Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 12 - Chapter X

Chapter 12 - Chapter X

10//

Useless daughter

"Nung nakaraan nakita ka daw nilang may kasamang boy ha!" Inangat ni glissy ang baba ko. "Tell me, who was that?" Nanliliit ang mata niya sa 'kin.

I pouted. "He's just my friend, glis." Simpleng sabi ko at nagsolve ulit ng pinapasolve sa 'min ng math teacher namin. Siya naman ay kanina pa 'ko tinatanong kung sino daw ba yung kasama ko nakaraan. Si isaiah.

"Asus! I thought we are best of friends karylle? Bakit ka may secret?" Natatampo ang kanyang boses.

"Of course, we are best friends, glis! At sinabi ko naman sa 'yo na magkaibigan lang kami!" naiirita na 'ko. Bakit nga ba ako nageexplain? We really are friends, me and isaiah, friend.

Ngumuso siya at tinuon na lang ang atensyon sa papel niyang wala pang sagot. Bumuntong hininga ako. These days, hindi ko na nakakausap masyado si glissy. Minsan nga ay hindi pa kami sabay mag lunch, minsan ako lang ang magisa habang siya naman ay nasa ibang grupo ng mga babae o kaya nakikipaglandian.

Okay lang naman sa 'kin, tuwing lunch din kasi ay kausap ko si isaiah, puro text at tawag dahil ayoko naman siyang gambalain sa pagtatrabaho niya. Nagtetext lang kami pag break niya saktong lunch ko. Kahit na sinabi niya nakaraan na hindi naman ako istorbo sakanya ay ayokong dumating ang oras na sasabibin niya nang istorbo ako, kaya hindi ko siya kinukulit.

Isaiah:

Nakauwi ka na ba?

Nasa sasakyan na 'ko, pauwi na nang magtext siya.

Ako:

Pauwi na.

Isaiah:

Are we cool?

Kumunot ang noo ko.

Ako:

Of course! I'm just exhausted, bumalik ka na sa trabaho mo.

Parang ang pait naman ng text ko, tss hindi naman kasi ako texter.

Isaiah:

Come on, ellie, susunduin kita dyan 'pag hindi ka umayos.

Ako:

What? Maayos naman ako, ikaw ang sira dito, paranoid.

Isaiah:

Are you sure?

Ako:

Kulit! Oo nga.

I turned off my phone. Cold lang siguro talaga ako magtext but, maayos naman kami! Ano bang pinagiisip no'n?

Bumaba ako ng sasakyan nang makarating na kami sa bahay, pagkapasok ko pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigawan nila mom and dad.

"How could you do that, nathaniel?! How could you do such thing?!" galit na galit si mommy habang sinisigawan si daddy na nasa harap niya. Nasa living room sila.

Kumunot ang noo ko. "M-mom? Dad? What's going on?" Sabay silang lumingon sa 'kin.

"Go to your room, karylle.." mahinahon na ani ni mom. Hindi ako gumalaw.

"Tell me first, what's happening?" matigas na tanong ko. Kita ko ang iritasyon sa mukha ni mommy.

"Just..go to your room karylle! Kahit malaman mo ay wala kang maitutulong!" Lumunok ako sa sinabi ni mom. Si dad naman ay halatang pagod at galit din, ngunit nagpipigil lang.

"Oh, okay, I forgot that i'm useless here." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Ayokong dumagdag sa problema nila pero naiirita ako kasi hindi ko naman alam ang nangyayari, siguro nga wala akong kwenta sa bahay na 'to.

I took a shower and changed clothes. Dinig na dinig ko pa din ang mga hiyaw nila pero ibinalewala ko na lang iyon. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon dahil may tumatawag. Si isaiah.

[Hey, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Are you okay?] Bumuntong hininga ako.

"Yeah, i'm okay." Ngumuso ako.

[I know you, you're not okay. Tell me what happened.] Napangisi ako. Jesus, nawawala ang mga negative thoughts ko dahil sakanya!

"Nagaway sila mommy at si daddy.."

Natahimik siya ngunit nakasagot din.

[And then?]

"I think i'm really useless here, ni hindi ko sila matulungan sa mga problema nila."

[No, you're not useless, minsan may mga problema'ng magasawa na hindi mo talaga kailangan pakialaman, basta ang isipin mo na lang na magkakaayos din sila, okay? Don't stress yourself.]

"Really?" Gumaan naman ang loob ko. Baka may onting misunderstanding lang sila.

[Really. Do you want to come here, ellie?]

"Of course! Wait i'll change!" dinig ko pa ang munting halakhak niya bago ko pinatay ang tawag.

Nagbihis ako at inayos ang buhok ko. Aalis na lang ako dito kaysa marinig magdamag ang kanilang sigawan. Nagtext siya sa 'kin na nandoon na daw siya, ang sabi ko kasi ay ako na lang ang pupunta doon ngunit ayaw niya, kaya hindi ko na siya nilabanan, basta ang sabi ko ay doon siya magpark sa malayo sa bahay namin dahil puro cctv ang nakapaligid sa 'min.

Binuksan ko ang pinto at rinig ko pa din ang sigawan nila sa kwarto nila. Napabuntong hininga ako at bababa na sana ngunit napahinto sa narinig.

"Paano pag nakulong ka, nathaniel?! That kid will probably take revenge! Hindi mo ba naisip 'yon?!" humahagulgol na si mommy habang sinasabi niya iyon.

Kumalabog ang aking dibdib. Kulong? Sino ang makukulong? Si daddy?! Bakit naman siya makukulong?!

"Do you think i'm dumb karen?! Hindi ako makukulong! And that kid? Hindi na dapat siyang problemahin dahil tapos na 'ko sakanya!" parang pinipiga ang puso ko sa mga naririnig.

May biglang sumagi sa aking isip na mabilis kong isinantabi, pero..kaso, demanda..and that lawsuit, oh my hell. Nakagat ko ang labi ko at lalo pang kinabahan.

Tinakbo ko na ang labas at agad naaninag si isaiah na nakakunot ang noong dahil sa pagtakbo ko.

"Why did you run-"

"C-can you take me to our hospital instead? I need to check on something.." Mas lalo pag kumunot ang noo niya.

"Why?"

"Remember the lawsuit I asked you? I think...that's the reason of their fight, and..i'm worried to dad!" Nangingilid ang aking luha. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

"I think it's a bad idea, ellie. Just let them deal with it! Wag mo nang idamay ang sarili mo.." Pumungay ang kanyang mata.

"God! Isaiah! Iyon pa lang na anak nila ako ay damay na 'ko! So if you don't want to take me to our hospital, then don't! magtataxi na lang ako!" nakakainis! Pinunasan ko agad ang luhang sunod sunod na pumatak bago lumakad paalis.

Then, don't talk to me anymore!

Nakakaisang hakbang pa lang ako ay ramdam ko na ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Okay then, let's go." Hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang mga luha ko. "just please stop crying okay?" dahan dahan akong tumango. Binitawan niya na 'ko at isinuot ang helmet sa 'kin. Ganon din ang ginawa niya hanggang sa masakay na kami sa motor niya at agad niya iyong pinaandar.

Ano bang ginawa ni daddy at ganoon na lang kung magalit si mommy? Bakit makukulong si daddy? Ano ba ang ginawa niya? I have so many questions! Alam kong hindi lang ito katulad ng mga problema naming hindi naman gaanong kabigat, iba 'to! And I feel so dumb for not knowing and for being useless daughter to them!

"Do you want me to come with you?" Tanong niya nang makarating na kami sa ospital. Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na, mabilis lang 'to." Ngumiti siya ng tipid at tumango kaya mabilis na 'kong pumasok.

Sumakay ako ng elevator at lumabas na nang makarating sa floor kung saan ang office ni dad. Pagkapasok ko ay agad kong sinarado ang pinto. Lumapit ako sa drawer kung saan ko siya huling nakitang nilagay ang lawsuit. it's locked.

Naghanap ako sa table niya at nagbabakasakaling nandoon niya nilagay ang susi. Gusto ko lang namang makita ang lawsuit na 'yon at basahin kung ano man ang nasa loob no'n. Lumunok ako nang makita ang susi sa huling drawer na binuksan ko. Kinuha ko 'yon at dali daling lumapit sa drawer kung saan nakalagay ang lawsuit.

Nanginginig ang aking kamay habang nilalapit ang susi doon, ngunit bago ko pa ito mabuksan, bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang galit na si daddy.

My eyes widened.

"What are you doing here?!" Galit na sigaw niya. Lumunok ako.

"D-dad.."