Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 13 - Chapter XI

Chapter 13 - Chapter XI

11//

Drunk

"What are you doing here, karylle?" Mariin at galit na tanong niya. Pinipiga ang puso ko. He called me karylle. My dad called my first name! And i hate it! I hate it so much!

"I was just…l-looking for something." Kinagat ko ang labi ko. Napatingin siya sa kamay ko kung saan may susi akong hinahawakan, lumapit siya sa 'kin at marahas na inagaw sa akin ang susi.

"I will not allow you to come here again anymore, karylle, kung hindi mo kayang manahimik sa isang tabi at hindi pakialaman ang gamit ko, hindi ka na pwedeng pumunta pa dito, karylle." Mariin na niya. Naginit ang gilid ng aking mata. Sa bawat banggit niya ng pangalan ko ay pinipiga ang puso ko.

"Stop calling me karylle, dad!" My voice broke.

"Leave." Aniya.

Tuluyan nang bumagsak ang aking luha.

"Are you still my dad?" Bulong ko. Baka galit lang siya, baka pagod, siguro nga, pero.. bakit ganoon? Dati naman, kahit galit siya hindi siya ganito, hindi niya 'ko sinisigawan, kahit pagod siya ay nagagawa niya pa ding ngumiti sa 'kin.

"Leave!"

Mabilisan akong tumakbo sa pintuan at agad lumabas. Pinunasan ko ang luha ko sa aking pisngi habang nasa elevator ako. Ayokong isipin ni isaiah na ang babaw ko, na ito lang ay umiiyak na 'ko.

Lumabas ako nang parang walang nangyari, deretso sa harapan ang aking tingin. Hanggang sa makalabas ako ay agad kong naaninag si isaiah na nakatulala, mukhang malalim ang iniisip.

"Are you okay?" Tanong ko sakanya kaya naagaw ko ang atensyon niya. Tinitigan niya 'ko.

"Are you okay?" pabalik niyang tanong sa 'kin. Ngumiti ako.

"Yep." Tango ko. Tumagal ang titig niya sa aking mukha kaya kinunot ko ang noo ko.

"You cried." Hindi iyon tanong. Lumunok ako. Paano niya nalaman? Talagang mausisa siya ah. Ngumuso ako at ngumiti.

"Yes, I am, I won't deny it. We just had uhm, simple argument, you know..my dad, he seems so tired.." Tumango-tango ako sa sarili. Pagod lang siya at galit.

Hinila niya 'ko papunta sakanyang dibdib, napangisi ako.

"Come on, isaiah! I'm okay.." Tumawa ako. Pinakawalan niya na 'ko. Ngumiti ako. "Let's go!"

"Where?"

"To your house..ayoko pang umuwi.." tumango siya at sinuot saakin ang helmet. Sumakay na siya sa motor kaya sumakay na din ako.

"Did you find the lawsuit?" Tanong niya habang nagddrive siya. I let out a heavy sigh.

"Nope, dumating kasi agad si dad. Then I realized that..wala naman akong magagawa kung malaman ko man ang totoo, and I know dad, he won't let himself go to jail, so I will let them deal with it.." kahit pa may onting pangamba pa din sa 'kin ay pilit kong isinasantabi.

"Kung sakaling..malaman mo na may ginawang masama ang dad mo..anong gagawin mo? Papanigan mo pa din ba ang dad mo, o…hahayaan mo na lang siya dahil ayon ang tama?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Daddy ko pa din siya, isaiah. Pero..kung wala namang kapatawaran ang ginawa niya, then, hahayaan ko na lang ang batas humusga sakanya. But I can't promise that…I will not hurt..that is my dad you're talking about. Bakit mo natanong?"

"Nothing.." Tumango-tango na lang ako. Nang makarating na kami sa bahay nila at dinig ko ang ingay sa loob, hula ko ay nandyan sila james, josh, at jake.

Bumaba ako at hinubad ang helmet. "Nandito sila?" ngumuso siya at tumango.

"Hay." Buntong hininga niya at hinila na ako sa loob. Pagkapasok ay amoy ko ang alak. Napasinghap si isaiah. Nandon sila james sa sala at nagiinuman. Kumunot ang noo ko. Ang aga naman nila maginuman!

"Anong ginagawa niyo?" Mariin na tanong ni isaiah. Natigil sila sa pagkukuwentuhan at napatingin sa amin.

"Oh, karylle! Long time no see!" Si josh. Ngumiti ako.

"Pre, mga heart broken kasi 'tong mga 'to, pagbigyan mo na." Si james at tinapik ang balikat ni isaiah. Tumango siya sa 'kin kaya ngumiti ako.

"Lika na kayo dito! Hindi pa kami lasing, di ba pre?" Tanong ni jake sa katabi niyang si josh. Napailing-iling ako.

Ngumuso ako kay isaiah.

"No, you're not going to drink." Mariin na aniya. Napasibangot ako.

"Tss, kj mo naman! Onti lang, e." Ilang linggo na din akong hindi nakakapagparty kaya ilang linggo na din akong hindi nakakatikim ng alak, sa tingin ko ay magkakasakit na ang bituka ko.

Inabutan ako ni james ng isang shot, tinanggap ko iyon ngunit agad inagaw ni isaiah ang baso at mabilisang nilagok. Kunot ang noo niyang nilapag ang baso sa lamesa.

"Hindi siya umiinom." Mariin na aniya sa tatlo.

"Awit, Hindi naman pala sanay sa alak, pre hayaan na natin." Ani josh.

"What? I'm a party girl! Who said i'm not drinking?!" Humalakhak ako at inagaw ang shot kay jake at nilagok iyon.

Nagsigawan silang tatlo. Kunot ang noo at igting ang panga si isaiah. Ngumisi ako at nakihalobilo na sakanila. Umupo ako sa tabi ni james. Nasa harap namin sila josh at jake na nagtatawanan.

Namiss ko ang alcohol! Maybe I should party or something sometimes, nang hindi ako mastress!

Walang nagawa si isaiah kundi ang makihalubilo na lang din. Sumiksik siya sa gitna namin ni james.

"Tigas ng ulo.." Bulong niya sa 'kin.

"Onti lang, promise!" Hinayaan niya na lang ako. Inabutan nila ako ng isang shot kaya mabilis ko nang nilagok yon, kumuha din ako ng chichirya at kinain.

Nagkwentuhan lang naman kami, at minsan ay nagaasaran. Panay ang tawa ng tatlo, lasing na lasing na. nahihilo na din ako onti pero kaya ko pa naman.

"Anong oras na?" Tanong ko kay isaiah. Umiinom din naman siya pero onti lang, nanonood lang siya at nakikitawa sa 'min minsan.

"6pm.." Tumango ako sakanya.

"Anong paborito mong pagkain karylle?" Tanong ni james. Napangiwi ako.

"Ang boring naman ng tanong mo!" humalakhak siya. "Pero..my favorite food uhm…kadalasan sweets.."

"Mm, kailan ang birthday mo?" tanong niya ulit.

"What are you james? Interviewer?" Singit ni isaiah. Humalakhak lang si james sakanya. Bumaling si isaiah sa 'kin. "Ayan ba ang onti?" nagtaas siya ng kilay.

"H-hindi pa 'ko lasing!" pero ang totoo ay lasing na 'ko. Okay lang naman kahit malasing ako, ihahatid naman ako ni isaiah, I trust him.

Umiling-iling lang siya. Dumating ang alas-syete ay hilong hilo na 'ko. Halos makatulog na din sila josh at jake, si james naman ay ginigising sila para makauwi na.

"Hoy pre! Gising na! Matutulog na tayo!" Sigaw ni james sa dalawa.

"Bakit ba niya ako iniwan? Hindi ba ako sapat?" Halos mapatawa ako sa bulong ni josh. Binatukan siya ni james. Nang magising sila ay kumunot ang noo ko dahil ang alam ko ay dito sila nakatira.

"Ha? Mayroon na kaming sariling bahay! Oh isaiah! Pano ba yan? Una na kami ah!" Si james at kinaladkad na ang dalawa.

Nang makalabas sila ay napahiga ako sa sofa. Umiikot na ang paningin ko! Si isaiah naman ay nakatingin lang sakin.

"Ano? Ayan, inom pa, gusto mo yan, e." Iritadong aniya. Kumunot ang noo ko at napaupo ulit.

"E, bakit hindi mo ko pinigilan?!" Sigaw ko. Napailing-iling siya bago tumayo at pumunta ng kusina. "hoy! I'm not yet done talking here!" Ang init naman!

Pagkabalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. "Drink this, pagkatapos ay iuuwi na kita."

"Ayoko pang umuwi!" Sigaw ko at tinanggap ang baso at ininom ang tubig doon.

"Kailangan mo ng umuwi, lasing na lasing ka na.."

"I don't want nga eh! Napaka annoying mo naman!" Nilapag ko ang baso sa lamesa bago sumandal sa sofa at pumikit.

Ang kulit kulit!

"Hahanapin ka na ng mom at dad mo, ellie.." Mahinahon na aniya at ramdam ko ang pagupo niya sa tabi ko.

"Tss, hindi nila ako hahanapin! Wala silang paki sa 'kin ngayon! I'm a useless daughter! I don't deserve them! They are too good for me.." Naginit ang gilid ng aking mata. Dumilat ako at umupo ng maayos, siya naman ay pinapanood lang ako. "Alam mo ba.." Lumunok ako at bumuntong hininga.

"Hmm?"

"My dad..called me karylle! He..used to call me ellie than karylle! Tapos kanina.." pumatak ang luha ko. "He even want me to leave! Sinigawan niya 'ko na parang hindi na siya ang daddy ko!" Humikbi ako. "Ang it hurts me a lot! Nakakainis!"

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Shh.." hinaplos niya ang aking buhok.

"Tell me that he was just mad…isaiah, he was just tired.." humikbi ako sakanyang leeg.

"I can't say that he's just mad and tired, ellie, but I promise that he loves you, so much."