Umupo si Karina sa table namin. Nakipag kwentuhan siya kay Hanna. Pft! Nagseselos ako 'no! Dapat kami ni Hanna yung nag-uusap!
"Saianna, nakwekwento ka sa akin ni Kuya Luxia." what? ako nakwekwento niya? enebe nemen iyan!
'Saianna. Get yourself together. Bawal ka kiligin or magpa bebe ha!'
I scoffed, nagpapaka-inosente ako. "Anong sinabi niya? He must've said bad things about me."
"No." anong no? enebe kasi yarn! Karina naman!
"What do you mean 'No'? So anong kinukwento niya?" painosente talaga ako! Kunware hindi kinikilig Sami ano?!
Tumawa siya nang marahan saka nagsalita, "Magaling ka daw mag tennis. He saw a video of you sa phone nang tita mo. Yung coach niyo daw."
Tumawa si Hanna tsaka ako kinabig. "Gaga, ayan kasi! Ginagamit mo pang video phone ni tita mo."
Oo nga. Ginamit ko yun noon nung kailangan namin magtraining! Na full storage na kasi phone ko non! Jusko!
"I-it's not me!" yes. I need to keep being innocent para hindi ako mapahiya.
Karina just smirked like she also saw my video.
"It's true, you're good."
Bakit nandito si Luxia? I can't-
"Kuya!" Karina stood up and hugged Luxia. Kung hindi lang talaga ako aware na magkapatid sila, iisipin ko na mag jowa sila.
"Luxia.." mahinhin kong sabi. Narinig niya kaya yung pinagsasabi ko kanina? Ponyawa namang yan!
He exhaled sharply, "What?"
Nagmamaldita nanaman siya! Kung i-expose ko kaya secret niya? 'HAHAHAHA!' anuba yan! tumatawa na agad ako sa isip ko jusmeyo.
"Hey, You wanna know a secret of Luxia?" I asked them and smiled mysteriously. Napatingin silang lahat sa akin. Nagtataka din akong tinignan ni Luxia.
"I'll give you 10 seconds to think about a secret that WE did." diniin ko pa 'yung 'We' para maasar talaga siya. Nilipat naman agad nila Karina, Hanna at Drei ang tingin nila kay Luxia.
Binilangan ko siya. "10"
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
Nang marealize niya 'yon. Agad niya akong tinapunan ng masamang tingin. "Saianna! Tigil tigilan mo yan!" Hoy! Saianna nanaman! 'Wag ganyan! Feeling ko ang hot hot ni Luxia 'pag binabanggit niya yung real name ko and not my nickname. Jusmeyo. Nahuhulog nanaman ang marupok na Saianna.
I scoffed and sighed. "Too bad, he realized it."
"I'll tell you when he's not here." I whispered but he still heard it. May malakas na pandinig 'tong lalaking 'to ha! "Tss"
"Kuya, why are you here?" Karina asked him.
"Dad asked me to accompany you here. 'Diba may pupuntahan ka?" Luxia answered and proceeded to the pastry kitchen.
I forgot to tell ya'll that they also make delicious tiramisu —which is my favorite.— and bread. I wonder if Luxia also know how to make tiramisu. Baka naman Luxia! Kahit late birthday gift lang! Hihi.
Jusko! Lumalandi nanaman ako! Sami tigil tigilan mo na 'yan! STOP BEING MALANDI AND MARUPOK NAAAA!
Bumalik na kami ni Hanna sa condo para mag ready papunta sa bahay namin. May tennis court kasi sa bahay at tinuturuan ko si Hanna kung pano mag tennis.
Magaling siya sa badminton. Pero magkaiba 'yon at ang tennis. Mas mahirap ang badminton kaysa sa tennis para sa akin since tennis player ako. But for Hanna, it's vice-versa dahil nga badminton player siya.
Nakasakay na kami sa kotse na dina-drive ni tita Jia. Sinundo niya na kami dahil may kinuha rin siya sa school.
"Sami, do you want to play doubles with Luxia?" Tita Jia suddenly asked that left a shock on my face.
"What?! Me? No way!" pagpapa-bebe ko.
"Tss. Sure ako gusto mo rin naman! Pa Hard-to-get ka talaga Saianna!" tumawa si tita at Hanna. Tse! Gigil niyo ako! Buwisit na yan.
Nginitian ko sila. Eto na! Hindi na ako magpapa-bebe. Kailangan ko gumalaw galaw.
"Okay, sure. But.. for what? Bakit kami magpla-play ng doubles? We are from different clubs even if nasa both departments kami. It is invalid." tita jia just scoffed at what i said. Ang haba haba ng sinabi ko eh!
Umiling siya bago nagsalita, "May upcoming event at invited ang school natin. Officially Approved by the director of Teen Tennis Organization."
"Huh? I.. don't understand."
Tita Jia clicked her tongue. "Their should be representative for each clubs of a tennis department per school. 3 Doubles. 3 singles."
"Sa doubles, the partners should be a boy and a girl. and sa singles naman, 2 boys 1 girl." pagtuloy niya.
"Then I would play singles." kahit malandi ako, Singles padin talaga ang pipiliin ko dahil yun ang forte ko. Ayoko mag doubles dahil wala kaming coordination nung Luxia na iyon at baka matalo pa kami.
"Hindi na pwede. Hailycee will play for singles." jusmeyo! Hailycee naman!
"Then, I won't play."
"Para namang gusto ka ka-partner ni Luxia!" pang-aasar ni Hanna. Tse!
I pouted, "I'll think about it."
Bumaba na ako sa sasakyan dahil nakarating na kami sa bahay. Dumeretso ako sa tennis court pero pisting yawa! Naglalaro na si Kuya at si Luxia. Bakit mas nauna pang nakarataing si Luxia dito sa bahay? Isn't he busy on their cafe?
Lumapit ako kay kuya saka nakipag beso-beso. Kahit naman palagi kaming nag-aaway non, close pa din naman kami. Ginagawa pa nga niya akong baby even if grade 10 na ako.
"I am pretty sure tita told you about it naman na 'di ba?" he asked me. Kailangan ko na ata talagang gumalaw-galaw baka maunahan pa ako. "Yes."
"So? what do you think?" tanong ulit sa akin ni kuya.
"Okay lang naman sa akin. Ewan ko nalang sa isa diyan." pag paparinig ko kay Luxia.
"I am also okay with it!" sigaw niya. Inirapan ko lang siya.
Kinuha ni Yaya ang bag ko at bag ni Hanna. Si kuya na daw ang magtu-turo kay Hanna para makapag practice kami ni Luxia. Yung dalawang 'yon, tss. Nakakahalata ako ng kakaiba.
In-on ni tita yung tennis-ball launcher na nasa kabilang side namin ni Luxia. Nakatali kami ngayong dalawa. Hindi ganon kahaba ang tali dahil yun ang sinabi ni tita. Sabi pa niya na kailangan daw namin 'yon para sa coordination. Daming alam!
"Mine!" sigaw ko at tumakbo palapit sa tennis ball na papunta sa side ko. Narinig kong sumigaw sa sakit si Luxia dahil nadapa siya. Hindi ko na nga natamaan yung tennis ball nasugatan pa siya! Tita kasi!
Nagpatulong ako kay kuya para paupuin si Luxia sa gazebo sa gilid. Lumapit naman sa akin si tita saka hinawakan ang kaliwang braso ko.
I gasped out of pain. Na-injured ako sa left arm ko 2 years ago, sa ankle ko naman 4 years ago, at hindi pa ako nagrerecover, fully.
Napailing si tita saka nagsalita. "I think we should go see doctor." I forced a smiled despite the pain. "Okay lang ako tita."
Tinignan niya lang ako saka ako inalalayan papunta sa gazebo kung saan nandoon si Luxia. Kinuha nang isa sa mga yaya namin ang first aid kit.
Pinagmasdan ko ang mga sugat ni Luxia bago ko iyon pinahidan ng gamot. Halos mangiyak-ngiyak na siya sa sakit pero hindi niya iyon ipinapakita dahil nga nagpapaka-strong. Jusko! "Sorry. I didn't meant to hurt you. Nahila nga kasi." pagpapaliwanag ko.
He just sighed and looked at me. Jusko! Matutunaw ata ako sa tingin neto! Pisting yawa naman Luxia! 'Wag ganyan, ha! Nahuhulog ako lalo.
Napansin naman 'yon ni kuya at ni Hanna. "Tss." ayan! galit nanaman tuloy si Kuya! Tinignan lang naman ako ni Hanna, halatang nang-aasar ang gaga!
I bit my lower lip to prevent myself from smiling ear to ear. Tsaka ko ulit ipinagpatuloy ang pag-pahid ng gamot sa paa niya ng may marinig kaming boses na nanggaling sa likod namin. "Saianna! Sian!"
Tinignan ko kung sino iyon at bumungad sa akin ang mukha nila mommy at daddy na naka ngiti. Bakit ngayon pa? Aish!
Siyempre, hinila nanaman ako ni kuya para i-greet at i-hug sila. Tuwang-tuwa naman sila don. Me and my parents aren't that close. Mas close nila si kuya at nang isa kong ate. Not EXACTLY my ate, but mas nauna siyang inilabas kaysa sa akin.
She is Sidney Ann, my twin. She is also a tennis player pero lumaki siya sa South Korea kasama ang parents namin. Hindi naman sa lumaki siya doon pero, siya ang kasama nila mommy and daddy sa South Korea.
She is the one and only favorite of mom and dad. And, We are not that close. Kinakainisan ko pa nga siya. 'Di hamak na mas maganda at mas magaling ako sa tennis kaysa sakanya pero ang feeling niya lang! Nakakairita! Promise!
Speaking of the devil. Okay! What the fuck?! Anong ginagawa niya here in the Philippines?! Didn't she said na ayaw niya here in the PH because nasanay siyang nasa SK?
"Oh, you are also here." Nilapitan ko si Sidney. Napa-awang ang labi niya ng makita malapitan ang clearskin at mala-dyosa kong ganda. "o.. kay.." she gasped holding dad's arms. Jusko! Nakakapunyeta, ah! Nakakatakot ba ako ha?! Sa ganda kong 'to natatakot siya?! Eh, Pumikit pa nga ako nung nilapitan ko siya dahil baka maging bato pa ako 'pag tinignan ko ang pangit niyang mukha. Tse!
"Saianna, you didn't tell me you have a very handsome boy best friend." tumingin siya sa gawi ni Luxia. Iniwasan lang naman iyon ni Luxia na ikinatawa namin ni Hanna. "I am not her boy best friend." mapanakit ka Luxia, ah!
Napa-taas nang isang kilay si Sidney. "Then.. who are you?" Agad naman siyang sinagot ni Luxia.
"No One." sagot ni Luxia. Napatingin ng mas malalim si Sidney sakanya halatang naiinis na siya pero interested siya sakanya. And this time, itinaas niya both eyebrows niya.
"I am nobody." sabat ni Luxia tsaka kinuha ang bag niya at umalis sa tennis court. "Captain, we should just practice tomorrow."
Kuya just nodded. Nagsalita naman si tita habang naka cross-arms, "He is really unstoppable, huh?!"
Tsk! Papansin kasi si Sidney ayan tuloy! Pisting yawa! 'Di ko pa nalalandi si Luxia, ah! Pa-epal 'tong kumag na 'to. Tse! Umuwi na din tuloy si Hanna. Hmp.
Nasa hapag-kainan kami pero nagpho-phone si Sidney. Nagtataka ako kung bakit hindi siya pinapagalitan ni mom and dad, samantalang noong bumibisita sila dito sa Philippines ng wala si Sid tapos may nag-call sa akin sasagutin ko sana pero pinagalitan ako! "Favoritism." bulong ko saka inirapan si Sidney.
Kinabig naman ako ni tita dahil napansin niyang nakatingin sa akin si Daddy. Agad ko namang ibinaba ang Fork and Knife na hawak hawak ko. "What? Any problems?" i asked sarcastically.
"Saianna, bakit ka ba naiinggit sa kapatid mo?"
"Excuse me?! Ako naiinggit?! Bakit ako maiinggit if I live a privilege life here in the Philippines with tita and kuya. It's not a problem. You TWO- oh. THREE are the problem." sagot ko saka tinuro silang tatlo. "Nakakawalang Gana!" sigaw ko saka sila iniwan sa dining table. Sigaw lang sila ng sigaw ng pangalan ko don.
Sinundan naman ako ni kuya. Ni-lock ko na nga ang pinto ng kwarto ko pero sure ako na kukunin niya ang susi tsaka bubuksan 'yon.
"Saianna, look. Dito na titira si Sidney kasama tayo." WHAT?!
"No! Lalayas ako dito kapag pinayagan mong tumira siya dito! Edi sana dun nalang siya sa bahay natin sa Laguna!" tinalikuran ko si kuya.
"I can't even do anything." agad naman niyang sagot.
Tumayo ako saka kinuha ang backpack ko. Nag lagay ako doon ng Hoodies and Pullover sweaters. "Edi Don't!" sigaw ko kay kuya saka siya iniwan sa loob ng kwarto ko.
Tumayo naman si Mom at Dad ng dumaan ako sa gawi nila. Si Sidney? Walang paki-alam. Kinuha ko naman ang susi ng Kotse ni tita. Si tita lang ang kakampi ko sa bahay na 'to.
Ini-start ko na ang engine ng sasakyan. Pinabuksan ko naman sa guard namin ang gate.
Bawal ako pumunta sa condo namin ni Hanna ngayon dahil mahahanap ako doon nila Kuya.
Tinawagan ko si Eya. "Hello? Eya. Pwede ako pumunta sa condo mo?"
[ I am sorry Sami, pero nasa bahay ako ngayon. Birthday ni mom.]
"Okay sige sige." pinatay ko ang call.
Tinext ko naman si Sandara pero sabi niya may trip daw sila out of town kasama ang family niya. Wala akong choice kundi sa condo.
Nagparking ako ng nag-vibrate ang phone ko. In-on ko iyon at nakita ko ang dm sa akin ni tita sa insta.
jiacoachee: alam kong wala kang mapuntahan ngayon kaya tutulungan na kita.
saiy01: how?
jiacoachee: i-dm mo si Luxia. isesend niya sa iyo yung address nila. glu3xia - 'yan yung instagram username niya.
saiy01: what? bakit ako matutulog sa kanila? no way.
jiacoachee: arte mo. kasama mo naman si ate niya. pumayag na si karina na ka-kwarto ka muna niya.
saiy01: kelan pa kayo naging close nung karina na 'yon.
seen.
Sinearch ko ang sinabi ni tita na username ni Luxia. Agad namang lumabas iyon. Naka private account pa, sus!
Id-dm ko na sana siya kaso nauna na ang kumag.
glu3xia: Feriva Ave. Ext. 056
saiy01: okay. see you mahar
seen.
Hindi gumana panlalandi ko! Sa susunod ka sakin yawa ka.
Agad akong nag-drive papunta sa address na binigay ni Luxia. Excited na akong makita si bebe Luxia in his pajama, hihi. Charot!
Nakarating na ako doon at nakita ko agad ang daddy nila Luxia. May hinihintay ata.
Tinignan ako ni tito tsaka niya in-open ang gate papunta sa garage nila. Nakita kong lumabas si Karina.
"Hello, Ate Saianna!" bati niya sa akin.
"Hello." balik na bati ko sakanya. Napanganga ako ng bonggang bongga dahil sa laki nang bahay nila. Siguro dahil sa madami silang business. Akala ko malaki na ang bahay namin pero mas malaki pa pala itong sakanila. Jusko! Dito ba ako titira soon? Omaygasss!
Hindi ko nakitang lumabas si Luxia kaya na-sad ako 'don konti. Pinapasok naman ako nila tito at Karina sa bahay nila, Jusmeyo! Sobrang ganda!
Madami silang kasambahay. Nandoon din si Ate Fe na nakilala ko noon sa café nila. Binati nila akong lahat. Ang babait nila.
"Ke, ipunta mo na si Saianna sa kwarto mo." bilin ng daddy nila kay Karina. "Sige po, daddy." sagot naman niya.
Dinala niya ako sa isang napakalaking kwarto sa 2nd floor nang kanilang bahay. "This is my room. Feel free to tell me if you are not feeling comfortable then I can take you in the guests room." sabi niya sa akin sabay ngiti. Mabait naman pala siya.
Matagal bago ulit ako nagsalita. Pinagmasdan ko muna nang maayos ang kwarto niya. "I'm okay here." I smiled back.
"I know you are looking for Kuya Luxia." nagulat ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya. May lahi ba silang manghuhula, ah?
"He is not here yet. May kinuha siya sa condo niya. Babalik na siya dito 'pag malapit ng mag 12am." pagtutuloy ni Karina.
Hindi ako umimik. Nag-shower nalang muna ako dahil nakakahiyang maki-tulog sa kama niya ng hindi naliligo. May bunk bed siya at may single bed din.
"Bakit ka may extrang bed?" tanong ko sakanya.
"Actually, may kapatid ako na bata pa kaso naiwan siya sa Osaka kasama si mom." sagot niya, naluluha pa siya.
Tumango nalang ako at kinuha ang phone ko sa bag malapit sa collections niya ng camera.
"Aish! Lowbatt na ako." bulong ko sa sarili nang makita ang lowbatt kong cellphone. Lumapit sa akin si Karina saka iniabot ang charger niya.
"Salamat." tumango lang siya at umupo sa harap nang computer sa ilalim ng bunk bed.
Hindi ko sinasadyang makita pero may ineedit siyang video. "Vlogger ka pala?" tanong ko sakanya.
Tumingin siya sa gawi ko saka tumango. "2 years na akong vlogger. Siguro hindi pa ako famous since hindi mo pa po ako kilala." she chuckled.
"Ano name ng channel mo?" tanong ko sakanya.
" 'Ke Gomez' yung vlogging channel ko. 'xu keke' naman yung channel ko kung saan I cover songs. Either Vocal or Dance. Pwede both. " she chuckled. Agad kong sinearch 'yon sa isa ko pang phone.
YouTube Search: Ke Gomez ; 300k Subscribers
My Daily Routine + Playing tennis with my brother.
Agad kong clinick ang video na iyon. Nakita ko kasi sa thumbnail si Luxia. Tumawa si Karina nang marinig niya ang boses nila ni Luxia.
"Hey, Ate! I knew it. You are interested with Kuya Luxia. Right?" tumatawa pa rin siya.
"Maybe?" sagot ko.
Nag-usap kami about tennis at tuluyan na din kaming napagod at inantok. Nakatulog kaming dalawa sa single bed. Kinuwento niya din sa akin lahat ng nakakahiyang pangyayari sa buhay ni Luxia.
_______________________________________
; chapter 5. :))