20//
Silveras
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon, ang maging masaya para sa akin o maging malungkot para kay glissy?
But I don't want to show that I pity her, it looks like I shouldn't pity her. But I admit that i feel bad for her. From being rank 4 to rank 8. Who wouldn't be hurt, right?
Habang naglalakad papuntang classroom ay pansin ko ang mga studyanteng nakatingin sa 'kin. Napabuntong hininga ako.
"She doesn't look like she's happy, eh? Baka naguilty?" Bulong ng isang babae sa mga kaibigan niya. Yes, until now, they still accusing me, accusing me without any proof. Their mind set, it's pitiful.
"Karylle! Congrats! You're really improving!" Napahinto ako sa paglalakad Nang salubungin ako ni juliet, kasama niya si heather na parehas na nakangiti saakin.
I wonder if they're being sarcastic or they're saying the truth. They looks so happy for me. however, I can't still smile, my trust issue is running again.
"S-salamat.." Malamig na ani ko at lalagpasan na sana sila ngunit nagsalita si heather.
"We're true to our words, karylle. Ayokong isipin mong pinaplastik ka namin. Naniniwala kami sa 'yo. Alam kong hindi mo magagawa 'yon. Dati pa ako naniniwala sa 'yo dahil..Matagal na..matagal ko ng alam ang tungkol sainyo ni kuya isaiah." Mahinhin ang kanyang boses ngunit pakiramdam ko ay naka mic siya nang banggitin niya ang pangalan na iyon.
Nanlalaki ang matang bumaling ako sakanya.
"H-how did you know?" She knows Isaiah? And what? KUYA? May kapatid ba si isaiah? Akala ko ba wala?
Ngumiti si juliet. "Yeah, lagi namin kayong nakikita na magkasama.." Humagikgik silang dalawa.
Ngumiti si heather at inoffer ang kamay sa 'kin.
"Heather Sofia Silveras, Isaiah Ezekiel Silveras's step sister.." Hinangin ang kanyang light brown na buhok, ang kanyang mapupulang labi at matatangos na ilong lalu na ang malalalim na mata na may mahabang mga pilikmata, at ang mga pisnging mapupula ay perpektong perpekto.
Gayunpaman, napatulala ako sa sinabi niya. Isaiah Ezekiel..Silveras's step sister? Kailan pa siya naging silveras? Ang akala ko ba ang astillar ang apelyido niya? Ano ito? At..step sister niya si heather? Paano?
Then I remember when james said that his dad has another family. This is probably his daughter. Heather..silveras.
"I t-thought..he is a Astillar?" Kunot noong tanong ko. Ngumiti siya ng tipid at bumaling kay juliet.
"Mauna ka na, I need to talk to her.." Sabi niya kay juliet.
"Sure! Kita na lang tayo sa room!" Maligayang ani juliet bago kami tinalikuran.
Hinila ako ni heather sa medyo walang tao na lugar, umupo kami sa isang bench na nilimliman ng punong mataas.
Naghihintay ako sa sasabihin niya, I want to know all about isaiah. I want to know him well. I'm desperate to know his life before, his life with his family, he with his family.
"He is a silveras." Panimula niya habang pinagmamasdan ang nasa harap na puro bulaklak. Hindi ako nagsalita. "He's using his biological mother's surname since his mother died..which is Astillar." Suminghap ako. So..ang ina niya pala ang nagmamay-ari ng apelyidong iyon. "But he's still a silveras, in his birthcertificate, his name, his blood, and for our dad."
"Someone said that he's angry at his dad..why?" Tanong ko.
"Yes, it's true, that's why he's not using our father's surname." Suminghap siya. "Bata pa lang kami, alam na naming parehas kami ng ama, ngunit hindi kami parehas ng ina. Lagi ko siyang nakikita kasama yoong tatlong lalaki na inampon ni daddy at mommy niya sa kanila, dati ay lagi akong nandoon sakanila nagbabakasyon tuwing summer. Tita isabel never hated me, kahit pa alam niyang anak ako ni dad sa ibang babae, hindi naiba ang turing niya sa 'kin. Napakabait ni tita isabel, she's such an angel." Ngumiti siya.
I guess, tita isabel her talking about is isaiah's mother.
"Ganon din si isaiah sa akin, kahit kailan hindi nila pinaramdam sa aking hindi ako kabilang sakanila tuwing nandoon ako sakanila. Maalaga siya sa akin bilang kapatid, Minsan nga ay gusto ko na lang tumira doon ngunit medyo nakakainis lang yoong tatlong lalaking ampon nila." Umiling-iling siya. The Three J boys. James, josh, jake. "Ngunit, hindi na ako nakabalik doon dahil ayaw ni mommy, isang araw ay nagaway sila ni daddy dahil ayaw ni mommy na sumama pa ako kay daddy dahil baka daw hindi na ako ibalik."
"Malayo ba ang tirahan niyo kila isaiah?" Tanong ko.
"Yup. Sobrang layo kaya ganoon na lang kung umayaw si mommy." Malungkot siyang ngumiti. "But, sometimes, it feels like..it's unfair. Kasi..mahal ni daddy si tita isabel pero hindi niya mahal si mommy." Huminga siya ng malalim. "Nagkaroon ako ng onting inis kay tita isabel pero agad iyong nawala nang mabalitaan kong inatake siya sa puso." Nakagat ko ang labi ko. "I was worried, yoong panahong 'yon ay wala na akong pakialam kung hindi ako payagan ni mommy, basta sumama ako kay daddy papuntang hospital. Pagkadating na pagkadating namin doon ay kita ko agad ang nagwawalang si isaiah."
"Tsaka ko na lang narealize kung bakit siya ganoon magwala nang malamang wala na si tita isabel. Galit na galit siya sa doctor na nagopera kay tita isabel, inawat siya ni daddy, pero pagkauwi nila ay halos mamatay na din siya dahil halos hindi na siya kumain. Nanatili ako doon para sana alagaan si isaiah, ngunit isang araw ay nakita ko siya na sinisigawan si daddy..pagkatapos no'n ay naglayas siya sa bahay nila..sumama yoong tatlong ampon. Doon na kami nagkahiwalay. Ilang taon din naming hindi nakita ang isa't isa, naging busy ako sa pagaaral ko, habang si daddy ay pinapatakbo ang kompanya. Lumipat kami dito noong second year high school dahil nakumbinsi ko si mommy na gusto kong magaral dito at para na din hanapin si isaiah. And we've met, weeks ago." Natawa siya bigla kaya nagtaka ako. "Nakita pa kita doon sa sala ng bahay niya, natutulog. Pfft." Humalakhak siya.
Nanlaki ang mata ko at pumula ang pisngi. Yung..araw na tinulungan niya ako sa assingment ko, yung natulog ako?! Si..si heather pumunta?!
"W-what the hell.." Bulong ko. Nagpatuloy siya sa paghalakhak.
"Nakakatawa si kuya non," Humalakhak ulit siya. "Kasi hindi niya alam kung anong uunahin niya," Humalakhak siya ng malakas. "Yung homework mo o yung niluluto niya."
Pulang pula ang pisngi ko sa hiya. Stupid karylle!
"K-kasi..u-uhm..." Nag-iwas ako ng tingin.
"Aray ko.." Aniya habang nakahawak sa tiyan niya. Tawa siya nang tawa, mukha na siyang kamatis sa sobrang pula ng mukha niya.
"Eh kasi naman! I was sleepy that time! I didn't know.." Ngumuso ako sa kahihiyan. Mukhang ayaw sa kin ni heather para kay isaiah, hmp.
"But..you two looks so cute." Ngumiti siya. "Too bad, your dad-" naputol ang sasabihin niya nang biglang may nagsalita sa harap namin.
"Oh, nandito na pala ang dalawang..bruha!" Sigaw ni serina, sa likod niya ang mga kaklase namin, kasama si glissy na matalim ang tingin sa 'kin. Lahat sila ay may mga hawak na..tubo.
Nanlaki ang mata ko at napatayo.