Hindi muna ako uminom dahil baka ipahiya ko ang sarili ko at matapos 'tong party agad agad.
Mga 15 minutes na 'din ang lumipas simula nang nakarating kami dito sa Bar. Dumating na 'din 'yung mga pinsan ko. Jusko! Natambak ako sa regalo!
Tinabihan ako ni Hanna na kagagaling lang sa table ng mga friends niya from DF University. "Huy!Sami, wala 'kang balak uminom? Pinayagan ka na nga nang kuya mo eh!".
Busy si Eya na nakikipag kwentuhan sa mga lalaki. Ewan ko ba 'don! Biglang nangailangan ng jowa. Sabik na sabik, eh 'no!
Naglagay si Hanna ng champagne sa wine glass ko. "O Ayan, Inumin mo na!" sabay abot niya sa akin.
Ibinaba ko iyon. Kinuha ko 'yung buong Champagne Bottle at ininom ito nang buong buo. Gulat na gulat si Hanna. Napansin din ni Eya at Sandara ang ginawa ko kaya bumalik sila sa table namin.
"Tama ba 'yung nakita ko?" gulat na tanong ni Eya.
Yes, Eya! Yes!
"Welcome. Saianna Mi Defuntrum, 2.0" proud na proud 'kong sabi. "Hindi na ako papayag na kontrolin ni kuya gaya nang ginawa sakanya nila daddy at mommy." tumayo ako.
Medyo naging tipsy na ako kaya halos matumba na ako habang naglalakad. Para na akong zombie maglakad. Mababa lang ang Alcohol tolerance ko kaya naman mabilis akong malasing.
Pumunta ako sa Center Dance Floor. Hinila hila ko pa 'yung ibang bisita kahit 'di ko sila kilala. Niyaya ko naman si Sandara na lasing na din. Nagtwerk pa ang gaga!
Si Eya may kasamang lalaki, 'di ko kilala. Si Hanna naman, kanina pa may tinatawagan at hindi mapakali. Pabalik balik pa siya sa Entrance.
Nahilo ako bigla habang sumasayaw kasama ang mga pinsan ko at si Sandara, kaya nagpaalam akong pupunta muna ako sa restroom. Isinigaw ko pa 'yon dahil nga sa malakas yung music, malamang, bar.
Habang papunta ako sa restroom, hinarang ako ng grupo ng mga lalaki. Either hindi ko sila makilala dahil sa lasing ko, or hindi ko pa talaga sila kilala. "Excuse Me.." mahina 'kong sabi saka dumaan.
Aalis na sana ako, pero hinila ako nang isang lalaki papunta sa smoking area malapit sa parkingan kung saan walang masyadong tao dahil 'yung mga valet lang naman ang nakakapasok doon, karaniwan.
Depende nalang if may nagmamake-out sa loob nang kotse nila, it's common. I am just spitting facts, hmm.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya naman pilit ko 'yon inaalis.
"Wait! Masakit! Please, paki-alis yung pagkakahawak sa kamay ko." mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nagmamakaawang alisin niya 'yon.
Inalis niya ang pagkakahawak sa akin tsaka siya naglabas nang isang kahang cigarette. Nagtakip ako nang ilong at bibig dahil may asthma ako at nasa bag din yung inhaler ko.
"Happy Birthday Saianna." bati sa akin nung lalaki. "Thank you." pagpapasalamat ko kahit hindi ko siya kilala.
Paalis na ako pero hinila niya ulit ang aking braso. "Ano Ba?!" naiirita kong sabi.
"'Wag ka na'mang masungit, Birthday Girl. May regalo ako sa'yo." tatanungin ko sana kung ano 'yon pero may biglang humila sa akin.
"What?!" sigaw ko sa lalaking humila sa akin. Nagiging maldita na ako dahil nga sa lasing ko. Actually mas maldita pa ako dito kapag nag sober na ako.
Patuloy lang ang paghila sa akin nung lalaki hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Kinuha niya sa valet 'yung car keys tsaka nito binuksan yung pinto.
Pinasakay niya ako sa shotgun seat. Umikot siya papunta sa driver's seat saka inistart yung kotse. "Mag sober ka muna. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo." nagstart siyang nag-drive.
Itetext ko sana si Hanna na may pupuntahan ako sandali pero, "Aish! Naiwan ko yung phone ko! Paano ko itetext si Hanna ne'to?" naramdaman ko na tumingin sa akin yung lalaki. He scoffed and again talked, "Don't worry, I already told her."
Matagal din kaming hindi nag-usap. Mga, 15 seconds? "By the way, Who are you-"
"L-luxia?" i bit my lower lip to stop myself from smiling. He just nodded, "mmhh-hmm."
"Ikaw ulit? Why are you here?" nagtatakang tanong ko sakanya. "I told you. I'll explain it later. You're drunk." he said.
"I'm not lasing." pag de-deny ko.
"Yes you are." Aba hindi magpapatalo ah.
"Fine." wala na akong masabi. I am just... speechless dahil i didn't expect na nasa bar din siya, and maybe.. para sa birthday ko?
Nagpark siya sa isang café sa Amorsolo. He looked cool stirring the wheels. He even held the back of the shotgun seat which made me.. blush? Maybe dahil lang 'yon sa blush-on. But, I-didn't put any. Uhh..
Binuksan niya 'yung door sa side ko saka niya ako inalalayan palabas ng car niya. Naramdaman ko ulit na uminit ang pisngi ko. Bitch na pisngi ko, 'wag ngayon. Please.
"Kuya Ian, pakisabi po kay Ate Fe mag ready ng mainit na tubig. Pupunta kami mamaya sa kwarto ko sa 2nd floor." bilin ni Luxia Jake dun sa guard.
Sa kwarto niya?! Dadalhin niya ako?! I am not ready!
Napansin ni Luxia yung shookt face ko. "Don't think about THAT thing." he even emphasized 'that' agad ko naman nagets 'yon, duh! Inismiran ko lang siya. Nababasa niya ba nasa utak ko? Immortal ba 'tong lalaking 'to, ah?
"Nandito na tayo." napanganga ako sa laki at ganda nang kwarto niya. "Kwarto mo lang 'to? Mag-isa?"
"Yes." maikli niyang sagot. "Umupo ka muna dito sa sofa. hintayin mo si Ate Fe. Kukuha lang ako nang inumin, anong gusto mo?"
"Gusto ko nang.."
"Tagal." inayos niya ang tayo at aakto na sanang aalis pero pinigilan ko siya.
"Uy! I want..."
"Espresso nalang." piste. umalis na ang kumag.
Ang ganda nang kwarto niya. Tennis ang design. Madami 'din siyang Tennis Racket at Tennis Balls na nakadisplay. Yung iba may Autograph pa. May nakita 'din akong awards niya at pictures niya habang nagte-tennis siya. Meron 'din nung bata siya.
Kinuha ko 'yung isa sa pictures niya noong bata siya na nasa amusement park siya 'saka ko pinagmasdan. "Ang cuteee!"
"Hala! Ako na po! ako na po!" sabi 'nung babae na pumasok sa kwarto ni Luxia. Nahulog ko 'yung picture niya 'nung bata siya dahil nagulat ako 'dun sa babae!
"What is going on here?!" nagulat ako nang dumating si Luxia. Tumayo 'din 'yung babae kanina. "Sir Luxia, kasalanan ko po. Pasensya na." lumuhod 'yung babae. Nagpanic ako kaya itinayo ko 'yung babae kanina. "No ate, it's my fault. Kasalanan ko Luxia. Pinakialaman ko kasi. I am so sorry."
Ipinikit ni Luxia ang mga mata niya. Halatang kinakalma niya ang sarili niya. "Ate Fe, paki-ayos nalang po." nginitian niya 'yung babae pero kita parin sa mukha niya ang inis.
Agad namang gumalaw yung babae kanina na tinawag ni Luxia na 'Ate Fe' saka lumabas sa kwarto ni Luxia.
"Luxia, sorry talaga. Hindi ko sinasadya." paumanhin ko sakanya. Matagal 'din siyang tahimik bago ulit nagsalita.
"Next Time, 'wag ka nang mangingialam." he let out a deep sigh. "Okay."
Binigay niya sa akin 'yung coffee na malamig na dahil kanina pa nakatambay sa side table ng couch. Nag-sip ako ng kaunti saka nagsalita. "Sainyo 'tong café?" tanong ko sakanya.
Tumingin siya sa'kin pero iniiwasan pa 'din ang pakikipag-eye contact, "Sa parents ko."
"Eh? Anak ka naman nila, edi sa'yo din 'to."
"Well, fine."inis niya akong inirapan.
"Lahat 'to awards mo?"
"Hindi 'yan lahat. Meron pa sa condo at sa bahay."
"Aba mayabang ka ha. Edi sana all madaming awards."
Tinignan ko 'yung oras. "Hala. 2 am na pala." tumayo ako sa sofa. Hinawakan ko 'yung bulsa ng pants ko. Walang pera. But good thing, meron sa bulsa nang blazer ko, pero 500 lang.
"Hatid na kita."
OMG! Legit ba 'to? "Hindi ba ako nananaginip?" Kinurot ko ang pisngi ko. "Punyeta."
"Tara na nga." nagsalita ulit si Luxia. Kinuha niya 'yung car keys niya na nakalagay sa study table niya. Bumaba kami papunta sa Garage. Aba, ibang kotse nanaman sasakyan namin! Jusko!
"Nag sober-up kana?" tanong niya sa akin habang nagdra-drive papunta sa condo namin. Hinihintay na daw ako ni Hanna doon. Nag-chat daw siya kanina kay Luxia.
"Yes, Medyo."
"Next Time, don't drink one bottle of champagne lalo na kapag hindi mataas ang alcohol tolerance mo."
"So ano pinapalabas mo?"
Hindi na siya nagsalita, aba may tinatagong kamalditahan 'tong lalaking to ah!
"By the way, bakit nasa bar ka? As far as I know, Hanna rented the whole place.."
"I-"
"And, Paano kayo naging close ni Hanna? Agad-agad?"
"Ganto-"
"At, bakit mo'ko hinila nung may ibibigay na regalo sa akin yung lalaki?"
"Saianna-"
"Sayang 'Yon!" I whined.
"Teka nga Saianna Mi Defuntrum!" pag iistop niya sa ingay ko. Halatang annoyed na siya sa akin dahil nag stop pa siya sa gilid ng daan. Paano niya nalaman real name ko?
"W-why did you stop?" tanong ko sakanya.
He again let out a deep sighed and faced me. He smiled sarcastically and talked, "For your first question, nasa bar ako dahil sa amin yun at may itatanong ako sa kapatid ko, inivite din ako ni Hanna."
"Second, naging close kami dahil 'yung kapatid niya at kapatid ko, bestfriends." ah ganon pala..
"Third, hinila kita dahil halata namang hahalikan ka nung lalaki. Ni hindi mo nga kilala eh." aba, concern?
"Kailan pa tayo naging close at pinag tatanggol mo na ako ngayon aber?" inismiran ko siya. Hindi lang siya nagsalita at inistart ulit 'yung engine 'saka siya nag-drive.
"Selos ka? Ikaw ha!" pang-aasar ko sakanya.
"You know? I also want to tell you the reason but I'm afraid I can't."
I scoffed and scanned the pockets of my blazer, "Huh?!" kinuha ko 'yung nasa bulsa ko na hindi matukoy na bagay.
"Phone?!" gosh. Yung isa kong phone, iPhone 5s. Lagi 'kong nilalagay sa bulsa ko incase na mawala or maiwan ko 'yung bag ko. Okay what the heck?
"Bakit 'di ko to naisip?"
"May isip ka?" kanina ka pa Luxia Jake ha!
"Great. What a nice joke."
"I'm sorry? Did it sound like a joke to you? I am actually.. not.. joking." I am really pissed off!
Once I didn't control my emotions, I will really make a fuzz inside his car in just a second. Ponyeta! Naiinis na ako ha.
Hindi nalang ako nagsalita.
Nakarating na din kami sa tapat ng building ng condo namin ni Hanna.
Walang nagpaalam sa isa't isa sa amin. Eh sa ma-pride kaming dalawa, anong magagawa ko? Anong magagawa namin?
"What's up bhie? Anong nangyari? May progress na ba?" tinabihan ako ni Hanna sa sofa, may hawak siyang coffee. Aba! Nakangiti pa ang gaga!
Napansin ko si Eya na nasa kwarto ko "Bakit muna nakahiga sa kama ko 'yang si Eya?"
Tumawa siya awkwardly tsaka pumunta sa tapat ng kwarto ko at sinara 'yung pinto.
"Hmm, matulog ka muna sa kwarto ko ngayon, hihi. Lalabhan ko 'din 'yung blanket mo bukas na bukas 'din.." naka 'please/pray' sign pa siya! Jusko! Pati 'yung blanket ko dinamay!
"Nako! Sige na nga!" pumasok ako sa kwarto niya saka agad humiga sa kama niya. "Wala kaming progress. Mas lalo lang akong nainis sakanya! Masyado siyang ma-pride! Tse!"
Tumawa lang si Hanna, "Paano ba naman? Minamalditahan mo kasi siya! Ayan tuloy, binabalik sa'yo."
"Basta, I don't care." tinalikuran ko nalang si Hanna at natulog.
"Tss, malaman-laman ko lang talaga na may gusto ka padin dun ha!"
Kinaumagahan, sinundo na ni Tita Marga si Eya. Sure ako mapapagalitan 'yon pag-uwi nila, jusko. Good thing wala kaming pasok ngayon dahil Saturday.
"May activity pa pala tayo gaga." tinulak ko si Hanna nang makita ko 'yung message sa akin ni Professor Antipatiko. Muntik pa siyang matumba, buti na lang nakahawak siya sa shoe rack.
Binigay ko sa kanya 'yung phone ko at pinabasa sakanya 'yung message ng prof. namin sa math.
[paki-sabi kay Hanna 'yung activity, baka 'di niya pa alam kasi hindi siya pumapasok sa klase ko.]
"Anong assignment?" tanong niya sa akin.
"Ano sa tingin mo? Bakit ka kasi hindi pumapasok. Mas busy pa nga kaming Tennis players kaysa sainyong Badminton players dahil tapos niyo na yung provincial meet eh. Sana All!" walang tigil 'kong pagsasalita.
She just faked a smile and rolled her eyes. Piste!
Sinend ko sakanya 'yung details.
"Pakopya ng idea" mahina niyang sabi sa akin.
"Wala pa din akong nagagawa." sagot ko habang papunta sa loob nang kwarto ko.
"By the way, labhan mo na 'yung blanket." binato ko sakanya 'yung blanket na amoy vomit ni Eya. Jusko! 'Yung babeng 'yon talaga!
Tinapos ko na 'yung Assignment, poster-slogan lang naman 'yon na about sa Algebra and Geometrics. Nangopya pa sa akin si Hanna. Jusmeyo.
"Punta tayo Amorsolo, may cafe daw doon na sikat. Favorite daw 'yon na puntahan nung member ng Aespazy na si Giselle Kim." Gonzaga? Cafe? 'Yung kanila Luxia?
"Sure.. Anong Cafe? Tapat ng Jollibee? Yung pinag-iinuman natin tuwing gabi?"
"Yes." sagot ni Hanna. Tinawagan niya din si Andrei, kapatid niya. Busy daw kasi si AC kaya hindi muna siya sasama.
Nagtaxi nalang kami dahil tinatamad siya nag drive at ayaw niya din naman ako pag drive-in. So, no choice, edi taxi.
"Manong sa Amorsolo Street po." sabi ni Hanna 'don sa manong driver ng taxi.
Nakarating kami, kanina pa pala naghihintay si Andrei sa labas. Ang tagal kasi mag-ayos ni Hanna. Kala mo naman makikipag date!
Nagsuot lang ako ng denim shorts and black top tank at thick khaki and black knotted cardigan. Malamig ngayong araw dahil umuulan.
Pumasok kami sa loob 'nung café. 'Yun nga 'yung café nila Luxia na pinag dalhan niya sa akin noon.
Naalala ko 'yung sinabi niya sa akin kanina. 'Magkaibigan yung kapatid ko at yung kapatid ni Hanna.'
Naisipan 'kong tanungin si Hanna dahil na-curious ako bigla sa sinabi ni Luxia, "Sino 'yung mga kaibigan ni Andree sa DF Univ?"
Tumingin silang dalawa sa akin. "Ewan ko." sagot ni Hanna.
Nag-isip si Andrei bago siya sumagot. "Ay, yung.. K-Karina? Oo. Karina Lurei.."
"Gomez?!" nagsabay pa kami ni Hanna.
Tinignan kami ni Andrei, gulat na gulat! "Oo.." mahinhin niyang sagot.
"Yawa, siya yung kapatid ni Luxia?" tanong sa akin ni Hanna. Nagulat siya, ako din. Syempre.
Biglang nag-flashback sa akin nung sinigaw ko yung pangalan nung Karina tapos tinawag ako 'dumb' ni Luxia. Now, I know.
Nilapitan kami nang isang babae, staff ata sa café. Pero, parang hindi lang siya staff dahil nakita ko sa uniform niya na manager siya. Naka mask siya kaya hindi ko makita yung mukha niya.
Nagulat ako ng bigla akong kinabig ni Hanna. "Karina Gomez? Manager?!"
Karina?! Yung kapatid ni Luxia?
"Oh, Hi.. Saianna Mi Defuntrum? Ikaw yung natalo ko 'di ba?" tinuro niya pa ako. Kailangan ipamukha na natalo ako? Ganon? "Yes." maikli kong sagot.
"And you are?... Andrea Hanna and Ryle Andrei? Kapatid ni Andree Camille..?" nakipag-kamay siya kay Hanna at Drei.
Ganon?! Close na agad?!
_______________________________________
; chapter 4 :))