Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 22 - Chapter XIX

Chapter 22 - Chapter XIX

19//

Dean's lister

"Bye, ellie.." Paalam niya bago siya tuluyang lumabas. Sinarado ko na ang pinto ng likod ng bahay namin at bumuntong hininga.

Pinadaan ko siya sa likod ng bahay dahil wala namang bodyguard ang dumadaan doon, minsan lang. Ang pinopoblema ko lang ay yung cctv, alam kong ichcheck 'yon nila mom and dad kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagpasok ko sa bahay ay nanlamig ang aking buong katawan nang makita ko si mommy na nagaabang sa gilid ng pintuan. Tulala siya at mukhang malalim ang iniisip. Madilim na din dahil patay ang ilaw.

"M-mom.." Kumalabog ang aking puso sa kaba. Nakita niya kaya si isaiah? Kanina pa ba siya nakikinig samin?

Dahan dahan siyang lumingon sa 'kin, wala akong makitang ekspresyon sakanyang mga mata. Hindi galit, hindi malungkot, hindi masaya, hindi disappointed, hindi lahat.

"Magusap tayo." Aniya.

"Mom, let me explain.." Kabadong kabado at nanginginig ang aking boses kong sabi. Ano kaya ang nasa isip niya? Iniisip niya bang may ginawa kaming masama ni isaiah doon sa kwarto ko? Hindi ko magagawa 'yon.

Suminghap siya at naglakad papuntang living room, sumunod ako sakanya. Nang makapasok kami sa living room ay sinarado niya ang pinto at binuksan ang ilaw at saka siya umupo sa couch, umupo ako sa tabi niya.

"Mom-"

"Who was that, karylle? Your boyfriend?" Putol niya sa sasabihin ko habang nanatili ang kanyang hindi maipaliwanag na emosyon.

"I don't think so, mom.." Yumuko ako.

"Eh ano? Is he courting you, anak?"

"M-maybe.." Hindi ko nga alam kung ano nga kami. Hindi naman niya sinasabing nanliligaw siya, hindi niya din sinasabing kami na. Hindi ko alam kung ano kami, tao siguro kami.

"Ni hindi mo alam kung ano kayo, pinapapasok mo na agad sa kwarto mo karylle.." May halong disappointment ang kanyang boses. Napalunok ako doon.

"I don't have a choice, mom. Kung hindi ko siya papapasukin ay mahuhuli siya ng mga bodyguards..at baka..m-malaman niyo." Pero wala na, alam na niya, wala nang ibang dahilan para itago ko pa. "At saka..may respeto siya sa 'kin, may tiwala ako sakanya…he can't do that."

Suminghap siya at tumango-tango. "Hindi kita masisisi..lahat tayo ay dadaan sa ganyan, karylle. Pero..natatakot akong masaktan ka, anak..paano kung niloloko ka lang niya? Paano kung iwan ka lang niya karylle?"

Tiningala ko siya na ngayon ay halo halong emosyon, pagaalala, takot, at disappointment.

"I-I trust him. He loves me, I love him. Is that a valid reason for you to convince that he'll stay?"

Naging emosyonal ang kanyang mga mata sa sinabi ko. She can't believe that her daughter finally in love with someone else, but she's scared that maybe isaiah will just hurt me. Pero mas mataas ang tiwala ko kay isaiah kaysa sa pride ko, mas mataas pa din ang tiwala ko sakanya kahit pagsamahin ang pride namin.

"My daughter is inlove.." Ngumiti siya at pumatak ang luha. Hindi ko alam kung masaya ba siya..o galit? Hindi ko alam kung anong nasa isip mo, mom. "Sorry for being emotional, anak.." pinunasan niya ang luha niya. "I'll support you..kahit pa lagi kitang pinapagalitan, you're still my daughter."

Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you mom..i promise that I will not disappoint you, we'll not disappoint anyone.." Niyakap niya ako pabalik.

"What is his name?" Tanong niya.

"Isaiah ezekiel Astillar."

Ngumiti ako nang maalala ang buong pangalan niya. Ramdam ko ang pagtango tango niya, kumalas ako sa yakap.

"Hindi muna natin ito pwedeng sabihin sa dad mo, alam mo naman 'yon..gawin mo na lahat 'wag lang ang pagboboyfriend.." Humalakhak siya. Ngumiti ako.

"I-I will explain this to him..soon, mom." Tumango-tango siya.

"Oh sige na, matulog ka na..may pasok ka pa bukas." Aniya at tumayo na, tumayo na din ako at tumango.

"Okay mom..goodnight.." Lalabas na sana ako pero napatigil nang tawagin niya ako.

"Karylle.." Napalingon ulit ako sakanya. "I'm sorry about doon sa sinabi kong nandaya ka…I know you will never do that, I'm sorry.." Aniya. Ngumiti ako at tumango.

"It's okay mom, as long as you trust me..it's okay...i love you.." Sabi ko at tuluyan nang lumabas.

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ayos na kami ni mom, she will support me, us. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko para itext si isaiah.

Ako:

Alam na ni mommy.

Ilang minuto pa ang dumaan bago siya nagreply.

Isaiah:

You okay? I'll call you.

Maya maya pa ay nakatanggap nga ako ng tawag galing sa kanya.

"Hello.." Bungad ko.

[You okay? Anong sabi ng mommy mo? Bakit hindi ka pa natutulog?] Sunod sunod na tanong niya.

"Yes, I'm okay. Mom's not against us, isaiah. She said, she will support me. It's enough for me." Dinig ang saya sa aking tono.

[It's a relief. We'll talk later, for now..go to sleep..May pasok ka pa.]

"Okay, okay..bye, isaiah.."

[Bye, ellie, I love you.] Aniya bago ko patayin ang tawag. Naghuhurumentado nanaman ang puso ko sa mga salita niya. Mabuti pang itulog ko na lang ito.

Kinabukasan ay ang hirap gumising dahil antok na antok pa ko kagabi, pero nang makitang late na ako ay agad akong nagayos at kumain at pagkatapos ay pumunta na ng school.

Hanggang ngayon ay hindi pa din humuhupa ang balitang nandaya ako sa exam. Pero hindi ko na lang 'yon inintindi. Tahimik lang akong umupo sa upuan. Nahagip ng tingin ko si glissy, naalala ko nanaman tuloy ang sampal niya kahapon. Huminga ako ng malalim.

"Class, na post na ang mga dean's lister!" Sigaw ng isang teacher sa classroom namin noong lunch time. Agad nagtakbuhan ang mga kaklase ko palabas para makita.

Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako doon. Para saan? Kahit naman mataas ang mga exams ko ay hindi pa din ako umaasang masasali ako sa dl.

Somehow, may naghatak sa king tignan iyon. Nakasalubong ko pa si glissy, inirapan niya ako at nakisiksik na din sa mga studyante na nagkakagulo. Nakisiksik na din ako upang makita. Nagkatinginan pa kami ni glissy nang makitang magkatabi kami, nagtaas siya ng kilay at sabay naming tinignan ang dean's lister.

1…2…3..

4. Karylle ellie Refuerzo

Nanlaki ang aking mata at tumalon ang puso. Oh my god, yes!! Napatingin ako kay glissy na namumutla.

8. Glissy Amandon.