8//
Comfortable
Dinilat ko ang aking mga mata, agad kong nakita ang malalalim na mga mata ni isaiah, nakaupo siya sa paanan ko habang nakatingin sa 'kin.
"Are you awake?" Tumango ako at agad akong napaupo at inayos ang buhok. Napatingin ako sa bintana at napagtantong maggagabi na pala.
"W-what time is it?" I asked isaiah. Nakaupo siya sa gilid ko.
"Seven." He answered. Napatingin ako sa lamesa at nagtaka na wala na don ang mga notebooks ko at assignment.
"Tapos na lahat ng homeworks mo, nilagay ko na din sa bag mo, anong oras ka uuwi?" Tumayo siya.
"Siguro mga 8:30.." I let out a heavy sigh. Medyo napatagal pala ang tulog ko, buti na lang at alas-syete pa lang. Tumango siya at dumeretso na sa kusina.
"Ellie, come here!" Sigaw niya mula sa kusina. Tumayo na 'ko at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Why?" May nakahanda ng mga plato na para sa pandalawang tao sa lamesa.
"Dito ka na maghapunan.." Aniya habang inihahanda ang pagkain.
"Oh..o-okay, wala pa sila?" I asked, tinutukoy sila james.
He pouted. "Bumalik sila kanina dito nung tulog ka, may kinuha lang sila saglit tapos umalis ulit.." Aniya at inilapag na ang ulam sa lamesa. Naamoy ko agad ang mabangong sinigang. Umupo siya sa harap ko.
Tumango ako at kinuha ang kutsara, tinikman ko ang sabaw nito at namangha sa sarap! Woah! He smirked, sinandukan niya 'ko ng kanin habang ako ay paulit ulit tinitikman ang sabaw.
"You are good at cooking huh.." I said.
"Not really.." I pouted. Sinimulan na namin ang pagkain. Bakit pakiramdam ko ay wala akong hiya?
"isaiah.." Basag ko sa katahimikan. Tinuon niya ang atensyon niya sa 'kin. I don't know why I called him, ngayon ay nagiisip ako ng pwedeng itanong o sabihin! You really are crazy karylle.
"Hmm?" Lumunok ako.
"Uhm..A-ano ba yung..l-lawsuit?" Iyon ang lumabas sa bibig ko. Hindi naman talaga ko nabobother do'n at I don't care about that lawsuit, but since I just said it, I think it will be the topic.
"Kaso, demanda? I'm not sure.. why?" kumunot ang noo niya.
"Wala lang, nakita ko lang sa lamesa ni dad. I'm curious.." I lied when I said that i'm curious.
"What?" Medyo napalakas ang boses niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon. Igting ang kanyang panga at kita ko ang galit sa mga mata.
"Uh, why?" balik kong tanong sakanya. "Did I say something..wrong?" Kinabahan ako. Tinitigan niya 'ko at unti unting huminahon, umiling siya.
"Nothing.." Bumuntong hininga siya. Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit, nagoffer din ako na ako ang maghuhugas ngunit ngumisi lang siya.
"Do you know how to wash dishes?" nakangisi pa ding aniya. Lumunok ako.
"Y-yes, of course!" nagiwas ako ng tingin.
"Liar." Humalakhak siya. I made a face. Tinupi niya ang sleeve ng jacket niya at sinimulan na ang paghuhugas.
"Atleast, let me to help you!" Lumapit ako sakanya.
"Just sit down, ellie.." Lumingon siya sa 'kin. Ang lapit nanamin sa isa't isa kaya lumayo ako ng onti. I pouted, nagiwas siya ng tingin.
Sumandal ako sa sink. Wala akong magawa dito kaya kukulitin ko na lang siya.
"Do you have a girlfriend?" nilingon ko siya.
"Nothing," Aniya nang hindi tumitingin sa 'kin. "You? Do you have a boyfriend?" Nilingon niya 'ko. Nagulat ako nang tinanong niya 'ko pabalik. Nagiwas ako ng tingin.
"W-wala.." Tapos na din siya sa paghuhugas. He smirked. I don't know why did he ask.
"Good." Aniya at nilagpasan ako. Kumunot ang noo ko at sinundan siya.
"As if you care, eh?" I pouted. Pinunasan niya ang kanyang kamay habang nililingon ako. But before he could speak my phone rang. Kinuha ko iyon sa bag at nakita agad ang pangalan ni dad. Sinenyasan ko siya na manahimik.
"Yes, dad? Pauwi na po ako.." 8 pa lang, pero I think I need to go home. Naka loud speaker iyon at nilapag ko sa mesa, inayos ko ang bag ko.
[Oh..okay, did you eat?]
"Y-yes dad! Ibababa ko na po, see you."
[Okay, take care.]
"Bye dad." Ani ko at binaba na ang tawag. Nilingon ko siya na ngayon ay igting ang bagang at nakakunot ang noo.
"Susunduin ka ba ng driver mo ellie?" mahinahon niyang tanong. Yun lang! Ang sabi ko ay wag niya na 'kong sunduin!
"N-nope, magtataxi na lang ako.." nagtaas siya ng kilay sa 'kin, iritado ang kanyang mukha.
"Hindi safe magtaxi, lalo na pag gabi, babae ka pa naman.." iritadong aniya at lumapit sa 'kin. "Let's go, ihahatid kita.." niya ang wrist ko at hinila na 'ko palabas. Uminit ang aking pisngi.
Sinarado niya ang pinto at nilock, lumapit kami sa motor niya.
"Oh, ito yung ginamit mo no'ng kinidnap mo 'ko ah.." Ngumisi ako. He pouted.
"I didn't kidnap you," humalakhak siya. Kinuha niya ang isang helmet at isinuot iyon sa 'kin. Ngumuso ako. "Cute." Uminit ang aking pisngi. He smirked.
Sinuot niya din ang kanyang helmet at sumakay na sa motor, sinimulan niya na ang makina.
"Come here, ellie.." Tumango ako at umupo na sa likod niya. "Kumapit ka." Ginawa ko ang sinabi niya, kumapit ako sa balikat niya. "Come on, ellie, hindi dyan.." lumunok ako at niyakap siya. "Good girl." Umandar na kami.
Walang hiyang isaiah!
"Bwisit ka.." bulong ko. Humalakhak lang siya. Hindi mabagal ang takbo ngunit hindi rin mabilis, maingat siya ngayon hindi katulad noong kinidnap nya 'ko. "May lisensya ka ba?" Nagaalala ako at baka mahuli kami dito.
"Wala, i'm just a minor.."
"Tss! Tapos ang lakas ng loob mo pumunta kung saan saan!" hinampas ko ang tiyan niya.
"Aw! My abs hurts!" Halakhak niya.
"Ang kapal mo!" pero tama naman siya. Uhm. Matigas nga. Hmm. Patuloy lang siya sa pagtawa. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Are you sleepy?" he asked.
"Nope, kakatulog ko lang kanina.." I feel comfortable with him, nakakainis, nakakainis na baka sobrang komportable ko ay baka mahulog ako, at natatakot akong mahulog..natatakot ako kasi baka hindi naman kami parehas ng nararamdaman. I still have many questions, at gusto kong mabigyan ng sagot.
And this ellie with him, hindi ako 'to, hindi ako yung ellie na mabilis maging komportable sa isang taong kakakilala ko lang, hindi ako yung ellie na mabilis mahulog, hindi ako yung ellie na mabilis pakiligin o pangitiin. But he made this ellie, he made me feel that i'm special to him, o baka ganoon lang talaga ang mga gentleman na lalaki? I don't know, basta kakaiba 'to, and I love that. I love the ellie with him.