Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 19 - Chapter XVII

Chapter 19 - Chapter XVII

17//

Hug

"It's okay, it's okay Karylle, you still have yourself," Bulong ko sa sarili, cheering up myself to avoid pain, or cheering up myself to feel more pain?

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang may tumawag sa pangalan ko.

"Karylle!" Huminto ako, hindi siya 'yon, sigurado akong hindi siya 'yon. Lumingon ako sa likuran at naaninag si james na tumatakbo papunta sa gawi ko.

"B-bakit?" Agad kong pinunasan ang mga luha, ngunit pansin pa din sa aking mga mata ang mugto.

Hinihingal siyang tumigil sa harap ko. "Nakita kasi kita do'n sa..harap ng coffee shop, do'n din kasi ako nagtatrabaho.." Huminga siya ng malalim.

Lumunok ako at tumango. "A-ah..k-kasi…" Kinagat ko ang labi ko at napayuko.

"Selos ka?" Natatawang aniya. Agad akong napatingala sakanya. He nailed it! Nagiwas ako ng tingin. "Asuss, magkaibigan lang sila, karylle.." Ngumiti siya.

Yeah magkaibigan lang din kami dati, ngayon ay feeling ko ay magkaibigan pa din kami.

"U-uh, okay? I didn't ask." Malamig na ani ko. Ayoko na siyang maalala. Humalakhak siya kaya kumunot ang noo ko. Aba, what's funny?

"Kumain ka na?" Sabay tanong niya. At narealize ko na hindi pa ako kumakain simula kanina, yung breakfast naman ay hindi ko din nakain dahil nga nagwalkout ako. Dahan dahan akong umiling. "Tss, tara nga!" hinila niya ako.

"Saan tayo pupunta?!" Pasigaw na tanong ko, humalakhak lang siya at nagpatuloy sa paghila sa 'kin. Suminghap ako nang huminto kami sa isang karinderya.

Hinila niya ako sa isang upuan at lamesa at pinaupo.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at nilibot ang mata sa karinderya, maraming tao kaya maingay, maraming kumakain kaya kumalam ang aking sikmura.

"Obvious ba? E, di kakain!" Ngumiwi siya at umupo sa harap ko. Nagkibit balikat ako. "Manang! Dalawang lomi, dalawang kanin, tapos dalawang ulam! Tsaka tubig na din!" Sigaw niya doon sa tindera. Tumango ang tindera.

"Ganon kayo umorder ng pagkain?" Manghang ani ko. Natatawa siyang tumango. Napapaisip tuloy ako kung ano bang kinakain niya dahil parang lagi siyang happy, at nang makain ko din.  "Masubukan nga sa resto.." Bulong ko. Lumipas ang mga minuto at tahimik lang kami, lahat ng nangyari kanina ay pumasok nanaman sa utak ko.

"So ano, nagseselos ka kaya ka umiyak?" Tinaas niya ang kilay niya. Napasinghap ako. "Sabi na, e.." Bulong niya at napa iling-iling, seryoso na siya ngayon habang nilalantakan ang french fries na hinatid ng tindera, dahil matagal pa daw maluluto ang pagkain.

"W-well, I think he like that girl.." Bumuntong hininga ako at nilantakan na din ang fries. Napatingin ako sakanya nang umubo ubo siya. "H-hey, you okay?" Tumango siya ay uminom ng tubig.

"Ayon? Gusto niya?" Humalakhak siya. "'Di mo ata siya kilala ah.." Kumunot ang noo ko.

Kilala ko siya buang! Siya si isaiah! I know him! Makapagsalita 'to!

"What do you mean?"

"I don't think he's capable of liking someone else..oh no..should I say..LOVING someone else.." Aniya at Humalakhak ngunit batid ko ang lungkot sakanyang mga mata.

"Wala naman siyang mahal." Gusto niya lang ako. I can't assume that he loves me, whatever, hindi naman kami aabot sa gano'n.

"Well, we'll see…" Ngumiti siya. Dumating ang pagkain kaya agad akong kumain dahil nagugutom na talaga ko.

"So doon ka din pala nagtatrabaho? Kayong apat?" Tanong ko habang kumakain. Nilingon niya ko.

"Uhm, nope, kami lang ni isaiah ang nagtatrabaho doon, sila josh naman sa computer shop." Aniya. Tumango-tango ako.

"Pero..'di ba hindi pinapayagan si isaiah magtrabaho ng dad niya?" Tanong ko na hindi ko natanong nakaraan.

"Tinulungan siya ni heart, si heart kasi ang anak ng mayari ng coffee shop na 'yon, kaya.." Nagkibit balikat siya. Sino si heart?

"Heart? You mean…yung kanina?" Napalunok ako.

"Yup, kaya naging magkaibigan sila.." Napasibangot ako. Naalala kong siya din pala yung nakausap ni isaiah doon sa bookstore.

He probably courting her, tinulungan siya kaya gusto niya 'yon, well, hindi ko naman siya masisisi, siguro kaya niya ako nagustuhan dahil tinulungan ko siya, tapos ay mabilis din siyang nagsawa.

Ganon ba talaga ang mga lalaki?

"Where are your parents?" Pagiiba ko ng usapan. Nakagat niya ang kanyang labi. Sumeryoso din ang kanyang mukha.

"Wala kaming mga magulang, bata pa lang kami, iniwan na kami ng mga magulang namin..nanirahan kami nila josh at jake sa baba ng tulay.." Malungkot siyang ngumiti. "Tapos, kinupkop kami ng papa ni isaiah kaya naging close kami noon, pero..naglayas si isaiah noong namatay ang nanay niya.." Suminghap siya. Nagulat ako.

"S-sorry for asking.." Naguilty ako sa pagtatanong, siguro ay ayaw niya nang balikan ang mga nangyari sakanila noon.

"Okay lang..matagal na naman 'yon.." Ngumiti siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Gusto ko sanang itanong kung bakit naglayas si isaiah noong nawala ang mommy niya, baka nga tama si james, baka nga hindi ko pa siya gaanong kilala.

Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta ako na ako na ang magbabayad ngunit pinigilan niya ko, aniya'y mura lang naman at natatapakan ang pride niya.

Manang mana kay isaiah.

Umikot ang mata ko nang maalala nanaman ang hinayupak na 'yon, bahala na siya sa buhay niya! Kung gusto niyang makipaglandian doon sa heart na 'yon, e, di go! Hindi ko siya pipigilan! Sino naman ako para pigilan siya 'di ba?!

"Saan ka na pupunta?" Tanong niya nang makalabas na kami sa karinderya at nagsimula na kaming maglakad. Iyon nga din ang problema ko, ayoko pang umuwi, parang gusto ko magbar ay magparty na lang!

"Uuwi..siguro.." Ngunit narealize ko na tinatamad ako magparty at gusto ko na lang matulog, at 'wag nang gumising pa!

"Ihahatid kita." Aniya.

"Nakakahiya, 'wag na, baka may gagawin ka pa."

"Tss, uso ba hiya sa 'yo?" Humalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin, aba loko 'to ah! I made a face and continue walking.

Tumigil ako sa paglalakad nang maalalang dadaanan namin ang coffee shop, siguradong nandoon pa siya.

"W-wala bang ibang daan?" Tanong ko. Nagtaka pa ang kanyang mukha ngunit agad nakuha ang sinasabi ko.

"Wala, e..hayaan mo na, mukhang tapos na din ang shift noon.." Tinapik niya ang balikat ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at napasinghap nang makitang alas-tres y medya pa lang.

"9am to 5pm ang shift niya 'di ba?" Kumunot ang kanyang noo.

"Noon 'yon, nagpabago na kasi siya ng shift, naging 7am to 3pm." Nagulat ako sa sinabi niya. "Alam mo, nagtataka nga ako, dati ay hindi mo yon pwedeng gisingin ng maaga, bubugahan ka ng apoy non." Humalakhak siya habang ako ay nanatiling seryoso. "Mahal mo si isaiah." Kumalabog ang aking puso sa biglaang salita niya. Hindi iyon tanong, pagkukumpirma 'yon. Nakangiti siya, ngunit bakas ang lungkot sa mata.

"W-what?! O-of course n-not!" Nakatingin ako sakanya, bago pa siya nakareact ay napawi ang kanyang ngiti dahil sa tanawin sa harap niya. Dinig ko pa ang mga malulutong na mura niya bago ko din tignan ang tinitignan niya.

Nahulog ang aking puso.

Isaiah hugging heart in front of me. Hindi niya ako nakikita dahil busy siya sa pagbulong doon kay heart. Bumuhos ang luha ko. Bakit ngayon pang hindi pa ako nakakamove on doon sa kanina ay dinagdagan mo nanaman?! Ang sakit sakit sa dibdib. Mabilis ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Humihikbing hinila ako ni james palayo sa lugar na 'yon.