Napailing ako ng hindi matamaan ni Luxia ang bolang sinerve ni Kuya Bryce. One of the most unbelievable tennis players here in Montawen aside from Kuya Sian and Zhi.
Kinatatakutan ng lahat si Kuya Bryce dahil sa structure ng katawan niya na sobrang laki. Wala rin sa vocabulary niya ang salitang 'talo.' Palagi siyang panalo. Maging si Kuya Yuan na hindi rin nagpapa-talo dahil sa data-tennis niya ay natatakot kay Kuya Bryce.
"Nice!" nag apir pa sila ni Caroline, ka-teammate niya. Hay, magkakatuluyan 'tong dalawang 'to.
Nilipat ko ang tingin ko kay Luxia. Wala siya sa sarili niya. Usually, siya ang nags-scold sa akin if hindi ko natatamaan 'yung mga bola na papunta sa direction ko. Ano meron?
I decided to go towards him. Pero nang maka-lapit na ako sa kanya, bigla na lang niya akong tinulak dahilan para matumba ako.
"W-what's wrong? What's b-bothering you?" I nervously asked while standing up. Mamaya maging zombie 'to bigla, ah.
"I-i'm sorry, Sami. I'll go first." bumalik siya sa side bench ng court para kuhanin ang gamit niya. Gulat na gulat pa din ako at patuloy na pina-process ang lahat ng nangyari.
Natigilan din sila Kuya Bryce at Caroline dahil do'n. Nilapitan nila akong dalawa.
"Are you okay?" concerned na tanong sa akin ni Caroline. Tumango lang ako.
I saw Kuya Bryce tilting his head. "Ano problema no'n?" nagtatakang tanong niya. Cute pala siya 'pag gano'n 'yung mukha! Jusko!\
Napailing na lang ako 'saka kinuha ang gamit ko para lumabas sa private court at mag rant kay Hanna. Lumiwanag ang diwa ko ng makita ko si Dylan. Pero nabawi din 'yun ng biglang nag cling si Sydney sa arms niya. Nakakirita. Ang landi! 'Di ko 'yan kambal, ha?!
"Dylan!" kinawayan ko sila. Agad naman akong tinignan ni Kuya Dylan at ni Sydney.
Inalis ni Dylan ang kamay ni Sydney sa braso niya na ikinatawa ko sa kaloob looban ko. Punyeta! Na dump si Sydney. Wala pa ngang ginagawa, basted na agad! Kawawa naman ang dear twin sister ko.
I pursed my lips while looking at her. Pumikit pikit pa ako. Nag walk out tuloy. Inis na inis ang gaga.
"Sami, dito ka rin nag aaral? Kakabalik ko lang galing Cebu. Sobrang busy ng business do'n." pagkwekwento niya sa akin.
Siya si Dylan, actually, mas matanda siya sa akin pero wala akong manners.. so, ayun. Charot! 3 Months lang naman agwat namin.
Nginitian ko lang siya, hindi alam ang sasabihin. Tumingin ako sa relo ko, lunch na pala.
"Tara, Lunch." aya ko sa kanya. Agad naman kaming nakarating sa canteen.
Nakita ko si Prim na kumakaway sa amin. Umupo naman kami sa space na ni-reserve ni Prim para asa amin. Nakita ko si Iraine na nakatingin sa direksyon namin, nagpapapansin.
"'Sup, Prim!" bati sa kanya ni Dylan.
Ako, si Eya, Hanna, Prim, Levi, Gia at Dylan ay magkakaklase na since Elementary. Nagkahiwahiwalay na lang kami ng middle school. Nakilala namin ni Eya, Hanna at Prim si Sandara nung Junior High days namin.
"Sup, bro! Kamusta Cebu?" tanong agad sa kanya ni Prim.
"Ayos lang, ikaw? 'Di ba nakakabother ang masyadong maraming fans?" they chuckled.
Sa aming magkakaibigan, si Dylan talaga ang pinaka magaling sa tennis. He's the real prodigy. 'Kung hindi lang siya nagka problems financially, sikat na siya ngayon.
"Ayo'ko ne'tong pagkain. Ang pangit ng lasa!" pag iinarte ni Hanna. Pero, ang pangit talaga ng lasa, kaya hindi ko na tinuloy kainin. Baka magkasakit pa ako lalo. "Sira ata 'yung ingredients," sabat naman ni Levi.
Nakarinig kami ng sigawan sa corner table kaya agad naman kaming naki tsismis. Nang makarating kami do'n, saktong nahimatay 'yung isang babaeng estudyante.
Nakakatakot naman! Agad siyang binuhat ng mga lalaki, pero habang papalabas sila sa canteen, nahimatay din sila.
"What the fuck is happening?!" I panic-shouted.
Ibinalik namin ang tingin namin kay Cyan. Masakit daw tyan niya. Nagulat na lang kami ng bigla na lang siyang natumba.
"Uy! Cyan!" sigaw namin sa kanya.
Nagkakaguluhan na sa loob ng canteen. Anong nangyayari? Nagtawag na kami ng teachers at ng ambulance para idala sa hospital 'tong mga nahimatay na students. Ang takaw kasi ni Cyan! Ayan tuloy.
"Sige po, tita Charmy," pagpapaalam ni Prim sa nanay ni Cyan. Nagpaalam na rin kaming lahat sa kanya.
Pagkalabas na pagka labas namin sa hospital room ni Cyan, agad akong umupo sa upuan na nan'don. Ganoon din ang ginawa ni Hanna at Levi pati si Dylan. Si Prim naman, naka sandal lang sa wall, may tinatawagan.
"Hello, manager.. Si Cyan po.. Nasa hospital.. Montawen High Hospital po.. Yes, manager.. Ano po?... Food poisoning, expired daw po 'yung ingredients.. Sige po.. Sorry po.. " he sighed deeply after ending the call.
"Levi," he pursed his lips. Hinarap lang naman siya ni Levi 'saka tumayo. Lumayo sila sa amin nila Hanna at Dylan kaunti para may privacy sila. Nakita ko kung paano umiling iling si Levi 'saka bumalik sa kinakaupuan niya kanina. We didn't bother asking the both of them. Nakakatakot pa man din sila 'pag wala sila sa mood.
Nag-text daw kaklase ni Dylan, kailangan niya ng bumalik sa school dahil may group project pa silang ipapasa. Umuwi na rin kami ni Hanna. Wala naman kaming gagawin dito.
"Sa tingin mo, ano 'yung problema do'n sa school kanina?" nagtatakang lumingon sa akin si Hanna pagkatapos 'kong magtanong.
"Ewan. Pero may something talaga, eh." sagot naman niya.
"Kanina, si Luxia.. ang weird." pagkwekwento ko kay Hanna. "Ah, a-ayon? 'Yung l-lalaking 'yon?" nauutal niyang sabi 'saka tumawa ng marahan. Parang baliw. Napailing na lang ako bago umupo sa tabi niya.
"May episode 3 na?" tanong ko sakanya ng mapansin 'kong si Ji Chang Wook pa rin 'yung cast. Tumango lang siya. Weird naman nilang lahat ngayon.
Natapos na namin 'yung episode 3 ng Lovestruck achuchu ni Ji Chang Wook kaya naisipan naming manood ng movie.
'Scouts Guide to the Zombie Apocalypse.'
"Ay pota! Gago! Kinagat 'yung leader nila!" sigaw ni Hanna. Hinigpitan niya pa ang yakap niya sa leeg ko. Ang sakit!
"Aray! Teka nga." pilit 'kong inaalis 'yung pagkakahawak niya sa akin pero mas hinigpitan niya pa 'yon. Punyeta naman, Hanna! Napabuntong hininga na lang ako 'saka ulit itinutok ang mata ko sa tv. 'Di naman masyadong nakakatakot. Nakakatawa kaya, actually. Ewan ko 'dito kay Hanna Banana, takot na takot ang gaga.
"Hoy! Gising." pilit 'kong ginigising si Hanna. Tangina ne'to. Male-late kami.
"Iiwan kita dito. Pupunta na ako." ginigising ko pa rin 'tong babaitang 'to. Nag-iwan ako ng note sa may table kasama ng niluto 'kong porkchop kanina.
"Prim!" lumapit ako sa direksyon nila sa may gazebo. "Ano pinag-uusapan niyo?" tumingin ako sa kanilang apat.. lima? Bakit nandito si Luxia?
Tinaasan ko sila ng kilay ng mapansin 'kong tinignan nila akong lahat, except kay Luxia. Sabay sabay pa nilang tinagilid ang mga mukha nila na parang 'bang may iniisip.
"Ano type mo sa lalaki?" nagulat ako sa tanong ni Kuya Josh. Napatingin si Luxia sa kanya dahil sa tanong niyang 'yon.
"Suddenly? Bakit?" nagtataka ko siyang tinignan. Nakita ko na bigla na lang siyang nagpanic sa tanong ko.
"'Yun kasi 'yung pinag uusapan namin kanina. Na-late ka kasi." sagot naman ni Prim. "Nasaan si Hanna?" agad niyang tanong nang mapansin niyang mag-isang dumatin.
"Nasa condo. Naglalaway pa." naiinis 'kong sagot ng maalala ko nanaman si Hanna. Tss!
Tumango lang siya, gesturing me to answer their question. Nag-isip muna ako ng malalim 'saka ngumiti at ibinalik ang tingin sa kanila.
"I want someone who is better at playing tennis than me. Or.. pwede rin 'yung.. basta marunong mag-tennis na pwede 'kong kalaruin buong araw ng hindi naboboring." tumango tango pa ako.
Agad naman silang sumimangot. "Iyon na 'yun?" takang tanong nila sa akin. Ano pa 'bang gusto nila?
"What?" tinaasan ko sila ng kilay. Ang gulo naman nilang kausap. 'Di pa ba okay 'yung sinabi ko? Ni hindi ko nga narinig 'yung sa kanila. Tse!
"Gwapo, tapos mas matangkad lang sa akin ng ilang inches. Ayoko ng masyadong matangkad. Tapos gusto ko sa medyo bad boy, seryoso pero mabait, may respect and.. hmm.." magsasalita pa sana ako pero agad naman nila akong pinigilan.
"Teka lang, Saianna! Bakit ang dami?" sabat ni Prim. I sighed heavily and smiled sarcastically. "Tinatanong niyo ako, 'di ba? Ayaw niyo? E'di 'wag!" aalis na sana ako nang pigilan nila ako.
Napailing ako 'saka bumalik sa kinauupuan ko kanina. "Tuloy ko?" tumango lang sila.
"'Yung hindi ako ikakahiya tapos mahilig sa music, magaling kumanta at sumayaw." ngumiti ulit ako habang iniimagine 'kung sino man 'yon. Nagulat ako ng biglang may nang-batok sa akin.
"Darn you, Hanna!" hinila ko ang buhok niya at pinaupo sa tabi ko.
"Ang choosy mo! Masyadong perfect ang hanap mo! Mega'non?" she hissed. Nakita ko namang tumango tango 'yung mga lalaki. Tumayo ako at babatukan sana sila isa-isa pero nag-ring na 'yung bell.
"Mamaya kayo sa akin!" tumakbo ako paalis.
"Punyetang bag 'to!" I whispered when my bag started falling off my shoulders. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa loob ng classroom. Saktong pagka-upo ko ay dumating na si Cher Carl.
"Okay, class. I just want to inform you that Montawen High will participate for the upcoming Teen-tennis Municipal mixed-gender meet. So Basically, we chose best among the bests of all our tennis players. So if you want to go and cheer for them, you can apply for the cheerleader squad prepared for you. The schedule, location and the tennis players that'll play will be posted in the bulletin board in the hallway of 1st floor." pagkatapos 'yan sabihin ni Cher Carl, agad siyang nagdiscuss about sa History. Naboring nga ako kahit nakinig ako.
I usually participate in history class, pero wala ako sa mood ngayon. Sumunod naman si Ms. A, music teacher namin. Wala naman kaming ginawa. Discuss lang about notes, tapos 'yun na 'yon. Nag-break nanaman.
Bumalik ako sa gazebo kanina dala dala ang aking ukulele at notebook. Dahan-dahan akong nagstrum hanggang sa makabuo na ako ng melody.
"Lyrics na!" I cracked my knuckles and got my ballpen.
"You didn't think.. hmmm.. hurt me," I hummed. "But your words they broke right through the seams." pag tuloy ko.
"Nice! Ang ganda." puri ko sa sarili 'kong gawa. In fairness. May sense 'yung first verse.
"E'to na! Choru-" naputol ang sasabihin ko ng biglang may kumalabit sa akin.
"Karina!" bati ko sa kanya 'saka siya niyakap. Pinagpag ko ang space sa tabi ko 'saka siya pinaupo.
"Ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan ni Kuya 'yung racket niya. Bago 'yun. Ngayon niya lang nakalimutan 'yung pinakamamahal niyang raketa." umiling iling siya.
"Oo nga, eh. He always scolds me kapag hindi ko natatamaan 'yung mga tennis balls na papunta sa akin pero 'nung last na nagpractice kami, siya 'yung naka miss du'n sa ball." I sighed.
"Something's wrong with him." bulong niya bago nagpaalam na aalis na dahil may klase pa sila.
_______________________________________
; chapter 10. :))