Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 15 - Chapter XIII

Chapter 15 - Chapter XIII

13//

Fireworks

"Then, don't let me see you with other boys, too.." Aniya.

My heart beating so fast, am I jealous? Is he too? So what is the meaning of this? We are still friends right? Goodness.

Kinagat ko ang labi ko at pumunta na sa counter para magbayad, pagkatapos kong magbayad ay kinuha sa 'kin ni isaiah ang dala ko at lumabas na kami ng shop.

Ni hindi kami naguusap habang naglalakad, at hindi ko din alam kung saan kami pupunta, basta naglalakad lang kami.

"Where are we going now?" I asked.

"Eat." Nakuha ko agad ang pinaparating niya kaya pumunta kami sa isang resto. Pipila na sana ako ngunit iritado niya akong binalingan.

"Come on, ako na ang magbabayad, just sit down.." I blinked twice. Is that even a big deal? Masama bang ilibre ko siya? What a pride and ego!

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Although I wanna ask if he's earning a lot of money or what, hindi naman ata siya sinusuportahan ng dad niya sa mga kailangan niya.

Umupo siya sa harap ko pagkatapos niyang umorder, nginusuan ko siya.

"What are we? Friends?" Matapang kong tanong. Napaawang ang bibig niya at napangisi sa huli.

"Friends, huh.." Ngumuso siya at nagiwas ng tingin.

"What? Okay let's just say...more than friends, but less than lovers?" Humagikgik ako. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang tapang kong magtanong, pero hell, kumakalabog ang puso ko sa bawat salita ko.

Napalingon siya sa 'kin at napangisi. Mabuti naman ay dumating na ang pagkain, halos mapangiwi ako sa dami nang inorder niya para sa 'kin. Wow! I don't wanna be fat! I need to stay sexy!

"What do you think of me? A pig?" Pinandilatan ko siya. Humalakhak siya.

"Just eat, I want you to be pig.." natatawa pa ding aniya. Umirap ako at nagsimula na sa pagkain.

Gusto niya 'kong tumaba?! Tapos maghahanap siya ng sexying babae? Aba! Walang ganon!

Nang matapos kami sa pagkain napagdesisyunan naming manood ng sine, is this a date? I guess so, a more than friends but less than lovers date.

Siya ang bumili ng ticket ako naman at bumili ng popcorn at drinks pagkatapos ay lumapit ako sakanya. Kita ko pa ang paginit ng pisngi ng babaeng nasa counter. Umikot ang mata ko. Napakahaharot.

Nang makabili na siya ay tinulungan niya 'ko sa pagbitbit ng popcorn at drinks at pumasok na kami sa sinehan.

Sa may bandang likod kami pumwesto. Marami ding tao kaya medyo maingay dahil sa mga bulungan nila.

"Love story.." Sagot ni isaiah na nakanguso, nang tanungin ko siya kung anong kwento ito.

"This is boring.." Sabay na sabi namin. Napatawa na lang kami. Oh, we're on the same page, hindi mahilig sa love story.

Nang nagsimula ang movie tumahimik ang lahat, nagsimula akong kumain ng popcorn habang nanonood. Hindi naman ganoon kaboring ang movie, ang babae at lalaki ay parehong may sakit, nagkakilala sila sa hospital at nagkainlove-an sa isa't isa, kaya naiyak ako nang mamatay ang babae at sumunod namatay ang lalaki.

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin kay isaiah na ngayon ay nakatitig sa 'kin at pinaglalaruan ang daliri ko, ang isang kamay niya naman ay pinaglalaruan ang labi.

Nagiwas ako ng tingin nang magsimulang kumalabog ang puso ko. Goodness! Makakalimutan ko itong movie na to dahil sakanya!

Ngunit hindi pa don nagtatapos ang kwento, may isang batang babae at lalaki na ipinanganak, at nang lumaki sila ay nagkita sila na animo'y matagal nang kilala ang isa't isa. Reincarnation ang hula ko, at doon natapos. Nabitin ako don!

Tumayo na ako ngunit nanatili siyang nakaupo at nakatitig sakin.

"What?" Umiling siya at ngumisi. Tumayo na din siya at hinawakan ang aking kamay. Nagpaparty nanaman tuloy ang mga nerves ko.

"Saan na tayo?" Tanong niya nang makalabas na kami sa sinehan.

"Uuwi?" Mabilis akong umiling sa nasabi. "Ayoko pang umuwi!"

"Anong oras ang curfew mo?" Tanong niya at nagsimula na kaming maglakad.

"9 pa naman, anong oras na ba?"

Tumingin siya sa wrist watch nita "Alas sais." Tumango ako. Maaga pa naman pala. Hinila niya ako sa parking lot.

"Uuwi na tayo?" Bigong sabi ko. Umiling siya at sinuot ang helmet sa 'kin. "Saan naman tayo pupunta?" hindi niya 'ko sinagot. Sumakay na kami parehas sa motor niya at agad niya naman iyong pinaandar.

Pamilyar ang dinadaanan namin, nakumpirma ko lang iyon nang huminto kami sa gilid ng tulay. Right! Nandito ang una naming pagkikita!

"Why are we here?" Masayang tanong ko nang makababa na kami sa motor niya.

"May fireworks doon mamaya.." aniya at tinuro ang nasa harap namin. Buildings, puro sasakyan at puro ilaw, city. "6:30..so.." nakibit balikat siya.

"R-really?" Tumalon ang puso ko.

"Yes, you love fireworks right?" Ngumiti siya at tumabi sa 'kin. Nanliliit ang mata ko sakanya.

"How did you know?" Hindi niya 'ko sinagot at tumawa lang. It's already 6:29, isang minuto na lang. sabay naming tinanaw ang city kung saan ako lumaki. Ang ganda..sobra.

"Ellie.." Napalingon ako sakanya, nakatitig siya sa 'kin at mapupungay ang mga mata. "Gusto kita.." aniya.

Kasabay ng pag kalabog ng puso ko ang pagilaw ng kalangitan dahil sa fireworks.