Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 20 - Chapter XVIII

Chapter 20 - Chapter XVIII

18//

Mine

I can't believe him! Pagkatapos niyang sabihing gusto niya ako, ganon ang gagawin niya?!

Nakakainis! Nakakainis kasi nasasaktan ako! Nasasaktan ako! At gusto kong isigaw sa tainga niya na NASASAKTAN AKO!

I thought he like me?! Or I need to make it a past tense?! He LIKED me! Siguro ay nagsawa na siya sa 'kin? Siguro ay narealize niya na hindi naman ako worth it? O siguro kinakahiya niya ako? Dahil saan?! Nagalit ba siya sa 'kin dahil akala niya nagcheat talaga ako sa exam?! Ano?! I don't know what to do!

Humikbi ako habang ibinabaon ang mukha sa unan ko. Gabi na ngunit buhay na buhay pa din ang mga luha ko. Hinatid ako kanina ni james dito, nagpasalamat ako at matamlay nang pumasok sa bahay.

Buti na lang ay wala sila mom at dad dito, pero sigurado akong malalaman nilang nagcutting ako. I don't really care anymore! I don't care if they think that I cheated, even I'm not! All I care about isaiah! That bastard isaiah!

Kanina din nakita ko ang text niya, isang pirasong text! Anong gagawin ko don?! Makakain ko ba 'yon? Bakit hindi niya ako suyuin?! Bakit hindi siya tumawag man lang? O baka naman hindi niya alam na pumunta ako sakanya at nadatnan siyang nakikipaglandian sa heart na 'yon?!

Isaiah:

Ellie..

I did not reply 'cause I'm pissed! God, karylle! Why are you jealous?! He didn't even your boyfriend to act like you own him! No, I don't own him, he don't own me. We're just like…FRIENDS!

"Karylle, anak, dinner!" Katok ni mommy sa pintuan ko.

"Opo! Susunod na!" Sigaw ko. Dinig ko ang mga paa niya paalis kaya nagayos na ako ng sarili, kahit na mapapansin nilang umiyak ako, may palusot naman ako.

Bumaba ako at nadatnan silang kumakain na, sobrang tahimik nila na para bang may mamatay pag may nag-ingay.

Naalala ko tuloy ang pagwawalkout ko kanina, I'm sure they are angry, but, I did not really cheat, hindi naman ako magwawalk out kung pinaniwalaan nila ako, pero mas pinaniwalaan nila si glissy. 

Umupo ako sa harap ni mom at napatingin sa plato kong may kanin na, kumuha ako ng ulam at nagsimula nang kumain. This is awkward. So awkward.

Tahimik lang kaming kumakain, ang maririnig mo lang ay mga kutsara at tinidor tuwing dumidikit ito sa plato. Tumikhim ang yaya namin. Napabuntong hininga ako.

Nang matapos akong kumain ay tatayo sa sana ako ngunit agad napatigil nang magsalita si mom.

"Go back to your seat, karylle. Hindi pa kami tapos kumain, 'wag kang bastos." Mariin at galit na ani mom. Napabuntong hininga ako.

"I'm tired, please mom, I need to rest." Pagod at walang gana kong sabi. Padarag niyang nilapag ang kanyang mga kubyertos kaya bumuo ito ng ingay.

Here we go again..

"Karyl-" Pinutol ni dad ang sasabihin sana ni mommy.

"Karen.." May banta sa boses ni daddy. Tiningala niya ako at tipid na ngumiti. "Sige na, magpahinga ka na, ellie, goodnight." Tipid din akong ngumiti.

"Good night, dad..mom.." Ani ko at umakyat na sa kwarto. Naligo ako para mabawasan ang lagkit sa katawan, I wore a red dress, pantulog ko ito lagi dahil kumportable ako dito. pagkatapos ko ay nakatanggap ako ng tawag galing kay isaiah. Umikot ang mata ko at pinatayan siya. Bahala ka diyan.

Humiga na ako sa kama at natulog. I woke up around 1am dahil sa paulit ulit na ingay sa bintana. Kinusot ko ang mata ko at halos mapatalon nang may bumato nanaman sa bintana. What the hell? Ang aga aga nangbubulabog!

Tumayo ako at binuksan iyon. Nanlaki ang mata ko nang madatnan si isaiah na tinitingala ako ngayon. Agad kong napagala ang aking mga mata dahil sa cctv at bodyguard namin na natutulog sa upuan, buti na lang ay isa lang siya na nagbabantay doon sa area na 'yon!

Pinandilatan ko si isaiah ng mata, what the hell is he doing here?! Winagyway niya ang phone niya, maya maya pa ay tumunog ang phone ko. He's calling, I answered it.

"What are you doing here?!" Galit na bungad ko sakanya, nakatingin ako sakanya sa baba.

[Let's talk..] Seryoso ang kaniyang mukha. Napapikit ako ng mariin.

"Umuwi ka na! Wala na tayong dapat pagusapan pa!"

[Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakausap.] Marahas akong huminga sa galit.

"Okay! Fine! We'll talk later! For now..go home! Makikita ka sa cctv!"

[No, ayoko, hindi kita papatulugin nang may galit sa 'kin, ellie..] Napahilamos ako sa mukha ko. [Please ellie..]

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang paparating na ingay, probably it's our body guards! Kinuha ko ang kumot ko at inihulog ito sa baba, tutal ay nasa second floor lang naman ako, siguro naman kaya na niya naman yan?! Of course! Sanay na siya diyan!

"Akyat dali!" sigaw ko sakanya. Pinatay ko na ang phone ko at hinagis ito sa kama, napaawang ang kanyang bibig at wala nang nagawa kundi ang umakyat dahil paparating na ang mga bodyguards namin. Walang kahirap hirap siyang nakaakyat kaya gumilid ako ng onti para mabigyan siya ng tatalunan. Binalik ko ang kumot sa aking kama at sinarado ang bintana, nanatili ang dim lights sa aking kwarto.

"I said go home! Napakakulit mo!" Kinokontrol ko ang aking boses at baka marinig nila mom. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Bumuntong hininga siya.

"We need to talk, pagkatapos nito ay uuwi na ko, just please.." Puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

I remember what he did, I remember what it feels like to look at him..hugging other girl, and I can still feel it, I can still  feel the pain he caused.

"Okay then, we'll talk." Naramdaman ko ang bukol sa aking lalamunan. Seryoso siya, halo halong emosyon ang nakikita ko sakanyang mga mata, Takot, lungkot, galit. I wonder why he's looking at me directly with that eyes full of emotions.

"Pumunta ka daw sa coffee shop.." Suminghap siya. Napalunok ako.

"How did you know? James told you?" Napapikit siya ng mariin at galit ang matang tumingin sa 'kin. "I was about to come in, but I saw you, you look so busy huh?" Tumawa ako ng sarkastiko. Nagtiim ang bagang niya. Sinubukan niyang lumapit sa 'kin pero umatras ako.

"Dapat ay pumasok ka, I was just talking with her bacause that's our break time. But what? You chose to be with james and eat with him." Mahinahon ngunit himig ang galit sa boses niya. Kumalabog ang aking puso.

"How did you know that? James also told you that?" Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"He did not tell me, I saw you two.." Igting bagang na sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Nagiwas ako ng tingin at pumikit ng marahan.

"Hindi naman ako sasama sakanya kung hindi kita nakita kasama yoong babae mo." Pumangaywang ako sa harap niya.

"Hindi ko siya babae, we're friends, ellie.." alam ko! Ang dami mo ng kaibigan!

"Then what about..the hug? I saw you two, hugging each other, then you're here right now, angry because you saw me with james?! We are just eating! Hindi namin niyakap ang isa't isa!" Galit na sigaw ko.

"I hugged her because she was hurt! Her dad wants her to leave because of me! Because she helped me! I'm so guilty, ellie! So much guilt I felt, all I can do is to hug her and just file a resignation letter!" Nagulat ako. I forgot that heart helped him..all I care is about my feelings..i'm so selfish! What the hell karylle..

Pumatak ang luha ko. Nanlaki ang mata ko nang kumatok bigla si mommy.

"Karylle! Ano ba ang ingay diyan?!" I cleared my throat before answering.

"Sorry mom! I'm just..uh..w-watching a movie!" Palusot ko.

"O-okay, matulog ka na pagkatapos." Dinig ko ang yapak niya paalis kaya hinarap ko ulit si isaiah.

I'm so guilty.

Yumuko ako at pumatak nanaman ang luha. "I'm sorry, isaiah..i was just so pissed and..so..sad.." humikbi ako. "I thought you like her, t-that's why..i'm so jealous!" Tiningala ko siya na ngayon ay suminghap. "I'm sorry, I hate my self for being like this, I hate my self for falling!" Natigilan siya. "I'm inlove with you! I know it's not right 'cause you-"

Natigil ako sa paghinga nang hatakin niya ako papunta sakanya at siniil ng halik. Napapikit ako. This is not right! He can't just kiss me like this! God! We're in my room!

In the middle of our kiss, I forgot everything, I forgot about why I'm so angry? Why I'm so sad? What are my problems? All I can feel is my heart, my heart that beating so fast, his lips, his kisses, siya lang.

Humihingal kaming tumigil, ngumisi siya. Uminit ang aking pisngi at nagiwas ng tingin. Ipinagdikit niya ang aming mga noo.

"I'm so inlove with you too, from now on, you're just mine, okay? and please don't hate yourself for being inlove with me, that hurts." Humalakhak siya. Napatitig ako sakanya at ngumiti.