9//
Bother
Sa sumunod na mga araw ay hindi muna ako nakakapunta kaila isaiah, puro text muna kami. Hindi naman pwedeng nandoon ako palagi sa bahay nila, baka magsawa siya sa pagmumukha at ingay ko.
Yung homework ko na ginawa niya ay lahat tama! Nagtaka ang mga classmates ko lalo na si glissy dahil madalang lang akong gumawa ng assingment, at kapag gumawa naman ako minsan ay mali mali pa.
"She probably used...something." Humagikgik si aiza sa pangaasar sa 'kin. Why they don't just accept the fact that I perfect the assignment? Ano ba sila? Ayaw malamangan?! Sometimes, i'm thankful because i'm not smart, hindi ako with honor or something, kasi I know na pag tumalino ako ay magiging ganon din ang mind set ko, na dapat lagi akong with honor! At hindi ako papayag na malalamangan ako! I know myself very very well.
With honor si glissy, pero hindi naman siya kagaya ng mga ibang with honor na ang gagaspang ng ugali, that's why we are friends. Kung nagtataka kayo kung bakit mababaw pa din lahat ng grades ko kahit na ang bestfriend ko ay matalino..hindi kasi ako kumokopya, hindi niya naman ako tinutulungan sa pagaaral, but it's okay, I didn't ask for help, either.
Isaiah:
What are you doing?
Ako:
I'm eating. Pwede ba 'kong pumunta dyan?
Isaiah:
You can't, may ginagawa ako, next time, ellie.
Ako:
Oh okay :'(
Napabusangot ako ng maalalang hindi naman ako girlfriend para magtampo, he probably think that i'm crazy for him! For my pride's sake! Binabantayan ko itong nararamdaman ko, at pag alam kong may iba na 'kong nararamdaman, pwede naman akong umiwas. Pero kaya ko nga bang gawin?
"Sino bang yang katext mo?" napatingin ako kay glissy na ngayon ay ipinipilit makita ang phone ko. Inilag ko ito sakanya. She pouted.
"W-wala akong katext!" Umikot ang mata ko.
"Asus! Bigyan kita ng tips kung paano lumandi? Oh ano, game?" kiniliti niya ang tagiliran ko. Agad akong umangal.
"Ano ba 'yan glis! I don't want!" iritadong ani ko at dinungaw ulit ang phone.
Isaiah:
Sorry, I'm working, bukas na lang, okay?
Ako:
Woah, you're working now?
Isaiah:
Yes, sa coffee shop.
That's great!
Ako:
Can I come? :))
Isaiah:
Tigas ng ulo, sige na nga. i'll pick you up, anong oras ang tapos ng klase mo?
Lumiwanag ang aking mukha, yey!
Ako:
4:30!
Isaiah:
Okay, see you.
I turned off my phone. The fact that I'm falling, that's scary. At hindi ko alam kung aalalahanin ko pa ba ang sarili ko pag nagmahal na 'ko. I will definitely not. I let out a heavy sigh.
Pagkatapos ng klase ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Nagtaas ng kilay si glissy sa 'kin.
"Nagmamadali ka ata?"
"Ha? I have some errands." Ngumiwi siya. Tumakbo na 'ko palabas, at habang tumatakbo ay tumunog ang phone ko.
Isaiah:
You done? Nasa parking lot ako.
Ako:
Yes! Wait for me.
Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo! I need to calm down! Pagdating ko sa parking lot, agad ko siyang naaninag. He looks hot with his shirt and pants! Nagmumukha pa siyang hot lalo dahil sa magulo niyang buhok. Nakasandal siya sa motor niya habang ang isang kamay ay nasa bulsa at ang isa naman ay pinaglalaruan ang susi. Nakayuko siya kaya hindi niya ako mapansin.
Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko. Kung bakit ba kasi ako tumakbo! Lumapit ako sakanya.
"You're enjoying the attention here, huh?" Kitang kita ko ang mga babaeng naghahagikgikan habang naglalakad.
Napalingon siya sa 'kin at agad umayos ng tayo. Nagtaas siya ng kilay.
"I'm not enjoying it."
"Kunwari ka pa! You want it." Ngumisi siya at umiling-iling. Sinuot niya ang helmet sa akin pati ang sakanya. Sumakay na siya sa motor niya kaya sumakay na din ako. Pinagtitinginan din kami ng ibang studyante, umikot ang mata ko. Yumakap ako sakanya upang makakapit, pinaandar niya naman agad iyon. "Where are we going?" I asked.
"Sa bahay, tapos na ang shift ko." Sagot niya.
"Work? Ilang oras ka ba nagtatrabaho?" nililipad ng hangin ang aking buhok.
"9am to 5pm.." Kumunot ang noo ko nang maalalang 4:30 pa lang.
"Dapat ay mamaya ka pa matatapos, a?"
"it's okay, thirty minutes lang naman." Napaisip tuloy ako kung nagagambala ko ba siya sa trabaho niya o ano.
"Am I bothering you? I'm sorry.." hindi siya sumagot. I knew it, i'm just a bother to him! Dapat talaga ay hindi na 'ko nagiging pabebe!
Niliko niya ang motor niya sa kanto, ako naman ay nagiguilty. I hate myself for being like this! Should I just stay away from him? Nang sa ganoon ay hindi niya na ako problemahin? I bit my lower lip, I think I should!
Hininto niya ang motor sa tapat ng bahay nila, agad akong bumaba at tinanggal ang helmet. Kumunot ang kanyang noo at bumaba na din.
Tahimik lang kaming pumasok sa bahay, ang akala ko ay nandoon sila james ngunit wala. Umupo siya sa sofa at tiningala ako na nakatayo lang.
"Come here, ellie.." tinapik niya ang tabi niya. Suminghap siya nang hindi ako gumalaw. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila sa tabi niya.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.
"You're not bothering me, you are not a bother to me.." halos hindi ako makahinga nang haplusin niya ang aking palad.
"N-no, I think I am." 'kita ko pa ang pag-nguso niya, nagpipigil ng tawa. Seriously? Anong nakakatawa?!
"Kahit kailan, hindi ka naging istorbo sa 'kin." Uminit ang aking pisngi.
Hindi karylle! Hindi ka dapat nagpapadala sa mga salita niya! Of course he'll say that 'cause he don't want to hurt me!
"Still no, talagang istorbo lang ako sa 'yo." Naawa ba siya sa 'kin? O baka iniisip niya ay responsibilidad niya ako? O mabait siya sa 'kin kasi binigay ko ang phone ko? O natatakot siyang magsumbong ako sa pulis dahil sa pagpasok sa bahay namin Kaya siya mabait sa 'kin? Hindi ko alam ang nasa isip niya!
Pumikit ako ng mariin. I sounds maarte! Para akong girlfriend na nagtatampo! Nakakainis naman karylle! Kailan ka pa naging ganito?
Ngumuso siya at umiling. "I'd like to spend the whole day with you if you want to." Ngumiti siya.