalaan?! Wala ba silang tiwala sa 'kin?!

"I told you mom! I didn't cheat! Nagreview ako! Someone helped me understand the lesson! Why are you so harsh to me?!"

"Someone?! Who is that someone-"

"Karen! I said let her eat first!" Isang malakas na sigaw ni dad na nagpatigil kay mommy. Lumunok si mommy at pinulot ulit ang kubyertos.

"I studied hard just to make y'all proud, I don't want to disappoint y'all. But where's the sense of studying hard?! dahil kahit anong gawin ko ay disappointed kayo sa 'kin!" sigaw ko at mabilis na silang tinalikuran.

"Ellie!" Sigaw ni daddy ngunit hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa paglabas. Sumakay na 'ko sa kotse, nandoon na din si mang leo sa driver's seat. Pinaandar niya na ang kotse.

Ngayon ay ang mga kaklase ko naman ang haharapin ko. Especially that glissy. Usap-usapan sa buong campus ang pangdadaya ko daw kuno. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, I wanna just be with isaiah and forget all my problems!

Nang makarating ay agad kong naagaw ang atensyon nila. Nagsimula na silang magbulungan at murahin ako ng pabulong. Kinagat ko ang dila ko upang hindi na ako makasagot sakanilang mga walang kwentang bulungan.

"Woah, nandito na si cheater!" Humalakhak si serina. Katabi niya na ngayon si glissy na lumipat ata ng pwesto. Hindi niya 'ko nililingon at inabala ang sarili sa kung ano man ang ginagawa niya.

Nagsitawanan ang mga kaklase ko. Tiim-bagang akong umupo sa aking upuan, ngayon ay ako na lang mag-isa sa line namin. Nakakaawa ako.

"So ano karylle? Pahingi naman ng onting tips diyan oh!" Sigaw ni davis sa kabilang row, humalakhak siya kasabay ng tawanan ng iba kong kaklase.

Hindi ko sila pinansin. Natanaw ko si aiza na ngayon ay naiinis din sa mga kaklase ko. Kumunot ang noo ko at kinuha na lang ang earphone sa bag ko, ngunit biglang dumating ang teacher namin, kaya itinago ko ulit.

"Good morning class.." Aniya. Tumayo kami ng sabay sabay at nag-greet din, umupo na din kami pagkatapos. "I have your exams result, lahat ng subjects, and also…bukas na ilalabas ang mga kasali sa dean's lister." Tumango-tango ang mga kaklase ko.

Napalingon ako kay glissy, nagtama ang paningin namin, agad naman siyang nagiwas ng tingin.

I'm not a saint to still be nice to you, you started this war, If you don't want to end this, then don't. Pero ako, hindi lang ako uupo at tatanggapin lahat ng pangbubully niyo, hindi ako gano'n.

Nang maibigay ang result ng exams, ay nagulat ako. Lahat ay pasado, may dalawa akong naperfect at yung iba naman ay matataas naman.

Umalis na din si ma'am kaya umingay ang mga kaklase ko. Nanlaki ang aking mata nang may biglang humablot sa exams ko, si serina, sa likod niya naman ay si glissy.

"See? Dinaya niya lahat ng exams natin!" Sigaw ni serina kaya naagaw niya agad ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Give that to me.." Mariin na ani ko at hahablutin na sana ngunit inilayo niya ito sa 'kin, binigay niya ito kay glissy, agad niya itong tinignan, namutla siya ngunit agad napalitan ang galit ang ekspresyon.

"Give that to me, glissy.." Matalim ang tingin niya sa 'kin ngunit wala na akong pakialam. Dinumog ng mga kaklase ko ang aking papel, kitang kita ko ang galit, irita, mangha at kung ano ano pa ang ipinakita nila.

"A cheater, indeed." Napailing-iling si amber.

"Dinaya mo lahat ng exam?! Are you insane?!" Sigaw ng isa kong kaklase.

"I didn't cheat! So just shut the hell up and give that to me!" Iritado kong tugon.

Nanlaki ang aking mata nang pinunit iyon ni glissy habang nakatitig sa 'kin. Nag-init ang gilid ng aking mata. Ngumisi si serina.

"Glissy!" Sigaw ni aiza galing sa aking likod. "What the hell?!"

Nakatitig lang ako kay glissy habang papalapit siya sa 'kin, agad kong naramdaman ang kanyang palad sa aking pisngi. Tuluyan nang tumulo ang aking luha.

Nagsinghapan ang mga kaklase ko.

"I can't believe that you're my bestfriend before, I really can't believe that you'll do this..a cheater." Galit na aniya at nagwalk out.

Imbis na manatili sa ganoong posisyon, kinuha ko ang bag ko at tumakbo din palabas. How many times do I have to tell them that I did not cheat?! How many effing times?!

Nagtaxi ako, pupunta na lang ako kay isaiah, kaysa ang marinig ang mga walang kwentang mga opinyon nila. Pupunta ako sa kanyang trabaho dahil alam kong nagtatrabaho pa siya nang ganitong oras.

Nang makababa sa taxi ay inayos ko ang mukha ko, hindi dapat ako umiyak! Mukha akong mahina! I hate being weak!

Naglakad ako ng onti pa hanggang sa matanaw ko na ang coffee shop na kanyang pinagtatrabahuhan. At nang makarating ay handa na 'kong buksan ang glass door nito ngunit napahinto sa nakita.

Kumirot ang aking puso.

May kausap siyang babae sa counter, sa tingin ko ay katarabaho niya, mukha silang masaya, ay hindi, sobrang saya nilang naguusap. Hindi niya 'ko mapansin dahil nakatoon ang kanyang atensyon doon sa babae. Sa bawat ngiti, sa bawat halakhak niya doon sa babae ay parang sinasaksak ang aking puso.

Tumulo nang parang talon ang aking luha. Saan na ako pupunta? Saan na ako lulugar ngayon? I don't have friends, my family hate me, my classmates hate me too, and isaiah..i think he like that girl, I don't want to bother him there and just cry in front of him.

Tumakbo na lang ako palayo sa lugar na 'yon.