Nagising ako ng 5:00am at nakita kong wala na sa tabi ko si Karina. Kaya naman chineck ko ang bunk bed. Wala din siya doon.
Lumabas ako para hanapin siya. Tumingin ako sa paligid at nakita kong may palabas din sa kabilang room. "Luxia?" nakita ko si Luxia na magulo ang buhok. Siguro kakagising lang din.
Nakasuot siya ng black silk long sleeves pajama. Tinignan ko ang suot ko at parehas pa kami! Nakita ko lang 'to sa compartment sa likod ng kotse ni tita kagabi kaya isinuot ko na. 'Yon kasi ang sinusuot namin ni tita tuwing natri-tripan namin matulog sa kotse or van.
Napansin niya ako kaya agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at nagkunwaring kakalabas lang.
Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad sa hallway hanggang sa makarating sa hagdan pababa. Sumunod naman ako para hindi niya isiping pati doon eh sinusundan ko siya.
Nang makarating ako sa sala nila, binati ako ng daddy nila at sinamahan papunta sa dining table. Nakita ko si Karina na nakatalikod at kinakausap ang isang lalaki doon.
"Karina, tigilan mo na si Chef Marky." Luxia chuckled. Tumawa din 'yong lalaki which Luxia addressed as their 'chef'. Ang cute cute ng tawa ni Luxiaaaa! Help. Nahuhulog ako ng sobra sobra!
"Oh, Hey Sami! Good Morning." bati sa akin ni Karina. Maaga palang pero naka tennis suit na siya. Napaka sipag naman magtraining ne'to. "Hello." I greeted back.
Tumingin si Karina sa suot namin ni Luxia. "You two are literally wearing a couple pajama." she chuckled. Inirapan lang siya ni Luxia saka lumabas. Ako naman, inismiran lang siya.
Natapos kaming kumain ng breakfast. Nag-chat din sa akin si Hanna na pumunta daw doon sila Kuya at umalis na. Pupunta na din ako sa condo ngayon dahil for sure hindi naman na ulit babalik sila kuya doon.
"Saianna, balik ka mamaya. Hindi ba't magprapractice pa kayo ni Lj for doubles?" tanong sa akin ng daddy nila. "Yes po, tito. Paano niyo po nalaman?" WOW NAMAN SAIANNA! TITOOO! TITOOOO! OMJ!
"Sinabi sa akin ni tita mo. Ingat ka sa pagdra-drive. Balik ka dito mamayang hapon, ah." bilin ulit ni tito Louis sa akin. Louis pala pangalan ng daddy nila. Nalaman ko 'yon kay tita noon.
"Sige po, thank you po. Maraming salamat po!" ini-start ko na ang engine ng sasakyan ni tita tsaka umalis. Binilinan din ako ni Karina na mag dm sakanya 'pag nakarating na ako sa condo.
"Ay piste!" nagulat ako sa mukha ni Hanna! Naka-face mask ang kumag!
"Hoy gaga! Ayan layas pa!" bungad sa akin ni Hanna.
"Tse! Piste lang talaga yung punyetang Sidney na 'yon!" I exclaimed saka inilabas ang phone ko.
saiy01: nandito na ako sa condo namin ke.
xukeke: sige, balik ka mamaya.
saiy01: sigiii. see u latuh!
seen.
Nagulat ako nang makita ko si Hanna na nakatingin din sa phone ko at wala na yung face mask niya. "Okay, so kailan pa kayo naging close ng Karina na yan?"
I scoffed, "Kagabi, sakanila kasi ako naki-tulog."
"So, pwede na natin siya maging ka squad? 'Pag pumayag ka, icha-chat ko na agad si Eya at Sandara." ngumuso siya.
"Pag iisipan ko." sagot ko naman habang pabalik sa kwarto ko. "Tss. Hintayin ko hanggang mamayang lunch, ah!" sigaw niya sa akin.
Humiga agad ako sa aking kama nang makapasok ako sa kwarto ko. Kinuha ko din ang aking bag at inilabas ang mga hoodie roon. Naglagay ako ng training clothes at extra oversized white t-shirt and maong shorts.
Nang makarating ako sa bahay nila, agad akong binati ni Karina na naghihintay sa entrance ng court sa bahay nila na may hawak na tennis racket. Mas malaki pa pala 'yung court nila kaysa 'yung sa amin.
Nakita ko si Luxia na naglalaro, nakangiti pa! 'Di ko kilala ang kalaro niya pero kita naman sa ngiti ng babae na malandi siya at may gusto siya kay Luxia.
Tinignan naman ako ni Karina, halatang alam ang nasa isip ko. "'Wag mo nang tignan ng masama 'yang babae. Siya si Geneva, badminton player sa DF Univ. Pumupunta siya rito parati para makipaglaro kay Luxia nang tennis." Geneva? Tss. Pangalan pa lang malandi na!
Nang ilipat ni Luxia at ng Geneva na 'yon ang tingin sa amin, nawala ang ngiti ni Luxia. 'Yung Geneva naman, lumapit sa amin. "Hello, I am Geneva." 'saka ini-abot ang kamay niya sa akin.
Hindi ko naman tinanggap 'yon, "i know."
Inilapag ko ang Tennis racket ko sa upuan kung saan nakaupo si tito Louis.
"O, Saianna. Nandito ka na pala?" ngumiti siya sa akin ng mapansin niya ako. "Hello po tito,"
Agad 'kong kinuha ang raketa ko tsaka pumunta sa tabi ni Luxia. Si Karina naman, pumunta sa kabilang side ng court, sinundan naman siya ni Geneva.
"You're enjoying playing tennis with her, huh?" I smirked at him teasingly hiding teh jealousy I have. "What do you mean?" he asked back not even bothering looking at me.
"I mean, kanina, abot tenga 'yung ngiti mo- Holy Crap!" I looked up at Geneva giving me a peace sign. Halata naman na sinadya niya 'yon 'no!
Tinignan ko siya ng masama. Nang mapansin 'yun ni Karina, agad siyang nang-awat.
Tinuloy na lang namin ang pag lalaro. Sayang! Hindi ako naka-bawi dahil laging sinasalo ni Karina 'yung mga bolang pinupunta ko kay Geneva. Tse! Hapon na 'din akong naka-uwi. Nagpa-sundo pa ako sa driver ko dahil namamanhid 'yung paa ko.
"Eya! Pahinaan mo 'yang tv" sigaw ko kay Eya habang may pinapanood siya sa Netflix. Nilaksan pa niya! Jusko! Mahabagin, patawarin niyo po ako. Baka masapak ko 'to.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko sa kusina. Nagshe-shake ako ng avocado drink para naman halthy pa din kami.
I need to maintain my diet kahit matakaw ako 'no! Mid-November 'yung sinasabi ni tita Jia na laban namin ni Luxia sa ibang school. Expectedly DF University. Malakas mga tennis players nila 'don gaya ni Karina, buti nalang 'di siya kasama.
Todo practice ako mag-isa ko. Ayaw kasi ni Luxia, eh! Mas gusto niya 'don sa Geneva na 'yun. Kung type niya mga badminton players, dapat sinabi niya sa akin para lumipat ako ng club or nagpaturo sana kay Hanna. Kainis naman 'yan!
Muntik ko nang matapon ang avocado shake na nilalagay ko sa tatlong baso. "Fuck! who is this-" napangiti ako nang makita ang pangalan ni Prim, my boy bestfriend.
"Hey, bro!" agad 'kong bati sakanya after na sinagot 'yung tawag niya.Tumingin sa akin si Eya pero binalik niya 'din agad tingin niya sa pinapanood sa tv.
"How's Italy? Kailan balik niyo? Huhu" I faked a sob. "Miss mo agad ako! Baka daw mag-extend kami ng one or 2 years dito at mag graduate ng highschool dito na din. Ang ganda, sobra! Lalo na 'yung mga babae dito." kung nandito lang 'to sa tabi ko, siguro nabatukan ko na siya.
I scoffed, "Tss! Mas maganda pa'ko sa mga 'yan!"
"Oo nalang. Sige, mamaya ulit. Tawag na ako ng jowa ko." Tumawa siya. Aba kala mo naman may jowa talaga. "Sige bro, bye!" I ended the phoe call.
Bigla akong naluha. Ewan ko 'din kung bakit. Yawa!
"Oh? Gaga! Bakit ka umiiyak?" tumakbo palapit sa akin si Hanna nang makita niya akong lumuluha habang naglalagay ng Avocado shake sa baso. "Nako! Tumawag kasi 'yung bestfriend niya." sabat naman ni Eya.
"Ako na nga diyan" Inagaw ni Hanna sa akin 'yung glass jug ng blender or whatever you fucking call that. Umupo na lang ako sa tabi ni Eya at inasar siya. "Mamatay 'yung main lead 'jan tapos magbre-break 'yung second couple. Buwisit na buwisit nga ako sa director niyan 'nung pinanood ko 'yan for the first time."
Tumingin siya sa akin 'saka siya ngumiti. "Alam mo Sami, ang sarap mo siguro"
I scoffed. "I know right, Ofcourse! Gusto mo matikman?" I lowered the cardigan I was wearing to expose my left shoulder 'saka inilapit 'yon saknya.
"Sarap mo siguro batukan" she continued. Aba! Binatukan niya talaga ako! "Fuck you!" I raised a middle finger to her. Narinig ko namang tumatawa si Hanna kaya inirapan ko siya.
Uminom ako sa ginawa 'kong shake. "In fairness Sami, ah. Masarap 'tong Avocado juice mo." nagsalita si Eya nang matikman niya ang ginawa 'kong shake.
"BItch! It's a shake! Nasobrahan lang sa blend kanina kaya parang juice." I rolled my eyes against her.
Natapos namin 'yung pinapanood niyang movie. And as I said, namatay yung main lead at nag-break yung second couple. Tss!
"Epal kasi 'yung director. Sino ba writer at director ne'to? Mas magaling pa si Sandara mag sulat ng story kaysa 'dun eh!" pinanood ko lang si Eya na nagrarant. I told you! Tumatawa ako sa isipan ko.
Nanood kami ng tatlo 'pang movies bago natulog. Wala ng shower shower or skincare, dugyot kasi kaming tatlo, eh.
Pagka-gising ko, nakita ko si Hanna na nasa kitchen, nagluluto ng egg and bacon. Natanaw ko naman si Eya na nasa sofa sa living room. 'Di ko nalang siya pinansin at umupo na lang sa dining table.
"Madam, kain na." sarkastikong sabi ni Hanna habang inaahin niya ang kanin at ulam sa harap ko.
"Punyeta! ang sakit ng katawan ko." nakita naming bumangon si Eya. Nakakatakot eyebags niya. Jusmeyo!
"Gago ka Hanna! Pinuyat mo'ko! Fuck You!" minura mura niya si Hanna na tumatawa lang sa harap ko. Hindi ko sila maintindihan!
"What happened?" I asked them, still confused.
"Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya niyaya ko siya mag inom ng beer, ayun, nalasing." Tumawa ulit siya. "Bitch!" sigaw sa kanya ni Eya.
Ibinaling ko ang tingin ko sa trash can. Aba. Inubos na ata lahat ng canned beer na nasa ref, ah?
Hindi ko nalang pinansin 'yon at kumain nalang. Hindi na crispy 'yung bacon, sayang.
Pagkatapos 'kong kumain, agad akong pumunta sa bathroom para mag toothbrush at maligo. Pagkatapos ko maligo, pumunta na ako sa walk in closet namin ni Hanna at nag hanap ng gym clothes.
Nag-aya kasi si Hailycee na mag gym sa taas ng condo namin.
I wore a white sports bralette, black leggings and a white sneakers. Sumakay ako sa elevator dala dala ang aking bag at tumbler.
Pagka-pasok ko sa gym, hindi ko na kinailangan ng pass para maka pasok dahil palagi akong pumupunta dito tuwing umaga kapag may training or game ako. Nakita ko si Hailycee na nag ii-stretching sa mat malapit sa isang treadmill.
"Captain Sami!" Bati sa akin ni Hailycee nang makita niya akong umupo sa isang training bench. "Sabi ko call me Sami nalang." paalala ko sakanya. She smiled apologeticly at me.
Kinuha ko ang black mat na nasa tabi lang ng yoga balls. Tumapat 'din ako sa isang treadmill gaya ni Hailycee, senyas na kami ang gagamit sa treadmill na 'yon. Nag push up ako ng apat na sets, ga'non 'din sa sit ups. Pagkatapos 'non ay sinamahan ko na si Hailycee na nagtre-treadmill na kanina pa dahil nga kararating ko lang.
"Hailycee, do you want to eat later? I can libre you" I looked at Hailycee who was sweating. Naghahabol na 'din siya ng hininga niya.
"Hail nalang, Sami. Sure, kain tayo mamaya." sumulyap siya sa akin at ngumiti.
Pagkatapos namin mag workout, dumeretso na kami sa shower room para mag shower, of course. Nagsuot ako ng mustard yellow oversized t-shirt at high-waist black tattered pants. Nag tuck-in nalang 'din ako para bumagay.
Umupo ako sa training bench para hintayin si Hailycee. Tumingin ulit ako sa pinto ng shower room. Nakita ko si Hail na palabas 'doon. Sosyalin ang gaga. Naka white blouse siya na may minimalist print na nakalagay, 'hail.'
_______________________________________
; chapter 6. :))