Chapter 10 - Set 9

"Ikaw po nagpabigay ne'to?" inalis ko ang necklace na binigay sa akin ni Hailycee 'nung birthday ko. Tumango lang si Abuela 'saka ako ngnitian.

Tumingin ako sa dagat kahit medyo malayo iyon sa penthouse namin. Naramdaman 'kong hinawakan ni Lola ang kaliwa 'kong kamay.

"Saiyi, alam ko ang pakiramdam ng depression. Dumaan din ako diyan noong kabataan ko. Madami talagang tao ang masasakit mag salita." tinignan niya ako sa mga mata.

Naramdaman ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. Gustong gusto ko umiyak pero ayo'ko ipakita kay Abuela na mahina ang pinakamamahal niyang apo.

Nginitian niya ulit ako. "Ayos lang 'yan, Saiyi. Umiyak ka lang hanggang sa gusto mo. Normal lang 'yan."

Dahil sa sinabi ni Abuela, natuluyan ang pag iyak ko. Iniyak ko lahat ng masakit na nararamdaman ko. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. Si Abuela at Grappy na lang ang tanging kakampi ko, bukod sa mga kaibigan ko at si kuya.

Hindi ko namalayang naka tulog na ako sa tabi ni Abuela. Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Tita para kumain. Ang bilis ng araw, parang kanina lang may nakaharap akong basagulerong lalaki.

I didn't bother eating with the triplets crap. Nakaka walang gana. Narinig 'kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Come In." malamig 'kong sambit. "Saiyi, ito na pagkain mo." inilapag ni tita Jia ang tray ng pagkain sa gilid ng kama ko.

"Kumain ka." isinara niya ang pinto ng kwarto ko.

Tinignan ko ang binigay na pagkain sa akin ni tita Jia 'saka kinuha 'yon. Tinola, rice and watermelon. Kumain ako after n'on, agad akong nanghiram ng damit at shorts kay tita Jia 'saka ako naligo. Naghugas na lang ako ng mukha bago natulog, 'di ko naman kasi alam na dito pala ang punta namin kaya hindi ko nadala 'yung emergency skin care bag ko. Uuwi na din naman ako bukas kaya wala na akong pake.

"Hoy, Babaita!" bungad sa akin ni Sandara at Eya. Aba! Nasa condo nanaman namin 'tong dalawang 'to. Hapon na ako nakauwi dahil madami 'pang tinignan 'yung triplets crap. Malay ko sa kanila.

"Pasalubong ko?" Sandara handed her hands to me. May kinuha ako sa bulsa ko 'saka iyon nilagay sa kamay niya. "Oh, Ayan. Hangin" ngumisi ako.

"Hanna! May nag text ba sa'yo?" tanong ko kay Hanna habang umuupo sa sofa. Nakita ko lang siyang umiling. Tagal namang gumawa ng move ni Prim. Ang hina! Coward!

"Ano 'tong pinapanood niyo?" tanong ko kay Sandara at Eya. "Lovestruck achuchu" sagot ni Eya.

"Ah, Ji Chang Wook." tumango ako 'saka plinay 'yung pinapanood nila. Dalawang episode pa lang kaya nakaka bitin.

"Hanna, mi amor. Order mo sisteret!" maarteng sabi ni Eya ng may dumating na order si Hanna. Ang adik ne'tong babaeng 'to sa kitchen equipment. Order ng order.

"Yay! Finally may bago na tayong air fryer!" tuwang tuwa ang gaga. Ang hilig kasi magluto at kumain, e'di ayan! Nginitian ko lang silang lahat bago pumasok sa kwarto ko. Monday nanaman bukas. Grabe, may pasok nanaman.

Kinabukasan, sabay sabay kaming apat na pumunta sa school dahil nakitulog 'yung dalawa sa condo kagabi. Since sa Yuwen High sina Eya at Sandara, naiwan nanaman kami ni Hanna Banana.

"Saiyi!" narinig ko ang boses ni Prim galing sa likuran namin kaya naman agad akong tumalikod. Napalingon din si Hanna dahil sa boses niya. Nakita ko din 'kung paano tinignan ng mga kababaihan sa hallway sila Prim.

Kasama pa niya 'yung mga members niya! Tanginang lalaki 'to! Pagkakaguluhan sila ng mga babae 'dito sa school!

"Sup, Pareng Levi! Wala 'dito si Gia!" 'pang aasar ko kay Levi, member ng 4Seconds, sikat na boy group. Member din 'don si Prim. Ewan ko din 'kung pa'no siya naka debut, eh Hinatak ko naman si Prim paalis 'saka siya binatukan.

"Tangina, Prim. Pagkakaguluhan kayo ng mga babae 'di-" natigilan ang pagsasalita ko ng may marinig akong tilian ng mga babae at may nanghihingi ng autograph at picture niya.

Wala na akong nagawa kaya umalis na lang ako 'doon at binalikan si Hanna.

"Ay putanginang palaka!" sigaw ko ng bigla akong pagtulakan ng mga babae para pumunta kanila Levi. Napailing na lang ako 'saka dumeretso para pumunta sa classroom namin nang mag ring na ang bell.

"Okay class, new classmates!" excited na sabi ni Cher Carl.

"Walang mag-guguluhan, okay?" paalala niya sa amin. 'Wag niya sabihing kaklase namin sila Levi at Prim? Or si Cyan? Hindi pwedeng si Kuya Josh dahil senior namin siya.

Napakurap ako ng isa, dalawa.. tatlong beses ng makita ko si Levi, Prim at Cyan na pumasok sa classroom namin na may hawak hawak na upuan dahil wala ng extra dito sa classroom, na-occupy na ni Luxia 'yung last which is 'yung nasa tabi ni Hanna.

Punyetang 'yan. Bakit nagsama sama sila? 'Di naman matalino si Prim, chos.

Nang makita ako ng tatlong sarot, agad nila akong sinaladuhan.

Tinignan pa ako ng mga classmate 'kong babae ng masama. Jowa kayo? Jowa?! Inirapan ko lang sila.

"Hindi niyo na siguro kailangan mag introduce yourself dahil kilala na kayo, 'diba?" itinuro ni Cher Carl 'yung space sa likod para 'doon nila ilagay ang mga upuan nila.

Napailing na lang ako ng pisilin nila isa isa ang pisngi ko. Nambubully nanaman sila! Tse!

"Okay. Class Dismissed! Enjoy your break!" paalam ni Cher Carl 'saka siya umalis sa loob ng classroom. Pagka-labas labas niya pa lang, agad na akong nilapitan ng mga kaklase ko.

"Sami, close kayo?"

"Sami, pakilala mo naman kami!"

"Hingin mo nga 'yung autograph nila para sa amin."

;paulit ulit nilang sabi sa akin.

Tumayo ako, hindi sila pinapansin 'saka hinila si Hanna. Tinuro ko din 'yung tatlong kumag 'saka nag gesture papunta sa rooftop.

"Hoy! Papakamatay ka nanaman ba?" pang-aasar sa akin ni Prim. Tinaasan ko lang siya ng middle finger. He held his chest dramatically.

"Kayo. Kayo. Kayo. Kayong tatlo. Bakit kayo dito nag aral? Hindi Por'ke naka hiatus kayo, 'di na kayo pagkakaguluhan ng tanginang students dito sa school." dinuro duro ko silang tatlo. Si Hanna naman, naiinip ng nagcecellphone 'don. Pasulyap sulyap lang sa kanya si Prim. Tss! Coward!

"They'll talk ill of me, again." ilang beses na ako nagkaroon ng issue sa school. Pero wala akong pake. Nasasaktan man ako, kaya ko pa din lumaban. Duh! Si Saianna ako!

Punyeta! Naalala ko nanaman si Iraine. Aish! 'Yung babaitang 'yon talaga. Subukan niya lang na lumapit lapit sa akin para maging close siya 'dun sa tatlo, ha.

"Baba na. May training pa kami ni Luxia." pagpapaalam ko.

"Sino si Luxia?" sigaw sa akin ni Levi.

"Crush niya!" sagot ni Hanna.

Yawa 'tong babaeng 'to. I rolled my eyes and continued walking down the stairs. Sinundan lang ako ng the four idiots, kasama 'don si Hanna.

"Sami!" speaking of the fucking devil.

"What do you want from me?" mataray 'kong sagot kay Iraine. Sobrang peke talaga ng babaeng 'to. So Annoying!

"I heard your close with the boys of 4seconds, can you introduce me to Levi?" she suddenly said.

"Is that a question? the answer is No." I sarcastically smiled at her.

"Hindi siya question. It's a request." she smiled. Halata namang fake! 'Kala mo 'kung sinong mabait.

"Then it's still, No. I don't accept requests especially YOU."hinaplos ko ang braso niya 'saka ko siya tinalikuran ngunit naramdaman ko ang sakit sa braso ko ng hilain niya 'yon.

"Who the hell are you para talikuran ako ng ganyan?" hinigpitan pa niya ang hawak niya sa braso ko which made me flinch. Agad ko 'yong inalis 'saka ulit siya tinalikuran. Pero mapilit siya at hinarang pa ako.

I looked at her from head to toe. "The thickness of your face, really." napailing ako.

"It bothers me." I smiled sarcastically, again. This time, pinapahalata ko nang ayaw ko sa kanya. Tinalikuran ko ulit siya 'saka naglakad papalayo. Rinig na rinig ko ang nakaka rindi niyang angal.

Nakarating ako sa vending machine sa corridor malapit sa 1st to 2nd floor stairs. Naglagay ako ng 5 peso coin 'don pero ayaw lumabas 'nung mountain dew.

"Sira ba 'to?" nagtatakang tanong ko sa sarili. Nagulat ako ng biglang sipain ni Luxia 'yung vending machine dahilan para mahulog ang isang mountain dew.

"Salamat." umalis na ako ng 'di man lang siya tinitignan. Magpapabebe muna ako para naman maconcern siya at siya ang unang lumapit sa akin.

Tanga mo, Sami! May practice pala kayo! 'Di mo rin lang siya maiiwasan! Wrong turn!!!

I awkwardly smiled at Luxia who was waiting for me in the courts' side bench. Bobo ka, Saianna! Ayan! Awkward!

"You're late. Duty mo ba?" he calmly asked na parang hindi ako nakita kanina. Nagbibiro ba siya or seryoso siya? I don't understand him.

"Nope, but I needed to take care of something." I lied. Nakita ko lang siyang tumango bago kinuha ang raketa niya at tumayo. Nilapag ko na din ang bag ko 'saka kinuha ang raketa ko.

Buti nalang nakapaglagay ako ng contact lens kanina. Ang hirap kaya mag tennis ng may eyeglass na paharang harang.

Nakita 'kong dumating si Levi at Cyan sa tennis court kaya agad akong nagtago. Punyeta! Bakit nanaman sila nandito?!

"Oh, bro! Luxia!" nagulat ako sa sinabi ni Cyan. Nilapitan din siya ni Levi 'saka sila nagyakapan. Magkakilala sila? Seriously?!

"Uy! Sami! Andito ka din pala." sinaluduhan nila ako. Inirapan ko lang sila. Mamaya ko sila tatanungin 'kung paano nila nakilala si Luxia.

"Why are you here?" auto maldita 'pag sila kinakausap. "Hindi kayo pwede dito. Private court 'to ng main and key players." pagtuloy ko. Nakita 'kong tumango si Luxia.

Nga pala? Bakit nandito 'tong lalaking 'to? Bakit kailangan kasama ko siya? Main player na ba siya? Whatever. 'Di man lang ako updated.

"Babantayan ka daw namin sabi ni Kuya mo at ni Prim." sagot ni Cyan. What? Ako babantayan? Bakit?

"What's wrong? Bakit niyo ako babantayan? It's not like I don't want you here, pero parang ganon na rin-" napatigil ako sa sinasabi ko ng biglang dumating si Coach Jia. Nag-bow kami sa kanya to pay respect.

"Nag-apply si Cyan para sa club na'to. Pati na rin si Prim." lumaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Coach Jia.

Ano?! Sila?! What the heck?!

I sighed deeply and pinched their cheeks. "Bakit dito? Pwede namang sa Dance and Choreography Club na lang kayo. Bakit dito pa?"

"Kasi gusto namin. Miss ka namin, eh." sagot naman ne'tong punyetang Cyan.

"Doon ka kay Gia, 'no?" tinaas baba ko ang kilay ko habang kinurot kurot ang bewang ni Levi.

Tss! Malandi sila! Por'ke mag jowa! Sana All!

"Ikaw? Crush mo si Luxia 'no?" balik na tanong sa akin ni Levi. Pabulong lang 'yon pero nagpa-panic pa din ako dahil baka marinig ni Luxia. Pinakyuhan ko siya gamit ang mata ko.

"'Di mo sure." I smiled sarcastically. 'Di ko din sure, huhuness.

Gusto ko ba talaga si Luxia? Pisting Yawa. How to know? Malay ko sa sarili ko.

_______________________________________

; chapter 9. :))