15//
Cheater
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kay glissy, may nagawa ba 'ko sakanya? Bakit ganon siya makareact? Did I do something wrong?!
"Naiperfect ko ang exam!" maligayang sigaw ko kay isaiah nang nagkita kami dahil pupunta ako sa bahay nila. Lumiwanag ang kanyang mukha.
"Really?! Woah, I'm proud of you!" Malaki ang ngiti niya nang guluhin ang aking buhok. Ngumuso ako.
"Thanks to you.." Ngumisi ako at pumasok na sa bahay nila. Ramdam ko siya na nakasunod lang sa 'kin.
"You did it.."nakangiting aniya. "Did you eat?" umupo ako sa sofa. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko.
"Yup.." Tango ko. Tumango din siya at pumunta ng kusina. Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at nagscroll sa facebook.
Glissy Amandon
Cheater.
Kumunot ang noo ko. Cheater? Binuksan ko ang comments at agad nakita ang mga comments ng mga barkada ni serina, ngunit naagaw ni aiza ang aking atensyon.
Serina alvarez: talaga.
Amber freneir: What's this?
Aiza harington: Accept it, stop accusing without any proof. Nakakaawa ka.
Mas lalong kumunot ang aking noo. Nagaaway ba sila? Bakit? I know they're both smart, ano naman ang pinagaawayan ng mga ito?
Serina alvarez: @Aiza harington wow! So kinakampihan mo ang mandadayang 'yon?
Aiza harington: @Serina alvarez duh, wala akong kinakampihan, hate ko kayong lahat, ang akin lang naman, bakit niyo siya aakusahan kung wala naman kayong ebidensya?
Glissy Amandon: @Aiza harington why do you care? Bakit ang daming natatamaan sa post ko kahit hindi naman sila ang pinapatamaan ko?
Aiza harington: @Glissy Amandon you should pretend to be nice to your friend, you'll lose her, you'll lose Karylle.
Napalunok ako. Paano ako nasali sa away nila?
Karylle refuerzo: What's going on here?
Aiza harington: Why don't you ask your FRIEND?
Glissy Amandon: @Karylle refuerzo you cheated.
Nanlaki ang mata ko. Ako? Saan ako magchcheat?! Sa exam?! God! Bakit niya nasabi 'yon? Wala akong ginawa kundi ang magreview! Maybe someone using her account? Hindi niya magagawa sa 'kin 'to!
"Why? Okay ka lang ba?" Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si isaiah. Nilapag niya ang sandwich at juice sa mesa habang pinagmamasdan ako.
"Yup, I'm okay." Ngumiti ako at nilantakan ang sandwich. Bumibigat ang puso ko sa sinabi ni glissy, maybe someone is really using her account! Maybe someone hacked it?!
Kumunot ang noo ni isaiah sa 'kin dahil sa pamumutla ko. Napatingin siya sa hawak kong phone at inagaw 'yon sa 'kin.
"Isaiah!" Tumayo siya at habang nakatingin pa din sa phone ko. Kumunot ang noo niya. Tumayo din ako upang abutin ngunit inilayo niya 'yon sa 'kin.
"Who's this glissy...amandon?" Kunot noong tanong niya ngunit hindi niya pa din binabalik sa 'kin ang phone ko.
"S-she's my friend! Akin na ang phone ko!" Kinagat niya ang labi niya at mukhang iritado na sa mga nababasa.
"Friend? You call it friend?" Medyo pagalit na aniya. "She's accusing you that you cheated! You call it friend, ellie?"
Bumagsak ang aking balikat at napaupo ulit. "I don't know, I did not cheat." Bulong ko.
Napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "I know you didn't, ano ba ang tinatahol nitong kaibigan mo?" Mahinahon ngunit iritado pa ding aniya.
Umiling iling ako at hinablot na ang phone ko sakanya at agad binasa ang mga panibagong comments.
Amber freneir: woah! Really glissy?
Glissy amandon: yes, I saw her.
Serina alvarez: Hindi ba 'yon nakakapagtaka? Dati ay ang bobo niya tapos biglang naperfect niya ang exam?
Davis heil: @Serina You have a point!
Heather silveras: Aiza's right, why are you accusing her without any proof?
Serina alvarez: Hoy heather, hindi pa ba sapat ang ebidensya ko?
Aiza harington: accept it people, don't be so childish. Hindi purki bobo siya dati ay bobo na siya habang buhay. Wag niyo naman ilabas masyado ang totoong kulay niyo.
Glissy Amandon: You shut up aiza! Mind your own business! Basta, I saw her! @karylle umamin ka na kasi!
Basang basa ang pisngi ko habang binabasa lahat ng comments. Bakit siya ganito? Okay naman kami ah? Hindi naman ako nandaya! Wala akong ginagawa para kainisan niya 'ko ng ganito!
Ilang mura ang pinkawalan ni isaiah na kanina ay nakikibasa din sa 'kin, kinuha niya ang phone ko sa aking kamay at inilayo iyon sa 'kin.
Hinila niya ako papunta sakanyang dibdib.
"I did not do anything wrong, I did not cheat! Bakit siya gano'n?! She's my best friend!" Humikbi ako sakanyang dibdib. Hinahalikan niya ang aking buhok habang pinapatahan ako.
"Shh.."
Gusto kong ipangalandakan na hindi ako nandaya! Pero kahit magpost ako na hindi ko 'yon ginawa ay hindi sila maniniwala! Kahit anong sabihin ko ay wala silang paniniwalaan!
Mas lalo akong napahikbi. I can't Believe her! Ang sakit sakit dahil best friend ko pa ang nagsabi no'n. she betrayed me.