Chapter 22 - Chapter 20

HINDI MADALING malayo sa minamahal lalo na kapag sinanay ka niyang nasa tabi mo siya lagi. Iyon ang nararamdaman ko sa oras na 'to.

Nang makausap ko si Simon kagabi kahit ilang oras lang gumaan ang pakiramdam ko.

Siguro iyon ang sinasabi nilang stress reliever. Kahit anong pagod mo kapag nakakausap ang mahal mo. Nawawala at nawawala talaga iyong salitang 'pagod'.

Though nakakabitin ang usapan namin kagabi dahil kailangan namin pareho magpahinga, dahil may kanya-kanya din kaming pagkakaabalahan. May trabaho siya at may trabaho din ako. Hindi nagtagal ang usapan namin at pareho din naman kaming nagpahinga.

Nagising nga ako kanina na masakit ang puson and I feel like there's something na pumipilipit sa puson ko. And I found out dinatnan ako. Kabuwanan ng dalaw. Menstration period ganun. Kung pwede lang talagang huwag pumunta,  hindi na ako pupunta. Kaso kailangan kaya iindahin ko nalang ang sakit ng puson ko.

Day two ng pag-audition ngayon kaya kailangan ko paring pumunta sa StarShine. Katulad kahapon pupunta na naman ako doon. Pero hindi na ako malilate dahil baka makita na ako ng sermon kapag nalate pa ako ng isang beses. Nakakahiya naman sa kela boss at direk nikki.

Katulad din kahapon may scarf akong suot para takpan ang leeg at dibdib kong puno ng hickey. Hindi ko nga naopen up ito kay Simon kagabi. Baka mamaya pagtumawag siya uli. Papagalitan ko na talaga iyon. Puro nalang pakilig ang ginagawa niya sa akin. Akala niya ata madadaan niya pa ako doon ha?  Humanda talaga siya mamaya.

Papahirapan pa ako sa mga isusuot ko. Kung hindi lang talaga kasi maloko iyon. Hindi ako makakapag suot ng mga damit na halos cover na buong katawan ko.

"Goodmorning darling! Tama ang dating mo't magsisimula na tayo sa pagpapa-audition!" nagbeso kaming dalawa ni Direk Nikki ng makarating ako. Upumo na ako sa pwesto ko, si direk naman pinagsasabihan ang mga production staff. "Baldo!  Please ayusin na ang pila sa labas at magsisimula na ang audition. Jasper!  Okay naba ang script?  Naibigay naba sa kanila? Wag naman sana masayang ang araw natin ngayon katulad kahapon!  Nastress ako dahil ilan lang sa kanila ang pasok sa character!"

Nagsimula ang audition at umpisa palang stress na kaming nagpapa-audition. Si Direk Nikki panay ang buntong hininga at pag-irap. Minsan naririnig ko pa ang pagmumura niya dahil kesyo ganito daw 'artista ba talaga kayo? Hindi nyo alam ang script?  Kahapon palang ibinigay na iyan tapos ngayon walang nakapag kabisa?! O kaya naman.  'Artista ba talaga kayo?  Yung acting skills mo ay hindi papasa sa akin!  Kayang kaya ng bata iyan!'

Kung ako nga rin naman ang tatanungin. Hindi rin papasa saakin ang pag-acting nila. Hindi ko nakikita ang character sa story ko.

Halos dalawang oras kaming nagpa-audition at dalawang oras ding kunot ang noo. Kahit akong writer lang e nahihirapan. Ganito pala ang trabaho nila. Para tuloy gusto kong umalis at doon nalang ako sa company. Feeling ko hindi pa ako mastress. Hindi katulad dito.

"What do you think?  Mukhang bet ko ang isang to. Nandun ang natural na pag-arte. Nakukuha niya rin ang galawan at salita ni Anne sa kwento."  ani Direk Nikki habang nilalaro ang lapis sa kanyang kamay.

Tinignan ko ang soft copy na nasa lamesa. "Andee Mendoza." banggit ko sa pangalang nakalagay sa information. Tumingin din ako sa babaeng nakatayo sa harapan namin. Nginitian ko siya. "Your name is Andee right? " tanong ko kahit na alam kong iyon ang pangalan niya.

"O-opo! Yes po! " halata sa kanya na kinakabahan siya.

"Kabisado mo ba ang scene ni Anne and Simon?"

Alanganin siyang tumango sa amin. Direk Nikki shipted her weight to the other side.  "A-anong scene po ba?"matapang niyang tanong. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling huwag kabahan at mautal. Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti para kahit papano ay maibsan ang kaba niya.

"The one that Anne cried to Simon and wished to stop whatever relationship they have. Because it's toxic. Nabasa mo ba iyon?" sabi ko.

Mabilis siyang tumango. Halatang determinado siyang kaya niya iyon. Nagkatinginan naman kami ni direk nikki. Tingin palang namin. Nagkakaintindihan na agad. Naexcite naman ako. Kaya napaayos din ako ng upo.

Tumayo si direk. "Jasper! Halika! Andee?" tawag pansin niya sa dalagang nakatayo ngayon.

"P-po?" mataman namang sagot ng dalaga.

"Jasper will lead as Simon and you as Anne. Here's the script Jasper. What page is that scene darling?" baling saakin ni Direk.

"Page 40 direk! " ani ko. Kabisa ko ang bawat pahina nu'n kaya di ko na kailangang tignan pa.

"Okay!  Page 40. Ready the camera, point exactly to her face. I need to see the emotions. Paiyakin mo kami kung maaari. Iyong madadala mo kami sa lungkot, hinagpis at sakit na nararamdaman mo. That's what we want to see in you. Understand?" striktong sabi ni Direk.

"Okay po Direk." mahinang sagot niya.

"Talaga?!" nagulat ako sa medyong pasigaw ni Direk.

"Opo Direk!" hindi naman nagpatalo ang dalaga.

"Hindi ako naniniwala! Lakasan mo!  Talaga?!"

"Opo Direk!" nakikita ko ang determinasyon sa mukha ni Andee. Kaya laking tiwala kong makukuha niya ito.

"Yan! That's what I want! Ready set! In one, two, three, action!"

Matapos ang sigaw ni direk. Umupo din siya sa tabi ko. Naka cross arms pa habang seryosong nakatingin sa harap.

____

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Simon.

"Anne what's this for?! " madilim ang mukha habang nakatingin sa dalaga.

Pigil ang pagbabadyang umiyak.

"Simon,  I think this relationship is suck!  Ayoko na! Hindi ko matagalan ang relasyon na'to-" hinawakan ng binata sa balikat nang dalaga at niyugyog na parang hindi makapaniwala.

"What?! No! You said that we will endure whatever problems we encounter pero ano to-"  madiing sabi nito sa dalaga.

Umiling ang dalaga na parang pinipigilan ang binata sa mga sasabihin nito. Pinukulan ng masamang tingin at nakakuyom ang mga palad.

"Simon!  Pwede ba?  Ayoko na!  Itigil na natin to!  Ang sakit na kasi e!  Walang maganda sa relasyon natin!  Ilang beses na akong naging bulag sa kataksilan mo-"

"Hon-" balak niyang hawakan muli ang dalaga ng tabigin nito ang kamay niya na akala'y nandidiri.

"Don't! Don't you ever call me that again! Shit lang Simon! Let's end this!"

"No! Walang maghihiwalay Anne! "

Sapo ang noo at pasuklay na hinawi ang mahabang buhok. Saka matamang tumingin sa binata. Ang mukha nito ay parang nagmamakaawang tumigil na. "Simon!  Please!  Let's end this relationship. Tama na. Please! Pakawalan mo na ako! Ayoko ng masaktan. Kung ipagpapatuloy natin ang....sub*...ang walang kwentang-"

"Walang kwenta?  Really Anne?!  Walang kwenta sayo ang relasyon natin?! " galit ang namumuo sa mga binitawang salita nito.

"Oo! Dahil una palang mali ng mahalin ka! Maling-mali! Walang kwenta! Hindi lang isa, dalawa o maging tatlo ang ginawa mong panloloko Simon! I gave you my everything yet nagawa mo parin akong saktan! And now you don't want to end this?...  This toxic relationship we have?  Gusto mo ba akong mabaliw?  O baka naman gusto mo akong mamatay sa sakit na paulit-ulit mong ipinaparanas sa akin?" halos magmakaawa ang boses ng dalaga ng sabihin iyon. Sa bawat salitang kanyang binitiwan para iyong punyal.

"Anne sorry. Please! Don't leave me...please! I can't...sub*...I can't leave without you-" lumuhod ang binata habang sunod-sunod ang pag-agos ng luha. Nanginginig ang mga balikat sa sobrang pag-iyak.

"No simon. I think this is the best thing we need to do. To end this relationship. Pahinga muna tayo. Tama na muna ang sakitan, iyakan at panloloko. Dahil sobra na. Di ko na kaya. Matuto muna tayo sa pagkakamali natin. Matuto muna tayong mahalin ang sarili natin bago ang iba. Baka iyon ang kulang. Baka iyon nga ang wala sa relasyon na'to. Let's end this now. Putulin na ang dapat putulin."

Nahuli nito ang kamay ng dalaga at hinagkan."No... No anne. I... Can't-" sakit at pagsisisi ang bumalay sa mukha nito.

"Sorry Simon. Pero kailangan natin to. Kailangan ko to. Nahulog ako sa maling tao e. Nagpadalos-dalos ako. Sorry. I need space. I need to breathe. I need to find myself. I also need to love myself before loving you. Time will come and we will meet again. If we are meant for each other, edi tayo talaga. Pero kung hindi man. Maging masaya nalang tayo sa kung ano ang kahihinatnan nito. For this moment, let's end this. Thank you and I love you. 'Til we meet again. Goodbye."

____

Wala niisang ingay akong narinig sa loob ng production room. Maging ako nadala sa sitwasyon ni Anne and Simon. Kahit ako ang nagsulat noon. Feeling ko nanibago ako. Feeling ko hindi ako ang nagsulat nu'n. Dahil maging ako ramdam ko ang sakit na dinanas ni Anne. Iyong leading lady sa story ko.

Napapunas ako ng luha pagkatapos ay tumayo. Pumalakpak na parang tanga habang patuloy parin ang paglandas ng luha. Sunod-sunod kong narinig ang pagpalakpak ng ibang kasama naming staff sa loob.  Maging si direk na katabi ko lang kanina ay napatayo rin.

Hindi ko alam kung bakit pati ako naiyak. Dahil ba magaling umarte si Andee o baka dahil doon sa mga binitiwang salita niya as Anne. O baka naman iniisip kong ganun din ang kahihinatnan ng relasyon namin ni Simon?  Parang hindi ko ata alam kung kaya ko bang sabihin iyon sa boyfriend ko kapag kami ang nasa sitwasyon na iyon.

"Bravo! Jusmiyo forvafor! Ito na ata ang hinahanap namin!" ani Direk habang pinupunasan ang luha. "Hindi ko aakalaing audition palang ito. Para na akong nasa totoong eksena!" walang paglagyan ang tuwa at paghanga ni direk sa dalaga. Maging ako ay sang ayon din sa sinabi niya. Talagang nakakadala naman talaga iyon. At hindi nga ako nagkamaling magtiwala sa kakayanan ng dalagang nasa harap namin. Alam kong meron pa siyang ibubuga kapag nasa taping na.

-----------------

"REALLY? This is your first audition?  You act like professional darling, you know that?" ani Direk habang naglulunch kami.

The audition went well. Matapos ang mala tutuhanang acting kanina ni Andee at iyong staff na si Jasper. Itinigil na agad ni Direk Nikki ang pag-audition para sa role nang leading lady.  Hindi na rin kami nagpa-audition para sa leading man. Dahil meron ng kaming napili and we will meet him tomorrow.

"Thank you po." halata sa kay Andee ang saya. "Sumubok po ako. Baka sakaling palarin." ani Andee. "Nakailang commercial na rin po ako at paminsan minsang extra sa mga palabas. Pero ngayon palang po ako nakapag audition para sa ganitong project. At hindi ko po akalain na matatanggap ako."

"Mabuti at naisipan mong mag-audition. Malayo ang mararating mo darling!  Believe me,  marami na akong nakasalamuhang artista at dumaan din sa ganyan. Tignan mo sila ngayon. Sikat na sikat at kilala na kahit saan. Ang mga ganyang talento  ay hindi dapat itinatago. Good job!"

Nahihiya naman siyang tumango. "Thank you po. Thank you talaga!" napakagat labi pa siyang tumingin saakin. Nginitian ko naman siya. Natutuwa ako sa pagiging natural niya. Ganun din sa gandang meron siya.

"Tomorrow bumalik ka dito para mameet ang magpoportay as Simon. Nasa U.S pa siya ngayon for their world tour. Aasikasuhin din natin ang magiging manager mo at pagpaplanuhan natin ang mga dapat gawin for the taping. We expect na gagawin mo ang best mo for this project. Magkakaroon muna tayo ng rehearsal bukas. So don't be late."

"Okay po Direk." sunod ang tango niya sa sinabi ni Direk. Ako naman ay nakikinig lamang sa kanila.

Matapos ang usapang iyon ay bumalik din kami sa production room. Hindi ko nakasama si Laz ngayon maging iyong Mr. Montanari dahil busy sila.

Maagang natapos ang audition dahil nakapili na kami. Napagdesisyunan kong pumunta muna sa company para icheck ang dalawa kong kaibigan. This past few days ay hindi ko sila nakakasama gawa ng project na ito. Excuse naman ako dahil nga dito sa project.

Gusto ko lang silang dalawin para kamustahin. Hindi naman ako mahihirapan pumunta doon dahil dala ko ang kotse ko.

Nasa parking area ako ngayon naglalakad papunta sa pinagparkingan ko ng kotse. Naiinitan narin dahil sa makapal na scarf na nasa leeg ko. Nang makapasok ay hinubad ko rin iyon. Hindi ko kinaya ang init pagkapasok ko sa kotse. Ini-On ko ang aircon sa loob para maibsan ang init na naramdaman. Tagaktak na rin ang pawis sa noo at leeg ko. Wala rin makakakita dahil nasa loob na ako ng kotse.

"Bakla! We miss you!" sigaw ni Argen malayo palang ako. Napairap naman ako sa kanya.

"We miss you din!" ani ko ng makalapit sa kanila.

Kasalukuyan kaming nasa coffee shop yng laging tambayan namin kapag break time o kaya yosi break.

Umorder kami pagkatapos ay umupo din.

"So,  kamusta naman ang pagpa-audition nyo bakla? Marami kang nakilalang artista?" sabik sa chismis talaga ai Argen. "Nakita mo ba si Mark Herras doon?  Si Josef Marco?  Si ano.. Rein sino nga iyong gwapong ka love team ni Nadine Lustre?"

"Si James Reid bakla!" sagot naman ni Rein.

Napapitik pa sa hangin si Argen. Pahiwatig na naalala niya ang pangalan ng artista na iyon.

"Ay oo. Amp! Naku!  Ang gwapo at masherep yun!" parang tanga siyang humahawi ng buhok kunwari pagkatapos nagpabebe look. Parang ewan. "She fafa Jerald Anderson nakita mo din ba?  Naku ishang masherep ne petehe den yen ey!" anladi ni bakla. Pati sa pagsasalita niya parang tanga na.

"Rein, iayo mo tong malanding bakla na'to sa harap ko. Baka itapon ko ang kapeng hawak ko." biro ko na ikinatawa ni Rein.

"Gaga joke lang!  Ito naman hindi mabiro. Shebek leng gerl!"pahabol niyang sabi.

"Ibubuhos ko talaga 'tong basong may kape Argen kapag hindi kapa tumigil. Para kang tanga!"singhal ko sa kanya.

Inirapan naman niya ako sabay kuha nang kape niya at maarteng humigop. Ang hinliit niyang daliri nakataas pa, ang arte talaga.

"Punta kayo sa condo. Doon na kayo magdinner." ani ko nang mga oras na pareho kaming tatlo na tahimik.

Napatingin sila sa akin, si Argen taas kilay akong tinignan, si Rein naman wala lang,  sumang-ayon lang.

"Himala bakla nang-invite ka?  Ano nakain mo? "

"Kape bakla" pilosopo kong sagot

"Nice answer! Talino mo!"

"Nice question!  Talino mo rin!" balik kong sagot in a sarcastic way.

"Gaga!  Pero seryoso anong nakain mo at nagyaya ka sa condo mo?" ani Argen.

"Wala lang!  Trip lang ganun!" wala sa sariling sagot.

Hinila naman ni argen ang buhok ko. Nainis ata sa sagot ko. Tinawanan ko lamang siya. "Namiss ko lang kayo, kaya gusto kong doon na kayo magdinner."

Mukhang hindi kumbinsido si Argen sa dahilan ko. "Hm. Wee?  Talaga kami ang namiss mo?  Baka naman si Simon?"

"Hindi a!" deny to death kong sagot.

"Bakla wag mo nang i-deny pa iyan. Si Simon ang namimiss mo!  Alam ko na ang mga ganyang ugali mo e. Kunwari mag-iinvite, 'yun pala gusto lang ng may kasama! Gaga ka!  Wag kami utuin mo!" ani niya saakin.

Napatingin naman ako sa ibang mga kasama namin sa loob ng cafe. Napapatingin sa pwesto namin dahil sa lakas ng boses ni argen. Akala mo nakikipag-away.

"Ingay mo!" mahinag ainghal ko. "Oo na! Tsaka gusto ko rin na kasama kayo ngayon." pag-aamin ko.

Wala talaga akong maitatago sa kanila. Hay!

"Ayon!  Lumabas din sa bibig mo!" ginaya ko naman ang sinabi niya at nagmake face. "Pero teka nga bakla!  Pansin ko lang!  Tirik ang araw at alas kwatro ng hapon palang bakit ganyan ang suot mo? Saan ang lamay?"

Pinagtawana nila akong dalawa habang pinagmasdan ang suot ko. Bigla naman akong namutla sa kinauupuan.

"A-ano kasi-"

"A-ano kasi?" pang-gagaya ni argen sa sinabi ko.

"Kinagat kasi ako ng lamok kagabi kaya may mga pantal. A-alam nyo na. Malamok sa condo! Oo!  Malamok!" nahihirapan kong sabi habang sila parang di makapaniwala. Naniningkit pa ang mga mata habang nakatingin saakin. Sunod-sunod ang lunok ko.

Nakakalokong ngiti ang nakita ko kay Rein. "Talaga bakla?  Baka ibang kagat yan? Ga'nu ba kalaking lamok yun? Patingin!" tumayo siya akmang hahawiin ang scarf na suot ko. Bahagya naman akong umiwas sabay takip ng sarili gamit ang mga braso.

"H-hindi pwede!" agap ko agad.

"Tsk!  Argen alam mo na ang gagawin." nagkatinginan sila na parang may masamang binabalak. Bumaling sila ng tingin sakin. Napalunok naman ako dahil sa takot na malaman nila ang tinatago ko sa leeg at dibdib ko.

------------------

NAPAAMIN AKO ng wala sa oras dahil sa ginawa nila kanina. Sa sobrang takot ko sa gagawin nila. Bigla nalang akong napabulalas tungkol sa amin ni Simon.

Kaya heto ako ngayon na corner nang dalawa kong baliw na kaibigan. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko habang nakaupo sa couch ng condo.

Iyong mga titig nila saakin parang nakakamatay. Parang ibabaon ako sa hukay. Ang oa nang mga reaction. Akala mo naman hindi sila nakaranas.

"Rein bilangin mo ang hickey niyan! Hayok sa dami oh!  Tignan mo oh!" ani Argen habang pinagmamasdan ang leeg ko na parang nandidiri.

Akala mo siya walang ganun kapag si Rafael ang kasama, kunwari pang malinis. Baklang to talaga!

"Trenta piraso bakla!" matapos akong bilangan. Nanlalaki naman akong napatingin kay Rein. Grabe naman!  Parang hindi naman ganun karami. Tinignan ko ang leeg at dibdib gamit ang maliit na salamin. "Gaga joke lang! Kalahati lang naman ng trenta!  Sabihin nating nasa kinseng hickeys! Yucks!" ani ni Rein. Kunwari pang nasusuka.

"Maka yuck ka naman!" ani ko. Nagmake face si Rein at nagbelat saakin.

"E kasi bakla ang landi mo. Naging kayo lang hinayaan mo na agad na lapain ka ng ganyan. Tignan mo nga!  Tinambakan ka ng hickeys sa leeg at dibdib. Landi, landi ng lola mo!"

Sobra pa sa nanay ko kung makapag singhal saakin. Napapairap nalang ako sa reaction nila.

"Oo na ako na malandi. Happy?!"

"Talaga!  Malandi ka bakla! Nakailan na kayo?!" namula naman ako sa walang filter na tanong ni Argen. Napayuko ako sa hiya. "Aba!  Kita muna! Sobrang landi ni bakla! Pusta ko ginabi gabi ka niya no?" nanggigigil niyang hinila ang buhok ko.

"Aray!  Masakit argen ha?  Ikaw kaya sabunutan ko jan!" reklamo ko habang inayos pabalik ang buhok kong nagulo dahil sa pagsabunot na ginawa ni argen.

Si Rein naman natatawa lang sa aming dalawa. Parang tuwang-tuwa naman siyang nakikitang nastress si Argen dahil saakin.

"E kung sabunutan ko yang ibaba mo para mahiya naman?  Gaga talaga to!  Di makapag pigil te?! Sarap na sarap?!" nanlalaki pa ang mata ng sabihin iyon. Mukha talaga siyang nanay na galit sa anak dahil sa nalaman niya.

"Argen inggit kalang wala ka daw kasing butas!" natatawang biro ni Rein. Napapatakip pa sa bibig sa kakatawa.

"Isa ka rin!"singhal niya sa kaibigan "E,  kung kurutin ko mga singit nyo?  Kayo talaga inistress nyo ang ganda ko!" pilantik pang napahawak sa noo niya sabay masahe nito.

"E,  sino bang nagsabing ma stress ka?  Kung hindi ka ba naman oa. Natural na may mangyari sa kanila dahil boyfriend niya yun. Ikaw nga at si Rafael ganun din. Nagmamalinis kapa bakla!" ani Rein. Hinampas naman niya ito sa braso,  kala mo ngayon lang nakarinig nang nakakalaswang topic.

"Magtigil ka nga! OmyGee!  Ang birhen kong tenga na dumihan na!  Gosh!"

Tinawanan nalang namin siya sa pagiging maarte slash kunwari virgin niya!

Matapos ang confrontation and hot seat ng dalawang ito saakin. Nagluto kami nang pagkain. Ibinigay ko rin sa kanila ang honey syrup na pasalubong ni moma.

Nakalimutan ko iyon ibigay sa kanila nung nakaraan kaya ngayon ko palang naibigay. Tuwang-tuwa naman sila dahil may natanggap. Takaw sa libre itong mga ito kaya ganun.

Matapos ang dinner kasama sila Rein and Argen,  nagpaalam din sila dahil may trabaho pa bukas. At dahil sinabihan akong malandi ng dalawang iyon.

Inamin ko na talaga sa sarili ko na malandi ako. Oo,  malandi. Pagkatapos lang naman ng dinner ay nagvideo call ulit kami ni Simon. Walang oras na kinikilig ako. Ang sabi ko pa naman papagalitan ko siya dahil sa ginawa niyang mga hickeys sa leeg at dibdib ko. Pero ayon,  imbis na galit, ang walang hiya kinilig na naman! Ang hilig kasi niyang bumanat ng salita na paniguradong hindi mo kakainisan kundi kakikiligan! 

"Baby! Where's my goodnight kiss?" nang-aakit niyang sabi saakin. Napagkagat labi akong nakatingin sa screen ng cellphone ko. Tanaw ang mukha niya.

"Tse!  Ayan ka na naman!  Tumigil kana, nakakailan na simon ha?" ani ko sa kanya.

A mischievous smile flashed on his handsome face. I can't stop biting my lips because of the way he does that. Para akong kinikiliti. Parang tanga rin. Nagawa ko pang paglaruan ang buhok ko gamit ng daliri.

"Tsk! Ganyan na pala ang baby ko? Dinadamutan ako ng halik? Sige na matulog kana." malungkot niyang sabi.

Napalabi naman ako sa sinabi niya. Naguilty tuloy dahil sa inasta ko.

"O-oy! Joke lang! Nagtampo agad?" ani ko.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone. Pagkatapos tinakpan ang mukha gamit ang kumot. Lantad tuloy ang matipuno niyang braso. Na may tattoo.

"Simon joke lang naman 'yun. Sige na igu-goodnight kiss na kita." sabi ko sa kanya. Sabay halik sa screen ng cellphone ko. Pero wala siyang responds sa sinabi ko. Ni sa paghalik ko sa screen ng cellphone wala rin siyang respond.  Ganun parin ang posisyon niya. Nakatatip ang mukha kaya hindi ko alam kung ano ba ang reaction niya.

Nakagat ko tuloy ang hinlalaki ko dahil na guilty ako. Hindi ko kasi pinagbigyan ang gusto niya. Ito naman kasi parang bata. Kailangan pang aluhin e.

"Simon. Sorry na!  Wag kanang magtampo please~" malambing ko sabi. Pero wala talaga. Hindi niya ako kinikibo. "Simon~.....oy! Magsalita ka naman. Simon~" napabuntong hininga ako dahil walang talab ang paglalambing ko.

Nagtampo talaga ng todo. Ano ba ang dapat kong gawin?  Hindi ko kasi alam. Napakahirap naman palang aluhin ang boyfriend kong 'to. Sobra pa kami sa teenager kung magtampuhan at maglambingan.

"BABY~" kagat labi akong nagpipigil ng sabihin ko iyon. Napapikit pa ako sa sobrang hiya. Shit!  First time ko tong ginawa. Nakakahiya talaga!

Dinig ko ang mahinang pagmura niya maging ang masarap sa pandinig na pagtawa niya. Doon ako napamulat ng mata. Namumula din ata ang piangi ko sa hiya.

"Shit baby! Kinikilig ako." ani niya.