"MEET YIEHMER VALENCIANO" bungad sa amin ni Direk. Napatayo kaming lahat na nasa loob ng production room ng dumating si Direk Nikki. Kasama nito ang sikat na artistang kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon.
Ang katabi kong si Andee ay gulat at parang hindi alam ang gagawin. Naningkit naman ang mga mata ko ng pagmasdan ang reaction niya. Kaya siniko ko siya sa tagiliran.
"Gulat na gulat ka ha? Crush mo yang artista na iyan no?" medyo close na kami gawa nga ng pag-uusap namin kanina. Kaya ganun nalang ang lakas ng loob kong biruin siya.
"Hala ate Ran hindi po." deny niya. Kaya natawa ako ng palihim. Tinignan naman niya ako. Ramdam niya sigurong hindi ako naniniwala. "Totoo po. Wala akong crush sa kanya. Nagulat lang ako na siya ang gaganap na Simon. K-kasi napakagaling niyang artista. Hindi ko alam kung kaya ko ba 'to." pinagsalikop niya ang sariling mga kamay.
Inakbayan ko siya. "Naintimidate ka ba? Please don't. Magaling ka rin naman. Kaya alam kong kaya mo yan. Lahat ng artista dumaan sa ganyan. Hindi naman sila aangat kung walang pagsasanay." ramdam ko ang pagbuntong hininga niya habang nakatayo kaming dalawa.
Nakikipag shake-hands iyong Yiehmer Valenciano sa ibang production member. At malayo kami sa kanya. Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin ni direk nikki sa direksyon namin. Umaliwalas ang kanyang mukha ng makita kami. May sinabi siya kay Yiehmer na tinanguan naman nito. Pagkatapos bumaling din ng tingin sa amin.
Naglakad silang dalawa palapit sa amin. Si Andee naman hindi mapakali. Kaya binalingan ko siya ulit.
"Wag kang kabahan. Tao din yan." pabiro kong bulong. Natawa naman siya.
"Ate Ran naman nakuha pang magbiro." natatawa niyang saad. Mabuti naman natawa siya. Mas mabuti na iyon para hindi siya kabahan.
Huminto si Direk, ganun din si Yiehmer Valenciano. "Goodmorning darling!" nakipagbeso si direk sa amin ni Andee pagkatapos tumingin siya kay Yiehmer.
"Yiehmer this is Ran. Siya iyong author from Project.R company..." pakilala nito sa akin. Nakipag kamay naman ako kay Yiehmer na malugod naman niyang tinanggap.
"Nice to meet you! Actually, idol ka ng mga pinsan ko." masaya niyang saad.
Nakakataba ng puso malaman na may humahanga pala saakin. Bakit hindi ko iyon alam? Ang alam ko lang kasi ay makapag sulat ng story okay na.
"Nice to meet you too. Pakisabi sa mga pinsan mo , salamat! Naku! hindi ko alam na kilala pala nila ako!"
"Tsk. If you only knew. Gusto ka nilang makita sa personal. Nag request pa sila saakin na magpa autograph sayo. Pwede ba?"
Nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Artista dapat ang hinihingian ng autograph hindi ako. Nakaka flatter naman po! Pero wag feeling para lang iyon sa mga pinsan niya. Mamaya ako naman ang hihingi ng autograph sa kanya. Joke! Pero totoo.
"Oo ba! Pero mamaya na!" ang kapal ng mukha kong sabihin iyon. Naku! Artista ka girl? Tinawanan niya lang ako tumatango-tango.
Bumaling ang paningin niya sa katabi ko. Napansin din ata ni direk nikki kaya tumikhim siya pagkatapos ay nagsalita.
"Um. Yiehmer this is Andee Mendoza." ani Direk pagkatapos tumingin naman siya kay Andee "..and Andee meet Yiehmer Valenciano"
Nag-extend ng kamay si Yiehmer para makipag shake-hands at malugod naman iyong tinanggap ni Andee.
"Nice to meet you!
"Nice to meet you po!"
Halos sabay nilang sabi. Kinilig naman ang mga nakatingin. Kung sabagay. May chemistry ang dalawang ito. Hindi nga kami nagkamali sa pagpili ni Direk. Naku, sana lang talaga pumatok ito sa nitizens.
As we gathered inside the production room. Direk Nikki and the other artist made some rehearsal. Each of them holding their script. Minsan pang nakikipagtawanan dahil nagkakamali but they manage. Umayos naman ang rehearsal na naganap. Si Andee nakakapag adjust na, hindi na ganun ka mahiyain. Mabuti iyon para komportable siya kapag nasa taping na at hindi siya mahiya ni kabahan.
Pinag-usap din ang location ng bawat scene. Kung saan unang magsushoot. Ako ay nakikinig lang dahil hindi naman ako kasali doon. Hindi rin ako makakasama. Dahil dito palang napag-usapan na ang dapat gawin and i trust direk nikki for that.
May trabaho din akong naghihintay sa akin. Ia-update nalang nila ako sa bawat na accomplished na shoot. Bukas na bukas din ay magkakaroon sila ng pictorial for the project and the next day is for presscon.
Mag-aabang din ako sa IG for updates for that. Nagugulat din ako dahil marami ang nag-dm sa akin. Kung dati iilan lang ang nagmi-message sa IG ko ngayon ata nadagdagan. Balak ko na ngang i-private ang account ko. Hindi naman sa nagpi-feeling, need lang talagang i-secure ang social media na gamit ko.
Padilim na ng makauwi ako sa condo. Dumaan din ako sa company kanina kagaya ng kahapon. Hindi rin naman ako nagtagal duon. Chineck ko lang ang cubicle ko kung my update sa trabaho. Pero wala naman pala. Konting chikahan sa dalawa kong kaibigan at pagkatapos nu'n umuwi na rin ako. Sinabay ko narin sila at hinatid.
Nang makapasok ako sa condo, i tried to video call to Simon. Hindi ko alam kung sasagutin niya kasi nasa trabaho siya. Ita-try ko lang. Ito ang una na ako ang tatawag sa kanya. Sana sagutin niya at sana hindi ako nakaka istorbo.
"Hi baby!" bungad niya saakin ng sagutin niya ang video call.
Napangiti ako ng makita ko siya sa screen. Naka full uniform pa siya ng pang pilot. "Hi! Hindi ka busy? Baka nakakaabala ako?"
Napakamot siya ng ulo. "No. I'm not busy. Hindi ka nakakaabala baby. Kakalapag lang din namin dito sa U.S and tomorrow balik na naman sa Malta. I Miss you baby! " napanguso siya at kunwari hinalikan ako sa screen. Kinilig naman ako sa ginawa niyang iyon. Napasuklay tuloy ako ng buhok ko.
"Oh! You must be really tired. You should rest then! Miss you too!" ani ko. Tumango naman siya. Medyo magulo ang pagkakahawak niya sa cellphone dahil naglalakad siya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko nga lang alam kung saan.
"Hmm. Actually, we're in um... Hotel... Just for the night. After this call I'll sleep. " pagod niyang sabi. Naawa tuloy ako. Para siyang walang pahinga. Ganun talaga siguro, pilot ang kinuha niyang trabaho kaya walang humpay ang palipad sa kung saang bansa.
"I'll end the call na para makapag pahinga ka kung-"
"No please! Let's talk for a minute. You know...pampatanggal pagod lang." pigil niya saakin. Hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko kaya nakunot ang noo niya. Napakagat labi akong nakatingin sa screen.
"Baby..."
Tumaas ang dalawa kong kilay. "Hm? Bakit?"
Inilapag niya ang cellphone sa hindi ko alam. Kaya ang labas katawan hanggang binti lang ang nakikita ko tapos iyong pader na kulay puti.
"Gusto kitang yakapin..." ani niya. Tama lang na marinig ko. Tinukod niya ang kamay at tumingin sa cellphone kaya kita ko na ang mukha niya.
"Tsk. Baliw!" pigil ang ngiti ko habang tinitingnan siya sa screen. Nakakalokong ngiti naman ang ginawa niya. Inisa isa niyang tinanggal ang butones ng kanyang uniform.
'Wait! Nanuyot ang lalamunan ko. Wait!'
Kumindat siya na ikinakilig ko. Naghurumindato naman ang puso ko sa ginawa niya. "Baliw sayo. Gusto rin kitang halikan..." ngumuso siya pagkatapos tuwa na parang ewan.
"Tsk. Adik ka! Tumigil ka nga!" labas gilagid akong ngumiti.
Nasa labi ko ang mga mata niya. "Adik sa labi mo baby."
"Tsk. Ikaw talaga! Sarap mong-"
"Masarap akong?" parang tangang tumataas at baba ang dalawang kilay. Hindi rin nawala ang ngiti sa labi niya.
Inirapan ko siya. "Tse! Ewan ko sayo! " nanggigil na inilapit ko ang mukha sa screen.
"Haha. You're so cute, baby. But really, I miss hugging and kissing you. All the time I think of you. Araw-araw, gusto kong madaliin ang trabaho para umuwi jan." seryoso at walang halong biro ang bawat binitawan niyang salita.
Kung kanina nakuha pa niyang magbiro ngayon hindi na. And i know that, i feel him also. I'm longing for him, he is also longing for me. Pero hindi naman pwedeng madaliin ang araw at gabi para lang makasama namin ang isa't isa.
"Ako din naman Simon. Hintayin nalang natin. Ilang araw nalang at makakasama din ulit tayo. Gusto rin naman kitang makayakap at m-mahalikan" halos pabulong na ang huli kong sinabi.
"Wait for me then." malalim ang buntong hininga niyang pinakawalan. Hindi rin matinag ang paninitig niya saakin kahit na sa screen lang. "I can't wait for my off baby. I'll date you pagkatapos nito kahit ilang minuto lang. Gusto kitang makasama."
Tinanguan ko siya "okay. Let's have a date pag nakauwi kana."
Magalaw siya sa screen. Humiga pala siya sa kama at topless na naman si ser! Lagi niyang gawain iyon. Lagi ko ring gawain ang mapalunok kapag nakikita ko siyang ganyan. Hindi niya ata napapansin ang epektong hatid niya saakin.
Naku! Kung alam mo lang Simon. Kapag ganyan ka, nagiging malikot ang imahinasyon ko. Marami akong gustong gawin na hindi ko magawa kasi malayo ka. Pero kapag nandito ka naman para akong tangang walang magawa dahil ikaw ang malikot. Malikot sa lahat. Malikot ang kamay. Basta malikot!
Pinugpog ko ang ulo dahil kung anu-ano na naman ang nasa isip ko.
"Baby are you listening?" tulala pala akong nakatingin sa screen ng cellphone ko habang may sinasabi siya. Yan tuloy! Parang tanga lang. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Sorry. What did you just say?"
Napalunok ako ng hindi man lang siya nagsalita. Seryoso niya akong tinitigan sa screen.
"Sorry na. Makikinig na ako! Promise!"itinaas ko pa ang isang kamay ko at medyo inilayo ang cellphone para makita niya ito. Ngumuso ako.
"Ano bang iniisip mo? Care to tell me? I'll listen." napala i ako ng hindi ko marinig mula sa kanya ang salitang baby. Tapos seryoso talaga ang facial expression niya. Hindi talaga siya natuwa sa pag sorry ko. Siya lang naman ang iniisip ko e.
"Galit ka ba? Sorry na..."
"Tsk. You're spacing out. Mukhang may ibang umuukupa sa isipan mo. Sino ba yun?"
"Hala! Wala naman akong ibang iniisip. Sa totoo nga ikaw lang naman ang iniisip ko. Kaya sorry kung hindi ko narinig ang sinabi mo."
"Tsk. Baby...kausap mo na nga ako. Iniisip mo pa ako? Ganun mo talaga ako kamiss? Tsk. Ibang klase." hinawakan niya ang gitna ng kanyang ilong pagkatapos pumikit na mukhang namroblema at pailing-iling pa.
"Ang hangin grabe!" pasigaw kong saad sa kanya na ikinatawa niya.
Mayabang siya kung tumingin sa screen. Kala mo talaga magkatabi kami. "Tsk. Baby sabihin mo kasi kung iniisip mo ako. You know if you really missed me. Tell me then. Hindi yung iniisip mo pa-"i cut him. Inirapan ko siya. Umabot na naman sa utak niya ang hanging nasinghot kaya ganyan nalang siya makapag salita. Baliw talaga!
"Tse! Sinabi ko lang na iniisip kita naging mahangin kana!" saad ko. Walang humpay ang pagtawa niya. Yung nakakaasar pang tawa. Sarap talagang hampaain ng unan.
"Haha baby... It's cheesy but you know kinikilig ako. Yikes! Pero kanina nagselos ako." tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala. Baliw naman to. Sino ang seselosan niya? E, siya nga ang nasa isip ko? Nakakatawang isipin na ganito siya.
"Hala sino naman ang pagseselosan mo? Sarili mo? Baliw ka ba? Haha" pagak ang tawa ko habang tinitingnan ang reaction niya. Para siyang nahihiya pero nakangiti. Malamlam ang mga matang nakatunghay sa screen.
Hinihilot ang sintido at Pumikit ang mata ng magsalita siya "Really. I thought someone is occupying your mind." pag-aamin niya.
"Well, Mr. Mahangin that someone is you po! So don't overthink. Kasi ikaw lang ang nasa isip ko. Wala naman iba maliban sayo."
Parang nanalo sa luto ang ngiti niya. Halos makita ko na rin ang gilagid niya dahil sa ngiti niya. Binat na binat e. "Kota na ako sa kilig baby. Stop please. I think my heart will explode." napahawak pa siya sa puso niya. Dinama na parang inaalam kung kamusta na. Baka lumabas ng wala sa oras.
Kunot naman ang ilong ko na pigil ang pagtawa dahil sa nakita.
"Wee! Oa mo. Para kang babae. Bakla ka ba? Haha" pang-aasar ko
"Tsk. Who's gay? Baby hindi lang babae ang kinikilig, kami rin. Hindi ibig sabihin na kinikilig kami bakla na agad. Baka gusto mo ten round tayo." panghahamon niya. Ikinataas ko naman iyon nang kilay. Ano na naman ang nasaisip nito? Hindi na mabiro.
"Yuck! Tumigil ka nga. Bastos mo!"
"Tsk. Sabi ko nga sayo, nagiging bastos lang ako kapag ikaw kasama ko. Ano ten round?" panay ang kindat niya sa screen. Nagmake face naman ako.
"Simon! Tumigil kana! Wala na sa ayos yung pag-uusap natin. Napunta na sa ganyan."
"Ten round?"
"Simon!"
"Baby ten-round? "
"Isa pa! I'll end this call!" pagbabanta ko.
"Ten-"
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil mabilis kong pinindot ang end ng video call. Nababaliw na naman kasi ang boyfriend ko kung iyon. Ang ayos ng usapan namin tapos napunta sa kung anu-anong topic. Kabastusan na naman lumalabas sa bibig nun. Panigurado natutuwa iyon at iniisip na naiinis ako. At hindi nga siya nagkamali dahil naiinis ako sa pang-aasar niyang ginawa.
--------------------
SA MGA SUMUNOD na araw halos ganun ang routine namin ni Simon. Tuwing uuwi ako ng condo nagvivideo call kaming dalawa. Kung hindi siya ang nauuna tumawag, ako ang nauuna. Kapag hindi naman ako, siya naman ang nauuna. Depende sa oras at sitwasyon. Kung anu-ano nalang din ang mga napag-uusapan namin. Kung hindi tungkol sa trabaho niya o kaya naman trabaho ko, ibang bagay naman ang pag-uusapan namin.
Napapansin ko rin sa kanya ngayon na seloso siya. Kapag hindi agad ako nakakasagot sa video call niya. Nagtatampo. Nanghihinala na agad na kesyo busy ako sa ganito o kaya kesyo busy ako sa ganyan baka daw may iba akong pinagtutuunan ng pansin bukod sa kanya. Iniexplain ko naman kung bakit hindi ko agad nasasagot dahil nga nasa trabaho ako at busy rin.
Kaya siguro ganyan siya kasi malayo kami sa isa't isa. Kahit ako naman e. Nagseselos na hindi naman dapat kaseselosan. Malay ko ba kong sinu-sino ang mga nakakasalamuha niya. Ako pa nga dapat ang magselos dahil halos mga kasama niya sa tra aho ay piloto at mga stewardess, flight attendant mga ganun. I halos magaganda pa naman ang mga iyon.
Natatama kasi ang tawag niya kapag may trabaho ako. Hindi ko naman kasi hawak ang oras lalo na magkaiba ang time ng pinas at malta. Tsaka malay ko ba kung saang bansa siya nakakarating. E, hindi naman nagkakapareho ang oras ng bawat bansa. Mabuti sana kung dito lang siya malapit sa Asia pero hindi e. Sa tuwing nakaka kuha siya ng tiyempo para makapag video call. Nakikita ko na nasa ibang lugar na naman siya.
Sabado na at half day lang trabaho. Kanina habang nagmamaneho ako. Nag-usap din kami ni Simon, hindi nga lang matagal dahil nagbibihis siya at mukhang nagmamadali. Trabaho parin syempre. Sumaglit lang para ipaalam na ang next flight nila ay papuntang England. Tinanong ko kung makakabalik din ba agad sila sa Malta pero ang sagot niya. Depende daw. Hindi narin ako nagtanong pa kasi nagmamadali siya. Alas tres ng madaling araw doon sa kanila samantang dito ay ala'syete ng umaga. Nagpaalam din kami sa isa't isa pagkatapos ng video call na 'yun.
"Bakla bar tayo mamaya!"bungad ni Argen saakin ang aga-aga.
Tamad ko siyang tinignan "Bakla nakarating ko lang bar na agad ibubungad mo? Natuyutan ka ba at gusto mo na agad uminom?" ani ko. Inilapag ko ang dalang gamit sa table pagkatapos naka pamaywang na humarap sa kanya.
"Gaga bakla hindi naman. Need lang magchill. Alam mo na, stress ang fes ng lola mo." tinampal pa nito ang balikat ko. Kunwari naman akong tumango tango sa kanya.
"O sige. Go ako jan. Wala naman akong gagawin mamaya. Si Rein ba?" ani ko.
Hindi paman nakakapag salita si argen. Bigla namang sumulpot si Rein sa tabi niya.
"Ano yun mga bakla? Anong atin jan?" inosente niyang tanong sa amin na dalawa.
Nginuso ko ang labi at tinuro si Argen. "Si bakla nagyaya magbar. Go ako. Ikaw? " tanong ko sa kanya. Itinaas niya ang kamay at nag-approve.
"Go ako jan mga bakla-"
"What's the commotion?" pareho kaming tatlo na gulat sa biglang pagsulpot ni Laz. Hilaw kaming napabaling ng tingin at bahagyang ngumiti.
"Patay ang aga-aga nahuli tayo." bulong ko sa kanila. Si Argen at Rein ang kaharap ni Laz samantang ako ay nasa likod ng dalawa kong kaibigan.
"A-ah ha ha ha." hilaw niyang tawa. "You know ser! Nagkayayaan lang kami magbar mamaya. Pampa chill ganun. Stress reliever. Ganowrn!" malanding sabi ni Argen. Hinawi pa ang medyo mahaba ng buhok na abot batok with labas dila.
"Really? Kayong tatlo lang? Hindi nyo ako iimbitahin?" pilyo niyang sabi sabay ngiti na ikinatingin naman naming tatlo.
Akala ko talaga papagalitan kami dahil ang aga-aga nag-uusap na. Chismis ba ganun. Nagkamali pala. Gusto lang din nito imbitahan. Pinakaba pa kaming tatlo.
"Ser!" sabay hagod sa dibdib ni Laz. Ang laswa ni bakla. Paputol putol at papigil ang tawa ko dahil doon napatakip pa ako ng bibig. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Laz.
"Hende me nemen shenebe geste me- aray!" sinabunutan lang naman siya ni Rein dahil tabingi na ang bibig kakasalita. Akala naman niya ang ganda pakinggan.
"Landi mo bakla!" natatawang aniya ni Rein. Tumingin si Laz kay Rein, hindi pinansin ang kalandian ni Argen. "Kung gusto mong sumama sir. Dapat sagot mo ang inuman. Call? " akala mo kung sinong makapag demand sa boss. Tsk. Mga saltik na kaibigan. Boss namin yan kung makapag usap akala mo tropa lang e.
"Call! I'll invite a friend." aniya .
"Wew! Really ser? Depet yeng nekeke tele lewey-Aray! Isa pang sabunot girl mag-aaway tayo dito!" nangangalaiting aniya ni Argen kay Rein na inirapan lang siya.
"Para ka kasing tanga sa pinagsasabi mo Argen. Ang mabuti pa bumalik na kayo sa cubicle nyo at magtrabaho na tayo para mamaya mag-eenjoy na tayo. Go na. Tsupe!" tumabi sa gilid si Laz para bigyang daan ang dalawa habang natatawa ng itulak ko ang dalawa paalis sa cubicle ko. Nagrereklamo naman sila. Pero sumunod din at bumalik sa sarili nilang mga cubicle.
"Pagpasensyahan mo na iyong dalawa boss. Anyway, goodmorning pala."
"Goodmorning din. Sige i'll go to my office." aniya pagkatapos ay tumalikod na. Pero huminto pa at bumaling ng tingin ulo lamang ang lumingon. "Later okay?!" tinanguan ko nalang siya. Saka umupo at nagbukas ng laptop.
-------------------------
"CHEERS! WOA! SAYAW tayo mamaya mga bakla!" ang ingay ni Argen, tinalo pa ang tugtog ng musika sa loob ng bar. Alas nuebe palang ng gabi. Hindi ganu'n karami ang tao dito dahil maaga pa naman. Kadalasan ay 12 midnight pa ang talagang simula.
Nakailang inom na ang dalawa. Samantalang ako isa palang at paunti unti pa. Ayokong magpakalasing dahil ako ang nagmamaneho ng kotse at ihahatid ko pa ang mga ito mamaya. Kapag pareho kaming tatlo na tagilid at hindi na makalakad baka dito na rin kami matutulog pag nagkataon.
"Your friend is wild Ran. And he's waisted already. " natatawa ako sa komento ni Laz habang naiiling na tinignan si Argen.
"Ganyan talaga yan." ani ko. "Kapag alak ang kaharap walang sinasanto... Hoy bakla san ang punta mo?! " pasigaw ko ng tumayo siya at sumasayaw na habang naglalakad. "Baliw talaga yun!" napa cross arms pa ako habang sinusundan ng tingin si bakla. Nasa gitna na siya ng masaming nagsasayawan.
Humarap ako kay Laz. Sabi niya may ininvite siyang kaibigan pero wala naman kaming nakasabay na pumunta dito maliban sa kanya.
"Sabi mo may kaibigan kang ininvite saan na? Sila Tom ba?" ani ko. Napabaling naman siya ng tingin saakin habang sumisimaim ng iniinum niya.
"Hmm. No. Nasa Paris si Tom busy yun ganun din iyon iba. I have another friend bukod sa kanila. Medyo malilate lang siya ng- oh! He's here!" aniya pag katapos. Ako naman ngali-ngaling naghanap sa tinignan niya. "Samuel! Here broth!" sigaw niya.
Kunot ang noo ko ng mapag sino ang lumapit sa amin. Napaismid ako ng makita ang lalaking kinainisan ko nu'n sa company. Iyong antipatikong walang modong bumangga saakin sa conference room at iyong nagbusina sa daan habang traffic. Tsk. Akala ko kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni Laz. Siya lang pala. Tsk.
"Hey zup! How's work? "
He tsked. He's looking at me na parang inaalam ang mukha ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang dinirwtaong inom ang alak na kanila ko pa inoonti-unti.
Naputol lang ang tingin niya ng ibinaling niya ito kay Laz."Fine broth! There are lots of things na tinapos kaya late ako." aniya pagkatapos binalik din saakin ang tingin. Mas lalong tumaas ang isa kong kilay. Anong problema nito?
Napansin ata ni Laz iyon kaya yumikhim siya pagkatapos nagsalita. "Meet Ran. Alam ko naalala mo pa siya sa office-" he cut him.
"Hm. I already know her and I remember. But it was nice to meet you again here." he extended his hands to me.
Kahit labag sa loob ko ginawa ko parin ang tama.Tumayo ako at nakipag shake-hands ako. Bilang respeto. "Hmm" ani ko.
"Tsk. Suplada!" pinandilatan ko siya ng mata. Dinig ko parin iyon kahit pabulong na. Inirapan ko lang siya at mabilis na binawi ang kamay. Saka umupo. Isang bulto ng nakakaasar na ngiti ang pinakawalan ng lintik niyang labi.
Panay ang lagok ko sa inumin. Sabi ko nga kanina dapat hindi ako iinom ng marami. Pero ewan ko ba kung bakit napainom ako. Dahil siguro badtrip ako. Panay din kasi ang baling nito Samuel saakin. At nakukuha pang mag smirk animo'y natutuwang makita akong nakatirik ang mga mata sa kanya kapag nakakasalubong ang tingin namin.
"Sorry. I'll answer this call. Excuse me. " ani Samuel ng sagutin ang tawag. Tinanguan lang namin siya. Ako. Si Laz at Rein ang naiwan sa table habang ai Argen panay ang sayaw sa mga taong nasa gitna ng dance floor.
Nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya madali ko itong kinuha. It was Simon. Tumatawag siya. Tumayo ako para sagutin. Napaaunod naman ang tingin ng dalawa saakin. Ngitian ko sila at ipinakitang may tumatawag saakin.
"Excuse me." ani ko at tinalikuran na sila. Sinagot ko ang tawag habang naglalakad, umiiwas sa mga taong nakakasalubong para makalabas ng bar. Maingay sa loob kaya mahirap pakinggan.
Nahihilo rin ako habang naglalakad. Dumagdag pa ang ingay.
"Hello Simon?!" ani ko , maingay parin kahit na palabas na ako. "Simon! Hello?! I can't hear you-ay!" napatili ako ng mapatid ako ng sarili kong paa at mabunggo sa kung sino.
Napatingala ako doon at napakurap ng mapagtantong si Samuel ang nabunggo ko. It was an accident na mapasandal sa kanya dahil nga hindi ko sinasadya. And the way he look at me. Para iyong nakakapaso. Lalo na ang kamay niya na pumalibot sa bewang ko para ibalanse ang bigat. It was like hugging me kung iba ang nakatingin. Napalunok ako.
"Where you Ran?" ani sa kabilang linya. Nasa tenga ko parin ang cellphone. "Tsk. I'm jealous." madiin sabi ni simon sa kabilang linya. Na ikinakaba ko.
Mabilis pa sa batang na paso akong bumitaw kay Samuel at umawang ang labi ko sa gulat ng makita si Simon sa likod niya.
Bumalatay ang kakaibang kaba at takot ng makita ang reaction niya. Blanko. Sunod-sunod ang paglunok na nasaga ko.
"S-Simon!"