ALAS SAIS NG UMAGA nagising ako ng wala na si Simon sa tabi ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pag-alis niya. Siguro dala ng pagod at puyat hindi ko namalayan wala na pala siya.
Bumangon ako sa kama at naupo. Wala pala ako sa sarili kong kwarto. I'm still in his condo.
'Why did he left without saying goodbye?'
Pwede naman niya kasi akong gisingin para naman makapag paalam siya. Pero hindi niya ginawa. Maybe because nagmamadali siya.
Napahikab at napainat pa ako ng katawan. Kinusot ang mga mata bago bumaba sa kama.
My sticky note akong nakita sa side table. Apple green ang kulay kaya agaw pansin. Kinuha ko iyon at binasa.
'Goodmorning baby. I'm sorry for not waking you up. Maybe if you read this I'm on my way to Malta already. Here is my password so you can come and go to my condo if you miss me. XXXXXX'
- Simon
Napangiti ako sa sulat kamay niya. Bakit ang ganda? Mas maganda pa sa sulat kamay ko. Naiinggit tuloy ako. At bakit ang sweet niya? Talagang binigyan niya ako password ng condo niya para kapag namimiss ko siya pupunta nalang ako dito. Tsk! Simon. Simon. Simon. Hinuhulog mo talaga ako sa mga moves mo. Tsk!
Matapos kong basahin ang sticky note na iniwan niya saakin. Kinunan ko iyon ng picture para kapag nakalimutan ko, my copy pa ako. Inaantok pa ako ng lumabas sa kwarto niya pagkatapos kung magmumog at maligo. I used his shirt and short or better say boxer short niya. Wala akong panty at bra kaya medyo weird sa pakiramdam. Hinahangin sa loob.
Pumunta ako sa kusina para sana makapag luto. Pero hindi ko lubos akalain na there's a food in the table, nakalagay sa topper wear. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kusina. Nag baka sakaling my sticky notes siyang iniwan. And I was right. There are three sticky notes. Nakadikit sa ref. Kinuha ko ito at binasa.
'Don't make me worry baby. Eat all the food I cooked for you. Make sure wala kang ititira. Magtatampo ako.'
-Simon
Iyan na naman ang ngiti sa labi ko. Napa kagat labi pa ako. At ang kilig na naramdaman ay bumalay sa katawan ko. Why so sweet? Simon is a boyfriend material that everyone wanted, for sure gugustuhin din ng iba iyon. And I'm lucky to have him. Really lucky.
Binasa ko ang pangalawang note na iniwan niya. Lalo lang akong kinilig sa nabasa ko. Nakagat ko rin ang kuko habang binabasa iyon.
'I missed you already. But I need to work. I'll work hard so that, I can give what you want in the future. Your soon to be husband!'
'Ps. Bawal kiligin! '
-Simon
"Hay! Simon naman e! Bawal akong kiligin pero pinapakilig mo ako sa mga matatamis mong salita? Baliw kaba? Mahilig ka talagang bumanat!" para akong tanga na kinakausap ang sticky note na iniwan niya. Idinikit ko pabalik ang dalawang sticky notes na nabasa ko na. Sumunod kong binasa ang huli niyang iniwang sulat.
'And lastly! Remember you're mine! BABY, YOU ARE MINE! REMEMBER THAT!
Baby, did you see what I gave you? If you didn't. Find a mirror. Look for a mirror for you to see it.'
'Ps. Bawal magalit! Pwede kanang kiligin. '
-Love Simon
Nakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon sa sulat. Madali akong pumunta sa kanyang kwarto at pumasok sa banyo niya.
Napakagat labi akong nakapamaywang habang iniisip kung ano ba ang ibig sabihin niya niyon. Pinagmasdan ko pang mabuti ang mukha ko. Wala naman akong nakitang kakaiba sa mukha ko. Ano yung sinabi niya doon?
Nanlalaki ang mata ko ng dumapo sa gilid ng leeg ko ang mga mata. Umawang ang labi sa pagkabigla. Madali kong hinubad ang damit.
"Shit! Simon!" napasigaw ako sa dami ng hickey na nasa leeg at dibdib ko.
Gusto ko siyang murahin sa kalokohang ginawa sa leeg at dibdib ko. Gusto ko rin siyang sabunutan kung nandito lang siya. Kung nandito lang talaga siya!
Shit! Bakit hindi ko ito napansin kanina? Nagpalit naman ako ng damit pero hindi ko man lang napansin to. Binasa ko ang damit na sinuot ko at pinunasan ang leeg at dibdib na merong hickey. Napamura ako dahil namula lang naman ang leeg at dibdib ko pero hindi nawala ang hicky doon.
Ito yung binabanggit niya kagabi na iiwan niya saakin? Baliw ba siya? Hickey to, hickey! Hindi to nakakatuwa! Pano ako papasok sa trabaho kung puno ako ng ganito? Nag-iisip ba siya? May pasabi pa siyang bawal magalit pero pwedeng ng kiligin. Gago lang ang pwedeng kiligin sa ganito. May trabaho ako for goodness sake! I can't wear long sleeves, I need something that will cover my neck.
The heck! That man is really crazy! Oh Simon! Sasabunutan ko talaga iyon kapag nakauwi iyon dito! May pasabi pa siyang pwede na akong kiligin!
Pwes hindi ako kinikilig! Iiwan nalang ng marka ganito pa! Papahirapan niya ata ako ng ilang araw nito.
------------------
HINDI AKO MAPAKALI ng makarating ako sa StarShine company. Tagaktak ang pawis pagkapasok doon. Binati pa ako ng guard, pilit naman akong ngumiti.
Walang oras na hindi ako nagpupunas ng pawis. Naiinis lang ako kapag naalala kung bakit ganito ang suot ko ngayon. Black turtle neck at may scarf pang brown ang naka pulupot sa leeg ko para lang talaga matabunan ang walang hiyang ginawa ni Simon sa leeg ko.
"I'm on my way there!" ani ko sa katawagan.
Ibinaba ko ang cellphone ng matapos akong tawagan at sabihan ni Laz na nasa 3rd floor sila ng building. Medyo late na nga ako e. Nakakahiya kasi pinaghintay ko pa sila. Nagfefeling VIP na naman ako. Kung hindi lang talaga dahil kay-
"Shit! Wag mo nang isipin ang baliw na iyon Ran! Maiinis kalang! " sita ko sa sarili.
Marami akong nakasabay pumasok ng elevator. Ang iba huminto sa second floor, ang iba naman kasabay kong lumabas sa 3rd floor.
Itinuro naman sa'kin ni Laz, iyong boss ko. Kung saan sila ngayon. Kaya hindi ako nahirapan na mahanap sila. This is also my first time. Unang apak sa starshine. Napapanuod at naririnig ko lang ito dati. Pangarap din ng kapatid kong mag-audition sa kanila. Ang problema mahiyain si karen kaya hindi na natuloy ang pag-audtion niya.
May mga artista pa nga akong nakakasalubong kaso ang lola mo walang panahon sa kanila makipag picture. Dahil ilang minuto na akong late. Makukuha ko pa bang makipag picture nun? Syempre hindi na!
"I'm sorry for coming late! " napapayuko pa ako sa paghingi ng paumanhin.
Nasa isang studio kami ngayon at nakikita ko ang ibang artistamg sumasalang for auditions. I'm a bit late kaya hindi ko na naabutan ang ibang nag-audition.
Pinaupo ako ni Laz sa tabi niya at may katabi pa akong isa. Hindi ko kilala kung sino. Ito nga kasi ang una kong punta rito malay ko ba kung sino-sino sila diba?
"Sorry for not waiting you Ran. Don't worry tatlo palang naman ang nakapag-audition. Pang-apat palang ito." turo ni Laz sa kakapasok palang na mag-audition.
"Okay lang. Ako dapat ang magsorry dahil late na ako. Traffic lang!" I bit my lower lip for lying.
"Anyway, I want you to meet Direk Nikki. Kilala mo narin naman si Mr. Montanari right? "
Tumango ako ng hindi tinignan iyong Montanari na iyon. E, sa ayaw ko siyang tignan. Kukulo lang ang dugo ko sa pagiging rude niya.
Nginitian ko iyong Direk Nikki na sinabi ni Laz. I extend my right-hand para makipag kamay.
"Nice to meet you Direk." ani ko.
"Nice to meet you too! You know, we should talk later. May dapat lang tayong ayusin sa story mo. But for now, let us choose kung sinong babagay na character kay Simon and Anne." she said.
Siya pala iyong direk nikki na sinasabi ni Laz sa akin nung saturday. Iyong magdidirek sa story ko.
Inabot kami ng lunch kaka-audtion. May mga pinili na for my other cast of the story. Pero iyong main cast sa story ko hindi pa namin nakikita sa mga nag-audition. Walang mahanap na magfifit as Anne and also Simon.
Pinaglunch break muna lahat para naman hindi sila gutumin. Ang sabi ay babalik nalang ng 1pm for another audition. Hassle nga pumili ng character lalo na kapag hindi sumasakto sa gusto mong gaganap iyong nag-audition. Nakakahiya rin dahil ang iba ay artista pero hindi nakukuha. Ang iba naman trainee palang.
Direk Nikki at I talked about the story. Iyon nga iyong sinabi niya kanina.
Medyo hindi ko nga gusto dahil marami siyang gustong idagdag sa kwento. E, para saakin okay na rin naman. Pero ayon nga. Nakuha naman sa magandang usapan. Hindi naman din nagtagal, umokey din ako sa suhestyon niya. May konting idadagdag lang sa story para daw my twist.
' Edi wow. Siya na my twist.'
Maganda naman ang suhestyon niya para dagdag hakot ng audience. My mga itinama kami at inayos. We also plan kung saan ititake yung mga shots base doon sa lugar kung saan mismo ginanap iyong isang scene maging yung ibang scene sa story.
"Okay, guys! Thank you for today! We will call those who passed for the audition. Wait for our call. Thank you once again!"
Matapos ang isang maghapong pag-audition na ginawa. Sa wakas ay makakapag pahinga rin.
Hindi ko nakuhang kamustahin man lang ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko rin alam kung ano ba ang ginagawa nila ngayon. Nagbabalak nga akong imbitahan sila sa condo.
I feel lonely. I feel like, alone. Though mag-isa lang naman talaga ako sa condo ko. Siguro kasi nasanay akong kasama si Simon.
And speaking of Simon. That man didn't even bother to call or update me. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanya. Though isang araw palang naman siyang wala. Siguro dahil namiss ko lang siya. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Are you okay Ran?" napahawaka ako sa dibdib ko dahil bigla nalang sumulpot sa kung saan si Laz.
"Okay naman sana kung hindi mo lang ako ginulat." medyo sarkastikong sabi ko. Napakamot ulo naman siyang tumingin saakin.
"Sorry. I didn't mean to surprise you. Anyway, uuwi kana ba?"
Nagsimula kaming maglakad. Tumango ako "Oo. Ikaw uuwi kana rin?" ani ko.
"I'm planning to visit the office but I'm too tired to go there and also hungry." napahawak pa siya sa tiyan niya.
Halata ngang gutom na siya. Natawa naman ako ng palihim.
"Why don't you eat?" tanong ko.
"Why don't you go with me? Let's have dinner before went home." balik niyang tanong.
"Libre mo ba? Hindi pa sahuran kaya wala akong pera. Tagal mo kasi kaming sahuran!" pabiro ko na ikinatawa naman niya. Ginulo niya ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay niyang nasa buhok ko. "Ang hilig mong guluhin ang buhok ko. Hindi yan kasama sa pasahod a!"
"Tsk! Dami mong sinasabi. Don't worry my treat. You won't pay the bill. Let's go!" napaismid ako ng hindi man lang niya sinakyan ang biro ko. KJ talaga nitong boss namin.
Hindi ko rin pala nasabi sa kanyang kami na ni Simon. And I don't even know if Simon already told them about us. About having a relationship with me.
--------------------
"YOU SHOULD EAT more. Look at your self. You lose weight a little. Ano bang ginawa mo at medyo pumayat ka? Ilang araw lang kitang hindi nakita ang laki ng ibinawas mo..." agaw pansin ni Laz sa kabuuan ko.
We were dining in a restaurant near the StarShine building. I suddenly choked on his question. Napakagat labi akong yumuko at minura ang sarili. Pati ba naman ang pag bawas ng timbang ko napansin niya? Really? I can't believe this. Why do men have this hawk eyes on women? Napapansin nila kahit konti. Ako ngang sarili ko hindi ko napansin iyon...
"H-ha?" hindi ko alam kung ano ba ang idadahilan ko.
'Sasabihin ko bang. Dalawang araw at dalawang gabi akong inangkin at ibinayo ni Simon kaya medyo nabawasan ang timbang ko?' Ay gaga lang! Hindi pwede! Baka mabulunan at matuluyan si Boss. O kaya naman sasabihin kong 'iyong kaibigan mo walang sawa akong kinain umaga't gabi.' E, baka naman mas lalong mabulunan siya doon? Hays! Wag na nga!
"You know what? We should hurry so you can rest for tonight. You're not on your focus. Tulala ka. Tsk!" casual niyang sabi.
Nginitian ko lang siya ng alanganin. At nagpeace sign sa kanya. Pang hingi ng sorry dahil talagang wala ako sa wesyo ngayon. Lutang ang isip.
Inihatid nga ako ni Laz sa condo. Pero hindi ako sa kotse niya sumakay. I brought my car that's why. Sinundan niya ako hanggang sa makarating ako sa building ng condong tinutuluyan ko. As I step out of my car. He also does the same thing. We're in the basement, on the ground floor of the building.
He's the one who pressed the button to open the elevator. He also asked me what floor and I said the third floor. He nodded after that.
He even shared that Simon also lives in this building. I said, I already know. Laz didn't even surprise by my answer. Siguro kasi alam niya? At gusto niya lang sabihin saakin iyon.
I really want to open up to Laz about my relationship with Simon. Ito ngalang ako, mas nauna ang hiya at kaba kaya hindi ko masabi.
Nang tumunog at bumukas ang elevator. Hudyat ito para makalabas kami doon. We stopped in front of my condo. Iminuwestra niya ang kamay bilang pahiwatig na. Hanggang dito nalang ang paghatid niya. I smiled to him.
Akma na siyang tatalikod ng tawagin ko. "Um...Laz?"
"Yes?" Naibaling niya ang kanyang ulo paharap saakin.
"Ano kasi..." para akong natuyutan ng lalamunan at hindi makapag salita "kasi...may something kami ni-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ng may biglang tumawag sa kanya. Umingay kasi ang cellphone niyang nasa bulsa ng slacks niya.
"Wait for a minute, need to answer this call..." tumalikod siya saakin ng sagutin niya ang tawag. "Yes, idiot?...tsk! Don't worry I drove her back to her condo... No asshole! Why would I do that? ....I know! " he suddenly turns his gaze on me and then turns back again and answers again his call. "She's safe don't worry. I will take care of her while you're away... Why don't you check on her so you know if she's fine? Gago tawagan mo! I'll send you her account on messenger. Gago mabuti naman at naisipan mong gumawa ng account no? May pakinabang kana sa mundo!"
Napapakunot ang noo ko sa kakahintay matapos lang ang pagsagot ng tawag ni Boss. Ano ba kasing pinagsasabi niya? Sino naman kaya iyong tumawag. Para siyang ewan na may kinakausap.
After that call, humarap din siya sa akin. Napaayos naman ako ng tayo dahil kanina nakasandal ako sa pintuan ng condo ko.
"Sorry about that. Anyway, what do you want to say?"
Umiling nalang ako at iminuwestra ang kamay "wala iyon! Nakalimutan ko na ang sasabihin ko. Sige at malalim na ang gabi. See you bukas boss bye!" hindi ko na siya hinintay pang makapag salita. Nawalan ako ng ganang magsabi.
Pumasok na ako sa loob at isinarado. Gusto ko pa sanang sabihin na kami na ng kaibigan niya. At least diba? May alam siya kasi kaibigan niya iyon baka magulat siya kapag makita kami ni Simon. E, ilang weeks palang nu'ng nagkakilala kami ni Simon. Tapos naging kami agad. Hindi ba nakakagulat naman talaga iyon?
Dahil nakapag dinner narin naman ako sa labas kasama si Laz. Pumasok nalang ako sa kwarto at nag-ayos para makatulog. Naghalf bath lang ako dahil pagod ang katawan ko sa buong maghapon. Ginawa ko rin iyong night routine bago napag pasyahan na mahiga.
Walang oras na napapabuntong hininga ako. My monday was busy and at the same time boring and lonely. If Simon would be here. Siguro magiging masaya ang araw ko.
I feel like, half of mine is out of nowhere. You know, hindi buo. Parang may kulang. Ganito ba ang nararamdaman nang may karelasyon? Part of me wasn't complete.
Maybe need ko lang itulog itong nararamdaman ko. Dala lang siguro ng pagod kaya ko ito naramdaman. Baka bukas mawawala rin to.
Inayos ko ang pagkakahiga ko at maging ang pagcover ng kumot sa katawan ko. Inilagay ko ang ibang unan sa tabi ko para kunwari si Simon iyon. Walang hiya kasi yung loko na iyon e. Sinanay akong kasama siya. Yan tuloy.
Pipikit na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko muna iyon ini-silent dahil tinatawagan ako ni Laz. Mahirap na at baka bukas Malate na naman ako sa meeting namin.
Inabot ko ito sa side table malapit sa kama ko. Iniunlock at tinignan kong sino.
Notification from my messenger. Napakunot noo ako. Pumunta ako sa messenger at tinignan ang message request doon. Nagdadalawang isip pa akong iaaccept ko ba or ignore. Wala kasing picture iyong nag message request e. Malay ko ba kung sinong loko ito. Baka scam!
'Accept my request.'
'Yun ang naka lagay sa mensahe niya. Paano ko siya iaacept kong hindi ko naman siya kilala?
'Baby! Don't make me wait for you. Accept me already. Please! I miss you! "
Napataas ang kilay ko sa isa pang mensahe na natanggap mula sa unknown na iyon.
Hindi kaya ito yung mga ibang lahi na magchachat sayo agad-agad. At sasabihing 'baby i love you', 'your sexy!','i miss you baby!','send pics! ' mga ganun.
'It's me your baby. Why did you not accept me? I hate waiting baby... '
Baby....
Hey...why did. Shit! I miss you please accept me! :(
Baby...
Sunod-sunod ang pasok ng mensahe na mula doon.
Nag-iisip din ako kung iaaccept ko ba. Para naman din kasing nakakatakot. Tinawag pa akong baby... E, si simon lang naman ang-
"Ay shit! Tanga, tanga mo Ran!" sinabunutan ko ang sarili ng sumagi sa isipan kong baka nga si Simon ito.
Madali ko namang inaccept ang request niya sa messenger. Di rin nagtagal, nag video call iyon.
"Baby..." baritonong boses ang sumalubong saakin ng sagutin ko ang video call niya.
Napakagat labi ako sa sobrang tuwa ng makita ko siya through video call. Walang damit at labas ang matipunong katawan na nakahiga sa kama. Gamit ang isang kamay, ginawa niya iyong unan at ang isang kamay iyon ang pinanghahawak niya sa cellphone. Medyo mapungay ang mga mata niya. Siguro dala ng pagod.
Pero bakit ganun? Ang gwapo niya parin tignan at nakakaakit? Parang nawala ang pagod at antok ko ng makita siya. Maging ang sinabi kong kulang sa parte ko. Biglang pinuno ng makita lamang siya? Ganun ko naba siya kamiss? Grabe naman!
"Simon" binanggit ko lang ang pangalan niya pero bakit kinikilig na agad ako? Para naman akong teenager nito. Putik niyan!
"Hm. What is it, baby? How's work? Tired?"
"Okay naman nakakapagod lang. Ikaw?"
"Tired also. But right now nawala dahil nakausap kita"
Pigil naman ang kilig ko dahil kausap ko siya. "Sus. Nambola pa. Pero teka nga. Panu mo nalaman ang account
ko?"
"I have my source baby. I miss you." sumilay ang ngiti niyang nakakalaglag panty.
Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Ang mga paa ko nakuha pang magdikit at wari parang nilalanggam sa kilig.
"Namiss rin kita" halos pabulong na ang pagkakasabi ko niyon.
Iyan na naman ang ngiti niya "What? I didn't hear you. What did you say baby?" hindi ko alam kung uulitin ko ba iyon dahil naiinis ako sa ginagawa niyang pagpapakilig saakin.
Nagtanong lang siya girl! Nagtanong lang. Ang landi na agad. Kinilig na agad. Tanong pala iyon!
"Baby... What did you say?" ulit niya sa tanong niya kanina.
"Ang sabi ko!" nilakasan ko "....namiss rin kita..." pero humina rin ng huli na.
Naitakip niya ang isang kamay sa mukha. Habang nakangiti ng todo ang mga labi. Wari parang kinikilig na ewan.
"Baby... Say it one more time."mapupungay niya akong tinignan sa video. Inilapit niya ang mukha kaya lalo kong nakita ang reaction siya.
There is longing and missing but at the same time pananabik.
"Eee! Narinig mo na nga e. Uulitin ko pa. Ayoko na!" pabebe ko pang saad. Bakit pag dating sa kanya. Nagiging ganito ako. Parang tanga lang!
"Baby, please! Say it. I didn't hear you. What did you just say? You missed me too?" he said while grinning at me. I rolled my eyes.
"Ayoko! "
"Baby... Just say it."
"No! I won't repeat it! "
"Baby... "
"Hmm. Di na pwede!"
"Baby... Please. I didn't hear what you said. What is it again you missed me? Oh, come on. Say it! I'm waiting! " parang tanga. May pa kindat pang nalalaman. May pa basa pa ng labi niya gamit ang dila pagkatapos, may pa kagat labi pang nalalaman... Ang sarap niya ring kagatin!
"N-narinig mo naman e. Ayoko na talaga!" napanguso pa akong tumingin sa kanya sa cellphone.
He chuckled. Then biting his lower lips. Inilapit niya ang labi sa camera ng cellphone niya. Lumayo din pagkatapos. Wari na nanabik. Kung nandito lang siguro siya baka kanina pa niya ako hinalikan... We! Assuming na naman po ako!
"Shit baby... Kung pwede ko lang liparin ang Malta papunta sa Pinas. Ginawa ko na. I really miss you."
Lumawak pa ang pagngiti ko. Kung kanina pigil ko pa, ito ngayon hindi na. Sumabog na sa sobrang kilig. Bakit ba ganyan siya? Kakainis! Pwede bang liparin niya ang Pinas para nandito siya? Tsk! Kakainis!