Chereads / Bleeding Love (On-going) / Chapter 9 - Chapter VII

Chapter 9 - Chapter VII

7//

Assignment

I don't know what's with me, i wanna text him or call him whatever, kaso nagmumukha akong naghahabol. Actually hindi ko naman siya hinahabol, uhm..just that..i can't explain!

Dalawang araw mula noong pumunta siya dito, hindi kami nagkakausap dahil nahawa ako sa pride niyang kasing taas ng building.

Just nothing, i don't wanna do the first move, i'm a girl for pete's sake! For me, boys will always do the first move! But just for me lang ah.

But i can't resist myself.

Ako:

Can u help me with my assignments?

I texted him and my cheeks immediately heated. Oh my god karylle, stop the hiya thing! Aba't ngayon ka lang nahiya ah!

My phone beeped. My eyes widened when i saw his reply.

Isaiah ezekiel:

Okay, punta ka dito, bawal kitang sunduin dyan.

Ako:

Yey! Okay!

He didn't reply anymore, so I took a shower first and find my assignments, science, math, and english lang naman ang mga assignments ko, I don't really do assignments, this is just an excuse.

Pagbaba ko, nasa sala sila mom and dad, naguusap tungkol sa kung ano. I smiled awkwardly.

"Oh ellie, where are you going?" Dad asked.

"Bakit may dala kang…bag?" Si mom.

"O-oh? We have uhm..assignment, so..magpapatulong sana ako sa friend ko.." I didn't lie but I didn't say the truth either.

"Wow, gumagawa ka na ngayon ng assingment?" Mom asked sarcatically. I rolled my eyes. Dad chuckled.

"Oh sige, magpahatid ka kay manong leo, ellie, umuwi ka bago mag..9pm okay?" Dad smiled. I smiled too.

"Yes, dad! Bye! Bye mom! I love you!" I kissed their cheeks before I went out. 4pm na at ang curfew ko ang 9, actually wala akong curfew pag may party or something, minsan nga ay 12 na 'ko nakakauwi.

Pumasok na 'ko sa kotse at sinabi kay manong kung saan ako pupunta. Habang nasa byahe tumunog ang phone ko.

Isaiah:

Nasaan ka na?

Ako:

Almost there.

A few minutes passed and sa wakas nakarating na 'ko!

"Manong, dito na lang.." sabi ko nang nasa kanto na kami ng barangay. Itinigil niya ang sasakyan kaya bumaba na 'ko. "W-wag mo na 'kong sunduin manong ah?" Nagdadalawang isip pa siyang tumango ngunit sa huli ay ginawa din. Good.

Naaninag ko agad si isaiah na nakasandal sa isang pader, he's wearing a black hoodie and gray shorts, ang kanyang mga kamay ay nasa bulsa noong hoodie, his eyes directly on me. Lumunok ako bago hawiin ang mahaba at straight kong buhok.

Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang bag ko. He smirked.

"Hindi mo ba kayang gumawa ng assignment mag-isa?" he said. I pouted.

"I-I can! Mahirap lang kasi!" He chuckled. Nag-iwas ako ng tingin. We started to walk. "Nandoon ba sila james?" I asked.

Kumunot ang noo niya. "Why? Pumunta ka ba dito para don?" iritado niyang ani at ngumiwi.

"Nope! I'm here because.." of you! "Of my assignments, hirap kasi.." I pretend. Nang makarating sa bahay nila ay binuksan niya ang pinto.

"Well, they are not here.." He whispered. Napaawang ang bibig ko, so don't tell me I will be alone with isaiah here?!

"N-nasaan sila?" He pouted his red lips bago nilapag ang bag ko sa couch.

"Hindi ko alam, baka gusto lang mamasyal.." he whispered. "Want something else? Juice?" Tumango na lang ako at umupo sa couch. This will be awkward. Habang nasa kusina siya ay nilabas ko na ang mga assignments at notebook ko pati na din ang books ko.

Pagbalik niya ay may dala na siyang juice at sandwiches. Nilapag niya 'yon sa lamesang nasa harap ko. Hindi na 'ko nagdalawang isip na kumuha ng isang sandwich at isinaksak yon sa bibig ko. I realized that I didn't eat my lunch.

"So what are your assignments, huh?" Woah! Taste good! Y-yung sandwich!

"Marth murna!" Hindi ko nasabi ng maayos dahil sa kinakain ko. He pouted, nagpipigil ng tawa. Kinuha niya ang book at notebook ko sa math at nilapag iyon sa lamesa. Nasa lapag siya nakaupo habang binabasa ang libro.

"This is easy.." He whispered. Uminom ako ng juice bago kumuha ulit ng sandwich at umupo sa tabi niya.

"Explain that to me, then.." Now I wonder kung anong year niya na? Junior high? Senior high? College?

"Look.." inexplain niya sa 'kin ang math problem, habang tumatango tango ay panay ang nguya ko sa sandwich na kinakain ko.

"Tapos? Yun na yon?"

"Yep." Sagot niya. Woah! Bakit noong si miss ang nagtuturo ay wala akong maintindihan?!

"Ang dali nga!" he smirked. Mayroon din siyang tinuro sa 'king short cut, natuwa ako dahil ang dali dali lang pala.

"This, try this.." aniya at nagsulat sa papel ng isang problem. Nisolve ko iyon, at doon nakumpirmang madali lang pala talaga.

Siguro ayaw ko lang ng nagtuturo kaya hindi ko maintindihan.

Nahuli ko siyang titig na titig sa 'kin habang nakapangalumbaba. Kumakalabog ang pusong inabot ko ang papel.

"T-tignan mo kung tama ba.." Sabi ko. Tumango siya at tinignan iyon. He licked his lower lip.

"Good.." He nodded. Sinabi niya sa 'king sagutan ko na daw ang mga problems sa assignment ko, pumayag ako since naintindihan ko naman na.

Habang nagsosolve, kukuha sana ako ng sandwich ngunit wala na 'kong makapa! Tinignan ko ang plato at napagtantong naubos ko pala iyon lahat! Omg, magiging fat na 'ko!

Narinig ko pa ang halakhak ni isaiah bago kinuha ang plato at pumunta ng kusina. I pouted. Ginugutom ako!

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsosolve ko hanggang sa may nilapag ulit siyang plato na may sandwiches! Nagliwanag ang aking mukha at agad nilantakan iyon.

"I'm dorn!" Sigaw ko habang nginunguya ang sandwich. Chineck niya iyon at sinabi niyang tama naman. Yes!

"What's next?" Tanong niya. Inabot ko ang english book ko.

"Ikaw na magsagot niyan..isaiah, please?" nagpuppy eyes pa ako. Hate ko talaga ang english english na 'yan!

He chuckled. "No, you should learn to answer your assingments alone, but i'll help you.." I pouted.

"Whatever.." Bulong ko. Sinagutan ko na nga iyon, nagtatanong naman ako sakanya pag hindi ko alam, sinasagot niya naman ako at pinupuna ang mga mali kong nasagot hanggang sa matapos ang subject na english.

Nagreklamo ako sa sakit ng likod ko, tinawanan niya lang ako!

"How could you laugh when my back's hurt, huh?! Kainis ka ah!" He continued chuckling. Binato ko siya ng unan.

"Hindi na, hindi na.." Sabi niya, natatawa pa din.  I rolled my eyes. Kinuha ko naman ang science ko, at agad nagreklamo sa dami ng susulatin! Ugh! Nakakainis naman, e!

"Isaiah..i'm tired.." matamlay kong ani at ipinakita sa kanya kung gaano karami ang susulatin. He pouted. "My hand's hurt, ouch!" Nagpanggap akong masakit ang aking kamay. Ngumiwi siya at kinuha iyon.

I smiled. "haha, I won!" I shouted.

"Shh…" Aniya. Tumango ako at nahiga sa couch, wow, nakakaantok pala magsagot 'no.

"I'm gonna sleep.." bulong ko at ipinikit na ang mga mata.